PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Oktubre 18, 2023 – Miyerkules l Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Oktubre 18, 2023 – Miyerkules l Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon






    Ebanghelyo: Lucas 10:1-9

    Humirang ang Panginoon ng iba pang pitumpu't dalawa at isinugo silang dala-dalawa na mauna sa kanya sa bawat bayan at lugar na takda niyang puntahan. Sinabi niya sa kanila: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa; idalangin niyo sa Panginoon ng ani na magpadala siya ng mga mangagawa sa kanyang ani. Lumakad na kayo. Isinusugo ko kayong parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o mga sandalyas. At huwag niyong batiin ang sinuman sa daan. Saanmang bahay kayo pumasok, sabihin muna ninyo: 'Mapasatahanang ito ang kapayapaan!' Kung mapayapang tao ang naroon, sasakanya ang inyong kapayapaan. At kung hindi'y magbabalik sa inyo ang inyong dasal. At sa bahay na iyon kayo manatili; kumain kayo at uminom na kasalo nila sapagkat may karapatan ang manggagawa sa kanyang sahod. Huwag kayong magpapalit-palit ng bahay. Saanmang bayan kayo pumasok at tanggapin nila kayo, kanin ninyo anumang ihain sa inyo. Pagalingin din ninyo ang mga maysakit doon at sabihin ninyo sa kanila: “Palapit na sa inyo ang Kaharian ng Diyos.'”

     

     

    Pagninilay:

    Kaming mga Daughters of St. Paul, nagbabahay-bahay kami dala-dala ang Biblia, mga books, minimedia at rosaries. Dala-dalawa kami. Minsan, nang mapansin namin na halos magkadikit ang bahay, nagkasundo kami na maghiwalay. Si Sister sa isang bahay, ako sa kabila. Nung kumatok ako, nagkakape ang mag-asawa na may-ari ng bahay. Pinapasok nila ako pinaikot ng lolo ang electric fan. Si lola naman, inabot sa akin ang isang tasa ng kapeng barako. Sabi niya, “O Sister, mainit-init pa ang kape, o. Inom na.” Sabay daw-daw ng daliri sa kape para ma-prove na pwede pang inumin.  Hindi ko tinanggihan ang kape.  Alam ko na galing sa kanyang puso ang pag-alok. Kaya hinigop ko at totoo naman na mainit-init pa.  Habang nag-eenjoy kami sa aming coffee, iba-iba ang napag-usapan namin. May masaya, may malungkot, may masakit, at mayroon namang puno ng pag-asa. Malamig na ang huling higop ko ng kape nang magpapaalam ako.  Nag-iwan ako sa kanila ng Banal na Biblia. Nang nakalabas na ako ng kanilang bahay, lalo kong na-treasure ang sinabi ng ating Hesus Maestro na “kanin at inumin anuman ang idulot sa inyo.” Ibang saya ang na-feel ko noon. Thankful ako dahil nagpalitan kami ng good news. Sa inabot ko sa kanilang Banal na Biblia,

    tinanggap ko naman at naging inspirasyon ang aklat ng kanilang buhay. Alam nyo ba? Hanggang ngayon, parang nalalasahan ko pa ang kanilang kape.

    -  Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul

     


    5 min
  • A Thought A Day | October 18 2023

    A Thought A Day | October 18 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our
    mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and
    images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A
    DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection
    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    7 min
  • Mabuting Balita l Oktubre 17, 2023 – Martes l Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Oktubre 17, 2023 – Martes l Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon






    Ebanghelyo: Lucas 11:37-41

    Matapos magsalita si Hesus, inanyayahan siya ng isang Pariseo na kumain sa bahay nito. Pumasok siya at dumulog sa hapag. At nagtaka ang Pariseo nang makitang hindi muna siya naghugas ng kamay bago kumain. Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon: “Kayong mga Pariseo, ugali n’yong linisin ang labas ng mga baso’t pinggan subalit nag-uumapaw naman sa kasakiman at kasamaan ang inyong loob. Mga hangal! Hindi ba’t ang may gawa ng labas ang siya ring may gawa ng loob? Ngunit naglilimos lamang kayo at sa akala n’yo’y malinis na ang lahat.”


    Pagninilay:

    Sa Ebanghelyong ating narinig, pinuna ng mga Pariseo si Hesus dahil hindi Siya naghugas ng kamay ayon sa kaugalian bago kumain.  Pero para sa Panginoon, mas mahalaga ang kalinisan ng kalooban kaysa sa ritwal na paghuhugas na panlabas.  Higit na kinalulugdan ng Diyos ang isang pusong malinis, kaysa sa katawang malinis lang sa panlabas pero bulok at punong-puno naman ng kasamaan sa loob.  Sa panahon natin ngayon na mas pinapahalagahan ang panlabas na anyo kaysa sa panloob – pinapaalalahan tayo ng Ebanghelyo na balansehin ang panahong gigugugol natin sa mga ito.  Dahil ang totoo, tunay na kaakit-akit sa mata ng Diyos at sa mata ng tao ang isang taong maganda at malinis ang panlabas na anyo, at maganda rin ang pag-uugali.  Pero ang isang taong maganda lang sa panlabas, pero sobrang taray at sama naman ng pag-uugali – kinaiinisan, iniiwasan at walang gustong makipagkaibigan.  At ang pinakamasaklap pa niyan, ang mga taong hindi na nga kagandahan ang panlabas na anyo, pero sobrang sama pa ng pag-uugali. 

    Saang kategorya ba ng mga taong nabanggit tayo napapabilang?  Alinman tayo sa mga ito, hindi pa huli ang lahat.  May panahong pang magbago.  Sana naman mas pagtuunan natin ng pansin ang pagkamit ng panloob na kagandahan, dahil tunay na ito lamang ang mananatili hanggang wakas.  Pumanaw man tayo sa mundo, nananatiling buhay ang ating alaala sa mga taong ating tinulungan at nagawan ng kabutihan.  May pitak sa kanilang puso ang ating kagandahang-loob at pinapupurihan nila ang Diyos sa paglikha sa atin.  Mga kapatid, ang isang taong may mabuting kalooban ay tunay na biyaya sa kanyang pamilya, kaibigan at kapwang natulungan. Isa sana tayo sa mga taong ito.  Panginoon, basbasan Mo po ang aking hangaring pakalinisin ang aking kalooban.  Kung paano ko pong inaalagaan ang aking panlabas na anyo at katawan, ganun din sana ang pag-aalagang gawin ko sa aking kaluluwa.  Amen. 



    5 min
  • A Thought A Day | October 17 2023

    A Thought A Day | October 17 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our
    mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and
    images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A
    DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection
    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    6 min
  • Mabuting Balita l Oktubre 16, 2023 – Lunes l Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Oktubre 16, 2023 – Lunes l Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon





    Ebanghelyo: Lucas 11: 29-32

    Nang dumadagsa na ang mga tao, nagsimulang magsalita si Hesus: “Masamang lahi ang lahing ito; humihingi ito ng palatandaan subalit walang ibang palatandaang ibibigay dito kundi ang palatandaan ni Jonas. At kung paanong naging palatandaan si Jonas para sa mga taga-Ninive, gayundin naman ang Anak ng Tao para sa mga tao sa kasalukuyan. Sa paghuhukom, babangon ang Reyna ng Timog kasama ng mga lalaki ng lahing ito at hahatulan sila. Sapagkat dumating s’ya mula sa kabilang dulo ng mundo para masaksihan ang karunungan ni Solomon. Sa paghuhukom, babangon ang mga lalaking taga-Ninive kasama ng salinlahing ito at hahatulan nila ito dahil nagbalik-loob sila sa pangangaral ni Jonas; at dito'y may mas dakila pa kay Jonas.”

     

    Pagninilay:

     “Sige nga, patunayan mo.” Isang paraan ng pagsasabing hindi ka naniniwala hangga’t hindi mapatunayang totoo ang sinasabi sa’yo. Sa ibang salita – wala kang tiwala sa taong kausap mo –hindi siya kapanipaniwala para sa yo. Sa parte ng sinasabihan mo nito, kung seryoso siya sa pagsasabi ng katotohanan o sa pagbibigay ng babala sa’yo, puwedeng iba-iba ang maging reaksyon niya. Kung wala siyang pakialam, maniwala ka man o hindi, malamang hindi siya magsasayang ng oras, para patunayan na totoo ang sinasabi niya. Pero kung may concern siya sa’yo, o mahalagang papaniwalain ka – hahaba pa ang usapan para lang makumbinsi ka. Sa Mabuting Balita natin ngayon, wala alin man dito ang reaksyon ni Hesus, sa mga naghahanap ng tanda (o sign). Tinawag niyang masama ang henerasyong may ganitong pag-iisip. At wala rin silang mapapalang tanda bukod sa tanda ni Propeta Jonas. Alam ni Hesus na ang paghahanap ng tanda ay pag-iwas sa tawag niyang magsisi, magbagong loob, makinig sa Mabuting Balita na sinabi niya bago ang tekstong ito (Lk 27-28). Bakit? Kasi may kakailanganin silang baguhin, iwasan, mga masasamang bisyong dapat paglabanan. Ito ang mga bagay na nagdudulot ng mga panandaliang saya sa

    buhay, pero nakakasama sa ating buhay espiritwal. Pero dahil komportable na tayo na gawin ang mga ito, mas madaling piliin na manatili at wag ng baguhin. Mga kapanalig, isa lang naman ang gusto ni Hesus sa atin, kaya niya sinasabi ito – na magbalik loob ang mga makasalanan, upang makasama tayong lahat sa piling ng Diyos. 

     Manalangin tayo:  Panginoong Hesus, tulungan nyo po kaming mabuksan ang aming isip, na huwag magbingi-bingihan sa tawag nyong pagsisisi at pagbabalik loob sa Diyos at biyayaan kami ng paghahangad na makasama kayo sa buhay na walang hanggan. Amen. 

     

    -Sr. Reajoy San Luis, fsp l Daughters of St. Paul

     

     

     

     


    5 min
  • Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Gerard Majella, Patron Saint of all Mothers | October 16

    Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Gerard Majella, Patron Saint of all Mothers | October 16

     

     


    Why a young lay brother is principally proclaimed patron of mothers, expectant mothers and childbirth is a real puzzle. Why not a female saint, but the life story of our saint today, St. Gerard Majella will tell us why. Gerard, the youngest son of five children, was born in Muro, southern Italy on April 6, 1726. Being frail, he was immediately taken to the church for Baptism after his birth. He grew up to be a very prayerful boy and even when he was just five, he would pray daily in a small chapel near his home. Often, he would bring home a loaf of bread. Asked where the bread came from, he would say that “a most beautiful boy” gave it to him. When his sister secretly followed him to the chapel one day, she saw him praying before the statue of Mary holding the Child Jesus. After a short while, Jesus went down and played with Gerard, then gave him a loaf of bread and sent him home.

    When Gerard was twelve years old his father, who was a tailor, died and to help the family, his mother sent him to his uncle so as to teach him the work of his father. Though the foreman was abusive, Gerard kept silent but when his uncle knew about it he was told to  resign.  Then, he became a houseboy in the Bishop’s house. When the Bishop died, Gerard tried to work on his own and the money he earned he gave half to his mother, gave some to the poor and offered Masses for the souls in Purgatory. He entered the Capuchin Order two times but he did not

    persevere due to his poor health. In 1749, he joined the Redemptorists and after three years he became a lay brother. He professed the three vows of poverty, chastity and obedience and stayed close with the poor. He worked in the community as a gardener, sacristan, infirmarian, tailor, porter, cook, carpenter and foreman on a building construction. He was often called to minister to the sick. And he graciously accepted any call by saying he was available to “do the will of God.” His charity, service,
    obedience, prayerful life, and penances made him a perfect model for lay brothers.  At 27, he was falsely accused by a girl, saying he was the father of the child she was carrying. The superior general, St. Alphonsus, reprimanded him, denied him the privilege of receiving Holy Communion and prohibited him from having contact with outsiders. Gerard bore with patience this calumny and doubled his penances and prayer. But when the girl got seriously ill and no remedy was available to heal her, she retracted and wrote St. Alphonsus that she had lied. Although he was vindicated, Gerard did not show any self-complacency. He just thanked God for saving him from such a terrible trial. The life of Gerard was replete with miraculous events. He often fell into ecstasy while in prayer. He had also the gift of levitation and bi-location. His apostolate for mothers began when the handkerchief he left in a certain house was afterwards instrumental in curing a woman giving birth. Gerard was always frail in health. In 1755, he had a strong hemorrhage but his superior commanded him to get up. He got up and was
    well for a month, yet he knew he was dying. He died in the morning of October 15, 1755 at 29 years old. He was beatified on January 29,1895 by Pope Leo XIII and was canonized on December 11, 1904 by Pope Pius X. He was proclaimed patron of mothers, expectant mothers, child birth, falsely accused, unborn children.

    Virtue: piety, humility, patience, obedience, charity, integrity, forgiveness and contentment

    Prayer: “St. Gerard, please pray for the conversion of those who calumniate others.”

     

     

     

     

     

     



     

     

    6 min
  • A Thought A Day | October 16 2023

    A Thought A Day | October 16 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our
    mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and
    images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A
    DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection
    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    6 min
  • Mabuting Balita l Oktubre 15, 2023 – Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita l Oktubre 15, 2023 – Ika-28 na Linggo sa Karaniwang Panahon





    Ebanghelyo: Mateo 22:1-14

    Muling nagsalita si Hesus sa pamamagitan ng mga Talinhaga: “Tungkol sa nagyayari sa kaharian ng Langit ang kwentong ito: May isang haring naghanda sa kasal ng kanyang anak na lalaki. Ipinatawag niya sa mga katulong ang mga imbitado sa kasalan ngunit ayaw nilang dumalo. Muli niyang pinapunta ang iba pang mga katulong upang sabihin sa mga inanyayahan sa kasalan: ‘Naghanda ako ng pagkain, nagpatay ng mga toro at mga pinatabang hayop; handa na ang lahat kaya pumarito na kayo sa kasalan.’ Ngunit hindi nila pinansin ang paanyaya, sa halip ay may pumunta sa kanyang taniman, at sa kanyang negosyo naman ang isa pa. Sinunggaban naman ng iba pa ang mga katulong ng hari, nilibak at pinatay. Lubhang nagalit ang hari kaya’t ipinadala niya ang kanyang hukbo upang puksain ang mga mamamatay-tao at sunugin ang lunsod. At sinabi niya sa kanyang mga katulong: ‘Handa na ang kasalan ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan. Pumunta kayo ngayon sa dulo ng lunsod at anyayahan sa kasalan ang bawat makita ninyo.’ Kaya agad na lumabas sa mga daan ang mga katulong at tinipon ang lahat ng makita, masama at mabuti, at napuno ang kasalan ng mga nasa hapag. Pagkatapos ay dumating ang hari upang tingnan kung sino ang mga

    nasa hapag at napansin niya ang isang lalaking hindi nakadamit-pampeyesta. Kaya’t sinabi niya sa kanya: ‘Kaibigan, papaano ka nakapasok nang walang damit pangkasal?’ Ngunit hindi umimik ang tao. Kaya sinabi ng hari sa kanyang mga katulong: ‘Igapos ang kanyang mga kamay at paa, at itapon sa dilim, kung saan may iyakan at pagngangalit ng mga ngipin.’ Marami ngang talaga ang tinawag ngunit kakaunti ang pinili.”



    Pagninilay:

    Tampok din ang kasalan sa ating mabuting balita ngayong araw. Pinakita dito ang maganda at magarbong handaang inihanda ng hari. Nakita rin natin kung paano ito ini-snob ng mga taong unang nakabatid nito, pero hindi nagpatinag ang hari at binuksan ang masayang pagdiriwang para sa lahat. At nagsipuntahan ang lahat, pero may isang dumalo na hindi angkop ang kasuotan. At siya’y pinarusahan dahil dito. Mga kapanalig, tayong lahat din ay may imbitasyon mula sa Diyos, ang Ama nating hari. Pero ito’y hindi lamang para makidalo, makikain, at makisaya panandali. Ang Kanyang paanyaya ay tumuloy ng buong buo sa Kanyang tahanan at maging ganap na bahagi ng Kanyang pamilya. Tulad ng pagdalo sa kasal, ang ating pagtugon ay isang pangako na pang habambuhay. Kapanalig, paano ka ba tumutugon sa paanyaya ng Diyos? Sapat na ba para sayo ang pagsisimba at pagdarasal paminsan minsan? Tandaan: ang pagtugon sa Diyos ay dapat magdulot ng pagbabago ng ating pagkatao at pamumuhay.

    -     Fr. Albert Garong, SSP l Society of St. Paul


    4 min
  • A Thought A Day | October 15 2023

    A Thought A Day | October 15 2023

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our
    mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and
    images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A
    DAY”.
    #pray #withme #gospel #reflection
    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay
    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/
    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM
    Send your donations and love offerings to:
    G-CASH: 09686313280
    METROBANK (Dollar Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    METROBANK (Peso Account)
    BRANCH: Skyland Plaza, Makati
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6
    SWIFT CODE: MBTCPHMM
    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)
    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.
    ACCOUNT NUMBER: 002620011465


    7 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.