Question 27: Ano ang nauunawaan mo tungkol sa pagkalinga (providence) ng Diyos? Ang pagkalinga ng Diyos ay ang Kanyang makapangyarihan at namamalaging lakas, kung papaanong, parang sa pamamagitan ng Kanyang kamay mismo, ay patuloy Niyang pinangangalagaan ang langit at ang lupa at ang lahat ng nilalang, at Kanyang pinamamahalaan ang mga ito ng sa gayon ang dahon at damo, tag-ulan at tag-tuyot, mabunga at tigang na panahon, pagkain at inumin, kalusugan at karamdaman, kasaganahan at kawalan, sa katunayan, ang lahat ng bagay, ay hindi dumarating ng ayon sa sapalaran kundi sa pamamagitan ng Kanyang mapagpalang kamay bilang Ama.
Question 28: Ano ang kapakinabangan para sa atin na malaman na nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at patuloy Niyang inaalagaan ang mga ito sa pamamagitan ng Kanyang pagkalinga? Tayo ay magiging mapagtiis sa pagsubok, mapagpasalamat sa kasaganaan, at sa pagharap sa kinabukasan ay magkaroon tayo ng matatag na katiyakan sa ating matapat na Diyos at Ama na walang anumang nilikha ang makapaghihiwalay sa atin sa Kanyang pag-ibig; sapagkat ang lahat ng nilikha ay lubusang nasa ilalim ng Kanyang kapangyarihan at maliban sa Kanyang kalooban ay ni hindi sila makakikilos.