
Sign up to save your podcasts
Or


Isang pangyayari ang naging laman ng usap-usapan sa Parokya. Ito ay ang paglabas ni VP Sara Duterte-Carpio sa isang press conference, at mga mabibigat na pagsasalaysay nito tungkol sa kanyang "real score" (hanep! Parang love team) sa kanyang katambal na si Pres. Ferdinand "Bong Bong" Marcos or kilala sa tawag na PBBM at sa kasalukyang administrasyon.
Usapan sa Parokya ang mga trending collaborations o pagsasama ng mga singer/artists para sa mga hit na hit na music singles or albums. Dagdag na din, dahil nasa Spotify at YouTube ang The Parokyanos Show. Napag-uusapan na din ang mga playlists na pinakikinggan ng ating mga hosts ng Show.
Binalikan nina Lem at Cris ang kanilang 1st ever podcast guestings, partikular sa Down Town Alley Podcast. Plus, ang kanya-kanyang karanasan sa pagpasok sa mundo ng podcasting.
A BIG Match Coming...
Sa mga nakaraang episode ng The Parokyanos Show. Ating nakapanayam ang isang Hispanohablante (Spanish speaker). Sa episode na ito, isang sikat na tao naman na kaya magsalita at makipag-ugnayan sa maraming wika ang makakasama natin. Kilalanin natin si Par, Prince Aljohn Mogatas o mas kilala bilang "Aljohn Polyglot"!
Unang araw ng Oktubre hanggang sa katapusan ng parehong buwan ay binuksan na ang pagpasa ng mga kanya kanyang Certificate of Candidacy ng mga nais na maglingkod sa ating Bayan. Narito ang Parokyanos kasama ng Parokyanos Big Brother na si Kuya Owen Reyes na maglalabas ng mga impormasyon, kuro-kuro o opinyon sa mga personalidad na naghayag ng kanilang layun sa pagtakbo para sa posisyon sa pamahalaan. Bonus na rin, ang talakayan tungkol sa sistemang meron tayo.
Mga Kaparokya, minsan ba dumating sa mga buhay niyo na nagbalak na makapanood mismo ng isang concert or tour ng paborito niyong artist o musikero, o kaya ng isang "big event"? Kung Oo, e... ang maubusan ng ticket o madale ng "scalper". Narito ulit! Ang nagbabalik, ang Big time at Kuya ng lahat, na si Owen Reyes. Upang ibahagi ang kanyang karanasan at bugso ng damdamin sa katulad na pangyayari.
¡¿Que es bueno?! Kaparokya. Sa pagpapatuloy ng ating episode tungkol sa Wikang Español. Atin naman itong aaralin at gawan ng aplikasyon sa isang maliit na pag-uusap. Siyempre, sa pagtuturo at gabay pa rin ng ating amigo, Señor Rafael Aldeguer. Kaya, mga Kaparokya. ¡Ven y aprende de The Parokyanos Show!
"Wikang Español, kakabit ng ating pagkakakilanlan." 'Di ba pamilyar mga Kaparokya ang mga katagang ito? Lalo na kung sumasakay ka sa LRT o MRT noon? Sa Episode na ito makakasama natin ang isa sa mga amigo ng Parokya na si Señor Rafael Aldeguer. Bibigyan niya tayo ng introducción sa Wikang halos nakaugnay na sa atin mga Pilipino. Dagdag na rin, kung paano siya nahilig, aralin at pagyamanin ito. Sumama na sa talakayan at matuto!
Goods na goods! Mga Kaparokya. Isa sa mga host ng The Parokyanos Show na si Cris Bermejo ay may nasamahang gawain na mayroong dakilang layunin para sa bayan. Sa episode na 'to, kaniyang ibabahagi sa Parokya ang kanyang mga kaganapan mula sa isang linggong gawain na may kinalaman sa pagbuo ng Pambansang Plano para sa Karapatang Pantao.
From the publisher's feed