The Parokyanos Show

The Parokyanos Show

By Lem Labasbas and Cris BermejoComedyComedy Interviews
Download on the App Store

The Parokyanos Show episodes

  • 020: The Parokyanos Comfort Show

    Kaparokya! May mga pagkakataon tayo na galing sa mga kanya kanyang gawain na pagod na pagod at stress. Minsan, kanya kanya din tayo hanap ng mga bagay na puwede makapagbigay sa atin ng "comfort".

    Sa episode na 'to, ating pag-uusapan 'yung mga palabas, pelikula or serye (series) na masasabi natin na nakapagpagaan ng ating mga pakiramdam.
    #TheParokyanosComfortShow

    47 min
  • 019: Formula One 101

    Ready, Set, Gooooooo!!! Pamilyar ba kayo sa Netflix Series na "Drive To Survive"? Sa episode na ito ating tatalakayin ang isa sa mga kapana-panabik na sports na hindi lang kinahihiligan ng ating mga kasama sa Parokya, kundi pati na rin ng ating Pangulo. Ang Formula 1 o F1! Makakasama natin ang F1 enthusiast ng Parokya na si Adrian Gali sa talakayang ito.

    Tara! Ating alamin at kilalanin ang sports na ito!!! VrooOOoom!!!
    #ParokyanosF1
    #TheParokyanosGrandPrix
    #TheParokyanosShow

    48 min
  • 018: See Eee OOooh!

    Kaparokya, napansin niyo ba yung mga dumaraming Chief Executive Officer o CEO? Kung Oo. Sa Episode na ito, pag-uusapan natin yan. Lahat ba ng magtatatag ng kanya-kanyang negosyo ay puwede tawagin CEO. Makilahok sa aming usapan, nang maliwanagan natin ang isa't isa tungkol sa paksa.

    #ParokyanosSeeEeOOooh
    #TheParokyanosShow

    25 min
  • 017: Elementary School Days: Pang-umaga o Pang-hapon?

    Muling alalahanin ang saya ng panahon ng kamusmusan. Ang ating mga "Dealers" ay ibinahagi ang kanilang mga "goods" experiences noong elementary school days nila. Mga Kaparokya, ano ba mas goods? Pang-umaga ba o pang-hapon? Makilahok sa aming pagbabalik-tanaw.

    #ParokyanosSaElementarya
    #TheParokyanosShow

    58 min
  • 016: Plano at Pangarap sa Buhay

    Gaya din lahat ng tao at mga Kaparokya. Siyempre, ang inyo po mga lingkod ay may mga pangarap at plano din sa buhay. Dito, aming tinalakay ang aming mga plano at pangarap sa buhay at mga hamon na hinarap din namin habang nasa daan na tinatahak namin tungo sa mga kanya-kanyang pangarap. Dahil nga kami ang inyong "goods dealer", gusto namin ang bawat isa sa atin sa Parokya ay ma-inspire na mangarap at magpatuloy mahalin ang buhay.

    #ParokyanosPlanoAtPangarap
    #TheParokyanosShow

    31 min
  • 015: PNP - Payo ng Parokyanos: LDR

    May pinaunlakan ang The Parokyanos Show na isang liham mula sa isang Kaparokya na humihingi ng payo o "advice" tungkol sa kanyang suliranin, ang mag-"cope up" sa isang Long Distance Relationship o LDR. Dahil diyan, narito ang PNP! Payo Ng Parokyanos na handang tumulong sa mga Kaparokya.

    #PayoNgParokyanos
    #PNPLongDistanceRelationship
    #TheParokyanosShow

    32 min
  • 014: Anime (アニメ) !!!

    こんばんはパロキアノス (Magandang araw, mga Kaparokya)!!! Samahan natin ang ating mga Bida na sina Lem, Cris, Eyds at RJ sa isang paglalakbay sa mundo ng Anime. Ang kanilang misyon ay maibahagi sa Parokya ang mga "goods" na kailangan para magapi ang pOOwersa ng kadiliman at kasamaan. Magagawa kaya nila ito?

    #ParokyAnime
    #TheParokyanosShow

    54 min
  • 013: PWE!: Parokyanos Wrestling Entertainment

    Welcome to the Parokyanos Wrestling Entertainment, PWE! entering the ring, the dynamic duo and your defending PWETag Team Champions, the come backing Freshly Squeezed Lemmy and Cris Jericho Rosales. The challengers, Adrian Gali-bble and RJ Truth witnessed the walking trouble they entered... And this main event is gonna be awesooOOoome!!!

    #ParokyanosWrestlingEntertainment
    #PWETagteamchampionship
    #TheParokyanosShow

    53 min
  • 012: Here Comes The Rain Again

    Heto na naman! Ang panahon ng tag-ulan sa 'Pinas. Panahon na naman para sa mainit na S... Sopas o sabaw. Sabay maaalala mo yung mga goods na ginagawa o pinagkakaabalahan, pati na rin food trip mo sa mga ganitong panahon. Kaparokya! Share naman diyan ng mga HERE COMES THE RAIN AGAIN moments niyo.

    #ParokyanosHereComesTheRainAgain
    #TheParokyanosShow

    44 min

About The Parokyanos Show

From the publisher's feed

Started from being football fans eventually turned to best men in life. Parokyanos CF's Lem and Cris have entered the game of life and will talk everything under the sun. Kicking off strong and that's the only goal!