Learn Filipino with FilipinoPod101!
Don't forget to stop by FilipinoPod101.com for more great Filipino Language Learning Resources!
-------Lesson Dialog-------
----Formal ----
ANO ANG KINAKAIN NG MGA HAYOP
BAKIT KAILANGANG KUMAIN?
Lahat ng mga hayop ay kailangang kumain upang manatiling buhay.
Pagkain ang tumutulong sa mga hayop upang maging malakas at manatiling malusog.
Pagkain din ang nagbibigay sa mga hayop ng lakas para gumalaw.
Ang mga hayop ay kumakain ng iba't-ibang uri ng pagkain.
Maaari nating i-grupo ang mga hayop batay sa uri ng mga pagkain na kanilang kinakain.
MGA KUMAKAIN NG HALAMAN
Maraming mga hayop na kumakain lang ng mga halaman.
Ang mga hayop na ito ay maaaring kumain ng damo, dahon, o bulaklak.
Maaari din silang kumain ng mga bunga, prutas, o iba pang mga parte ng halaman.
Ang ilang mga hayop ay kumakain din ng balat ng puno!
Ang mga tipaklong at iba pang mga insekto ay kumakain lamang ng mga halaman.
Maraming mga uod ang kumakain ng mga halaman habang sila ay lumalaki.
Kapag sila ay naging paru-paro, sila ay umiinom ng nektar ng bulaklak.
Ang mga bubuyog ay umiinom din ng nektar ng bulaklak.
Ang daga ay kumakain ng buto, prutas, mga ugat, balat ng puno, at iba pang parte ng halaman.
Ang mga kuneho at pagong ay kumakain ng damo, dahon, at iba pang halaman.
Ang mga higanteng panda ay kumakain ng mga dahon ng kawayan.
Ang mga dugong ay kumakain ng mga halaman na tumutubo sa tubig.
Karamihan sa mga hayop na may kuko ay mga kumakain ng halaman.
Ang mga kabayo, mga zebra, usa, at mga elepante ay kumakain lamang ng mga halaman.
Ang mga halaman ay ang tanging pagkain ng mga kambing, tupa, at pati na rin ng mga kamelyo.
MGA KUMAKAIN NG KARNE
Ang ilang mga hayop ay kumakain ng ibang hayop.
Ang mga hayop na ito ay kumakain ng karne.
Ang kanilang pagkain ay maaaring mga insekto, isda, o iba pang mga hayop.
Ang ilang kumakain ng karne ay nanghuhuli o nag-iipon ng kanilang pagkain.
Ang mga gagamba ay gumagawa ng mga sapot upang manghuli ng mga insekto.
Ang mga anteaters ay nilalagay ang kanilang mahahabang mga dila sa punso.
Ang mga sea otter ay kumukuha ng mga alimango, mga bituing dagat, at iba pang hayop mula sa mga halamang-dagat.
Ang ilang kumakain ng karne ay nanghuhuli ng kanilang pagkain.
Maraming mga palaka at mga paniki ang nanghuhuli ng mga insekto para kumain.
Ang mga penguin ay nanghuhuli at kumakain ng isda at iba pang mga hayop sa karagatan.
Ang mga leon at iba pang malalaking pusa ay nanghahabol, nanghuhuli, at kumakain ng mga hayop na may mga paa.
Ang mga kuwago at mga lawin ay nanghuhuli ng daga, mga kuneho, at iba pang hayop para kumain.
Ang ilang mga kumakain ng karne ay kumakain ng mga hayop na patay na.
Sila ang tagapaglinis ng kalikasan.
Ang mga malalaking ibon na ito ay kumakain ng mga patay na hayop.
MGA KUMAKAIN NG HALAMAN AT KARNE
Ang ilang mga hayop ay kumakain ng mga halaman at mga hayop.
Ang mga raccoon ay kumakain ng mga prutas, bunga at mga berry.
Kumakain din sila ng mga insekto, mga palaka, isda, daga, at mga itlog.
Ang mga unggoy ay kumakain ng mga halaman at pati na rin mga hayop.
Ang mga unggoy ay nakatira sa maraming lugar sa buong mundo.
Ang iba't-ibang lugar ay mayroong iba't-ibang pagkain para sa mga hayop na ito.
Ang mga itim na oso ay kumakain ng mga berry, bunga, buto, damo, at iba pang mga halaman.
Kumakain sila ng mga insekto, isda, pati na rin maliliit at mabalahibong mga hayop.
Kumakain din sila ng mga hayop na patay na, at GUSTO nila ng pulot-pukyutan!
----Formal English----
WHAT ANIMALS EAT
WHY EAT?
All animals must eat to stay alive.
Food helps animals be strong and stay healthy.
Food also gives animals energy to move.
Animals eat many different kinds of food.
We can group animals by the kinds of food th [...]