Learn Filipino with FilipinoPod101!
Don't forget to stop by FilipinoPod101.com for more great Filipino Language Learning Resources!
-------Lesson Dialog-------
----Formal ----
KATUBIGAN NG MUNDO
TUBIG SA BUONG PALIGID
Tignan ang iyong kapaligiran.
Ang tubig ay nasa lahat ng dako.
Ang tubig ay bumabagsak mula sa kalangitan at umaagos sa kalupaan.
Ito ay napupunta sa lupa at pinupuno ang mga anyong-tubig.
TUBIG BILANG LIKIDO
Malaking parte ng ating planeta ay nababalot ng tubig.
Ang tubig ay nasa mga karagatan, mga ilog, mga lawa, at mga sapa.
Ang tubig ay bumubuhos mula sa ulap bilang ulan.
Ang lahat ng tubig na ito ay nasa estadong likido.
Ang likidong tubig ay maaaring umagos mula sa isang lugar patungo sa isa pa.
Sumusunod ito sa hugis ng anumang kinalalagyan nito.
TEMPERATURA
Ang tubig ay maaaring magbago mula sa estadong likido at maging iba pang estado.
Ang tubig ay nagbabago mula sa isang estado papunta sa iba pa dahil sa temperatura.
Ang temperatura ay kung gaano kainit o kalamig ang isang bagay.
TUBIG BILANG SOLIDO
Isipin mo ang ulan na bumubuhos mula sa langit.
Ang ulan ay nasa estadong likido.
Anong mangyayari kung ang panahon ay maging sobrang lamig?
Tama iyon-ang ulan ay magyeyelo!
Kapag ang ulan ay nagyelo, ito ay nagbabago mula sa estadong likido papunta sa estadong solido.
Ang estadong solido ng tubig ay yelo.
Ang yelo ay matigas, at ito ay may sariling hugis.
Ang nyebe ay maliliit na mga piraso ng yelo.
Ang ilang mga bundok ay may malalaking piraso ng yelo, na tinatawag na glacier.
Ang mga icicle ay isa ring porma ng yelo.
Anong mangyayari sa yelo kung ang panahon ay uminit?
Ang yelo ay matutunaw at magiging likido muli!
TUBIG BILANG GAS
Anong mangyayari sa likidong tubig kapag ang temperatura ay sobrang init?
Ang mga putik ay nawawala kapag lumabas ang araw.
Saan napupunta ang likidong tubig?
Ang enerhiya mula sa araw ay nagiging dahilan ng pagbabago ng estado ng tubig.
Ang tubig ay nagbabago mula sa estadong likido papuntang estado ng gas.
Ang tubig ay sumisingaw, o sumasama sa hangin.
Ang tubig sa estadong gas ay singaw ng tubig.
Ang singaw ng tubig ay maliliit na tubig sa hangin.
Hindi mo makikita ang singaw ng tubig, ngunit maaari mong maramdaman ito.
Ang singaw ng tubig ang dahilan ng paglagkit ng pakiramdam kapag mainit ang araw.
Ang singaw ng tubig ay nagbabago kapag ang temperatura ay bumababa.
Ang singaw ng tubig ay bumibigat at nagiging likidong tubig.
At makikita mo itong muli!
TUBIG PARA SA BUHAY
Ang mga halaman at mga hayop ay nangangailangan ng tubig.
Ang tubig ay tumutulong sa lahat ng nasa Mundo para mabuhay.
----Formal English----
EARTH’S WATER
WATER ALL AROUND
Look around you.
Water is everywhere.
Water falls from the sky and flows overland.
It goes into the ground and fills bodies of water.
WATER AS A LIQUID
Most of our planet is covered with water.
Water is in oceans, rivers, lakes, and ponds.
Water falls from clouds as rain.
All this water is in a liquid state.
Liquid water can flow from one place to another.
It takes the shape of whatever it is in.
TEMPERATURE
Water can change from a liquid state to other states.
Water changes from one state to another because of temperature.
Temperature is how hot or cold something is.
WATER AS A SOLID
Think about rain falling from the sky.
The rain is in a liquid state.
What happens if the weather gets very cold?
That’s right—the rain freezes!
When rain freezes, it changes from a liquid state to a solid state.
The solid state of water is ice.
Ice is hard, and it has its own shape.
Snow is tiny pieces of ice.
Some mountains have huge pieces of ice, called glaciers.
Icicles are another form of ice.
What happens to the ice if the weather gets warm?
The ice melts and becomes a liquid again!
WATER AS A GAS
What happens to liquid water when the temperature i [...]