Learn Filipino with FilipinoPod101!
Don't forget to stop by FilipinoPod101.com for more great Filipino Language Learning Resources!
-------Lesson Dialog-------
----Formal Filipino----
LIGTAS NA PAGBIBISIKLETA
PAGBIBISIKLETA
Gusto mo ba ang pagbibisikleta?
Ang pagbibisikleta ay napakasaya.
Nakakatulong ito na makarating ka sa mga lugar na gusto mong puntahan.
Nakakatulong din ito na ikaw ay maging malusog at malakas.
Mahalaga na maging ligtas habang ikaw ay nagbibisikleta.
Ang mga aksidente ay maaaring mangyari, at ang mga nagbibisikleta ay maaaring masaktan.
Panatilihing bukas ang iyong mga mata at alisto ang kaisipan.
Sundin ang mga payo sa librong ito upang maging ligtas habang nagbibisikleta.
PAG-AARAL NG PAGBIBISIKLETA
Ikaw ba ay nagsisimula pa lang mag-aral magbisikleta?
Magsanay sa parke o sa isang bakanteng lugar.
Mag-aral na mag-balanse, magmaneho, at pumedal
Kapag ikaw ay gumaling, magsanay magbisikleta paikot sa mga bagay-bagay.
Kontrolin ang bisikleta habang nakasakay sa palibot ng mga lubak sa gilid ng kalsada.
Panatilihin ang iyong balanse habang ikaw ay nagbibisikleta paikot ng basurahan, mga poste o mga upuan.
Mag-ingat kapag may mga taong naglalakad.
Mag-ingat sa iba ring nagbibisikleta.
KALIGTASAN SA MGA SASAKYAN
Ngayon ay mahusay ka ng magbisikleta.
Handa ka ng magbisikleta ng mas malayo sa bahay.
Maging napaka-maingat sa daloy ng trapiko.
Umiwas sa mga abalang kalsada.
Ang mga sasakyan ay kadalasang mabibilis.
Ang mga nagmamaneho ng sasakyan ay kadalasang hindi nakikita ang mga nagbibisikleta.
Sundin ang lahat ng ilaw trapiko at mga senyales.
Tumigil sa lahat ng senyales ng paghinto.
Laging huminto at tumingin sa parehong direksiyon bago tumawid.
Tumawid lamang sa mga tamang tawiran.
Siguraduhin na ang lahat ng sasakyan ay nakahinto.
Maglakad kasama ang iyong bisikleta kung tatawid sa abalang tawiran.
Magbisikleta sa iisang linya kasunod ng ibang nagbibisikleta.
Isipin ang sarili kapag aandar o hihinto.
Huwag basta-bastang gawin ang mga bagay na ginagawa ng iba.
Sa anong direksiyon papunta ang mga sasakyan?
Magbisikleta sa parehong direksiyon na tinatahak ng mga sasakyan.
Huwag magbisikleta malapit sa mga nakaparadang sasakyan.
Ang pinto ng sasakyan ay maaaring madaling mabuksan.
GAMIT ANG IYONG MGA KAMAY
Hawakan ang manibela habang nagbibisikleta.
Ang isang kamay ay ayos lang, ngunit ang dalawang kamay ay mas maigi sa lahat ng oras.
Gumamit ng mga senyales gamit ang kamay kapag lumiliko.
ANO ANG DAPAT ISUOT
Magsuot ng helmet sa lahat ng oras.
Ang helmet ay makatutulong na iligtas ang iyong ulo kung sakaling ikaw ay bumagsak.
Siguraduhing kumuha ng helmet na sukat sayo.
Ang mga sapin sa kamay na pang-bisikleta ay maganda ding isuot.
Tinutulungan ka nitong magkaroon ng mahigpit na kapit sa manibela.
Magsuot ng matitingkad na mga kulay upang makita ka ng mga nagmamaneho.
Huwag magbisikleta sa gabi.
Masyadong mahirap para sa mga nagmamaneho na makita ka sa dilim.
HANDA NG MAGBISIKLETA
Magbisikleta kasama ng mga kaibigan o miyembro ng pamilya.
Ikaw ay mas ligtas kung magbibisikleta na may mga kasama.
Ngayon ay handa ka na sa masayang pagbibisikleta.
Maging ligtas at magkaroon ng masayang oras!
----Formal English----
BIKE SAFETY
RIDING A BIKE
Do you like riding a bicycle?
Bike riding is a lot of fun.
It helps you get to places you want to go.
It also helps you be healthy and strong.
It is important to be safe when you ride.
Accidents can happen, and riders can get hurt.
Keep your eyes open and your thinking cap on.
Follow the tips in this book to stay safe when you ride.
LEARNING TO RIDE
Are you just learning to ride a bike?
Practice in a park or other empty place.
Learn to balance, steer, and pedal.
When you get better, practice ri [...]