Learn Filipino with FilipinoPod101!
Don't forget to stop by FilipinoPod101.com for more great Filipino Language Learning Resources!
-------Lesson Dialog-------
----Formal Filipino----
PAANO ANG PAKIKIPANAYAM
ANO ANG PAKIKIPANAYAM?
Gusto mo bang malaman ang tungkol sa isang tao o bagay?
Isang masayang paraan upang makakuha ng kaalaman ay ang pakikipanayam sa iba.
Ang pakikipanayam ay isang pagpupulong kung saan ikaw ay nagtatanong.
Ang pakikipanayam ay madali lang at masaya!
SINO ANG KAKAPANAYAMIN
Gusto mo bang makilala ng lubusan ang ilang lolo at lola o ang iyong kapitbahay?
Marahil ay gusto mong makilala ang iyong guro o isang kaibigan.
Madalas na ang mga tao ay masayang ibahagi ang kanilang sariling buhay.
MGA TANONG NA DAPAT ITANONG
Sabihin nating gusto mong mas kilalanin ang iyong lolo.
Maaari kang magtanong tungkol sa iba't-ibang bahagi ng kanyang buhay.
KABATAAN
1. Anong taon ka ipinanganak?
2. Saan ka ipinanganak?
3. Lumaki ka ba sa lungsod o sa probinsiya?
4. Mayroon ka bang kahit anong alagang hayop?
5. Ano ang pinaka-naaalala mo noong panahong kaedad mo ako?
PAGTANDA
1. Ano ang naging trabaho mo?
2. Paano mo nakilala si lola?
3. Ilang iba't-ibang bansa na ang natirahan mo?
4. Saan ka pumunta sa iyong pinaka-paboritong bakasyon?
NGAYON
1. Ilang taon ka na ngayon?
2. Ano ang mga paborito mong pampalipas-oras?
3. Ano ang pinaka-ipinagmamalaki mo?
4. Ano ang tatlong bagay na gusto mo sa buhay mo?
Sabihin sa lolo mo na magdala ng lumang larawan na maaaring i-kuwento sayo.
Sabihin din na magdala ng kahit anong tungkol sa buhay niya na makakapagbigay surpresa sayo.
ANO ANG MGA DADALHIN
Makihalubilo sa iyong lolo para sa panayam kung kaya mo.
Ito ay magandang paraan upang gawin ang panayam.
Magdala ng kwaderno at lapis upang makapagtala.
Alalahanin na dalhin ang iyong listahan ng mga tanong!
Magdala din ng kamera at ilang paraan para ma-rekord ang panayam.
Gugustuhin mong marinig ito sa hinaharap.
HABANG NANGYAYARI ANG PAKIKIPANAYAM
Dumating sa oras o mas maaga para sa pakikipanayam.
Pasalamatan ang iyong lolo sa pakikipagkita sayo.
Magtanong ng mga detalye upang maging mas interesante ang pakikipanayam.
Magsulat ng maraming tala habang nagsasalita ang iyong lolo.
Magtanong kung mayroon kang hindi naiintindihan.
Muling pasalamatan ang iyong lolo pagkatapos ng panayam.
PAGKATAPOS NA PANAYAM
Gumawa ng marami pang tala pagdating ng bahay.
May maaalala ka pa tungkol sa panayam.
Pakinggang muli ang ni-rekord upang may mas maalala pa.
Isulat ang iyong panayam tulad ng isang report.
Ibahagi ito sa iyong pamilya at mga kaibigan.
Ano ang iyong natutunan habang ginagawa ang panayam?
----Formal English----
HOW TO INTERVIEW
WHAT IS AN INTERVIEW?
Do you want to learn more about a person or subject?
A fun way to learn is to interview someone.
An interview is a meeting where you ask questions.
Interviews are easy and fun!
WHO TO INTERVIEW
Do you want to know a grandparent or neighbor better?
Maybe you want to get to know your teacher or a friend.
Most people are happy to share about their lives.
QUESTIONS TO ASK
Let’s say you want to learn about your grandpa.
You can ask him questions about different times in his life.
EARLY LIFE
1. What year were you born?
2. Where were you born?
3. Did you grow up in the city or country?
4. Did you have any pets?
5. What do you remember most from when you were my age?
BECOMING A GROWN-UP
1. What was your job?
2. How did you meet Grandma?
3. How many different places have you lived?
4. Where did you go on your favorite vacation?
NOW
1. How old are you now?
2. What are your favorite hobbies?
3. What are you most proud of?
4. What are three things you love about your life?
Ask your grandpa to bring an old picture to [...]