Life Talk (Tagalog version)

Life Talk (Tagalog version)

Download on the App Store

Life Talk (Tagalog version) episodes

  • Pinaka importanteng bagay na dapat meron ka sa lahat ng ginagawa mo
    May nais ka bang makamit? Kadalasan sa atin, ay ninanais lamang yung “bagay” na mismong kinakailangan natin. Kaya’t hindi natin nakikita yung isa pang “bagay” na dapat mayroon tayo, upang makuha natin yung “bagay” na hinihiling natin. Kadalasan, hindi mo narerealize na ito ay kagustuhan mo lamang at walang kasamang pagmamahal. Sa episode na ito, halina’t pag usapan natin ang pinaka mahalagang bagay na dapat mayroon tayo sa bawat bagay na ginagawa natin, at yun ay ang LOVE O PAGMAMAHAL. ⏩ WATCH ME ON YOUTUBE: shorturl.at/djBKX
    17 min
  • Bakit mas lalong lalala ang mental illness mo kung patuloy itong gagawin - aware ka ba?
    Ano yung mga bagay na HULI mong iniisip BAGO mo ipikit ang mga mata mo para matulog sa gabi? Maging aware ka dito, dahil labis ka nitong maiimpluwensiyahan. Sa episode na ito, nagbigay ako ng “technique” para kahit papano makontrol mo yung mga “biglaang negatibong bagay” na pumapasok sa isipan mo. Ang utak natin ay isang “mansiyon at may gate”. Kung curious ka rito, makinig ka na. Nagbigay rin ako ng katotohanan para mas maging maingat ka para sa sarili mo, “The last thoughts we put into our minds definitely influence us” -Zig Ziglar. ⏩ WATCH ME ON YOUTUBE: shorturl.at/djBKX
    11 min
  • Ayos lang ba maghabol kapag iniwan na? Ano ba ang tamang paraan?
    Minsan ba nagtaka ka na kung bakit lahat na lang ng tao, iniiwan ka? Sapagkat hindi natin namamalayan na ginagawa natin ito sa maling paraan. Kapag gusto natin ang isang tao, gagawin natin ang lahat para lamang sila ay manatili. Mahilig tayong magpumilit sa ating mga kagustuhan. Kapag tayo ay iniwan, kadalasan ay naghahabol pa tayo. Nang dahil rito, mas lalong mapapalayo ito sa atin, dahil maling paraan ito. Sa episode na ito, pinag usapan ko kung bakit ito patuloy na lumalayo kung pinipilit mo at kung ano nga ba talaga ang tamang paraan. ⏩ WATCH ME ON YOUTUBE: shorturl.at/djBKX
    14 min
  • Bagay na magandang tandaan kapag ramdam mong ang gulo gulo na ng buhay mo
    Kapag ramdam nating magulo ang buhay natin, dinadamay na rin natin ang mga sarili natin. Mga linyahang “My life is messed up” pwedeng mag turn into “I am a mess”. At sa tuwing nakakaramdam tayo ng ganitong bagay, pakiramdam natin wala nang magagawa tama, wala nang pupuntahan. Sapagkat ang katotohanan, tayo ay NABULAG. Nagsara ang ating puso’t isipan sa pinaka importanteng bagay sa buhay. Sa episode na ito, nagbigay ako ng bagay nang sa gayon ay hindi mo na sinasabi sa sarili mo na “My life is messed up” o “I am a mess” ⏩ WATCH ME ON YOUTUBE: shorturl.at/djBKX
    19 min
  • Paano nga ba magmahal at tumulong sa tamang paraan? | BAKA ISA KANG GRIPO
    Isa ka bang gripo kung magmahal? Kadalasan sa atin, ay madali ma “attach” kaya’t kapag tayo ay na-attach sa isang tao, labis na mamahalin natin iyon, na handa tayong gawin ang lahat para sa taong iyon. Ngunit, hindi natin nararamdaman na nawawala na pala natin ang sarili natin sa sobrang pagmamahal natin sa kanila. Sa episode na ito, nagbigay ako ng “bagay” para maalala mo sa araw araw ang leksyong ito. Maging tasa ka, kumpara sa pagiging gripo. Wag kang magmahal nang sobra, lagyan mo ng limitasyon. Dahil kung hindi, walang matitira para sa sarili mo. ⏩ WATCH ME ON YOUTUBE shorturl.at/djBKX
    18 min
  • Bakit ang hilig mong maghukay ng patay? Trabaho mo ba iyan?
    Mahilig ka bang maghukay ng mga patay? Ibig sabihin ko, mahilig ka bang maghukay ng mga dating pagkakamali ng isang tao? Kadalasan kasi sa ating mga kabataan, o kahit matanda man, ay humaharap sa ganitong klaseng bagay. Hindi natin ito namamalayan sa sarili natin, o siguro aware ka rito pero iniisip mo hindi naman “big deal” dahil dinadaan sa biro. Pero naisip mo na ba na maaari kang makasakit ng damdamin sa taong yun at maaaring hindi lamang sa taong yun kundi pati ang mga nagmamahal sa kanya. Kaya napaka importanteng maging aware ka sa bawat salita, bawat aksyon na iyong ginagawa sa buhay. Kung mahilig kang maghukay ng pagkakamali ng isang tao, magising ka na sa katotohanan. Makinig ka rito, nagbigay ako ng maraming rason kung bakit maling mali ang iyong ginagawa “maliit” man o “malaki”. ⏩ WATCH ME ON YOUTUBE: shorturl.at/djBKX
    16 min
  • Itapon mo na yang patay na bulaklak na hawak mo - Let go mo na, umaasa ka pa kasi eh.
    Hanggang ngayon ba dala dala mo pa rin ang mga patay na bulaklak sa buhay mo? Ang patay na bulaklak na aking tinutukoy ay ang mga bagay o tao na hindi mo pa mabitawan sa buhay mo. Umaasa ka pa rin kahit alam mo sa sarili mong tapos na at wala nang magagawa pa. Madalas tayong umaasa na MABUBUHAY pa natin yung bulaklak, pero ang totoo ay hindi na sapagkat matagal nang patay yung bulaklak na pinanghahawakan mo. WATCH ME ON YOUTUBE ⏩: shorturl.at/djBKX
    14 min
  • Magandang bagay na dapat tandaan na makakatulong sa paggawa ng desisyon
    Nakagawa ka na ba ng desisyon dati na sobra kang naapektuhan at sinisi mo ang sarili mo? Kadalasan ngayon, lalo na sa mga kabataan, ay dumedepende ang desisyon sa current emotions. Kaya mas nagkakaroon ng problema, o mas nagiging malala pa ang sitwasyon na mayroon ka. Kaya sa episode na ito, nagbigay ako ng magandang bagay na dapat mong tandaan sa paggawa ng desisyon. Lalong lalo na kung sasaktan mo ang sarili mo, dahil kadalasan sa atin ay humaharap sa mental illness. WATCH ME ON YOUTUBE ⏩ shorturl.at/djBKX
    18 min
  • Rason kung bakit hindi mo maramdaman ang liwanag (positivity)
    Minsan ba nagtaka ka na sa sarili mo kung bakit hindi mo maramdaman yung effect kahit nagbibigay ng positibong advice ang mga mahal mo sa buhay? Na para bang nakikinig ka lang sa moment na yun pero lalabas rin sa tenga mo kasi di mo maramdaman sa mundo mo. Bakit? Kasi iba pa ang mundo mo, nasa madilim na kwarto ka pa na sarado ang mga bintana at pinto. Ngunit may sinag ng liwanag, at ‘wag na ‘wag mong i-wawala ang pokus mo rito. WATCH ME ON YOUTUBE ⏩ shorturl.at/djBKX
    8 min
  • Maging ikaw yung PAGBABAGO na ninanais mo
    Sa tuwing tayo ay nasasaktan, madalas tayong humiling ng pagbabago sa mundo natin. Ngunit, mali ito. Ang pagbabago na kailangan natin, ay para sa pansarili muna at hindi para sa ibang bagay, o tao. Maging ikaw yung pagbabago na ninanais mo, dahil lahat ng bagay sa labas ng mundo mo ay magbabago kapag ang loob ng mundo mo ay nagbago na. Bakit? Magkakaroon ka na ng standards at alam mo na kung ano ang deserve mo, to the point na hindi ka na hihiling pa ng pagbabago ng mundo sa labas mo. WATCH ME ON YOUTUBE ⏩ shorturl.at/djBKX
    10 min

About Life Talk (Tagalog version)

From the publisher's feed

Life Talk (Tagalog Version) ay isang podcast para sa mga Pilipino na nakararanas ng mental illness, problema sa pag-ibig o problema man sa buhay. Narito ang Life Talk para tulungan kang baguhin ang mindset mo into POSITIVE.

More shows like Life Talk (Tagalog version)

Growth Mindset Psychology: The Science of Self-Improvement by Sam Webster Harris | Growth Mindset Psychology

Growth Mindset Psychology: The Science of Self-Improvement

359 Listeners

Adulting With Joyce Pring by Joyce Pring

Adulting With Joyce Pring

46 Listeners

Think Fast Talk Smart: Communication Techniques by Matt Abrahams, Think Fast Talk Smart

Think Fast Talk Smart: Communication Techniques

806 Listeners

Balitang Pilipinas - Tagalog.com News by Jkos

Balitang Pilipinas - Tagalog.com News

12 Listeners

The Mel Robbins Podcast by Mel Robbins

The Mel Robbins Podcast

18,895 Listeners

Midnight Man - Tagalog Horror Stories by Mac Frank

Midnight Man - Tagalog Horror Stories

0 Listeners