
Sign up to save your podcasts
Or


Mabuting Balita l Marso 19, 2023 – Linggo
Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma (A) – Laetare Sunday
Ebanghelyo: Juan 9:1-41
Sa kanyang pagdaan, nakita ni Jesus ang isang lalaking ipinanganak na bulag. Lumura si Jesus sa lupa at gumawa ng putik mula sa lura at ipinahid ang putik sa mga mata ng tao. At sinabi niya sa kanya: “Humayo ka at maghilamos sa imbakan ng tubig ng Siloam. Kaya pumunta siya at naghilamos at umalis na nakakakita, kaya sinabi ng mga kamag-anak niya at ng mga dating nakakakita sa kanyang nagpapalimos: “’Di ba’t ito ang nakaupo at namamalimos?” Sumagot nag iba: “Ito nga siya!” At ang iba naman: “Hindi. Kamukha lamang niya!” Ngunit nagsalita siya: “Ako ba!” Dinala nila siya na dating bulag sa mga Pariseo. Araw ng pahinga noon nang gumawa si Jesus ng putik at nagpadilat sa kanyang mga mata. Kaya muli siyang tinanong ng mga Pariseo kung papaano siya nakakita. Sumagot naman siya sa kanila: “Pinahiran niya ng putik ang aking mga mata, naghilamos ako at nakakita.” Kaya sinabi ng ilan sa mga Pariseo: “Hindi mula sa Diyos ang taong iyan sapagkat hindi niya pinangingilin ang Araw ng Pahinga.” Ngunit sinabi naman ng iba, “Papaanong magagawa ng taong makasalanan ang ganitong mga tanda?” At nahati sila. Kaya sinabi nilang muli sa bulag: “Ikaw, anong masasabi mo tungkol sa kanya, sapagkat pinadilat niya ang iyong mga mata?” Kanya namang sinabi: “Siya ang Propeta!” Narinig ni Jesus na ipinagtabuyan ng mga Pariseo ang bulag. Pagkatagpo niya sa kanya, sinabi niya: “Naniniwala ka ba sa anak ng tao?” Sumagot siya: “Sino siya Ginoo para maniwala ako sa kanya?” Sinabi ni Jesus: “Nakikita mo Siya at Siya ang nakikipag-usap sayo.”
Pagninilay:
Hindi madali ang kumilos kung madilim ang kapaligiran. Andyan palagi ang pangamba na baka mabunggo, pangamba na madapa, dahil sa maling hakbang, o pwede tayong makaapak ng matutulis na bagay. Kung tayo ngang nakakakita, nahihirapan; paano pa kaya yung mga taong ipinanganak na bulag. Sa kabilang banda, mas malala ang ating espiritwal na pagkabulag, kung alam na nating mali ang ginagawa natin, pero hindi pa rin natin ito nakikita. At ang mas malala, kung ang mali, ginagawa na nating na tama; at ang tama, ginagawang mali.
Sa Mabuting Balita ngayon, pinagaling ng ating Panginoong Hesukristo ang isang bulag simula noong ipinanganak siya. Nakita siya ni Hesus at pinagaling, gamit ang putik na may laway ni Hesus. Sinabihan siya ni Hesus: “Pumunta ka sa deposito ng tubig sa Siloe (na ang kahuluga’y sinugo). Tunay nga na ang pagpapagaling ng ating Panginoong Hesukristo ay holistic o panlahatang aspeto. Hindi lang niya ginamot ang pisikal na pagkabulag nung lalaki, kundi maging ang espiritwal; at ibinalik pa siya sa kanyang komunidad. Mga kapanalig, kadalasan bulag tayo, dahil hindi natin nakikita ang kagandahang loob ng Diyos para sa atin. Bulag tayo kung patuloy tayong namumuhay sa kasalanan, kahit alam nating mali ang ating ginagawa. At dahil nga bulag tayo, mismong ang ating Panginoong Hesukristo na ang lumalapit sa atin, sa pamamagitan ng Sakramento ng kumpisal. Ang Panahon ng Kwaresma ay panawagan din ni Hesus sa atin, na buksan ang ating mga mata, upang makita ang kagandahang loob ng Diyos sa atin. Nais ni Hesus na makita natin kung gaano tayo kamahal ng Diyos.
Fr. Sebastian “Baste” Gadia, SSP / Society of St. Paul
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
St. Joseph, Husband of Mary - A Man of Radical & Courageous Faith | Word and Songs Podcast with Sr. Lines Salazar, fsp
#WordandSongs #Paulines #StJoseph #Catholic
Totoo Ba Ang "THIRD EYE?" | Episode 26 - 40 Tanong at Sagot Tungkol sa Eksorsismo
Kailan Nagiging Tama Ang Mali? | Pagninilay at Panalangin Para Sa Kapistahan ni San Jose, Kabiyak ni Maria
Kasama si Fr. Dale Anthony Baretto Ko - Director: Ministry for Family and Life, Archdiocese of Lipa
Priest-In-Charge: St. Joseph the Worker Proposed Parish, Lipa City
Author: Mga Panalangin at Nobena sa Karangalan ni San Jose Manggagawa, Mga Panalangin kay San Jose - Patron Ng Magandang Kamatayan, Nobena Kay Padre Pio ng Pietrelcina Novena To Saint Pio Of Pietrelcina
#PaulinesPH #SanJoseIpanalanginMoKami #frdalebarrettoko
Available online:
📲 Mga Panalangin at Nobena sa Karangalan ni San Jose Manggagawa https://store.paulines.ph/product/mga... Lazada: https://www.lazada.com.ph/products/mg...
📲 Mga Panalangin kay San Jose - Patron Ng Magandang Kamatayan https://store.paulines.ph/?s=Mga+Pana...
📲 Nobena Kay Padre Pio ng Pietrelcina https://store.paulines.ph/?s=Nobena+K... Lazada: https://www.lazada.com.ph/products/no...
📲 Novena To Saint Pio Of Pietrelcina https://store.paulines.ph/?s=Nobena+K... Lazada: https://www.lazada.com.ph/products/no...
Mabuting Balita l Marso 18, 2023 – Sabado
Ikatlong Linggo ng Kuwaresma
Ebanghelyo: Lucas 18:9-14
Sinabi ni Hesus ang talinhagang ito tungkol sa ilang taong kumbinsido na mabuti sila at minamata naman ang iba: “Dalawang tao ang umakyat sa Templo para manalangin: Pariseo ang isa at publikano naman ang isa pa. Nakatayong nananalanging mag-isa ang Pariseo. Sinabi niya: 'O Diyos, salamat at hindi ako gaya ng ibang mga tao, mga magnanakaw, mandaraya, nakikiapid, o gaya ng kolektor ng buwis na iyan. Dalawang beses akong nag-aayuno isang linggo, nagbibigay ako ng ikapu sa lahat kong ari-arian.' Nasa likuran naman ang kolektor ng buwis at hindi man lang makatingala sa Langit. Dinadagukan niya ang dibdib sa pagsasabing 'O Diyos, kaawaan mo ako na isang makasalanan.' Sinasabi ko sa inyo na ito ang umuwing nasa grasya ng Diyos ngunit hindi ang isa. Sapagkat ibababa ang lahat ng nagpapakataas at itataas naman ang nagpapakababa.”
Pagninilay:
Kapanalig, kailan mo huling dinagukan ang iyong dibdib? Sa mga nagsisimba araw-araw ginagawa natin ito kapag dinarasal natin ang ‘Ako’y nagkukumpisal’. Sa parte na: ‘sapagka’t lubha akong nagkasala sa isip, sa wika at sa gawa, at sa aking pagkukulang: dahil sa aking sala, sa aking sala, sa aking pinakamalaking sala’. Tatlong dagok. Ito ang taos na pagsisisi tulad ng Publikano. Sumasamo ng awa at inaamin na siya ay makasalanan. Sa pagdagok sa dibdib, mas matindi pa ito sa pagsasabi ng “sorry”. Dahil ipinapahayag natin ang ating pagkadusta sa harap ng Diyos dahil sa malaking kahihiyan na ginawa natin. Tinatawag natin ang pansin ng Diyos na higitin tayo papunta sa Kanya. Dahil sa tuwing nagkakasala tayo, nahahandusay tayo sa pusali ng masama. Naninindig ang balahibo natin sa karimarimarim na dungis ng pagkakasala. Sobrang hirap ang dibdib natin sa kawalan ng tibay ng loob. Mapipigilan sana natin ang ating sarili na mag-cheat sa ating kapwa, sa ating sarili, at higit sa lahat sa ating Panginoon. Totoo na pinapakinggan tayo ng mahabagin nating Diyos, lalo na’t sincere ang pagkabog natin sa ating puso. Pero hindi sapat ang public confession. Hindi lang din sign of sorrow ang ibig maramdaman ng Diyos sa atin. Loob Niya na may ipamamalas tayong gawa. Sa paanong paraan? Ang paraang mag-G-Cash. Ito ang: G: Gratitude. Pagpapasalamat sa handog ng Awa ng Diyos sa atin. C-Conversion; Magbagong-loob at bagong-asal. A-Alms, Magbigay ng limos sa mga mahihirap, hindi lang pinansyal kundi limos ng pagmamahal. S-Sacrifice. Magpakasakit alang-alang sa mga nangangailangan. H-Holiness. Ito ang constant na paglilinis ng ating budhi. Sana maging habit natin na kumustahin ang ating puso para makaiwas na gumawa ng masama at humingi ng tawad kapag nadulas tayo sa pagkakasala. Kaya, habang nililimusan tayo ng Awa ng ating butihing Diyos, let us repay Him with our spiritual G-CASH. Sa ganitong paraan, nag-dedeposit tayo ng yaman sa Kanyang Tahanan. Sa Kanyang Eternal Home, wala nang pagdagok sa dibdib. Kundi ang paghimlay sa matimyas na dibdib ng ating Ama na kapayapaan at pagmamahal ay tigib.
Sr. Gemmaria de la Cruz, fsp / Daughters of St. Paul
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
Anu-ano ang mga Balakid sa Paglaya ng Tao sa Masamang Espiritu? | Episode 25 - 40 Tanong at Sagot Tungkol sa Eksorsismo
Kasama si Fr. Joseph Mendoza, Chief Exorcist - Archdiocese of Lipa
Author: Iadya Mo Kami at Anak ng Pitong Sala (Paulines Publishing House)
#PaulinesPH #KatekesisEksorsimo
AVAILABLE ONLINE:
📲IADYA MO KAMI: https://store.paulines.ph/product/iad...
📲ANAK NG PITONG SALA: https://store.paulines.ph/product/ana...
📲IADYA MO KAMI - Lazada: https://www.lazada.com.ph/products/ia...
📲ANAK NG PITONG SALA - Lazada: https://www.lazada.com.ph/products/an...
Ano at May Isang San Jose sa Buhay ni Jesus? | Pagninilay at Panalangin Para Sa Kapistahan ni San Jose, Kabiyak ni Maria
Kasama si Fr. Dale Anthony Baretto Ko - Director: Ministry for Family and Life, Archdiocese of Lipa
Priest-In-Charge: St. Joseph the Worker Proposed Parish, Lipa City
Author: Mga Panalangin at Nobena sa Karangalan ni San Jose Manggagawa, Mga Panalangin kay San Jose - Patron Ng Magandang Kamatayan, Nobena Kay Padre Pio ng Pietrelcina Novena To Saint Pio Of Pietrelcina
#PaulinesPH #SanJoseIpanalanginMoKami #frdalebarrettoko
Available online:
📲 Mga Panalangin at Nobena sa Karangalan ni San Jose Manggagawa
https://store.paulines.ph/product/mga-panalangin-at-nobena-sa-karangalan-ni-san-jose-manggagawa/
Lazada: https://www.lazada.com.ph/products/mga-panalangin-at-nobena-sa-karangalan-ni-san-jose-manggagawa-ni-fr-dale-anthony-barretto-ko-paulines-publishing-house-official-i2549467433-s11816087332.html?spm=a2o4l.tm80167379.7779702790.1.7a48e4oEe4oESY.7a48e4oEe4oESY&priceCompare=skuId%3A11816087332%3Bsource%3Alazada-om%3Bsn%3A9883ecf7-959c-4123-9274-5711a4eca133%3BoriginPrice%3A5750%3BvoucherPrice%3A5750%3Btimestamp%3A1678973858852
📲 Mga Panalangin kay San Jose - Patron Ng Magandang Kamatayan
https://store.paulines.ph/?s=Mga+Panalangin+kay+San+Jose+-+Patron+Ng+Magandang+Kamatayan&post_type=product
📲 Nobena Kay Padre Pio ng Pietrelcina
https://store.paulines.ph/?s=Nobena+Kay+Padre+Pio+ng+Pietrelcina&post_type=product
Lazada: https://www.lazada.com.ph/products/nobena-kay-padre-pio-ng-pietrelcina-tagalog-paulines-publishing-official-i2292376396-s10357479583.html?clickTrackInfo=query%253ANobena%252BKay%252BPadre%252BPio%252Bng%252BPietrelcina%253Bnid%253A2292376396%253Bsrc%253ALazadaMainSrp%253Brn%253Ad750739abb3ff0588d1de20b66be02a1%253Bregion%253Aph%253Bsku%253A2292376396_PH%253Bprice%253A32%253Bclient%253Adesktop%253Bsupplier_id%253A1000334946%253Basc_category_id%253A6922%253Bitem_id%253A2292376396%253Bsku_id%253A10357479583%253Bshop_id%253A505024&fastshipping=0&freeshipping=0&fs_ab=1&fuse_fs=1&lang=en&location=Metro%20Manila&price=32&priceCompare=&ratingscore=5.0&request_id=d750739abb3ff0588d1de20b66be02a1&review=40&sale=570&search=1&source=search&spm=a2o4l.searchlist.list.i4.3939505enFW54z&stock=1
📲 Novena To Saint Pio Of Pietrelcina
https://store.paulines.ph/?s=Nobena+Kay+Padre+Pio+ng+Pietrelcina&post_type=product
Lazada: https://www.lazada.com.ph/products/novena-to-saint-pio-of-pietrelcina-padre-pio-novena-english-paulines-publishing-house-official-i2292280760-s10357355541.html?clickTrackInfo=query%253ANovena%252BTo%252BSaint%252BPio%252BOf%252BPietrelcina%253Bnid%253A2292280760%253Bsrc%253ALazadaMainSrp%253Brn%253A029b49a38bf6af0539d3a6a444b0d64e%253Bregion%253Aph%253Bsku%253A2292280760_PH%253Bprice%253A36.5%253Bclient%253Adesktop%253Bsupplier_id%253A1000334946%253Basc_category_id%253A6855%253Bitem_id%253A2292280760%253Bsku_id%253A10357355541%253Bshop_id%253A505024&fastshipping=0&freeshipping=0&fs_ab=1&fuse_fs=1&lang=en&location=Metro%20Manila&price=36.5&priceCompare=&ratingscore=5.0&request_id=029b49a38bf6af0539d3a6a444b0d64e&review=61&sale=581&search=1&source=search&spm=a2o4l.searchlist.list.i4.6baf348dugPNsy&stock=1
Mabuting Balita l Marso 17, 2023 – Biyernes
Ikatlong Linggo ng Kuwaresma
Ebanghelyo: Mc 12:28-34
May isang guro ng Batas na nakarinig sa pagtatalo ni Hesus at ng mga Sadduseo. Nang mapansin niyang tama ang sagot ni Hesus sa mga Sadduseo, lumapit siya at nagtanong kay Hesus: “Ano ang una sa lahat ng utos?” Sumagot si Hesus: “Ito ang una: ‘Makinig nawa, O Israel! Iisa lang ang Panginoong nating Diyos. At mamahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso, nang buo mong kaluluwa, nang buo mong pag-iisip at nang buo mong lakas.’ At pangalawa naman ito: Mamahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Wala nang utos na mas mahalaga pa sa mga ito.” Kaya sinabi ng guro ng batas: “Mabuti, Guro, totoo ang sinabi mong isa Siya at wala na maliban sa Kanya. At nang mahalin Siya ng buong puso, nang buong kaluluwa at nang buong lakas, at mahalin din ang kapwa gaya ng sarili ay mas mahalaga kaysa mga sinunog na handog at mga alay.” Nakita ni Hesus na tama ang sinabi nito kaya sinabi niya: “Hindi ka malayo sa Kaharian ng Diyos.” At wala nang nangahas na magtanong sa kanya.
Pagninilay:
Para saan nga ba tayo bumabangon? Kapag ang isang tao na nagmamahal ang tinatanong ng ganito, malamang mabilis siyang sasagot nang, ‘para sa mga taong mahal ko’. Mga kapanalig, ang pagmamahal ay likas sa isang tao dahil galing tayo sa Diyos na Mapagmahal, sa Diyos ng Pag-ibig. Kaya iyan din ang binibigyan-diin ni Hesus sa kanyang paglalagom ng Mabuting Balita ngayon sa dalawang pangunahing utos: na mahalin ang Diyos nang higit sa lahat; at mahalin ang kapwa tulad ng ating sarili. Dahil nilikha tayo ng Diyos na Mapagmahal, may kakayahan tayong magmahal sa tulong ng Kanyang Banal na Espiritu. Kaya naman, kapag hindi tayo namumuhay sa pagmamahal – nagiging pasaway at sakit ng ulo ng pamilya at lipunan – lumilihis tayo sa ating identity, bilang nilikhang kawangis ng Diyos. Pero, hindi pa huli ang lahat. Bawat araw na bumabangon tayo, panibagong pagkakataon ito upang itama ang ating pagkakamali, pagsisihan ang kasalanan, at manumbalik sa pag-ibig ng Diyos. Kailangan lamang nating magpakumbaba, at aminin ang ating pagkakamali; at taos pusong humingi ng tawad sa Diyos at sa kapwang ating sinaktan.
Manalangin tayo: Panginoon, pagkalooban Mo po ako ng kababaang loob na aminin at pagsisihan ang aking kasalanan, at humingi ng tawad sa mga taong aking nasaktan, Amen.
Ms. Imelda Benitez - Dometita
From the publisher's feed