
Sign up to save your podcasts
Or


Mabuting Balita l Marso 21, 2023
Martes sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma
Ebanghelyo: Jn 5: 1-16
Pagkatapos nito, may piyesta ng mga Judio at umahon si Hesus pa-Jerusalem. May isang paliguan sa Jerusalem na kung tawagin sa Hebreo’y Betsata, na malapit sa Pintuan ng mga Tupa. May limang pasilyo ito na may bubong. Nakahandusay sa mga ito ang isang pulutong ng mga maysakit, mga bulag, mga pilay at mga lumpo na naghihintay sa pagkilos ng tubig. Naroon ang isang taong talumpo’t walong taon ng may sakit. Nakita ni Hesus ang taong ito na nakahandusay at alam niya na matagal na ito roon. Kaya sinabi niya sa kanya: “Gusto mo bang umigi?” Sumagot sa kanya ang maysakit: “Ginoo, wala akong taong makapaghahagis sa akin sa paliguan kapag nakalawkaw na ang tubig. Habang paroon ako, lumulusong na ang iba at nauuna sa akin.” Sinabi sa kanya ni Hesus: “Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad!” At dagling umigi ang tao, binuhat niya ang kanyang higaan at lumakad. Araw ng Pahinga ang araw na iyon. Kaya sinabi ng mga Judio sa taong pinagaling: “ Araw ng Pahinga ngayon at di ipinahihintulot na buhatin mo ang iyong higaan. Sumagot siya sa kanila: “Ang nagpaigi sa akin ang siyang nagsabi sa akin: ‘Buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka.’” Tinanong nila siya: “Sino ang nagsabi sa iyong: Magbuhat ka nito at maglakad?” Ngunit hindi alam ng pinagaling kung sino siya, sapagkat nakaalis na si Hesus dahil maraming tao sa lugar na iyon. Pagkatapos nito natagpuan siya ni Hesus sa Templo at sinabi niya sa kanya: “Tingnan mo, maigi ka na. Huwag ka nang magkasala pa, at baka may masahol pang mangyari sa iyo.” Umalis ang tao at ipinahayag sa mga Judio na si Hesus ang nagpaigi sa kanya. Dahil dito, inusig ng mga Judio si Hesus sapagkat Araw ng Pahinga niya ito ginawa.
Pagninilay:
Nakikita tayo ng Panginoong Hesus at nababatid Niya ang taimtim na hangarin ng ating puso. Ito ang pinatunayan ng Mabuting Balitang ating narinig. Nagpagaling si Hesus ng iba’t ibang karamdaman, sa iba’t ibang paraan; at kabilang dito ang pagpapagaling sa pamamagitan ng SALITA. Sinabi ni Hesus sa isang lalaking tatlumpu’t walong taon nang may sakit: “Tumindig ka, kunin ang iyong higaan at lumakad ka” … at biglang gumaling ang lalaki. Mga kapanalig, words are powerful! Kapag ang ating mga salita’y nagtuturo, naghihikayat para mapabuti, mapagaan ang pakiramdam ng isang tao, at makapagpawi ng takot – nagiging daluyan tayo ng biyaya ng Diyos sa iba. At nalulugod ang Espiritu ng Diyos sa tuwing ginagawa natin ito. Kaya, gamitin natin ang kapangyarihan ng ating mga salita upang magdala ng kagalingan, kabutihan at pagmamahal; at hindi bilang sandata upang makapaminsala at makasakit ng damdamin ng ating kapwa. Gamitin natin ang ating mga salita para bumuo ng magagandang relasyon at hilumin ang mga pusong sugatan. Let our words heal the broken hearted.
Mga kapanalig, ganun nga ka-powerful ang ating salita. Maaari itong makaapekto sa ating kapwa habang buhay; o maging hanggang kamatayan, dala-dala ang sama ng loob na dulot natin sa kanila hanggang hukay. Kaya pag-isipan nating mabuti ang mga salitang namumutawi sa ating labi, upang maiwasan nating makasakit ng damdamin ng ating kapwa. Sabi nga ni San Pablo sa kanyang Sulat sa mga taga Efeso 4:29 - “Huwag hayaang mamutawi sa ating mga labi ang masamang pananalita kundi ang mabuti, sa layuning pasiglahin ang iba sa oras ng pangangailangan at pagkalooban ng biyaya ang mga nakikinig”.
Sr. Clemence Mallete, fsp / Daughters of St. Paul
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
Maari Bang Sumapi ang Panginoong Hesukristo, Ang Mahal na Birhen at Mga Santo sa Tao? | Episode 28 - 40 Tanong at Sagot Tungkol sa Eksorsismo
Mabuting Balita l Marso 20, 2023
Lunes sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma
Ebanghelyo: Mt 1:16, 18-21, 24a
Si Jacob ang ama ni Jose—ang asawa ni Maria na siyang pinagmulan ni Hesus na tinawag na Kristo. Ito ang pangyayaring napapaloob sa kapanganakan ni Hesucristo. Ipinagkasundo na kay Jose ang kanyang inang si Maria pero bago sila nagsama bilang mag-asawa, nagdadalantao na siya gawa ng Espiritu Santo. Kaya binalak ni Jose na hiwalayan nang lihim ang kanyang asawa. Matuwid nga siya at ayaw niya itong mapahiya. Habang iniisip-isip niya ito, napakita sa kanya sa panaginip ang Anghel ng Panginoon at sinabi: “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tanggapin si Maria bilang iyong asawa. Gawa ng Espiritu Santo kaya siya naglihi, at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki, na pangangalanganan mong Hesus sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang sambayanan mula sa kanilang mga kasalanan.” Kaya pagkagising ni Jose, ginawa niya ang sinabi ng Anghel ng Panginoon at tinanggap niya ang kanyang asawa.
Pagninilay:
Napakahalaga ng papel na ginampanan ni San Jose sa kasaysayan ng ating kaligtasan. Isang binatang may takot sa Diyos, minamahal niya ng lubos si Maria, ang dalagang kanyang takdang pakakasalan. Pero, nakita natin kung papaanong isinantabi ni Jose ang kanyang mga plano para tuparin ang plano ng Diyos para sa kanila ni Maria. Si Maria ay piniling maging Ina ng Diyos, at siya naman ang magiging tagapangalaga ng isisilang ni Maria - Isang batang lalaki na papangalanan niyang “Jesus”, “…sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan” (1:21). Dakila si San Jose. Larawan siya ng isang alagad na masunurin. Handa niyang isuko ang lahat sa Diyos, pati ang kanyang mga pangarap. Kaya naman katulad ni Maria, si San Jose ay lubos ding pinagpala. Mga kapanalig, inaanyayahan tayo na laging tumulad kay San Jose. Hilingin din natin ang kanyang panalangin upang tayo din ay maging kalugod-lugod sa harap ng Diyos. Kung papaanong inalagaan at ipinagtanggol ni San Jose sina Maria at Hesus, aalagaan at ipagtatanggol din tayo ni San Jose sa mga kasamaan na maaring maghatid sa atin sa kasalanan at kapahamakan.
Fr. Rolly Garcia Jr. – Director of Biblical Apostolate of the Archdiocese of Manila
Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Lea, Patroness of all Widows l March 22
Our saint for today is St. Lea, a widow. Although she is not well-known like many other figures of devotion in our contemporary time, she is considered extraordinary because she left her great wealth behind, entered consecrated life and attained great holiness through prayer and penances. There is nothing biographical written about her. We will only know that through a letter, a testimony of her friend, St. Jerome, the scholarly Latin translator of the Bible (the Vulgate). St. Jerome wrote about Lea in 384, when she died while reciting Psalm 73. It is said that after the death of her husband Lea was left with great fortunes. She gave up her high social standing and donated all her riches to the needy and led a poor and austere life.
The letter of St. Jerome was addressed to Marcella, a mutual friend, another aristocratic Roman who left her life of nobility after she was widowed in order to serve the Lord. St. Jerome praised Lea so as “To hail with joy the release of a soul which has trampled Satan underfoot, and won for itself, at last, a crown of tranquility.” He described Lea as a very innocent and humble person: “She was accounted the servant of all… She was careless of her dress, neglected her hair, and ate only the coarsest food. Still, in all that she did, she avoided ostentation that she might not have a reward in this world.”
St. Jerome continues by saying that Lea stopped beautifying her face and body with any cosmetics and avoided adorning her head with shining pearls. She gave up her beautiful dwelling and occupied a small corner in a poor house with only the most necessary furniture. She also changed her mode of speaking and ceased to be like one who commands in order to be obeyed. According to St. Jerome, the conversion of Lea to the Lord was so complete. When she became superior of a monastery, she acted and showed herself a true mother to the other Sisters. She wore sackcloth instead of a soft and comfortable garment, spent long hours of prayer even during the night. In the letter, St. Jerome also retells Jesus’ parable of Lazarus and the rich man, with Lea in the place of the poor and suffering beggar. He also compares her with a rich consul who had wallowed in wealth and in the end found himself in agony in the next life.
The letter ends with St. Jerome urging Marcella to imitate the examples of Lea: “We must not allow money, position, comforts, pleasures to weigh us down, or lean upon the staff of worldly power. We must not seek to possess both Christ and the world. No; things eternal must take the place of things transitory; and since, physically speaking, we daily anticipate death, if we wish for immortality, we must realize that we are but mortal. Lea, who seemed poor, a woman of austerity, prayer and penances and of little worth in the world and whose life was accounted madness triumphs in heaven. Lea is welcomed into the choirs of angels, clothed in her triumphal robe and comforted in the bosom of Abraham.” The feast day of St. Lea is celebrated on March 22. She is the patroness of widows.
· Virtues are humility, simplicity, innocence, austerities, great penances and detachmen
“Heavenly Father, how attractive are the things of this world and how easily we are caught up by power, position, comfort, pleasure, popularity, money and honor. Protect us and allow us to be committed to heavenly things in imitation of the evangelical perfection followed by St. Lea. Amen.”
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
From the publisher's feed