Pumasok si Hesus sa patyo ng Templo at pinalayas ang mga nagtitinda, at sinabi niya: “Nasusulat, ‘Magiging bahay-dalanginan ang aking bahay,’ pero ginawa ninyong pugad ng mga magnanakaw!” Araw-araw na nangangaral si Hesus sa Templo. Hangad siyang patayin ng mga punong-pari at mga guro ng Batas, kasama ang mga Matatanda ng bayan. Ngunit wala silang magawa dahil taimtim na nakikinig sa kanya ang buong bayan.
Angry-to-the-max si Jesus sa mga money changers at mga nagbebenta ng mga hayop. Kung ikaw siguro ang makakawitness sa kanila, baka mahigh-blood ka rin. Harap-harapan, nananamantala sila. Ginagawa nila ito sa mga taong wala nang ibang option kundi bumili at magpapalit ng temple coins. Target nila ang mga foreigners pero hindi naman lahat maykaya. Dalawang bagay kasi ang essential sa pagsamba sa Templo: Ang iaalay na hayop at ang temple coins. Bumagsak sa standard ni Jesus ang mga local merchants. Lalo na’t double kill ang ginagawa nila. Dinadaya ang presyo ng gamit sa pagsamba, at ginagawa pa ito sa isang bahagi ng Templo. Ang kaloob ni Jesus, pagaanin kung ano man ang pinaghihirapan ng mga maralita at huwag magpataw ng sakit sa bulsa at sakit din sa dibdib. Ngayong November, bukod sa ginugunita natin ang mga poor souls in purgatory. May panawagan sa atin na mag-anticipate ng ating purgatorial debt. Oo, kapanalig, naiimbak kasi ang mga nagawa nating kasalanan lalo na ang mga hindi natin naikumpisal. Ang mga ito ang magpapatagal sa atin kapag nasa proseso na ang kaluluwa natin sa paglilinis. Sabi nga ni San Juan de Dios nang humingi siya ng limos noon sa lansangan ng Granada. “Give alms for the love and mercy of yourselves”. Sa pagbibigay ng limos, para din iyon sa paggawa natin ng spiritual alms sa ating sarili. Bibilis ang pagpatanggap sa atin sa Paraiso ng ating Diyos Ama. Isang uri ng paglilimos ay ang acts of charity. Gawin natin ito nang may purity of intention. Hindi naman nagbibilang ng materyal na halaga ang Diyos. Ano ang hanap Niya? Ang mga voluntary penance natin. Halimbawa: isasantabi natin ang luho o bisyo, o ang pag-offer ng physical sufferings natin. Ialay din natin ang ating mga disappointments, o ang sariling paghihikahos. Lahat tayo, sure ‘yon, we have something to give to our suffering brothers and sisters. Bukod sa naghihirap na kasama pa natin na nabubuhay dito sa mundo, isipin din natin ang mga naghihirap na kaluluwa sa purgatoryo. Sa abuloy natin na mga akto ng pagmamahal, natutulungan natin silang mag-areglo ng kanilang pagkakautang. Mapapawalang-sala na sila at maliligtas mula sa detention nila sa purgatory. Kung nasaklolohan natin sila, magtatamo tayo ng “grateful friendship” sa kanila. Dahil naibigay natin sa kanila ang object of their desire:” to enjoy the everlasting presence of God”. Bilang kapalit, sila naman ang tutulong sa atin hanggang sa maranasan din natin tulad nila, ang walang kapantay na kapayapaan at walang kupas na liwanag sa piling ng ating mapagmahal na Ama.