
Sign up to save your podcasts
Or


You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
Mabuting Balita | Oktubre 25, 2022 – Martes
Ika – 30 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 13:18-21
Sinabi ni Hesus: “Ano ang katulad ng Kaharian ng Diyos? Sa ano ito maikukumpara? Tulad ito sa buto ng mustasa na kinuha ng isang tao at itinanim sa kanyang hardin: lumaki, naging parang puno at sumisilong sa kanyang mga sanga ang mga ibon ng Langit.” At sinabi niya uli: “Sa ano ko ikukumpara ang Kaharian ng Diyos? Katulad ito ng lebadura na kinuha ng isang babae at ibinaon sa tatlong takal ng harina hanggang umalsa ang buong masa.”
Pagninilay:
Dahil sa ating Ebanghelyo, naalala ko yung slogan ng Pondong Pinoy. Ito yung pag-iipon ng 25 cents at kapag nakalikom na, siyang ibinibigay sa mga kapatid natin na nangangailangan. Ang sabi doon, kahit maliit basta’t malimit ay papuntang langit. Katulad ng pagsasalarawan ni Hesus sa Kaharian ng Diyos, nagdudulot ng malaking epekto ang maliliit na bagay na ating ginagawa sa buhay. Maaring itong isang desisyon, isang gawain o maliit na paraan ng pagtulong, subalit kung ginagawa natin ito ng may taos-pusong pagmamahal, tiyak natin na lalago ito at mamumunga. Katulad ng isang buto na lumalago o ng lebadura na nagpapalsa sa tinapay, ganun din hinhikayat ang ating pamumuhay. May isang kwento na minsan may lumapit kay Sta. Teresa ng Kalkuta. At sinabi ng taong ito, paano mo matutugunan ang napakalaking problema ng gutom at paghihirap sa mundo kung ikaw ay nag-iisa? Ang sagot ni Mother Theresa, “Simulan mo sa taong pinakamalapit sa iyo. Simulan mo sa isa.” Marahil sinasabi sa atin ni Hesus na matatagpuan o magaganap ang paghahari ng Diyos hindi sa mga grandiyosong bagay kung ‘di sa maliliit at araw-araw nating pagsasabuhay ng Ebanghelyo. Ang maliliit na bagay at gawa na ito ang magdudulot ng malaking pagbabago sa ating buhay at sa buhay ng ating kapwa. Subalit huwag nating kalimutan na kasama ng ating paggawa ang grasya ng Diyos. Hindi dahil sa ating pagtatanim tumutubo ang binhi o sa ating kakayahan nakasalalay ang pag-alsa ng tinapay. Nakasalalay ito sa grasya ng Diyos na nagpapalago ng ating pagsusumikap. Kaya mga kapatid, magsumikap nawa tayo sa ating payak na pamamaraan upang tumugon sa pangangailangan ng ating kapwa. Walang maliit o malaking pagbibigay. Ang mahalaga ay ginagawa natin ito ng buong puso at may tapat na intensiyon. At hayaan natin ang Diyos ang magpalago ng lahat ng ito.
- Fr. Keiv Aires Dimatatac, SSP | Society of St. Paul
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
ST. GERARD MAJELLA l Patron of mothers, expectant mothers and childbirth
Feast Day : October 16
Why a young lay brother is principally proclaimed patron of mothers, expectant mothers and childbirth is a real puzzle. Why not a female saint, but the life story of our saint today, St. Gerard Majella will tell us why. Gerard, the youngest son of five children, was born in Muro, southern Italy on April 6, 1726. Being frail, he was immediately taken to the church for Baptism after his birth. He grew up to be a very prayerful boy and even when he was just five, he would pray daily in a small chapel near his home. Often, he would bring home a loaf of bread. Asked where the bread came from, he would say that “a most beautiful boy” gave it to him. When his sister secretly followed him to the chapel one day, she saw him praying before the statue of Mary holding the Child Jesus. After a short while, Jesus went down and played with Gerard, then gave him a loaf of bread and sent him home.
· Voice: When Gerard was twelve years old his father, who was a tailor, died and to help the family, his mother sent him to his uncle so as to teach him the work of his father. Though the foreman was abusive, Gerard kept silent but when his uncle knew about it he was told to resign. Then, he became a houseboy in the Bishop’s house. When the Bishop died, Gerard tried to work on his own and the money he earned he gave half to his mother, gave some to the poor and offered Masses for the souls in Purgatory. He entered the Capuchin Order two times but he did not persevere due to his poor health. In 1749, he joined the Redemptorists and after three years he became a lay brother. He professed the three vows of poverty, chastity and obedience and stayed close with the poor. He worked in the community as a gardener, sacristan, infirmarian, tailor, porter, cook, carpenter and foreman on a building construction. He was often called to minister to the sick. And he graciously accepted any call by saying he was available to “do the will of God.”
Voice: His charity, service, obedience, prayerful life, and penances made him a perfect model for lay brothers. At 27, he was falsely accused by a girl, saying he was the father of the child she was carrying. The superior general, St. Alphonsus, reprimanded him, denied him the privilege of receiving Holy Communion and prohibited him from having contact with outsiders. Gerard bore with patience this calumny and doubled his penances and prayer. But when the girl got seriously ill and no remedy was available to heal her, she retracted and wrote St. Alphonsus that she had lied. Although he was vindicated, Gerard did not show any self-complacency. He just thanked God for saving him from such a terrible trial. · The life of Gerard was replete with miraculous events. He often fell into ecstasy while in prayer. He had also the gift of levitation and bi-location. His apostolate for mothers began when the handkerchief he left in a certain house was afterwards instrumental in curing a woman giving birth. Gerard was always frail in health. In 1755, he had a strong hemorrhage but his superior commanded him to get up. He got up and was well for a month, yet he knew he was dying. He died in the morning of October 15, 1755 at 29 years old. He was beatified on January 29,1895 by Pope Leo XIII and was canonized on December 11, 1904 by Pope Pius X. He was proclaimed patron of mothers, expectant mothers, child birth, falsely accused, unborn children.
· Prayer: “St. Gerard, please pray for the conversion of those who calumniate others.”
· Reflection:Am I inclined to accuse and malign other people for my own advantage?
Mabuting Balita | Oktubre 24, 2022 – Lunes
Ika – 30 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 13: 10-17
Nagtuturo si Hesus sa isang sinagoga sa Araw ng Pahinga, at may isang babae roon. Labingwalong taon na s’yang may espiritung nagbibigay-sakit; nagkakandakuba na s’ya at di makatingala. Pagkakita sa kanya ni Hesus, tinawag s’ya nito at sinabi: “Babae, lumaya ka sa iyong sakit”. Ipinatong nito sa kanya ang mga kamay at agad na nakatayo nang matuwid ang babae at nagpuri sa Diyos. Nagalit ang pinuno ng sinagoga dahil nagpagaling si Hesus sa Araw ng Pahinga kaya sinabi n’ya sa mga tao: “May anim na araw para magtrabaho kaya sa mga araw na iyon kayo pumarito para mapagaling, hindi sa Araw ng Pahinga!” “Mga mapagkunwari, hindi ba’t kinakalagan ng bawat isa sa inyo ang kanyang baka o asno mula sa sabsaban nito sa Araw ng Pahinga at inilalabas para painumin? At isang babae naman ang narito na Anak ni Abraham na labinwalong taon nang iginapos ni Satanas. Di ba siya dapat kalagan sa Araw ng Pahinga?” Napahiya ang lahat niyang kalaban pagkarinig sa kanya pero nagalak naman ang mga tao sa lahat ng kahanga-hangang ginagawa ni Hesus.
Pagninilay:
Mga kapanalig, kahapon, araw ng Pahinga. Araw na kinikilala natin na nagpahinga ang Diyos matapos likhain ang choicest creatures niya. Bago siya nagpahinga, pinagpala Niya ang nilikha Niyang tao. Buhat sa pagiging kawangis, nagbahagi Siya ng Kanyang Banal na Hininga. (Haaaah…paghinga ng malalim) Kaya sa rest day Niya, handog Niya iyon sa espesyal Niyang nilikha na simulang pangalagaan ang kanyang gift of creativity at maipalaganap ang holy breath of life. Lalo itong nabigyan ng kahulugan sa Araw na muling nabuhay si Jesus. Nagsagawa ng maluwalhating hininga ang Diyos Ama sa pag-ihip kay Jesus mula sa libingan. Hindi ba bago Siya namatay sa Krus, inihabilin Niya sa Ama ang Kanyang hininga? Nagkaroon ng ibang lebel ang “paghinga” ng sangkatauhan dahil sa dulot Niyang panibagong paglilikha. Ngayong nagno-Nobena tayo sa pagdiriwang ng debosyon natin kay Jesus Maestro, ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay, kilalanin natin Siya bilang Banal na Hininga na nagdudulot ng pagpapanibago. Sa Linggo na Araw ng Pahinga, sa Kapistahan ng ating Jesus Maestro, ipasa-Banal na Hininga natin ang lahat. Siya ang ikatlong persona, ang Banal na Espiritu. Si Blessed James Alberione, inilaan Niya ang mga Araw ng Panginoon sa mahabang oras ng pananalangin at pagpapakasakit. Alam Niya na kulang pa ito, pero sa kabila ng kanyang kahinaan, pinuspos Siya ng hininga ng Diyos para maging tapat at magpakatatag. Habang naghahanda tayo sa Kapistahan ni Jesus Maestro, magpakumbaba sa pakikipag-ugnayan, magmagandang-loob sa sumugat ng atin
kalooban. Sa tuwing napapabuntung-hininga tayo sa pagsisikap nating magpatawad at sa walang pagod na pagbibigay, humuhugot tayo ng lakas mula sa kaibuturan. In the innermost part of our being there is the sacred breath of God. Sa paghugot natin ng ating hininga, hindi lang ito sigh of relief, but a great breath of love and reverence to Him as our Way, our Truth and our Life.
- Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp | Daughters of St. Paul
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
Mabuting Balita | Oktubre 23, 2022 – Linggo
Ika – 30 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 18:9-14
Sinabi ni Hesus ang talinhagang ito tungkol sa ilang taong kumbinsido na mabuti sila at minamata naman ang iba: “Dalawang tao ang umakyat sa Templo para manalangin: Pariseo ang isa at publikano naman ang isa pa. Nakatayong nananalanging mag-isa ang Pariseo. Sinabi niya: 'O Diyos, salamat at hindi ako gaya ng ibang mga tao, mga magnanakaw, mandaraya, nakikiapid, o gaya ng kolektor ng buwis na iyan. Dalawang beses akong nag-aayuno isang linggo, nagbibigay ako ng ikapu sa lahat kong ari-arian.' Nasa likuran naman ang kolektor ng buwis at hindi man lang makatingala sa Langit. Dinadagukan niya ang dibdib sa pagsasabing 'O Diyos, kaawaan mo ako na isang makasalanan.' Sinasabi ko sa inyo na ito ang umuwing nasa grasya ng Diyos ngunit hindi ang isa. Sapagkat ibababa ang lahat ng nagpapakataas at itataas naman ang nagpapakababa.”
Pagninilay:
Dalawang tao ang pumunta sa templo para manalangin. Napakinggan natin na ang isa ay Pariseo, akala natin ang kanyang panalangin ay patungkol sa Diyos. Ngunit habang pinapakinggan natin ang ebanghelyo, ito ay isa palang pagpupuri lamang sa kanyang sarili. Pinagmalaki niya sa Diyos na siya ay isang mabuting tao. Gumaganap siya sa mga tuntunin ng batas ng mga Hudyo. Nag-aayuno ng dalawang ulit isang linggo, nagbibigay ng ikapu sa lahat ng kanyang mga kinikita, at madalas manalangin. Sa kabila nuon, tinutuya niya ang isang Ppublikano o taga-kolekta ng buwis. Sinabi ng Pariseo na hindi siya kagaya ng publikanong yun. Nagmagaling na sa sarili, siniraan pa ang kapwa. Subalit sino ang kinalugdan ng Diyos? Ayon sa ebanghelyo, mas nalugod ang Panginoon, sa taimtim na panalangin ng publikano. Ni hindi makalapit sa gitna ng templo. Hindi makapagmalaki sa sarili. Sa halip, nanduruon sa isang sulok. Nakatungo ang ulo. Ni hindi maitaas ang ulo, nahihiya sa kanyang buhay, sa kanyang mga kasalanan. Dinadagukan ang dibdib at sinasabing Panginoon, kaawaan mo po ako dahil ako’y isang makasalanan. Huwag nating linlangin ang ating sarili. Kailanman, hindi masisiyahan ang Panginoon sa mga taong mapagmalaki. Lalung –lalo na sa mga taong nanghahamak sa kanilang kapwa. Tandaan po natin, tinawag tayo ng Panginoon para maging isang bayan niya. Ang Simbahan ng Diyos ay kinabibilangan ng mga taong nagsisikap maging banal. Ngunit habang nasa lupa ay nananatiling nagkakasala. Hindi po natin dapat husgahan, o tukuyin kung sino ang Mabuti o sino
- Fr. Paul Marquez, SSP | Society of St. Paul
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
Mabuting Balita | Oktubre 22, 2022 – Sabado
Ika – 29 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Dumating ang ilang tao na nagbalita kay Hesus ng nangyari sa Templo. Ipinapatay nga ni Pilato ang mga taga-Galilea at nahalo ang kanilang dugo sa mga handog nila. Sinabi ni Hesus sa kanila: “Sa akala ba ninyo’y mas makasalanan ang mga taga-Galileang iyan kaysa lahat ng mga taga-Galilea dahil sila ang nagdusa? Hindi. At sinasabi ko sa inyo: kung hindi kayo magbabago, mapapahamak din kayong lahat. Gayon din naman sa namatay na labingwalong taong nabagsakan ng tore sa Siloe, sa akala ba ninyo’y mas may utang sila sa Diyos kaysa lahat ng naninirahan sa Jerusalem? Sinasabi ko: hindi, ngunit kung hindi kayo magbabago, mapapahamak din kayong lahat.” At sinabi ni Hesus ang talinhagang ito: “May taong may isang puno ng igos sa kanyang ubasan. At pumunta s’ya upang maghanap ng mga bunga subalit wala s’yang nakita. Kaya sinabi n’ya sa nag-aalaga ng ubasan: ‘Tatlong taon na akong pumaparito sa paghahanap ng mga bunga sa punong-igos na iyan at wala akong nakita. Putulin mo ‘yan at pampasikip lamang sa lupa.’ Ngunit sumagot sa kanya ang tauhan: ‘Ginoo, pabayaan mo na s’ya ngayong taon. Maghuhukay ako sa paligid nito at lalagyan ng pataba. Baka sakaling mamunga s’ya, ngunit kung hindi’y saka mo s’ya putulin.’”
Pagninilay:
“Putulin mo na iyang punong igos na hindi namumunga,” sabi ng may-ari. Nakiusap ang gardener: “Pabayaan mo na siya sa taong ito, huhukayan ko siya sa paligid at lalagyan ko ng pataba. Baka sakaling sa taong darating ay mamunga na; kung hindi naman ay ipaputol mo na.” Kapanalig, naranasan mo na bang humingi ng “second chance” sa Panginoon? Noong nagkasakit ka nang malubha, noong meron kang mabigat na problema, noong gusto mong magbago ngunit addicted ka sa isang bagay, o tao na nagdadala sa iyo sa kasalanan, o noong meron kang project na hindi mo makayang tapusin sa deadline na ibinigay sa iyo? Sa ebanghelyong ating narinig, hindi ang punong igos na nakatakdang putulin ang humingi ng second chance, kundi ang maawaing gardener. Sa ating buhay siya ay walang iba kundi ang Panginoong Jesus na laging nakaharap sa Ama at nakikiusap na bigyan tayo ng second, third, and endless chances. Ang punong igos ay walang kaalam-alam na binigyan siya ng second chance ng kanyang gardener. Kaya hindi siya nagpasalamat. Tayo rin, hindi natin namamalayan kung ilang beses na sana tayong dapat namatay. Ngunit si Jesus, na ating butihing gardener na nakakaalam na hindi pa tayo namumunga sa buhay espiritwal ang siyang humingi sa Ama ng second chance para sa atin. Ilang beses na kaya? Pukawin natin sa alaala ang mga pangyayari sa ating buhay na muntik na nating ikamatay. Hindi pa tayo handa. Ang ating Divine Gardener ang nakiusap sa Ama at ngayon ay pinagyayaman niya tayo upang mamunga ng kabanalan. Sadyang gayon kalalim ang pagmamahal ni Jesus sa atin! Pasalamatan natin Siya, sa many chances na ibinigay sa atin na hindi natin napansin o namalayan. It’s thank-you time Napakagandang isipin na sa ating pagsisikap na magbago ay hindi tayo ang lead character kundi si Divine Gardener. Siya ang naghuhukay at naglalagay ng pataba. Paghuhukay – purification. Paglalagay ng pataba – pagbibigay ng mga grasya. Yakapin natin ang second chance nang may pagpapasalamat at pagpapakumbaba. Baka ito na ang ating last second chance. Salamat, Panginoong Jesus!
- Sr. Vangie Canag, fsp | Daughters of St. Paul
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
From the publisher's feed