
Sign up to save your podcasts
Or


ST. HEDWIG OF SILESIA l PATRON OF ANDECHS, ROMAN CATHOLIC OF WROCLAW AND DIOCESE OF GORLITZ
Feast Day: October 16
Born in 1174 as Duchess of Bavaria, Germany, St. Hedwig, our saint today, was an illustrious child and grew up more distinguished for her virtues and holiness of life. At age 12, her parents gave her in marriage to Henry, Duke of Poland, whom she influenced to a life of holiness. She loved the Eucharist and the Scripture. During mealtime, she had the Scripture read aloud for the entire household. She prayed, fasted, ate simple food, and was simple in her clothes. She was a dedicated wife and mother, however, she also spent much of her time to serving the poor, the sick, and expectant mothers. She would bring some sick people in the castle and personally attended to them. She sent money to prisoners and to poor debtors who could not pay their debts. Her husband, Henry the Duke, meanwhile, met oppositions from his close relatives, who were enviously after the throne. At a certain encounter, the Duke was seized by his rival and narrowly escaped death. Only the pleadings of Hedwig led to his release. This event widened the reign of her husband, who afterwards was promoted as Duke of Greater Poland and the High Duke of Krakow, following a 1138 Testament of Seniority. After the birth of their sixth child, Hedwig persuaded her husband to make the vow of chastity. They made the vow in the presence of a Bishop. Henry and Hedwig faithfully lived this vow and they supported each other’s projects for the poor. He donated a building for the Augustinians and also founded a Cistercian convent, and other monasteries and hospitals at Trebnitz. He died in 1238, and was buried at a Cistercian monastery of nuns, the one he had established in 1202 at Hedwig’s request. After Henry’s death, Hedwig continued to help the needy. She established hospitals for the sick and the lepers. She donated all her fortunes to the Church and lived a truly poor life. A story was told that she went barefoot in visiting some sick persons and it was reported to the Bishop. When the Bishop told her to use slippers, she brought a pair but carried them in her hands. Years later, she moved into a monastery, · of nuns. She assumed the religious habit of a lay sister, but she did not take the vows. She invited many German women and other settlers in Silesia to join them. Hedwig died on October 15, 1243, and was buried in Trzenica Abbey with her husband. A few of her relics are kept at Andechs Abbey and in St. Hedwig’s Cathedral in Berlin. Hedwig was canonized in 1267 by Pope Clement IV, a supporter of the Cistercian Order. She is patron saint of Silesia, and of Andechs, the Catholic Diocese of Wroclaw and Gorlitz. St. Hedwig was devoted to the Virgin Mary, and would bring her statue to bless the sick, some of whom were healed. She was buried with this statue and tradition says that when her tomb was opened years later, the fingers holding the statue were incorrupt. Lately, Bishop Andrzej Siemienieswski Jacek Kicinski, current auxiliary Bishop of Wroclaw, Poland, commented that St. Hedwig showed the world that Germans and Polish could live together harmoniously as members of one Church.
“St. Hedwig, you gave up all the pleasures and comforts of this world, come quickly to help those who are suffering due to poverty and privations. Amen.”
Do I sometimes leave my comfort zones so as to help others?
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
Mabuting Balita | Oktubre 16, 2022 – Linggo
Ika – 29 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lucas 18:1-8
“Dapat laging manalangin at huwag masiraan ng loob”-ito ang sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad sa isang talinhaga. Sinabi niya: “Sa isang lunsod, may isang hukom na walang takot sa Diyos at walang pakialam sa mga tao. May isa ring biyuda sa lunsod na iyon na madalas pumunta sa kanya at sinasabi: ‘Igawad mo sa akin ang katarungan laban sa aking kalaban.’ Matagal siyang umayaw pero naisip niya pagkatapos: ‘Wala man akong takot sa Diyos at walang pakialam sa tao, igagawad ko pa rin ang katarungan sa biyudang ito na bumubuwisit sa akin at baka masiraan pa ako ng ulo sa pagpunta-punta niya.’” Kaya idinagdag ng Panginoon: “Pakinggan ninyo ang sinabi ng di matuwid na hukom. Hindi ba’t igagawad ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na araw-gabing tumatawag sa kanya? Pababayaan ba niya sila? Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang katarungan. Ngunit pagdating ng Anak ng Tao, makakakita kaya siya ng pananampalataya sa lupa?”
Pagninilay:
“Pray! For miracles to happen.” Madalas nating itong naririnig kapag tayo’y pinanghihinaan ng loob at humaharap sa matinding pagsubok sa buhay. Tulad ng babae sa Ebanghelyo. Hindi siya nawalan ng pag-asa. Nagpursigi siya sa kanyang kahilingan mula sa hukom. Kinalaunan, iginawad ng hukom ang kahilingan ng babae. May mabuting bagay ang maaaring idulot sa atin ng pagiging matiyaga sa panalangin. Una, sa karanasan natin, anumang bagay na nakamit sa pagpupursigi at pagtitiya, pinahahalagahan natin ito. Datapwat, anumang nakamit sa mabilisang paraan, panandalian ang epekto at hindi natin pinanghihinayangan. Pangalawa, ang pagpupursigi at pagtitiyaga sa pagdarasal ay pinapatibay ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos. Batay sa ating karanasan, hindi nakakatulong upang patibayin at palalimin an gating ugnayan sa ating kapwa kung panaka-naka ang pakikipag-usap sa taong itinuturing nating mahalaga sa atin. Nanlalamig ang ugnayan ng dalawang tao kung walang panahon at oras ang isa upang makipag-usap. Hindi ito iba sa ating buhay pananampalataya. Ika nga ng mga millennials, “consistency.” Kung nais nating mapatibay at mapalalim ang ating ugnayan at pagmamahal sa Diyos huwag tayong panghinaan ng loob kung tila tahimik at walang sagot ang Diyos sa ating mga panalangin. Magtiyaga tayo. Magpursigi. Maging makulit hanggang sa dinggin tayo. Sa huli, ang layunin ng Diyos para sa atin ay turuan tayong maghintay at magtiwala sa kanya. Ika nga: God’s time is the most perfect time.
– Fr. Brian Paul Tayag, SSP | Society of St. Paul
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
Mabuting Balita | Oktubre 15, 2022 – Sabado
Ika – 28 na Linggo sa Karaniwang Panahon | Santa Teresa de Jesus, dalaga at pantas ng Iglesya
Ebanghelyo: Lucas 12:8-12
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Sinasabi ko sa inyo: sinumang kumilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin din ng Anak ng Tao sa harap ng mga anghel ng Diyos. At ang ayaw kumilala sa akin sa harap ng mga tao’y hindi rin kikilalanin sa harap ng mga anghel ng Diyos. Patatawarin ang sinumang magsasalita laban sa Anak ng Tao ngunit hindi patatawarin ang lumait sa Espiritu Santo. Dalhin man nila kayo sa harap ng mga may makapangyarihan, huwag kayong mabalisa kung paano ninyo ipagtatanggol ang sarili o kung ano ang inyong sasabihin. Sapagkat ang Espiritu Santo ang magtuturo sa inyo sa oras na iyon ng dapat na sabihin.”
Pagninilay
Kilala mo ba si Jesus? Sino Siya para sa iyo? Sinabi niyang ang kumikilala sa kanya sa harap ng mga tao ay kanyang kikilalanin sa harap ng mga anghel sa langit at ang magtatatwa sa kanya ay kanyang itatatwa rin. Madaling sabihin na kilala natin si Jesus bukambibig lang, ika nga. Ngunit kaiba ang kilalanin siya nang personal at magkaroon ng relasyon sa kanya, bilang Panginoon, Tagapagligtas, kaibigan, kapatid, minamahal. Siya ang kapunuan ng lahat ng hinahangad ng ating puso. Eh kung ganoon, bakit hindi natin siya hinahanap at pinagsisikapang makilala? Kasi, abala tayo sa paghahanap ng pera, ng kapangyarihan, ng ligayang dulot ng laman. At alam natin na kung makilala natin si Jesus kailangang mamuhay tayo ayon sa kanyang banghelyo. Ipapahayag natin ang ating pananampalataya sa salita at sa ating mismong buhay. Manindigan tayo sa katotohanan at sa mga utos ng Diyos at ng Simbahan. Minsan, sa takot, aayon na lang tayo sa mali. O nadadala tayo ng mga pekeng values: halimbawa, in respect for women’s rights, okay na rin ang abortion, in respect for human love, okay na rin lang ang same-sex marriage, in order to provide for our family, okay lang corruption. Sa ating araw araw na pamumuhay, ipinapakilala ba natin si Jesus sa ating pananalita at gawa? O alipin tayo ng takot at human respect? Ang Espiritu Santo, sabi ni Jesus, ang magtuturo sa atin ng karunungan at magbibigay sa atin ng lakas espiritwal. Halina, Espiritu Santo! – Sr. Vangie Canag, fsp | Daughters of St. Paul
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
Mabuting Balita | Oktubre 14, 2022 – Biyernes
Ika – 28 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Nang magkatipon ang libu-libong tao hanggang magkatapakan na sila, sinimulang sabihin ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo, na walang iba kundi ang pagkukunwari. Walang tinatakpan na di mabubunyag, walang natatago na di malalaman. Kaya naman ang sinabi n’yo sa dilim, sa liwanag maririnig; at ang ibinulong n’yo sa mga kuwarto, sa bubungan ipahahayag. Sinasabi ko naman ito sa inyo na mga kaibigan ko: huwag n’yong katakutan ang mga nakapapatay sa katawan at wala nang magagawang anuman. Ituturo ko sa inyo kung sino ang dapat n’yong katakutan: matakot kayo sa may kapangyarihang pumatay at may kapangyarihan pang magbulid sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo ito ang katakutan n’yo. Hindi ba’t ipinagbibili nang dalawang pera ang limang maya? Ngunit isa man sa kanila’y di nalilimutan sa paningin ng Diyos. Bilang na pati ang lahat ng buhok sa inyong ulo. Huwag kayong matakot; mas mahalaga pa kayo kaysa maraming maya.”
Pagninilay:
Merong po akong trivia question sa inyo: Ano ang pinakasikat na linya sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino? Bibigyan ko po kayo ng clue. Ang linyang ito ay pinasikat ng pangunahing kontrabida na si Cherie Gil sa pelikulang Bituing Walang Ningning noong 1985. Siguro mas pamilyar ito sa mga medyo may edad na sa atin. Pero maging sa mga telenobela ngayon ay ginagamit parin ang linyang ito. Ano ang sabi ni Lavinia? “You’re nothing, but a second-rate, trying hard, copycat.” Sabay tapon ng isang basong malamig na tubig sa mukha ni Dorina. Minsan sa buhay hindi din natin nakikita ang ating tunay na halaga. Minsan ang baba o ang liit ng tingin natin sa ating sarili. Pinapaalalahan tayo ng ating Panginoon Jesus sa ating ebanghelyo, “Maging ang buhok ninyo'y bilang niyang lahat. Kaya't huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya” (Lk 12:7). Mahalaga tayo sa Diyos. Meron tayong kwenta. Kaya kahit tapunan man tayo ng malamig ng tubig sa mukha ng mga Lavinia sa buhay natin at ituring tayong wala tayong halaga, paulit-ulit pa rin na sasabihin sa ating ng Panginoon…“You are not nothing because you mean everything to me. You are the first-rate of all my creation. You don’t even have to try hard for me to love you because I love you from all eternity. But, yes, you are a copycat, because I created you in my own image and likeness.” Amen.
– Fr. Anthony Capirayan, SSP | Society of St. Paul
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
From the publisher's feed