PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita l Nobyembre 4, 2022 – Biyernes

    Mabuting Balita l Nobyembre 4, 2022 – Biyernes | Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH


    Ebanghelyo: Lucas 16:1-8

    Sinasabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “May katiwala ang isang mayaman, at isinumbong sa kanya na nilulustay ng katiwala ang kanyang kayamanan. Ipinatawag niya ito at sinabi sa kanya: ‘Ano itong naririnig ko tungkol sa iyo? Magsulit ka sa akin ng iyong pangangasiwa dahil hindi ka na makapangangasiwa.’ At inisip ng katiwala: ‘Tatanggalin ako ngayon sa pangangasiwa ng aking panginoon. Ano ang gagawin ko? Kulang ako ng lakas para magbungkal ng lupa, nahihiya naman akong magpalimos. Ah, alam ko na ang gagawin ko. At pagkatanggal sa akin sa pangangasiwa, may mga magpapatuloy sa akin sa kanilang mga bahay.’ Kaya tinawag niyang isa-isa ang mga may –utang sa kanyang panginoon. Tinanong niya ang una: ‘Magkano ang utang mo sa aking panginoon?’ Sumagot ito: ‘Sandaang galon ng langis.’ Sinabi ng katiwala: ‘Narito ang resibo mo, maupo ka agad at isulat mo: Limampu.’ Tinanong naman niya ang ikalawa: ‘At ikaw, magkano ang utang mo?’ Sumagot siya: ‘Sanlibong takal ng trigo.’ Sinabi ng katiwala: ‘Narito ang iyong resibo at isulat mo: ‘Walundaan.’ Hinangaan ng panginoon ang matalinong paggawa ng di matuwid na katiwala. Mas matalino nga ang mga taong makamundo sa pakikitungo sa mga gaya nila kaysa mga tao ng liwanag.”

    Pagninilay:

    Marami tayong puwedeng makuhang interpretasyon sa talinhagang binahagi ni Hesus sa ating Ebanghelyo ngayon. Mayroon ding mga bahagi na hindi din malinaw para sa atin, tulad ng nagsisinungaling na alipin, sa siyang pinuri pa ng kanyang amo. Ang ibig sabihin ba nito ay hinihikayat ni Hesus ang ganitong pag-uugali? Pinapayagan niya ba tayong gumawa ng mali kahit na mabuti ang ating pakay? Paano natin ito maiintindihan, at maisasabuhay sa pang araw-araw? Kailangang maging malinaw sa atin na hindi dapat tayo humahanap ng kahit anong dahilan upang matanggap ang kahit anong hindi magandang gawain. Para sa pagpapalago ng Kaharian ng Diyos, patuloy tayong binibigyan ng pagkakataon upang magbago at gumawa ng mas nakabubuti pa sa kapwa. Hindi man aktwal na nangyari ang talinhaga, makikita natin na hinihikayat tayo ng Ebanghelyo ngayon upang sulitin ang lahat ng pagkakataong ibinigay sa atin ng Diyos upang makatulong tayo sa pagpapalago ng kanyang Kaharian. Maaring dahil tayo’y tao lamang, naghahangad tayo ng kasiguraduhan o kayamanan, ngunit ito ba ay dadalhin natin sa langit? Nawa’y manaig sa atin ang kagustuhang makamit ang espirituwal na kayamanan, ang kayamanan na ipinagkakaloob sa atin ng Diyos, para sa ikabubuti natin at ng ating kapwa. Amen.

    - Br. Joseph Panaguiton, AA | Augustinians of the Assumptions

    6 min
  • A THOUGHT A DAY | November 3, 2022

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    6 min
  • Mabuting Balita l Nobyembre 3, 2022 – Huwebes

    Mabuting Balita l Nobyembre 3, 2022 – Huwebes | Ika-31 na Linggo ng Karaniwang Panahon

    #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH

    Ebanghelyo: Lucas 15:1-10

    Lumapit kay Hesus ang lahat ng kolektor ng buwis at mga makasalanan para makinig. Kaya nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga guro ng Batas: “Tinatanggap niya ang mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” Kaya sinabi ni Hesus ang talinhagang ito sa kanila: “Kung may sandaang tupa ang isa sa inyo at mawala ang isa sa mga ito, hindi baga niya iiwan ang siyamnapu’t siyam sa ilang para hanapin ang nawawala hanggang matagpuan niya ito? At pag natagpuan ito’y masaya niya itong pinapasan sa balikat, at pagdating sa bahay ay tatawagin niya ang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila: ‘Matuwa kayong kasama ko sapagkat natagpuan ko na ang nawawala kong tupa.’ Sinasabi ko sa inyo: magkakaroon din ng higit na kagalakan sa Langit para sa isang makasalanang nagsisisi kaysa siyamnapu’t siyam na matuwid na di nangangailangan ng pagsisisi. Kung may sampung baryang pilak ang isang babae at nawala ang isa sa mga ito, hindi ba siya magsisindi ng ilaw, magwawalis sa bahay at hahanaping mabuti hanggang matagpuan ito? At pagkakita rito’y tatawagin ang mga kaibigang babae at mga kapitbahay: ‘Matuwa kayong kasama ko sapagkat natagpuan ko ang nawawala kong baryang pilak.’ Sinasabi ko sa inyo na ganito rin sa mga anghel ng Diyos, magkakaroon ng kagalakan para sa isang makasalanang nagsisisi.”

    Pagninilay:

    May dalawang uri raw ng tao sa mundo: ang mga makasalanan at ang mga matutuwid. Ang mga may sakit at ang mga maayos ang kalusugan. Ang mga nawawala’t hilo at ang mga wais at sigurado. Nang sabihin ni Hesus na siya ay pumarito para sa mga makasalanan, para sa mga maysakit at para sa mga nawawala, nabigla ang marami lalo na ang mga Pariseo at mga eskriba. Malamang ito ang inisip nila “Sila lang? Para ka lang sa kanila? Kami hindi kasali?” Mukhang hindi nila nakuha ang punto ni Jesus na walang “sila”. Na kapag sinabi niyang na “pumarito ako para sa mga makasalanan, mga may sakit at mga nawawala” ang ibig sabihin ay pumarito siya para sa lahat. Oo, kapatid, tulad ko, kasali ka.  Dahil kung tutuusin, sino ba sa atin ang hindi makasalanan? Sino ba sa atin ang hindi dukhang nangangailangan ng Kanyang awa? Kaya’t kung totoo man na may dalawang uri ng tao sa mundo, ito ay ang mga makasalanang malaki ang ulo at mga makasalanang nagsusumikap na magbago.

    Manalangin tayo: Panginoong Jesus, maraming salamat sa awa at pagmamahal para sa aming mga makasalanan, may sakit at nawawala – nawa’y patuloy kaming tumugon at sumunod sa iyo at gawin ang ayon sa kalooban mo. Amen.

    - Kenneth Gadian, Seminarian | Society of St Paul

    5 min
  • A THOUGHT A DAY | November 2, 2022

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    9 min
  • Mabuting Balita l Nobyembre 2, 2022 – Miyerkules

    Mabuting Balita l Nobyembre 2, 2022 – Miyerkules | Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano

    #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH


    Ebanghelyo: Juan 14:1-6

    Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Huwag mabagabag ang inyong mga puso. Manalig kayo sa Diyos, at manalig din kayo sa akin. Maraming silid sa bahay ng aking Ama. Kung hindi’y hindi ko sana sinabi sa inyong: ‘Papunta ako upang ipaghanda kayo ng lugar.’ At kapag nakapunta na ako at nakapaghanda ng lugar para sa inyo, muli akong darating at isasama ko kayo para sa aking sarili upang kung saan ako naroroon, gayon din naman kayo. At alam n’yo ang daan sa pupuntahan ko.” Sinabi sa kanya ni Tomas: “Panginoon, hindi namin alam kung saan ka pupunta. Papaano namin malalaman ang daan?” “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang sinumang nakalalapit sa Ama liban sa pamamagitan ko.”

    Pagninilay:

    Pumili ka: kaliwa o kanan, tama o mali, mabuti o hindi. Mababanaagan ang ganitong diwa at mensahe sa ebanghelyo sa araw na ito. Ipinapaalala na may halaga ang bawat pagpili, kilos at gawain natin bilang mga Anak ng Diyos, habang naghahanda tayo para sa buhay na walang hanggan. Sa dami ng ating alalahanin araw-araw, nalilimutan nating tumingin sa kabuuhan o sa bigger picture. Nalilimutan natin ang nais nating paroonan, ang ating layunin, ang Paghahari ng Diyos, ang Langit. Nawa, sa ating patuloy na paglalakbay sa daigdig, piliin natin ang kabutihan: magkawang-gawa, tumulong sa kapwa, mahalin ang pamilya, magpatawad, magbagong buhay, maging mabuti. Ito ang mga natatanging yaman na higit pa sa kahit anong pilak o ginto. Magsilbi nawang huwaran ang buhay ng mga yumaong ating inaalala sa araw na ito, silang naroon na sa Langit. Tularan natin ang kanilang kabutihan, kabanalan, pag-ibig sa Diyos at paglilingkod sa kapwa. Amen.

    – Fr. Keiv Aires Dimatatac, SSP | Society of St. Paul

    5 min
  • Mabuting Balita l Nobyembre 1, 2022 – Martes

    Mabuting Balita l Nobyembre 1, 2022 – Martes | Dakilang Kapistahan ng Lahat ng Mga Banal

    #MabutingBalita #DaughtersOfStPaulPhilippines #PaulinesPH


    Ebanghelyo: Mateo 5:1-12a

    Nang makita ni Hesus ang makapal na tao, umahon siya sa bundok. Naupo siya roon at lumapit sa kanya ang mga alagad. At nagsimula siyang magturo sa kanila: “Mapapalad ang may mga diwa ng dukha sapagkat sa kanila ang Kaharian ng Langit. Mapapalad ang mga di marahas sapagkat mapapasakanila ang lupain. Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katarungan sapagkat bubusugin sila. Mapapalad ang mga maawain sapagkat kaaawaan sila. Mapapalad ang may busilak na puso sapagkat makikita nila ang Diyos. Mapapalad ang mga nagpupunyagi para sa kapayapaan sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos. Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang kaharian ng langit. Mapapalad kayo kung iniinsulto kayo at pinag-uusig at sinisiraang-puri dahil sa akin. Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang gantimpalang nasa Diyos para sa inyo.

    Pagninilay:

    Tinatawag natin ang   pagbasa ngayon na “Sermon on the Mount”, o “Beatitudes.” Ang mga aral na ito ay   gabay natin sa pananampalataya na masasalamin sa buhay ng mga banal. Ang pagdiriwang natin ng Todos Los Santos ay paalala   sa bawat isa sa atin sa mahalagang mensahe ng pagbabalik–loob.  Nakita natin ito sa buhay ng mga santo tulad   nina San Pablo, apostol, San Agustin, San Francisco, St. Therese, St. Agnes   at lahat ng mga banal na may kanya-kanyang aral na maibabahagi sa atin.   Patunay na: “Holiness is within your reach!” Sa mga santo na nabuhay   sa ating modernong panahon, marami rin silang kahanga-hangang halimbawang naipamalas   sa atin. Isa na rito si Blessed Carlo Acutis. Ginamit niya ang kanyang   kakayahan bilang isang computer programmer sa pagpapalaganap ng debosyon sa   Eukaristiya.  Nakilala siya bilang   isang masayahin na teen-ager kahit sa gitna ng kanyang sakit na leukemia.   Inialay niya ang lahat ng sakit para sa intensiyon ng Santo Papa at ng Inang   Simbahan. Meron siyang malalim na debosyon sa Misa. Maglaan   tayo ng katahimikan sa araw na ito upang pakinggan ang pagkilos ng Espiritu na   gumagabay sa atin sa buhay ng kabanalan—sa buhay ng pagbubukas –loob sa   Diyos. Pinagpala ang bawat isa sa atin, ang dukha sa kanyang karukhaan,   ang nagugutom sa kanyang pagkagutom, ang pinag-uusig sa kanyang kalungkutan.   Dahil mismong sa kanilang pagkaaba, may pagkakataon silang magbukas-loob sa   Diyos. Nagiging blessed ang sinuman na sa kabila ng kahirapan, kalungkutan at   pag-uusig pinili pa rin nilang gumawa ng mabuti. Sa kabila ng kaniyang   kawalan si Jesus ang tangi nilang kayamanan at naging sandigan. Nabasa ko   minsan sa isang post: “Intelligence can make you smart but only God can   make you good.” Ipanalangin natin ang tunay na pagbubukas –loob ng bawat   isa sa atin sa grasya at biyaya ng Diyos sapagkat ito lamang ang tunay na   makapagdadalisay ng ating mga puso. –   Sr. Amelyne Paglinawan, fsp | Daughters of St. Paul

    Mahal na Birheng Maria, gabayan mo po kami tungo sa iyong   Anak na si Jesus! Lahat ng mga Santo at mga Banal, ipanalangin ninyo kami. AMEN.

    6 min
  • A THOUGHT A DAY | November 1, 2022

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    7 min
  • Mabuting Balita | Oktubre 31, 2022 – Lunes sa Ika – 31 na Linggo sa Karaniwang Panahon

    Mabuting Balita | Oktubre 31, 2022 – Lunes sa Ika – 31 na Linggo sa Karaniwang Panahon


    Ebanghelyo: Lucas 14:12-14

    Sinabi ni Hesus sa Puno ng mga Pariseo na nag-aanyaya sa kanya: “Kung maghahanda ka ng tanghalian o hapunan, huwag mga kaibigan mo o mga kapatid mo, mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang iyong kumbidahin, baka kumbidahin ka rin nila at susuklian ka. Kung maghahanda ka, mga dukha, mga balewala, mga pilay, at mga bulag ang kumbidahin mo.  At magiging mapalad ka; dahil hindi ka nila masusuklian. Ngunit sa pagkabuhay ng mga mabubuti ka nila susuklian.”

    Pagninilay:

    Napakagandang pagkakataon na sa taong ito 2022, pinagdiriwang ang ika-apat na raang taon (400) ng taong kamatayan ni Saint Francis de Sales. Isa sa mga tao na na inspireni St. Francis de Sales, ay si St. Vincent de Paul. At si St. Vincent de Paul, nagkaroon ng pagkalinga sa mga taong mahihirap. Salamat sa mga kataga na iniwan ni St. Francis de Sales: “Go to the poor and you will find God.”

    Ang buod ng Mabuting Balita ayon kay San Lucas, ay ang pagkalinga natin hindi sa mga kaibigan, kamag-anak, o kakilala kung sakaling may handaan tayo. Ang tagubilin ng ating Panginoon ay ang anyayahan natin ang mga mahihirap, ang pulubi, ang pilay, ang pingkaw, ang mga taong hindi kayang suklian ang kabutihang pwede nating gawin sa kanila. Alalahanin natin lagi ang mga katagang ito ni St. Francis de Sales: “Go to the poor and you will find God.” Puntahan natin ang mahihirap at matatagpuan natin ang Diyos.

    - Fr. Eugene Dominic Hechanova | Archdiocese of Lipa

    4 min
  • October 24 - ST. ANTHONY MARY CLARET l PATRON SAINT OF WEAVERS

    ST. ANTHONY MARY CLARET l PATRON SAINT OF WEAVERS

    Feast Day – October 24



     Much can be said about St. Anthony Mary Claret, our saint for today, the founder of the Claretians, but due to our limited space we shall concentrate only on the most essentials.Anthony Mary Claret was born in Sallent, Barcelona, Spain on December 23, 1807. As a child, he was educated in his village. His father was a weaver so at eighteen, Anthony specialized as a loom programmer, at the same time, he studied Latin, French and engraving. He wished to become a Carthusian monk but finally entered the diocesan seminary at Vic in 1829, was ordained on June 13, 1835 and continued to study theology. Desiring to be a missionary, he went to Rome and entered the Jesuit novitiate but due to ill health, he did not persevere and instead returned to Spain for his pastoral ministry. His Bishop then sent him as an Apostolic Missionary in Catalonia. After preaching in the pulpit, he would spend hours hearing confession. In 1848, he was sent to Canary Islands where he gave retreats for 15 months. He drew many people to listen to him. He would often preach from an improvised pulpit before the church to accommodate the people. When he returned to Spain in 1849, he established the Congregation of the Missionary Sons of the Immaculate Heart of Mary (The Claretians) on July 16, 1849. He was afterwards appointed as archbishop of Santiago, Cuba. As archbishop, he established the Seminary, strengthened clerical discipline, validated 9,000 marriages, erected hospitals, schools, visited prisoners and the sick, defended the poor and the marginalized, denounced racism and visited the entire diocese three times. On August 25, 1855, he founded the Religious of Mary Immaculate, the first women religious institute in Cuba. His sermons and many apostolic works met oppositions wherever he worked. Once a man stabbed him on the cheek, but he forgave him and obtained for him a commutation from death sentence to life imprisonment. In 1857, Archbishop Claret was requested by Queen Isabella II to be her Confessor. He resigned from his work in Cuba and went to Spain. When a revolution sent the Queen and her family to exile, he accompanied them to France. Consequently, he was able to preach in

    7 min
  • A THOUGHT A DAY | October 31, 2022

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    5 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.