
Sign up to save your podcasts
Or


MABUTING BALITA l AGOSTO 6, 2022 - Sabado sa Ika – 18 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ang Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon
Ebanghelyo: Lc 9: 28-36
Isinama ni Hesus sina Juan, Pedro at Jaime, at umahon sa bundok para manalangin. At habang siya'y nananalangin, nagbago ang anyo ng kanyang mukha, at puting puting nag niningning ang kanyang damit. May dalawang lalake ring nakikipagusap sa kanya, sina Moises at Elias; napakita sila sa kaluwalhatian, at pinaguusapan nila ang pag lisan ni Hesus na malapit ng maganap sa Jerusalem. Antok na antok naman si Pedro at ang kanyang mga kasama: peru pag kagising nila, nakita nila ang kanyang kaluwalhatian, at ang dalawang lalaking nakatayong kasama niya. Nang papalayo na yon kay Hesus, sinabi ni Pedro sa kanya, “Guro, mabuti’t narito tayo, gagawa kami ng tatlong kubol; isa sayo, at isa kay Moises, at isa kay Elias”. Nag sasalita pa siya ng may ulap na lumimlim sa kanila. at natakot sila pagpasok nila sa ulap. At narinig mula sa ulap ang salitang ito. “Ito ang aking Anak, ang hinirang: pakinggan ninyo siya”. Pagkasalita ng tinig, nagiisang nakita si Hesus. nang mga araw na yon, sinarili nila ito at walang sinabi kanino man tungkol sa Nakita nila.
Pagninilay:
Isa sa mga hindi ko makalimutan na karanasan simula noong pumasok ako sa seminary, eh iyong pagbisita ko sa maximum-security ng bilibid prison kasama ko ang ibat ibang seminarista at madre mula sa iba’t abang kongregasyon. Isa iyon sa “transfiguration” experiences. Yung parang bagang larawan din ng transfiguration ang aking nasaksihan at hanggang ngayon klaro pa sa aking memory ang aking nasaksihan. Lumiliwanag. Nagsimula ang lahat sa selebrasyon ng Misa na ang Mabuting Balita sa Linggo na iyon ay parehas sa Ebanghelyo natin ngayon, yung nakatakaw atensyon sa akin ay ang kaklase kung Vietnamese na conductor ng choir ng mga nasa bilangguan. Merong language barrier pero di hamak na tilang mga anghel na kumakanta sila. Pangalawa, ay ang pagkikita ng isang madre sa kanyang tiyuhin na matagal ng hindi niya nakikita. Yung pagtulong ng mga tao doon para sila magkita at ang pag-alalay ng kapwa niya bilanggo ang nagpa-antig sa akin. Pangatlo ay ang aking pakikitungo at pakikipag-usap sa ating mga kapatid nasa bilangguan. Nagkaroon nga ako ng limang prayer warriors sa karanasan na iyon. Kahit mapasaan man pala tayo, si Hesus ay patuloy na magliliwanag, magbibigay saya at awit sa ating buhay. Si Hesus na magpapatagpo ng mga naghihiwalay. At si Hesus na isang kaibigan, ano man ang estado ng iyong buhay. Rev. Sammy Torrefranca
MABUTING BALITA l AGOSTO 5, 2022 – Biyernes sa Ika – 18 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan ng Mahal na Birheng Maria sa Roma
Ebanghelyo: Mt. 16:24-28
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: Kung may ibig sumunod sa akin, itakwil ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus para sumunod sa akin. Sapagkat ang naghahangad na magligtas ng kanyang sarili ang mawawalan nito. Ngunit ang naghahangad ng mawalan nito ang makakatagpo nito. Ano ang Pakinabang ng tao, tubuin man niya ang buong daigdig kung sarili naman niya ang mawawala. Sa ano maipagpapalit ng tao ang kanyang sarili. Darating nga ang anak ng tao taglay ang kaluwalhatian ng kanyang Ama at kasama rin ang kanyang banal na Anghel. At doon niya gagantimpalaan ang bawat isa, ayon sa kanyang mga gawa. Totoong sinasabi ko sa inyo, na makikita ng ilan sa inyo ang Anak ng Tao na dumarating bilang Hari, bago sila mamatay.
Pagninilay:
Mga kapatid, may iba’t-bang klase ng krus sa ating buhay. Sakit, kahirapan sa pamilya, kawalan ng trabaho, depresyon, at iba pa ay ilan lamang sa maituturing nating krus o pasanin sa ating buhay. May mga taong may krus na mas mahirap pa sa iba. Gayunpaman, hindi kailanman madali ang pagtanggap ng kahit anong klase ng krus sa ating buhay. Ang makakatulong o makakasama sa atin ay kung paano natin tinitingnan ang krus na ating pinapasan sa buhay. Tinitingnan mo ba ang iyong krus bilang isang parusa na galing sa Diyos o naniniwala ka ba na ang krus na iyong pasan-pasan ay sadyang bahagi lamang ng ating buhay, kagaya ng kagalakan at pagmamahal ay parte ng ating buhay bilang isang tao?
Mga kapatid, anong sistema ng paniniwala mayroon tayo? Naniniwala ba tayo na ang Diyos ay mapagparusang Diyos o atin bang napagtanto na may mga nagawa tayong desisyon at ang ating mga nagawang desisyon ay may kahihinatnan sa ating buhay na dapat nating tanggapin at makipamuhay nito. Ang realidad ng pagiging tao ay nangangahulugan na tayo ay makakaranas ng pagdurusa, tulad ng ating nararanasang saya, pagmamahal, kapayapaan, at ginhawa. Bagamat hindi kailanman maiiwasan ang krus sa ating buhay, manalig tayo na sa ating pang-araw-araw na buhay kasa-kasama natin si Hesus at tutulungan niya tayong pasanin ang ating krus. Sa tuwing akala natin na hindi na natin kayang pasanin ang ating Krus sa buhay, magdasal tayo kay Hesus ng kaginhawaan, kapayapaan, at lakas upang malampasan natin ang krus sa ating buhay. Sa panahon ng kahirapan, makakatulong sa atin ang tumuon sa mga mabuting bagay na meron tayo sa buhay. Kung gagawin natin ito, mapagtatanto natin na may mas maraming biyaya mayroon tayo kaysa sa kahirapan. Mga kapatid, nawa’y buksan ni Hesus ang ating isipan at puso upang mapagtanto natin ang mga maraming biyayang kaloob sa atin ng Diyos. Sem. Christian Bagongon, SSP
MABUTING BALITA l AGOSTO 4, 2022 – Huwebes sa Ika – 18 na Linggo sa Karaniwang Panahon
San Juan Maria Vianney, pari
Ebanghelyo: Mt 16:13-23
Pumunta si Hesus sa may dakong Cesarea ni Filipo. Tinanong niya ang kanyang mga alagad: “Ano ang Anak ng Tao para sa mga tao? Sino ako para sa kanila?” “May nagsasabing pong si Juan Bautista kayo; may iba pang nagsasabing si Elias ka o si Jeremias o isa sa mga propeta kaya.” “Ngunit sino ako para sa inyo?” At sumagot si Simon Pedro: “Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na Buhay.” “Mapalad ka, Simon Bar-Yona, hindi nga laman at dugo ang nagbunyag sa iyo nito kundi ang aking Amang nasa Langit. At ngayon sinasabi ko sa iyo: Ikaw si Pedro at sa batong ito ko itatayo ang aking Iglesya; at hinding-hindi ito madadaig ng kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng Kaharian ng Langit. Ang itali mo dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, at ang kalagan mo dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit.” At inutusan niya ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kanino man na siya ang Mesiyas. Mula sa araw na iyon ipinaalam ni Hesukristo sa kanyang mga alagad na kailangan siyang pumunta sa Jerusalem; pahihirapan siya ng mga matatanda ng mga Judio, ng mga Punong-pari, at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon sa ikatlong-araw. Dinala naman siya ni Pedro sa isang tabi at sinumulang pagsabihan: “Huwag sana, Panginoon. Hindi ito puwede!” Ngunit hinarap ni Hesus si Pedro at sinabi sa kanya: "Sa likod ko Satanas! At baka mo pa ako tisurin. Hindi sa Diyos galing ang iyong iniisip kundi mula sa tao.”
Pagninilay:
Kanino ka kumakapit? Nung ako ay bago pa lamang sa seminaryo, madalas nakakaranas ako ng pagsubok sa buhay. Isa na lamang dito ay nung ako ay nagaaral pa lamang sa pilosopiya. Madalas ang aming mga titser tinatanong kami ng pagkahirap-hirap na tanong patungkol sa kung ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng buhay. Madalas sa exam ng Latin halos lahat kami maiyak sa hirap ng mga katanungan. Marahil marami sa ating ang gustong umiwas sa pagsubok ng buhay. Kagaya ng mga naranasan ko nung ako’y bago pa lamang sa seminary sinisikap ko na tumakas sa resitasyon hanggat maari mag tatago ako sa mga titser. Ganun din sa ating evanghelyo. Nung sinabi ni Pedro kay Hesus na “Panginoon, malayo ito sa iyo: kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo.” Katulad ni Pedro, hindi n’ya gustong mahirapan o masaktan si Hesus. Ganun din sa ating buhay maaring ayaw natin or iniiwasan natin na masaktan o mahirapan sa buhay. Ngunit ang itinuturo sa atin ni Hesus na parte ng ating paglalakbay ang pagsubok sa buhay. Bakit? Sapagkat ang pagsubok sa ating buhay ang magbibigay ng katatagan sa atin upang mas mahubog pa ang ating sarili at maging handa sa buhay. Pangalawa, itinuturo din sa ating ni Hesus na ating pagkatiwalaan ang Diyos Ama kagaya ng kanyang ginawa na alam nya na mahihirapan siya, alam nyang pahihirapan siya at ipapako. Ibis na umiwas at magtago ay tinanggap nya ang mga mangyayari at nagtiwala sa Diyos Amang nasa langit. Ito ang imbitasyon sa ating ng ebanghelyo ngayon na dapat tayong mag tiwala sa Diyos Ama kagaya ng ginawa ng kanyang Anak na si Hesus. Kanino ka kumakapit? Sa sarili mong kakayahan o sa Dyos Amang nasa langit? AMEN!
CL. PETER GOLD DOMINGUEZ, SSP
GOSPEL POWER l AUGUST 3, 2022 - WEDNESDAY
18th Week in Ordinary Time
Gospel: Mt 15:21-28
21Jesus left that place and went away to the district of Tyre and Sidon. 22Just then a Canaanite woman from that region came out and started shouting, “Have mercy on me, Lord, Son of David; my daughter is tormented by a demon.” 23But he did not answer her at all. And his disciples came and urged him, saying, “Send her away, for she keeps shouting after us.” 24He answered, “I was sent only to the lost sheep of the house of Israel.” 25But she came and knelt before him, saying, “Lord, help me.” 26He answered, “It is not fair to take the children’s food and throw it to the dogs.” 27She said, “Yes, Lord, yet even the dogs eat the crumbs that fall from their masters’ table.” 28Then Jesus answered her, “Woman, great is your faith! Let it be done for you as you wish.” And her daughter was healed instantly.
Prayer can, at times, be an experience of wrestling with God, very much like what Jacob went through when he contended with the divine throughout the night and, at daybreak, received a blessing and a new name (Gn 32:25-29). It is while struggling that faith is purified and perfected. The Canaanite woman, too, in today’s Gospel wrestles with Jesus, not employing muscle but words, to make her divine contender concede and bestow on her the prize. In this verbal match with Jesus, the woman exhibits a remarkable concentration on what Jesus is saying, and this enables her to turn his very words to her favor. With this, she enlightens us on a very important but often neglected aspect of prayer — that is, humble and focused listening. The silent space in prayer may very well hold the key to God’s response, but we can miss it if we are busy talking and not taking time to listen.
Lord Jesus, teach us to be at home with the wordless silence of faith-filled prayer, where you speak directly to our hearts. Amen.
GOSPEL POWER l AUGUST 2, 2022 - Tuesday of 18th Week in Ordinary Time
Saint Eusebius of Vercelli, bishop l Saint Peter Julian Eymard, priest
Gospel: Mt 14:22-36
22Immediately Jesus made the disciples get into the boat and go on ahead to the other side, while he dismissed the crowds. 23And after he had dismissed the crowds, he went up the mountain by himself to pray. When evening came, he was there alone, 24but by this time the boat, battered by the waves, was far from the land, for the wind was against them. 25And early in the morning he came walking toward them on the sea. 26But when the disciples saw him walking on the sea, they were terrified, saying, “It is a ghost!” And they cried out in fear. 27But immediately Jesus spoke to them and said, “Take heart, it is I; do not be afraid.” 28Peter answered him, “Lord, if it is you, command me to come to you on the water.” 29He said, “Come.” So Peter got out of the boat, started walking on the water, and came toward Jesus. 30But when he noticed the strong wind, he became frightened, and beginning to sink, he cried out, “Lord, save me!” 31Jesus immediately reached out his hand and caught him, saying to him, “You of little faith, why did you doubt?” 32When they got into the boat, the wind ceased. 33And those in the boat worshiped him, saying, “Truly you are the Son of God.”34When they had crossed over, they came to land at Gennesaret. 35After the people of that place recognized him, they sent word throughout the region and brought all who were sick to him, 36and begged him that they might touch even the fringe of his cloak; and all who touched it were healed
When Jesus tells the terrified disciples, “It is I,” the original Greek expression is equivalent to “I AM,” which is the self-identification of God to Moses in the burning bush (cf. Ex 3:14). Thus, this Gospel episode is a theophany, a manifestation of Jesus’ divinity — for “only God marches on the waves of the sea” (cf. Job 9:8). So, when Peter tells Jesus, “…if it is you, command me to come to you on the water,” he is, in effect, daring Jesus to give him, as proof of his claim to divinity, the ability to walk on water. Jesus, knowing Peter’s impulsive character, gives in to his demand, so that, not only Peter but also the other disciples and all of us who read this Gospel today, may learn the lesson never to test God. The only proper response to God is faith. One thing good about Peter is his humility. Realizing the foolishness of his demand as he begins to sink, he pleads to be rescued from the situation. Who can save us from our folly if not the Lord himself? Lord Jesus, forgive us for the times when we sought signs to prop up our feeble faith. Increase our faith! Amen.
MABUTING BALITA l AGOSTO 3, 2022 – Miyerkules sa Ika – 18 na Linggo sa Karaniwang Panahon
San Pedrong Anagni
Pumunta si Hesus sa gawing Tiro at Sidon. May isang babaeng Kananea noon na nagpunta sa dakong iyon at sumigaw: “Panginoon, anak ni David maawa ka sa akin! Pinahihirapan ng isang demonyo ang anak kong babae.” Ngunit hindi siya tinugon ni Hesus kaya lumapit ang kanyang mga alagad at hiniling ng mga ito. “Paalisin mo na siya’t sigaw s’ya nang sigaw sa likod natin.” “Sa nawawalang tupa ng bayan ng Israel ako sinugo.” Ngunit lumapit ang babae at lumuhod sa harap ni Hesus at sinabi: “Ginoo, tulungan mo ako!” “Hindi tama na kunin ang tinapay sa mga bata at itapon ito sa mga tuta.” “Totoo nga, Ginoo, pero kinakain naman ng mga tuta ang mga nalalaglag mula sa hapag ng kanilang mga amo.” “Babae, napakalaki ng iyon pananalig! Maganap sa iyo ayon sa nais mo.” At nang oras ding iyon, gumaling ang kanyang anak.
Pagninilay:
Maraming beses sa ating buhay na tayo ay sinusubok ng Panginoon. Tinitingnan niya kung hanggang saan aabot ang ating pananampalataya sa kaniya. Ginagawa niya ito upang mas lumalim ang ating pananampalataya sa kaniya at gusto Niya na sa Kaniya lang tayo kumapit. Ipinapakita sa ebanghelyo natin ngayon kung paano sinubok ni Hesus ang pananampalataya ng isang babaeng taga-Canaan. At hindi si Hesus nabigo sa malalim na pananampalatayang ipinamalas ng babaeng ito kaya’t kaniyang dinulog ang panalangin nito. Isa sa mga katangian ni Hesus na ipinapakita sa ating ebanghelyo ngayon ay ang pagiging Diyos ‘para sa lahat’ (the inclusiveness of God). Si Hesus ay hindi lamang Diyos ng iilan, kundi Diyos para sa tanan. Hindi niya inialay ang kaniyang sarili para lamang sa isang grupo kundi para sa lahat. Bilang mga taga-sunod niya, ito rin ang katangian na ating dapat taglayin. Kung minsan, may mga pagkakataon sa ating buhay na tayo ay pumipili ng mga taong tinutulungan natin o sa mga taong kinakausap natin, huwag nating hayaan na hanggang doon lamang ang ating pagtulong, bagkos iunat din natin ang ating mga kamay sa iba pang mga taong nangangailangan ng ating tulong. Maging tao tayo para sa lahat. Amen. Sem. Jiggy Rosero Joson, MSP
MABUTING BALITA l AGOSTO 2, 2022 – Martes sa Ika – 18 na Linggo sa Karaniwang Panahon
San Eusebio de Vercelli, obispo l San Pedro Julian Eymard, pari
Pinasakay ni Hesus sa bangka ang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo habang pinaaalis niya ang mga tao. At pagkaalis ng mga tao, mag-isa siyang pumunta sa kaburulan para manalangin. Nag-iisa siya roon nang gumabi. Samantala, malayo na sa lupa ang bangka, sinasalpok ng mga alon sapagkat pasalungat ang hangin. Nang madaling-araw na, pinuntahan sila ni Hesus na naglalakad sa dagat. Nang makita nila siyang naglalakad sa dagat, natakot sila, at akala nila’y multo siya. Kaya sumigaw sila. Ngunit agad niyang sinabi sa kanila: “Lakasan ang loob! Ako ito, huwag kayong matakot.” Sumagot si Pedro: “Panginoon, kung ikaw nga, papuntahin mo ako sa iyo na naglalakad sa tubig.” “Halika.” Bumaba naman sa bangka si Pedro at naglakad sa tubig papunta kay Hesus. Ngunit natakot siya sa harap ng malakas na hangin at lumulubog na. Kaya sumigaw siya: “Panginoon, iligtas mo ako!” Agad na iniunat ni Hesus ang kanyang kamay at hinawakan siya, at sinabi: “Taong kakaunti ang pananampalataya, bakit ka nag-aalinlangan?” Nang nakasakay na sila sa bangka, tumigil ang hangin. At yumuko sa harap ni Hesus ang mga nasa bangka at sinabi: “Totoo ngang ikaw ang Anak ng Diyos!” Pagkatawid nila, dumating sila sa pampang ng Genesaret. Nakilala si Hesus ng mga tagaroon at ipinamalita nila sa buong kapaligiran. Kaya dinala nila sa kanya ang mga maysakit. May nakiusap sa kanya na mahipo man lamang sana nila ang laylayan ng kanyang damit, at gumaling ang lahat ng humipo rito.
Pagninilay:
Sinasabing matapos magpakain ng higit-kumulang limang libong katao, nangyari ang kaganapang ito na nabasa natin ngayon sa ating Ebanghelyo. Pinauna na ni Hesus ang mga alagad upang magkaroon siya ng maikling panahon upang manalangin. Sa hindi inaasahang tagpo, humangin ng malakas at halos tumaob na ang bangkang lulan ng mga apostol. At doo’y dumating si Hesus. Mga kapanalig, hindi ba’t sa maraming pagkakataon sa buhay-ganoon din tayo. Kapag hinahampas tayo ng alon ng suliranin. Malakas’s din yung hangin ng ating kayabangan dahil akala natin kaya natin. Tataob na yung ating lakas upang lumaban muli. Dalawa lang ang maaring mangyari: idedeny mo na mayroong Diyos at ikokonsider siyang multo o kikilalanin mo siya bilang Diyos na totoo. Nasa atin ang pagpapasya at pagpili. Pero sana hindi lang sa mga panahon ng paghampas, mahangin, at pagtaob natin maalala ang Panginoon. Sana sa kapanatagan, kapahingahan, kasiyahan-mas makasama at madama din natin siya. Amen. Cl. Vinz Aurellano, SSP
GOSPEL POWER l AUGUST 1, 2022 - Monday of 18th Week in Ordinary Time
Saint Alphonsus Liguori, bishop and doctor of the Church
Gospel: Mt 14:13-21
13When Jesus heard of the death of John the Baptist, he withdrew from there in a boat to a deserted place by himself. But when the crowds heard it, they followed him on foot from the towns. 14When he went ashore, he saw a great crowd; and he had compassion for them and cured their sick. 15When it was evening, the disciples came to him and said, “This is a deserted place, and the hour is now late; send the crowds away so that they may go into the villages and buy food for themselves.” 16Jesus said to them, “They need not go away; you give them something to eat.” 17They replied, “We have nothing here but five loaves and two fish.” 18And he said, “Bring them here to me.” 19Then he ordered the crowds to sit down on the grass. Taking the five loaves and the two fish, he looked up to heaven, and blessed and broke the loaves, and gave them to the disciples, and the disciples gave them to the crowds. 20And all ate and were filled; and they took up what was left over of the broken pieces, twelve baskets full. 21And those who ate were about five thousand men, besides women and children.
We see in this episode how Jesus helps his disciples make a shift of perspective — from regarding a situation as merely problematic, to seeing it also as an opportunity. For the disciples, being with the hungry crowds in a deserted place, at a late hour, with only a meager amount of food, is a big problem. They ask Jesus to change the situation by dispersing the crowds, so they can buy their own food. But Jesus replies by offering them the opportunity to be food-providers for the crowds. The disciples protest, for all they see is the scarcity of the available food. Now, Jesus teaches them what they — and what we too — must always do in the face of seemingly irresolvable problems — “Bring them here to me.” Yes, place them in the hands of Jesus. By doing this, we connect with his perfect faith in his gracious Father. The disciples learn that, in the hands of Jesus, scarcity is turned to abundance. As Jesus hands them the food for distribution, the disciples truly become food-providers for the crowds. Problem has become an opportunity. Lord Jesus, draw us into your perspective and help us to see life not as a succession of problems but of opportunities. Amen.
ST. PIUS X l PATRON OF THE COMMUNICANTS AND PILGRIMS
FEAST DAY: AUGUST 21
Our saint for today was an admirable Pope who promoted daily Communion for Catholics and frequent recourse to the Sacrament of Reconciliation. He successfully fought against modernism which was destroying the life of the Church and introduced reforms to improve the life of the faithful. He is no other than St. Pius X. St. Pius was born to a peasant family on June 2, 1835, in Riese, Treviso, Italy, second among ten children. His parents, though poor, valued education and sent him and his nine siblings to school. Each day, he had to walk 12 kilometers to and from the school. At a young age, Giuseppe studied Latin under his village priest and afterwards went for further studies in Veneto. In 1850, he received the tonsure from the Bishop of Treviso and was given scholarship and finished his classical, philosophical and theological studies with distinction. On September 18, 1858, he was ordained a priest and became chaplain at Tombolo where he also studied canon law and the writings of Thomas Aquinas. He became archpriest of Salzano and in that place worked hard begging money from benefactors to restore the church and expand a hospital for the poor. He made sacrifices to assist the sick during the time that cholera devastated Italy early in 1870. He was named canon of the cathedral and chancellor of the Diocese of Treviso, and was spiritual director and rector of the seminary. He tried to bring religious instruction to many rural areas in the Diocese, and to students who had no opportunity to attend Catholic schools. On November 1884, he was appointed Bishop of Mantua. Then on June 12, 1893 he was made a Cardinal by Pope Leo XIII and appointed Patriarch of Venice. After the death of Pope Leo XIII, Cardinal Sarto was elected to the pontificate. As Pope, he was not ashamed to show his humble origins. He wore a pectoral cross made of gilded metal to remain poor and simple. He also refused the favors being given by other Church leaders to members of his family. He wanted them to remain poor. He himself was a member of the Third Order of St. Francis. He was also known to be a lover of children and taught catechism to them. He carried candy in his pockets and talked to children about topics that interested them. During his pontificate, many Marian images around the world were granted canonical coronation and prestigious honor. He officially restored the use of Gregorian chant which was temporarily disregarded in favor of the new musical styles. He promoted the faithful use of the Breviary for priests to enhance their work for holiness. He made special emphasis on the Eucharist and liturgy and promoted daily reception of Holy Communion and frequent Confession. He also decreed that First Communion be made at the age of 7, the age of discretion, not 12, as was usually practiced. According to him “Holy Communion is the shortest and safest way to heaven.” This devotion to Holy Communion earned for him the title “Pope of the Blessed Sacrament.” The pontificate of St. Pius was inspired by his desire “to restore all things in Christ.” He therefore worked to promote Liturgy, the Missal, the Breviary, the Catechism, Ecclesiastical chant, Codification of Canon Law and Catholic Social Action. His soul returned to its Creator on August 20, 1914. His will and Testament contained these words: “I was born poor, I have lived poor, and I wish to die poor.” He was canonized by Pope Pius XII on May 29, 1954. How often do I receive Jesus in Holy Communion? How do I make myself worthy of receiving Him?
MABUTING BALITA l AGOSTO 1, 2022 – Lunes sa Ika – 18 na Linggo sa Karaniwang Panahon
San Alfonso Maria Liguori, obispo at pantas ng Simbahan
Ebanghelyo: Mt 14:13-21
Nang marinig ni Hesus ang pagkamatay ni Juan Bautista, lumayo siya at namangka na sila-sila lang patungo sa ilang na lugar. Ngunit nalaman ito ng mga tao at sumunod sila sa kanya na naglalakad mula sa kanilang mga bayan. Pagdating ni Hesus sa pampang, nakita niya ang maraming taong nagkakatipon doon at naawa siya sa kanila. At pinagaling niya ang mga maysakit. Nang hapon na ‘yon, lumapit sa kanya ang mga alagad at sinabi: “Nasa ilang na lugar tayo at lampas na ang oras. Paalisin mo na ang maraming taong ito para makapunta sila sa mga nayon at makabili ng kani-kanilang pagkain.” Ngunit sumagot si Hesus: “Hindi na nila kailangang umalis pa; kayo ang magbigay sa kanila ng makakain.” “Wala kami rito kundi limang tinapay at dalawang isda.” “Akin na.” At niyang maupo sa damuhan ang makapal na tao. Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala sa Langit, nagpuri, hinati ang mga tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad; at ibinigay rin nila sa mga tao. At kumain silang lahat at nabusog, at inipon nila ang mga natirang pira-piraso—labindalawang punong basket. Mga limanlibong lalaki ang napakain bukod pa sa mga babae at mga bata.
Pagninilay:
Maging buhay na tanda ng pagmamahal ni Kristo! Tubig ang ginagamit sa binyag, Universal ito, ibig sabihin saan mang dako sa mundo tubig ang ginagait sa pagbibinyag. Samantalang wheat bread, grape wine at olive oil –ang ginagamit sa Eukaristiya at sa kumpil. Nabanggit sa Ebanghelyo na gumamit din si Hesus ng mga pagkaing ito. Nanghingi Siya ng inumin sa Babaeng Samaritana. Nagpakain siya sa maraming tao. Sa kasalan sa Cana, (he changes water into wine) ginawa niyang alak ang tubig. Hindi binanggit sa Ebanghelyo na ginamit ni Hesus ang olive oil. Pero, nanganaghulugan ang pangalang “Kristo” the anointed one; sa Lumang Tipan, ang mga pari, mga propeta at mga hari ay pinapahiran ng lana. Maari rin nating idagdag sa mga sacramental signs na ito ang isa pang pagkain, ang isda. Nang muling nabuhay si Hesus, pinatunayan Niyang siya ay tunay na buhay sa pamamagitan nang pagkain niya ng isda. Ipinagluto niya rin ang kanyang mga disipulo ng breakfast na inihaw dun sa dalampasigan ng dagat ng Galilea. Sa huling pangyayaring ito, ang isda ay naging tanda ng isang (invinsible grace) hindi masusupil na biyaya. Nagkaroon ng malalim na kahulugan ang isang pirasong isda sa karanasan ng mga alagad. Hindi lamang ito ordinaryong pagkain na bumusog ng kanilang pisikal na pagkagutom. Nakakatanggap din tayo ng “unli” o unlimitaed grace sa tuwing pagtanggap natin kay Hesus sa komunyon. Minsan, sa isang grocery store, merong mama at isang esdyante na magkasunod ang nasa unahan ko sa pila. Nung kinuwenta ng cashier ang babayaran nung mama ay medyo kinulang yata ang pera nito. Akma na nitong ipagpaliban ang isang lata ng sardinas pero mabilis namang ibinalik ito ng nakasunod na estudyante sabay ngiti na sinabing. “Kuya, ako napo ang bahala.” Medyo, nag-alangan pa ito pero tinanggap na rin ang alok sa kanya. Bakas sa mukha ni kuya ang ngiti at pasasalamat bago umalis. Mga kapatid, isang simpleng kuwento ng pagiging bukas- palad. Tunay nga na naghahatid ng kakaibang kagalakan ang pagbibigay. Nawa’y maging alisto tayo sa pagtugon sa mga kapatid nating nagugutom material man ito o pangangailangang espiritwal. Handa ka bang maging tanda ng pagmamahal ng Diyos sa araw na ito? Sr. Amelyne, FSP
From the publisher's feed