PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita | Abril 11, 2022 - Lunes

    Mabuting Balita | Abril 11, 2022 

    Lunes Santo


    Ebanghelyo: Juan 12: 1-11

    Anim na araw bago mag-Paskuwa, pumunta si Jesus sa Betania, na kinaroroonan ni Lazaro na pinabangon ni Jesus mula sa mga patay. Kaya naghanda sila roon ng hapunan para sa kanya. Naglilingkod si Marta at si Lazaro naman ay isa sa mga kasalo ni Jesus. Kinuha ni Maria ang isang libra ng mamahaling pabangong mula sa tunay na nardo at pinahiran niya ang mga paa ni Jesus at pinunasan ng kanyang buhok ang mga paa nito. Napuno ng halimuyak ng pabango ang pamamahay. Sinabi ni Judas Iskariote na isa sa kanyang mga alagad na siyang magkakanulo sa kanya: “Ano ito? Maipagbibili sana ang pabangong ito sa halagang tatlundaang denaryo para maibigay sa mga dukha.” Sinabi niya ito, hindi dahil may malasakit siya sa mga dukha kundi dahil magnanakaw siya; hawak niya ang pananalapi at nangungupit doon. Kaya sinabi ni Jesus: “Bayaan mo na siya; inilaan na niya ito para sa araw ng paglilibing sa akin. Kasama ninyong lagi ang mga dukha, ngunit hindi ninyo ako laging kasama.” Marami sa mga Judio ang nakaalam na naroon siya. At dumating sila hindi dahil lamang kay Jesus kundi upang makita nila si Lazaro na pinabangon niya mula sa mga patay. Pinag-usapan naman ng mga Punong-pari ang pagpatay pati na kay lazaro, sapagkat marami sa mga Judio ang lumilisan dahil sa kanya at naniniwala kay Jesus.

    Pagninilay:

    Sino ba naman ang hindi magagalak sa pagbuhay ni Jesus kay Lazaro? Bilang kapalit, buong loob na ibinuhos ni Maria sa paa ni Jesus ang mamahaling pabango. Pinunasan pa niya ng kanyang buhok para magbigay ng parangal-kaluwalhatian kay Jesus. Sa tagpong ito, dinadala tayo sa mahalimuyak na ugnayan ni Jesus at ng ating Simbahan. Si Maria, ang larawan ng ating Simbahan. Bilang Simbahan, una, isa tayong sambayanang binyagan na masayang nagdiriwang ng ating buhay-sakramental kaisa ni Jesus tulad sa Misa, at sa Sakramento ng Pakikipagkasundo. Ikalawa, isa tayong malaking pamilya na nagpapasalamat sa walang sawang pagbibigay sa atin ng buhay. Kinikilala natin ang mga bagong isinilang na sanggol ngayon. At ganundin sa mga kamag-anak natin na nalunasan mula sa malubhang sakit. Kasama na rin ang mga nailikas at naligtas sa digmaan ng Russia at ng Ukraine. Ikatlo, isa tayong ispiritwal na katawan ni Kristo na nakikisa sa Kanyang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay para sa ganap na kaligtasan ng lahat. Bilang Simbahan, kinikilala ni Jesus ang mga napapagdaanan nating pagpapakasakit. Ang mga pagsubok natin sa krisis ng kalusugan, krisis sa ekonomiya, ang krisis sa ugnayang pamilya, at ganundin ang kabi-kabila nating pambansa at personal na krisis. Mahalimuyak ito para kay Jesus sa oras na ikinakapit natin ito sa Kanyang Krus. Nasisiyahan din Siya sa samyo ng pasasalamat natin sa oras na itinataas natin ang tinik ng pighati ng buhay. Bago pa man natin ito pinapaging-isa kay Jesus, binibiyayaan na Niya tayo ng pabango ng karunungan. Isang kalugudlugod na karunungan para lalo nating maipalaganap ang halimuyak ng Kanyang kaligtasan sa ating salita at gawa.

    – Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp | Daughters of St. Paul

    5 min
  • Mabuting Balita | Abril 10, 2022 - Linggo

    Mabuting Balita | Abril 10, 2022

    Linggo ng Palaspas sa Pagpapakasakit ng Panginoon


    Ebanghelyo: Lucas 19: 28-40

    Nagpauna si Jesus sa kanyang mga alagad pa-Jerusalem Nang malapit na siya sa Betfage at sa Betania, sa tabi ng Bundok ng mga Olibo, sinugo niya ang dalawa sa kanyang mga alagad: Pumunta kayo sa katapat na nayon. Pagpasok n’yo roon, may makikita kayong nakataling asno na hindi pa nasasakyan ninuman. Kalagan iyon at dalhin sa akin. Kung may magtanong sa inyo kung bakiy nyo iyon kinakalagan, sabihin n’yong kailangan ito ng panginoon.” Lumakad nga ang mga pinapunta at nakita nila ang lahat ayon sa sinabi sa kanila. Nang kinalagan na nila ang sano, tinanong sila ng mga may-ari: “Bakit n’yo kinakalagan ang asno?” At Sumagot sila: “kailangan ito ng Panginoon.” Dinala nila it okay Hesus at sinapinan ito ng kanilang mga balabal, at saka pinasakay si Jesus. Sa kanyang Paglakad, inilatag naman ng mga tao sa daan ang kanilang mga balabal. Nang palusong na siya san g mga Olibo, labis na nagalak ang lahat niyang alagad at nagsimulang magpuri sa Diyos nang malakas sa pag – alaala sa lahat ng himalang kanilang nakita, at kanilang sinabi: “Pinagpala ang dumarating na Hari sa ngalan ng Panginoon. Kapayapaan sa Langit at luwalhati sa kaitaasan!” Sinabi kay Hesus ng Ilang Pariseo sa pulutong: “ Guro, pagsabihan mo ang iyong mga alagad.” At sumagot siya: “ Sinasabi ko sa inyo kung hindi sila iimik, mga bato ang siyang sisigaw

    Pagninilay:

    Kakaiba ang pagdiriwang natin ngayong araw. Magsisimula ito sa pagbabasbas ng mga palaspas sa labas ng simbahan. Gugunitain ang masaya at maringal na pagpasok ni Jesus sa Jerusalem. Nakasakay siya sa isang asno, isang hamak na hayop na karaniwang ginagamit panghila sa mga kagamitan. Nagputol ng mga sanga at dahon ng halaman ang madla at inilatag ang kanilang balabal para daanan ni Jesus. Mistulan siyang hari, ngunit kakaiba ang ipinakita niyang pagiging hari. Noong nangangaral pa lamang siya, mahigpit ang kanyang bilin sa kanyang mga apostol at maging sa madla na huwag ikalat ang tungkol sa ginawa niyang mga himala. Sa Capernaum gusto ng mga taga-roon na iluklok siya bilang hari ngunit kaagad siyang umalis at lumayo. Ngunit sa simula ng mga Mahal na Araw, hinayaan ni Jesus na magbunyi ang mga tao. Sabi nila: “Purihin ang hari na dumarating sa ngalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit! Purihin ang Diyos!”  Sa loob ng simbahan gugunitain sa mga pagbasa ang propesiya ni Isaias tungkol sa lingkod ng Panginoon. Mahusay itong magsalita at nagdulot ng ginhawa sa mga nabibigatan. Ngunit may mga taong sinaktan siya, binunot ang kanyang mga balbas, dinuraan. Ngunit hindi natinag ang lingkod na ito. Nanatili siyang tapat sa Diyos. Sa ebanghelyo, ipapakita sa malagim na pagpako kay Jesus sa Calvario na siya ang mahiwagang lingkod ng Panginoon na inihula ng propesiya.  Ang apoy sa puso ni Jesus nang mangaral siya sa loob ng tatlong taon ay patuloy na nagliyab nang pinili niyang magtungo sa Jerusalem at nang tanggapin niya ang pagpapasakit at pagkamatay sa krus.

    -FR. PAUL MARQUEZ SSP


    6 min
  • Mabuting Balita | Abril 9, 2022 - Sabado

    Mabuting Balita | Abril 9, 2022

    Sabado sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma


    Ebanghelyo: Juan 11, 45 – 56

    Marami sa mga Judiong sumama kay Maria at nakasaksi sa ginawa ni Jesus ang naniwala sa kanya. Pumunta naman ang ilan sa kanila sa mga Pariseo at sinabi sa kanila ang mga ginawa niya. Kaya tinipon ng mga Punong-pari at ng mga Pariseo ang Mataas na Sanggunian na Sanhedrin, at sinabi: “Ano ba'ng gagawin natin? Marami siyang mga ginagawang tanda. Kung pababayaan natin siyang paganito, mananalig sa kanya ang lahat at darating ang mga Romano at aalisin maging ang ating banal na lugar at ang ating bansa.” At isa sa kanila, si Caifas, na Punong-pari sa taong iyon, ang nagwika: “Wala kayong kaalam-alam. Hindi n'yo naiintindihan na makabubuti sa inyo na isang tao ang mamatay alang-alang sa bayan, upang hindi mapahamak ang buong bansa.” Hindi sa ganang sarili niya sinabi ang mga salitang ito, kundi sa pagiging Punong-pari niya sa taong iyon, sinabi niya ang propesiyang ito: dapat ngang mamatay si Jesus alang-alang sa bansa, at hindi lamang alang-alang sa bansa kundi upang tipunin pati ang mga nakakalat na anak ng Diyos upang maging isa. Kaya mula sa araw na iyon, pinagpasyahan nilang patayin siya. Kaya hindi na tahasang naglakad si Jesus sa lugar ng mga Judio kundi umalis siya mula roon patungo sa lupaing malapit sa ilang, sa isang lunsod na Efraim ang tawag, at doon siya nanatili kasama ng mga alagad. Malapit na ang Paskuwa ng mga Judio, at umahon ang marami pa-Jerusalem mula sa lalawigan bago mag-Paskuwa upang maglinis ng sarili. Kaya hinahanap nila si Jesus at nang nasa Templo sila, sinabi nila sa isa't isa: “Ano sa palagay ninyo? Paririto kaya siya sa piyesta?” Ibinilin ng mga Punong-pari at ng mga Pariseo na kung may makaalam kung nasaan s’ya ay magsuplong upang maipadakip s’ya.

    Pagninilay:

    Sa araw na ito, dito sa ating bayan, ginugunita natin ang araw ng kagitingan. Ang araw ding ito ang huling araw bago tayo pumasok sa mga Mahal na Araw. Sa makatuwid, bukas ay Linggo ng Palaspas. Hindi nagkataon lamang ang pagtutugma ng mga araw na ito. Dalawang aral ang aking nakuha mula sa dalawang ito.

    Una, buhay na buhay ang ala-ala ng kasaysayan at ang paanyaya na laging gunitain ang kagitingan ng ating mga bayani ng digmaan. Makikita ang kanilang mga pangalang nakaukit sa dambana ng pag-alala sa Capas, Tarlac. Lagi kong naaalala ang aking Lolo na isang beterano ng digmaan. Naaalala ko ang kwento ng kanilang kabayanihan. Sila na nag-alay ng buhay para sa ating mga bayan, para sa ating kalayaan. Minabuti nilang sila na lamang ang magsakripisyo upang hindi madamay ang buong bayan. Sila ang sumuong sa panganib ng pakikidigma upang ang kanilang mga mahal sa buhay ay manatiling malaya at payapa.

    Ikalawa, maririnig sa Ebanghelyo sa araw na ito ang Dakilang Sakripisyo na gagawin ni Hesus upang mailigtas ang buong bayan. Marahil hindi nauunawan ni Caiafas ang kanyang winika, ngunit masasabi nating totoo na ang pagsasakripisyo ni Hesus sa Krus ang siyang naging tanda ng kaligtasan ng lahat ng Anak ng Diyos. Sa kanyang pag-aalay ng sarili, nabigyan niya ng kalayaan ang bawat isa mula sa tanikala ng kasalanan. Binigyan ang lahat ng bagong buhay at pag-asa ng pag-aalay ni Hesus.

    Bagama’t Bagama’t magkaiba ang konteksto ng pag-aalay ng buhay ng mga nasa digmaan at sa pag-aalay ni Hesus, makikita ang isang ugnayan na kaya nila ito isasagawa – si Hesus para sa mga anak ng Diyos at ang mga beterano at sundalo para sa pamilya at bayan – ay para sa ikabubuti ng higit na nakararami, hindi lang dahil marami sila, bagkus dahil para ito sa pamilya, dahil anak sila, dahil magulang sila. Higit sa lahat dahil nagmamahal sila. 


    6 min
  • Word and Songs | Journeying with Christ During the Holy Week

    Word and Songs | Journeying with Christ During the Holy Week

    with Sr. Lines Salazar, fsp

    Scriptwriter: Sr. Pinky Barrientos, fsp

    As we prepare ourselves for the celebration of the Holy Week and Paschal Triduum, let us allow ourselves to be immersed in the love of God, who offered Himself to die on the cross so that we might be saved from sin. The Holy Week invites us to reflect more deeply on the great love God has for all of His creation. It is a love that gives, nurtures, and overflows in abundance. When we look at Jesus on the Cross what we see is someone who has loved much, we see the face – as St. Paul says - of an “emptied” God, of a God who has taken on the condition of a servant, humbled and obedient unto death (cf. Phil 2:7).

    As we enter the solemn atmosphere of the Holy Week, we are drawn deeply to the realization of our sinfulness and of God’s infinite love for all of us. Jesus embraced our humanity and everything that we are, except sin. He died on the cross so that we may be liberated from sin that separates us from God’s loving embrace.

    “It is essential that each of us see the journey of Christ this week as our own calling in life. We must journey toward the glory of the Cross with our Lord. From a worldly perspective, the Cross does not make sense. But from the perspective of the Father in Heaven, the Cross is not only the source of the greatest glory of His Son, but it is also the path by which we share in that glory. We must die with Him, sacrifice all for Him, choose to follow Him, and hold nothing back in our resolve to lay down our lives out of love.”

    “Jesus could have exercised His divine power and refused to embrace His Cross.  But He didn’t. Instead, He willingly walked through this week anticipating and embracing the suffering and rejection He received. And He didn’t do so begrudgingly or even with regret.  He embraced this week willingly, choosing it as His own will.

    Why would Jesus do such a thing?  Why would He choose suffering and death?  Because in the Father’s perfect wisdom, this suffering and death were for a greater purpose.  God chose to confound the wisdom of the world by using His own suffering and Crucifixion as the perfect means of our holiness.  In this act, He transformed the greatest evil into the greatest good.  Now, as a result of our faith in this act, the crucifix hangs centrally in our churches and in our homes as a constant reminder that not even the greatest of evils can overcome the power, wisdom, and love of God.  God is more powerful than death itself and God has the final victory even when all seems lost.”

    let us profoundly reflect on this “divine act by which the Father permitted this grave suffering so as to use it for the greatest good ever known. The Lord gave His life freely and calls us to do the same.  Reflect upon the cross in your life.  Know that the Lord can use this for good, bringing forth an abundance of mercy through your free embrace as you offer it to Him as a willing sacrifice.”

    “Let this week give you divine hope.  So often we can be tempted toward discouragement and, even worse, we can be tempted toward despair.  Nothing can ultimately steal away our joy unless we let it.  No hardship, no burden, and no cross can conquer us if we remain steadfast in Christ Jesus letting Him transform all we endure in life by The glorious embrace of His own Cross.”

    “How is God calling You to step forward in a sacrificial way out of love? How is God calling you to courageously embrace your calling to give your life away? Strive to see this week from the perspective of the Father in Heaven and pray that you will also see the ways in which the Father is calling you to imitate His Son. Let us go and die with Him, for it is in the Cross of Christ that we will discover His eternal glory.”


    31 min
  • Mabuting Balita | Abril 8, 2022 - Biyernes

    Mabuting Balita | Abril 8, 2022

    Biyernes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma


    Ebanghelyo: Juan 10: 31- 42

    Dumampot ng mga bato ang mga Judio upang batuhin si Jesus. Sinabi sa kanila ni Jesus: “Maraming mabubuting gawa ang itinuro ko sa inyo mula sa Ama. Alin sa mga ito ang dahilan kung bakit n'yo ako binabato?” Sinagot siya ng mga Judio: “Binabato ka namin hindi dahil sa isang mabuting gawa kundi dahil sa paglapastangan sapagkat gayong ikaw ay tao, itinuturing mong Diyos ang iyong sarili.” Sumagot sa kanila si Jesus: “Hindi ba nasusulat sa Batas ninyo: 'Aking sinabi,” mga Diyos kayo” '? Kaya tinawag na mga diyos ang mga tumatanggap ng salitang ito ng Diyos, at hindi mapawawalang-saysay ang Kasulatan. Kung gayon, nang sinabi kong ako ang Anak ng Diyos—ako na pinabanal ng Ama at sinugo sa mundo –bakit n'yo sinasabing paglapastangan ito? Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking ama, huwag n'yo akong paniwalaan. Kung ginagawa ko naman, kahit na hindi kayo naniniwala sa akin, maniwala naman kayo sa mga gawa. Kaya alam na alam nga ninyo na nasa akin ang Ama at ako'y nasa Ama.” Kaya muli nilang pinagtangkaang dakpin si Jesus ngunit nakatalilis siya sa kanilang kamay. At muli siyang lumayo pakabilang ibayo ng Jordan sa lugar na pinagbibinyagan ni Juan sa simula. At doon siya nanatili. Marami ang pumunta sa kanya at kanilang sinabi: “Hindi nga gumawa ng anumang tanda si Juan, pero nagkatotoo nga ang lahat ng sinabi ni Juan tungkol sa kanya.” At doo'y marami ang naniwala sa kanya.

    Pagninilay:

    Nagsimula ang ebanghelyo sa tagpong nais ng mga Judiong batuhin si Hesus. Tinanong sila ni Hesus, ano bang dahilan bakit ninyo ako gustong batuhin? Hindi dahil sa kanyang mga kagilagilalas na mga milagro kayat nais nilang itumba si Hesus. Ito'y dahil sa paglapastangan daw ni Hesus sa Diyos Ama--tinatawag niya kasi ang Diyos Ama na "ABBA" o sa kaugaling Hudyo kasi Sagrado at hindi basta bastang pwedeng tawagin ang Diyos bilang ABBA o papa o tatay. Siya'y mataas di maaarok kaya't marapat siyang respetuhin ng lubos higit pa sa lahat. Sa kabila ng lahat patuloy pa ring ipinahahayag ni Hesus na siya at ang kanyang ama ay iisa. Mga kapanalig, ang tunay na pagkakakilanan daw ng isang tao ay makikita mo sa consistency. O yung pagtugma ng Sinasabi't ginagawa. Kung si Hesus ay patuloy na nagpapahayag at gumagawa din ng milagro't pagpapala para sa mas ikabubuti ng lahat--edi consistent siya. Ngayong nalalapit na tayo sa mga mahal na araw hilingin natin ang grasyang iyan sa Diyos upang anumang ipukol sa ating katiwalian ay bale wala lamang kasi may matibay tayong paninindigan, prinsipyo, at pananaw sa kung ano ang Tama, Totoo, at Kalooban ng Diyos.

    5 min
  • Mabuting Balita | Abril 7, 2022 - Huwebes

    Mabuting Balita | Abril 7, 2022

    Huwebes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma


    Ebanghelyo: Juan 8: 51- 59

    Sinabi ng mga Judio: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, kung may magsasakatuparan ng aking salita, hinding-hindi niya masisilayan ang kamatayan.” Kaya sinabi sa kanya ng mga Judio: “Alam na namin ngayon na may demonyo ka nga. Namatay si Abraham pati ang Mga Propeta, at sinabi mong 'Kung may magsasakatuparan ng aking salita, hinding-hindi siya lalasap ng kamatayan.' Mas dakila ka ba kaysa ninuno namin si Abraham na namatay? Maging ang Mga Propeta ay nangamatay. At sino ka sa akala mo?” Sumagot si Jesus: “Kung ako ang magmamapuri sa sarili, walang saysay ang papuri ko. Ang aking ama ang pumupuri sa akin, siya na tinuturing n'yo na inyong Diyos. Hindi n'yo siya kilala ngunit kilala ko Siya. Kung sabihin ko man na hindi ko Siya kilala, magsisinungaling akong katulad n'yo. Ngunit kilala ko siya at isinasakatuparan ko ang kanyang salita. “Si Abraham na inyong ninuno ay nagalak na makikita niya ang araw ng padating ko; nakita nga niya at natuwa.” Kaya winika ng mga Judio sa kanya: “Wala ka pang limampung taon at nakita mo na si Abraham?” Sinabi sa kanila ni Jesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, bago pa man ipinanganak si Abaraham, ako na nga.”

    Kaya dumampot sila ng mga bato para ipukol sa kanya. Nagtago naman si Jesus at umalis sa Templo.

    Pagninilay:

    Para sa mga Hudyo, mahirap maintindihan ang mga sinabi ni Hesus ukol sa  kanyang salita at sa buhay na dulot nito. Pero para sa ating mga Kristiyano, may mas malalim nakahulugan ito. Sa kanyang sulat sa mga taga Filipos (2:16), si San Pablo ay nagsabi, “panghawakang mahigpit ang salita ng buhay”; at si San Pedro naman ay nagpahayag kay Kristo, “Panginoon, ikaw lamang ang may salita ng buhay na walang hanggan”.Sa bisa ng ating binyag, natanggap natin ang bagong buhay kay Kristo . Dulot nito ay ang kakayahang isabuhay ang Kanyang salita. Mga kapanalig, sa gitna ng paglaganap ng fake news at  kulturang taliwas sa ating pagiging Kristiyano, paano nagiging buhay ang Salita ng Diyos sa ating buhay? Huwag tayong palinlang sapagkat dulot ng mga ito ay kamatayang moral at espirituwal. Nawa’y mamuhay tayo nang ganap sa pamamagitan ng pananatili kay Kristo.
















    5 min
  • GOSPEL POWER l APRIL 6, 2022 - WEDNESDAY

    GOSPEL POWER l APRIL 6, 2022 - WEDNESDAY

    5th Week of Lent


    Gospel: Jn 8:31-42 

    31Jesus said to the Jews who had believed in him, “If you continue in  my word, you are truly my disciples; 32and you will know the truth,  and the truth will make you free.” 33They answered him, “We are  descendants of Abraham and have never been slaves to anyone. What  do you mean by saying, ‘You will be made free’?” 34Jesus answered them, “Very truly, I tell you, everyone who  commits sin is a slave to sin. 35The slave does not have a permanent  place in the household; the son has a place there forever. 36So if the  Son makes you free, you will be free indeed. 37I know that you are  descendants of Abraham; yet you look for an opportunity to kill me,  because there is no place in you for my word. 38 I declare what I have  seen in the Father’s presence; as for you, you should do what you  have heard from the Father.” 39They answered him, “Abraham is our father.” Jesus said to  them, “If you were Abraham’s children, you would be doing what  Abraham did, 40but now you are trying to kill me, a man who has  told you the truth that I heard from God. This is not what Abraham  did. 41You are indeed doing what your father does.” They said to him,  “We are not illegitimate children; we have one father, God himself.”  42Jesus said to them, “If God were your Father, you would love me,  for I came from God and now I am here. I did not come on my own,  but he sent me.” 

    Jesus is supposed to be addressing “those Jews who believed  in him,” yet their hostile reaction to Jesus’ words makes us  wonder what kind of believers they are. Among the various  groups presented in the Gospel of John, we encounter those who  follow Jesus but whose faith in him is inadequate. Jesus’ powerful  deeds attract them, but when Jesus begins to explain what those signs  point to, their too-human mindset begins to resist. They are among  those so-called “disciples” who, in Chapter 6, abandoned Jesus when  he began speaking of himself as the bread of life whose flesh must  be eaten and blood drunk. Their belief in Jesus is selective and  tailored according to their convenience. They want to be regarded as  “believers” and to be in the company of Jesus, yet they do not fully  trust him nor commit their lives to him. The likes of them are still  among us today. Their presence must be a reminder to us that faith is  an ongoing surrender of mind, will, and heart to God. 

    Lord Jesus, grant us the humility to accept your revelation of things


    7 min
  • GOSPEL POWER l APRIL 5, 2022 - TUESDAY

    GOSPEL POWER l APRIL 5, 2022 - TUESDAY

    5th Week of Lent

    Saint Vincent Ferrer, priest


    Gospel: Jn 8:21-30 

    21Again Jesus said to the people, “I am going away, and you will search  for me, but you will die in your sin. Where I am going, you cannot  come.” 22Then the Jews said, “Is he going to kill himself? Is that what  he means by saying, ‘Where I am going, you cannot come’?” 23He said  to them, “You are from below, I am from above; you are of this world,  I am not of this world. 24I told you that you would die in your sins,  for you will die in your sins unless you believe that I am he.” 25They  said to him, “Who are you?” Jesus said to them, “Why do I speak to  you at all? 26I have much to say about you and much to condemn; but  the one who sent me is true, and I declare to the world what I have  heard from him.” 27They did not understand that he was speaking to  them about the Father. 28So Jesus said, “When you have lifted up the  Son of Man, then you will realize that I am he, and that I do nothing  on my own, but I speak these things as the Father instructed me.  29And the one who sent me is with me; he has not left me alone, for I  always do what is pleasing to him.” 30As he was saying these things,  many believed in him. 

    Jesus belongs to God’s sphere above. But God so loves  the world he has created below, that he sends his Son to  bridge the two spheres and empower human beings to cross  over to what is above. Jesus is the only entry point to God’s sphere,  and faith in him is the sole key that will permit access. Thus, for the  Gospel of John, refusal to believe in Jesus is the meaning of sin and  the cause of eternal death. The Jews in today’s Gospel reject Jesus as  the revealer of truth, thus their minds and hearts remain shut. In the  face of such stubborn resistance, Jesus looks to his being lifted up on  the cross as the moment he is revealed as I AM – the name by which  God identifies himself to Moses as Israel’s redeemer from slavery (cf.  Ex 3:14). 

    Lord Jesus, may every circumstance of life be an opportunity for us to  grow in our faith in you. Amen.  

    6 min
  • Mabuting Balita | Abril 6, 2022 - Miyerkules

    Mabuting Balita | Abril 6, 2022

    Miyerkules sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma


    Ebanghelyo: Juan 8: 31- 42

    Sinabi ni Jesus sa mga Judiong naniniwala sa kanya: “Kung mananatili kayo sa aking salita, totoong mga alagad ko kayo, at malalaman ninyo ang katotohanan, at magpapalaya sa inyo ang katotohanan.”  Sumagot sila sa kanya: “Binhi ni Abraham kami at hinding-hindi kami nagpapa-alipin kaninuman. Paano mo masasabing 'magiging malaya kayo?' Sumagot sa kanila si Jesus: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na bawat gumagawa ng kasalanan ay alipin ng kasalanan. Ngunit hindi nanatili ang alipin sa pamamahay magpakailanman. Ang anak ay mananatili magpakailanman. Kaya kung ang Anak ang magpapalaya sa inyo, totoong malaya kayo. Alam kong binhi kayo ni Abraham. Ngunit hangad ninyo akong patayin, sapagkat walang lugar sa inyo ang aking salita. Ang nakita ko sa Ama ang sinasabi ko, at ang narinig ninyo mula sa inyong ama ang inyo namang ginagawa.” Kaya sumagot sila sa kanya: “Si Abraham ang aming ama.” Sinabi sa kanila ni Jesus: “Kung mga anak kayo ni Abraham, ang mga gawa ni Abraham ang inyo sanang paggagawain. Ngunit ngayon, hangad ninyo akong patayin, na s’yang nangungusap sa inyo ng katotohanang narinig ko mula sa Diyos. Ito ay hindi gawa ni Abraham, ang mga gawa nga ng inyong ama ang inyong ginagawa.” Kaya sinabi nila sa kanya: “Kami ay hindi mga anak sa labas. May isang ama lamang kami--ang Diyos.” Sinabi sa kanila ni Jesus: “Kung ang Diyos nga ang inyong ama, mamahalin sana ninyo ako, sapagkat sa Diyos ako galing, at ako'y pumarito. Dumating ako hindi sa ganang sarili ko, kundi siya ang nagsugo sa akin.”

    Pagninilay:

    Marami at iba’t-ibang aspeto ang umaalipin sa tao. Alipin ang tao ng kapangyarihan, katangyagan, kayamanan. Kaya naman ito rin ang mga ginamit ng diyablo upang tuksuhin si Hesus. Hindi nagpatalo s iHesus. Napagtagumpayan niya ang mga maaaring umalipin sa kanya, dahil sa katotohanan at pagpapala ng Diyos Ama siya nabubuhay. Ngayong araw, hinihimok tayo ni Hesus namamuhay sa katotohanan upang matawag tayong mga alagad niya: Kung mananatili kayo sa aking Salita magiging mga alagad ko kayo, at malalaman Ninyo ang katotohanan at ito ang magpapalaya sainyo. “Ano ang katotohanan?” Tanong ni Pilato kay Hesus.

    Ang katotohanan ay yaong nasisiwalat, nabubunyag at hindi natatago sa pamamagitan ng liwanag. Si Hesus ang liwanag, aniya: Naparito ako upang magpatotoo sa katotohanan, ang nabubuhay sa katotohanan, nakikinig sa akin.Ngayong panahon ng Kuwaresma talikuran natin ang buhay sa kadiliman na dulot ng kasinungalingan, pagpapakalat ng fake news at disinformation. Maaaring makipagtalo ang isang tao sa kasinungalingan at tusong argumento, ngunit hangga't wala siya sa panig ng katotohanan mananatili siya sa kadiliman. Ang hamon sa atin, mamuhay sa katotohan.

    - Fr. Brian Paul Tayag, SSP | Society of St Paul

    5 min
  • Mabuting Balita | Abril 5, 2022 - Martes

    Mabuting Balita | Abril 5, 2022

    Martes sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma


    Ebanghelyo: Juan 8, 21 – 30

    Sinabi ni Jesus sa mga Pariseo: “Aalis ako at hahanapin n'yo ako, at sa inyong mga kasalanan kayo mananatili hanggang mamatay. Hindi nga kayo makaparoroon kung saan ako pupunta.” Kaya sinabi ng mga Judio: “Bakit kaya niya sinabing 'Kung saan ako pupunta, hindi kayo makaparoroon?' Magpapakamatay kaya siya?” At sinabi ni Jesus sa kanila: “Mula kayo sa ibaba; mula naman ako sa itaas. Kayo'y mula sa mundong ito; hindi ako mula sa mundong ito. Kaya sinabi ko sa inyo na sa inyong mga kasalanan kayo mananatili hanggang mamatay. Mamamatay nga kayong taglay ang mga kasalanan n'yo kung hindi kayo maniniwala na Ako Siya.” At sinabi nila sa kanya: “Sino ka ba?” Sinabi naman sa kanila ni Jesus: “Sinabi ko na sa inyo noon pa. Marami akong masasabi at mahuhukuman tungkol sa inyo. Totoo nga ang nagsugo sa akin; at ang narinig ko mula sa kanya- ito ang binibigkas ko sa mundo.” Hindi nila naintindihan na ang Ama ang tinutukoy niya. At sinabi ni Jesus: “Kapag inyong itinaas ang Anak ng Tao, matatalos n'yo na Ako Siya at wala akong ginagawa sa ganang sarili kundi ayon sa iniaral sa akin ng Ama, ito ang aking binibigkas. Kasama ko nga ang nagsugo sa akin at hindi niya ako binabayaang nag-iisa sapagkat lagi kong ginagawa ang kalugud-lugod sa kanya.” Nang sabihin ito ni Jesus, marami ang naniwala sa kanya.

    Pagninilay:

    Kayo’y taga-ibaba, ako’y taga-itaas. Taga saan ka? Maliban sa pagtatanong ng pangalan, ito ang madalas nating naitatanong sa bawat bagong tao o kakilala na ating nakatatagpo. Taga saan ka? Ah, taga Cavite ka pala. Kapampangan – ah magaling ka magluto, Ilokano - matipid, Ilonggo - malambing. Naku, taga-Tondo ka, dapat matapang ka. Taga Makati ka pala, eh di mayaman ka. Ilan lamang iyan sa mga stereotype ng mga tao. May mga tumutugma, may mga lumalabis din at nakasasama.

    Madalas, sinusubukan nating unawain ang isang tao batay na din sa lugar na kanyang pinagmulan. Inaalala rin natin ang kanyang pinanggalingang kultura o mga nakagawian batay sa kanyang kinagisnan sapagkat nakakaapekto ito sa kanyang paghuhubog at paglago bilang tao. Karaniwan, masasabing malaking bahagi ng ating pagkatao ay mababakas kung saan tayo nagmula.

    Bagama’t minsan hindi magandang bagay ang nasasabi ng mga stereo-type, dapat maalala na hindi lahat laging mai-uugnay sa pinanggalingan o pinagmulan. Pwede itong mabago kung maglalaan ng panahon at pagsasanay ng sarili upang maitama at mailagay sa mabuti.

    Ganito rin ang hamon ni Hesus sa atin sa Ebanghelyo. Dapat nating unawain kung saan siya o kanino siya nagmula. Siya ay mula sa Ama. Taga-Itaas siya. Winika ni Hesus sa kanyang mga kausap na sila ay taga-Ibaba. Magkaiba ang kinagisnan at pinanggalingan. Ngunit hindi natatapos si Hesus sa pagsasabi na magkaiba tayo. Nag-aanyaya siya na mapabilang tayo sa pagiging taga-Itaas. Inaanyayahan niya tayo na sumama sa kanyang pinagmulan, sa kanya tungo sa Ama.

    Mga kapatid, sa ating patuloy na pagninilay sa panahon ng Kuwaresma, ipinapaalala ng Panginoon na nasa ating mga kamay ang desisyon kung nais nating manatiling taga-ibaba, o sumama kay Hesus at maging kabahagi ng mga taga-Itaas, sa paghahari ng isang mapagmahal at bukas na pamilya ng Diyos.

    - Cl. Buen Andrew Cruz, SSP | Society of St. Paul


    6 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.