PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Mabuting Balita | Marso 21, 2022 - Lunes

    Mabuting Balita | Marso 21, 2022

    Lunes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma


    EBANGHELYO: LUCAS 4: 24-30

    Pagdating ni Hesus sa Nazaret, sinabi niya sa lahat ng nasa sinagoga: “Talagang sinasabi ko: walang propetang katanggap-tanggap sa sarili niyang bayan. Tinitiyak ko sa inyo na maraming biyuda noon sa kapanahunan ni Elias nang sarhan ang Langit sa loob ng tatlo't kalahating taon at nagkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain. Gayon pa ma'y hindi ipinadala si Elias sa isa man sa kanila kundi sa biyuda ng Sarepta sa may Sidon. Marami ring may ketong sa Israel sa kapanahunan ni Propeta Eliseo pero wala sa kanilang pinagaling kundi ang Siriong si Naaman.” Napuno ng galit ang lahat sa sinagoga pagkarinig dito, tumindig sila at ipinagtulakan siya sa labas ng bayan. Dinala nila siya sa gilid ng burol na kinakatayuan ng kanilang bayan upang ihulog. Ngunit dumating siya sa gitna nila at umalis.

    PAGNINILAY:

    Hindi kinilala si Hesus ng kanyang mga kababayan bilang kanilang propeta dahil alam nila kung ano ang estado ng kaniyang pamumuhay. Naiinggit ang kanyang mga kababayan sa Kanyang bagong tanyag na katayuan na hindi nila matanggap na ang isang simpleng karpintero ay nangangaral, may kakayahang magpagpagaling ng mga may karamdaman, at gumagawa ng mga himala na nagpapabago ng buhay. Kapansin-pansin din ang hindi pagtanggap ng mga Hudyo sa sinabi ni Hesus na hindi lang pala sila ang mahalaga sa paglingap ng Diyos. Secure kasi silang matawag na bayang pinili ng Diyos. Kaya ang isang ka-lebel nila, at kapwa nilang namumuhay sa iisang bayan, magsasalita ng hindi nila maubos maisip kung saan hinugot ang kakaibang balita, tahasan nila Siyang pinalayas. Tandaan natin na maaaring i-angat ng Diyos ang isang ordinaryong tao upang bigyan siya ng mga pambihirang regalo, kakayahan at misyon. Kaya sa ating Mabuting Balita, inaanyayahan tayo na dapat ay hindi tayo mainggit sa ating kapwa na pinagkalooban ng Diyos ng mga talento, karangyaan, kaaya-ayang pisikal na kaanyuan, katalinuhan, o maging mataas na posisyon sa lipunan. Bagkus ang itinuturo sa atin ni Hesus ay hindi galit o pagkaingit kundi dapat tayong maging masaya para sa kanila. Kaya huwag nating tularan ang mga kababayan ni Hesus na nagpakita ng pagkainggit sa kanya, kundi yakapin natin si Siya at tanggapin sa ating puso at manalig tayo sa Kanya dahil Siya ang Anak ng Diyos, ating Panginoon at Tagapagligtas.

    - Cl. Ronel Delos Reyes, SSP | Daughters of St. Paul

    5 min
  • Mabuting Balita | Marso 20, 2022 - Linggo

    Mabuting Balita | Marso 20, 2022

    Ikatlong Linggo ng Kuwaresma


    EBANGHELYO: LUCAS 13: 1-9

    Dumating ang ilang tao na nagbalita kay Hesus ng nangyari sa Templo. Ipinapatay nga ni Pilato ang mga taga-Galilea at nahalo ang kanilang dugo sa mga handog nila. Sinabi ni Hesus sa kanila: “Sa akala ba ninyo’y mas makasalanan ang mga taga-Galileang iyan kaysa lahat ng mga taga-Galilea dahil sila ang nagdusa? Hindi. At sinasabi ko sa inyo: kung hindi kayo magbabago, mapapahamak din kayong lahat. Gayon din naman sa namatay na labingwalong taong nabagsakan ng tore sa Siloe, sa akala ba ninyo’y mas may utang sila sa Diyos kaysa lahat ng naninirahan sa Jerusalem? Sinasabi ko: hindi, ngunit kung hindi kayo magbabago, mapapahamak din kayong lahat.” At sinabi ni Hesus ang talinhagang ito: “May taong may isang puno ng igos sa kanyang ubasan. At pumunta s’ya upang maghanap ng mga bunga subalit wala s’yang nakita. Kaya sinabi n’ya sa nag-aalaga ng ubasan: ‘Tatlong taon na akong pumaparito sa paghahanap ng mga bunga sa punong-igos na iyan at wala akong nakita. Putulin mo ‘yan at pampasikip lamang sa lupa.’ Ngunit sumagot sa kanya ang tauhan: ‘Ginoo, pabayaan mo na s’ya ngayong taon. Maghuhukay ako sa paligid nito at lalagyan ng pataba. Baka sakaling mamunga s’ya, ngunit kung hindi’y saka mo s’ya putulin.’”

    PAGNINILAY:

    Tawag ng pagsisisi. Tawag ng pagbabalik-loob. Tawag ng pagtalikod natin sa mali nating nakakasanayan. Sa puno ng igos na binigyan ng last chance ng may-ari ang puno ng igos dahil sa pakiusap ng tagapag-alaga. Paalala sa atin ito na paulit-ulit tayong binibigyan ng chance ng Diyos na magbago. Ano ba ang nangyari sa puno ng igos? Hindi siya makapagbigay ng bunga. Matagal na panahon, hindi niya nagawa ang dapat niyang gawin. May inaasahan ang nagmamay-ari sa kanya, binibimbin niya. Sayang. Ito nga ang pakiramdam ng may-ari. Nanghinayang sa mga pagkakataon na hindi nya na-maximize. Hindi niya pinahalagahan. Kumusta ang pagbibigay natin ngayong Kuwaresma? Bukas ba sa ating loob? Kumusta ang quality ng iyong pagtulong? Panahon ngayon ng pagbibigay lalo na sa may matindi ang pangangailangan. Naibigay mo ba ang nararapat sa kanila? O nakasanayan mong humalukipkip at walang ginagawa?

    - Sr. Gemma Ria dela Cruz, FSP | Daughters of St. Paul

    5 min
  • Mabuting Balita | Marso 19, 2022 - Sabado

    Mabuting Balita | Marso 19, 2022

    Kapistahan ni San Jose Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birhen



    EBANGHELYO: MATEO 1:16, 18-21

    Si Jacob ang Ama ni Jose, ang asawa ni Maria na siyang pinag mulan ni Hesus, na tinawag ni Kristo. Ito ang pangyayaring napaloob sa kapanganakan ni Hesukristo. Ipinagkasundo na kay Jose ang kanyang Inang si Maria peru bago sila nag sama bilang mag asawa nag dalantao na siya gawa ng Espiritu Santo, Kaya binalak ni Jose na hiwalayan ng lihim ang kanyang asawa. Matuwid nga siya at ayaw iyang itong mapahiya. Habang iniisip niya ito, nagpakita sa kanya sa panaginipang Anghel ng Panginoon at sinabi “Jose anak ni David, Huwag kang matakot na tanggapin si Maria bilang iyong asawa, gawa ng Espiritu Santo kaya siya nag lihi at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki na pangalanang mong Hesus, sapagkat siya ang mag liligtas sa kanyang sambayanan, mula sa kanyang kasal anan´kaya pag gising ni Jose, ginawa niya ang sinabi ng Anghel ng Panginoon at tinanggap niya ang kanyang asawa.

    PAGNINILAY:

    Kung sa bersyon ni San Lucas isinasalaysay ang buhay ni Hesus sa punto de vista ni Maria, sa bersyon naman ni San Mateo, sa perspektiba ni San Jose. Payak ngunit mabuting Hudyo at tapat sa Batas, ito ang pagkakapinta ni San Mateo sa pagkatao ni San Jose. Ngunit sa pagkakataong ito, nanghimasok at winasak ng Diyos ang mga life-expectation ni San Jose. Tinawag siya ng Diyos sa isang mas mataas na antas ng katapatan sa kanya; katapatan, hindi lamang sa Batas kun’di sa kaganapan mismo nito. Tinawag siya ng Diyos na maging ama kay Hesus. Nai-imagine ko tuloy ang pagkwestyon ni San Jose sa kanyang sarili at sa mga desisyon at magiging desisyon niya sa buhay pagkagising niya mula sa panaginip na ‘yun. Naku. Sabi nga ni Cl. Ina Ceblano, kung siya daw si San Jose, malamang, kinabahan din siya kasi pihadong babaliktad ang mundo niya sa ipinapagawa ng Diyos sa kanya. Ngunit, buong pagtitiwalang naging tapat si San Jose sa kalooban ng Ama. Mga kapanalig, ang buhay ay hindi lamang black and white. May mga pagkakataong kinakailangan nating harapin ang mga gray areas. Sa mga pagkakataong ito talaga namang napakahirap mag-desisyon. Maaaring pumipili tayo sa mga choices na parang walang mabuting outcome na mangyayari sa ating buhay. Maaaring sa mga pinagpipilian, parehong may madaragdag o mawawala sa atin. Sa mga ganitong pagkakataon, tingnan natin ang halimbawa ni San Jose. At sa ating pagpili, sa ating pagdedesisyon, maipangyari nawa ang kalooban ng Ama sa ating buhay.

    O San Jose, dakilang esposo ng Mahal Birheng Maria at ama ni Hesus, ipanalangin mo kami. Amen. - Ian Gabriel Mary C. Ceblano, SSP| Society of St. Paul

    5 min
  • Word and Songs | St. Joseph – A Man of Radical and Obedient Faith

    Word and Songs | St. Joseph – A Man of Radical and Obedient Faith

    with Sr Lines Salazar, fsp

    In the Gospels, Joseph is a man of few, if any, words.  Joseph is a quiet man of action, not an action man.  He is not presented to us as heroic in the traditional sense.  Perhaps because of this, he is considered a silent and even invisible member of the Holy Family.  Joseph is a man of courage, conviction, and commitment.  He is a man of hope and faith who trusted in God who called him personally by his name.  He didn’t simply react; he responded faithfully to situations as they arose and faced them courageously out of concern for Mary and Jesus.


    32 min
  • Mabuting Balita | Marso 18, 2022 - Biyernes

    Mabuting Balita | Marso 18, 2022

    Biyernes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma


    EBANGHELYO: MATEO 21: 33-43, 45-46

    Sinabi ni Hesus sa mga Punong-pari at mga Matatanda ng mga Judio: “Makinig kayo sa isa pang halimbawa; May isang may-ari ng bahay na nagtanim ng ubasan, binakuran ang paligid nito, humukay para sa pisaan ng ubas, at nagtayo ng toreng bantay. Pinaupahan niya ang ubasan sa mga magsasaka at naglakbay sa malayo. Nang malapit na ang panahon ng anihan, pinapunta ng may-ari ang kanyang mga katulong sa mga magsasaka para kubrahin ang kanyang bahagi sa ani. Ngunit sinunggaban ng mga magsasaka ang kanyang mga katulong, binugbog ang isa, pinatay ang iba at binato ang ilan. Nagpadala uli ang may-ari ng marami pang katulong subalit ganoon din ang ginawa ng mga magsasaka sa kanila. Sa bandang huli, ipinadala na rin niya ang kanyang anak sa pag-aakalang ‘Igagalang nila ang aking anak.’ Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang anak, inisip nilang ‘Ito ang tagapagmana. Patayin natin siya at mapapasaatin ang kanyang mana.’ Kaya sinunggaban nila siya, at inilabas sa ubasan at pinatay. Ngayon, pagdating ng may-ari ng ubasan, ano ang gagawin niya sa mga magsasaka?” ‘Hindi niya kaaawaan ang masasamang taong iyon. Pupuksain n’ya ang mga iyon at pauupahan ang ubasan sa ibang magsasakang magbibigay ng kanyang kaparte sa anihan.’” At sumagot si Hesus: “Hindi n’yo ba nabasa sa kasulatan? ‘Naging panulukang bato ang tinanggihan ng mga tagapagtayo. Gawa ito ng Panginoon; at kahanga-hanga ang ating nakita.’ Kaya sinasabi ko sa inyo: aagawin sa inyo ang Kaharian ng Diyos at ibibigay sa isang bayang makapagpapalago nito.” Nang marinig ng mga Punong-pari at mga Pariseo ang mga talinhagang ito, nauunawaan nila na sila ang pinatutungkulan ni Hesus. Huhulihin na sana nila s’ya, ngunit natakot sila sa mga tao na kumikilala sa kanya bilang Propeta.

    PAGNINILAY:

    Pinagkatiwalaan ka, tapos gumawa ka pa ng karahasan sa pinakamamahal na may-ari ng ubasan? Kung ikaw ang nasa panig ng may-ari ng ubasan, ano ang mararamdaman mo? Ano kaya ang magiging reaksyon mo? Ito ang hangad nating masugpo sa ating bansa. Ang karahasang ginawa na tahasan at nasa mga headlines pa sa mga balita. O kaya ang patago na pagkitil ng buhay para sa sariling ambisyon. Dalawang buwan na lang, eleksyon na. Sabi nga sa jingle ng PPCRV, MakaPilipinas! Ang Pilipinong makapilipinas, mahal ang mga kapwa-Pilipino. May respeto sa buhay at pamilya. Nagtataguyod ng pangkalahatang kabutihan. Hindi sinungaling. Makatarungan. Handang ialay ang buhay para sa bayan. Hindi ang pagsasakripisyo ng bayan para sa sariling kapakanan. Ang lahat ng ito, nakaugat sa turo ni Kristo. Kung ikaw ay makaPilipinas, ang Diyos ang iyong batas. Ang kabutihan ng Diyos, sa gawa mo, nababakas.

    - Cl. Ian Gabriel Ceblano, SSP | Society of St. Paul

    5 min
  • Mabuting Balita | Marso 17, 2022 - Huwebes

    Mabuting Balita | Marso 17, 2022

    Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma


    EBANGHELYO: LUCAS 16: 19-31

    Sinabi ni Hesus sa mga Pariseo: “May isang mayaman na nakabihis ng magarang damit at pinong linen at parang piesta ang kanyang buhay araw-araw. Nakahandusay naman sa may pintuan n’ya ang isang dukhang nagngangalang Lazaro. Tadtad s’ya ng sugat at gusto sana n’yang kanin ang mumong nahuhulog sa hapag ng mayaman; sa halip ay mga aso ang lumalapit sa kanya at hinihimuran ang kanyang sugat. At namatay ang dukha at dinala s’ya ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay din ang mayaman at inilibing. Nang nasa impiyerno na s’ya tumingala s’ya sa kanyang pagdurusa at natanaw sa malayo si Abraham at si Lazaro sa piling nito. Kaya’t sumigaw siya: 'Amang Abraham, maawa ka sa akin at utusan mo naman si Lazaro na isawsaw n’ya sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at paginhawahin ang aking dila dahil lubha akong naghihirap sa lagablab na ito.' 'Anak, alalahanin mong tinanggap mo na sa buhay mo ang mabuti sa iyo at kay Lazaro naman ang masasama. Kaya s’ya ngayon ang nasa ginhawa at ikaw ang nagdurusa. At isa pa'y malawak na bangin ang hindi matatawid ang itinakda sa pagitan natin. Kaya hindi makatatawid ang mga may gustong pumunta riyan galing dito at hindi rin naman makatatawid ang mula riyan papunta rito.' 'Kaya ipinakikiusap ko sa iyo, Ama, na papuntahin mo si Lazaro sa bahay ng aking ama, kung saan naroon ang lima kong kapatid para babalaan sila upang di sila mapunta sa lugar na ito ng pagdurusa.' 'Nasa kanila si Moises at ang Mga Propeta, makinig sila sa mga ito.' 'Hindi gayon, Amang Abraham; kung isa sa mga patay ang pupunta sa kanila, magsisisi sila.' 'Kung hindi nila pakikinggan si Moises at ang Mga Propeta, hindi pa rin sila maniniwala bumangon man ang isa sa mga patay.

    PAGNINILAY:

    Sa turo po ng ating simbahan may dalawang klasipikasyon ang kasalanan tinatawag po nating, Sin of commission at sin of omission. Sin of commission, ibig sabihi’y niloob at sadya mong ginawa ang kasalanan. Ang Sin of omission nama’y sinadya mong wag pansinin o gawin ang kabutihang marapat mong gawin o piliin. Ang Kuwento po ni Lazaro at Mayamang lalaki ay naglalarawan sa atin ng sin of omission. Alam ng mayaman, kitang-kita niya na gutom si Lazaro ngunit wala siyang ginawa. Sinadya niyang magbulag-bulagan at huwag pansinin. Patay-malisya. Mga kapanalig, ilang beses na ba tayo nagbulag-bulagan sa ating buhay? Sanay ba tayong walang paki sa katotohanan at kabutihan? Nabanggit nga ito ni St. James sa Letter niya, Chapter 4: verse 17: “For one who knows the right thing to do and does not do it, it is a sin.” Nakakatakot sapagkat napunta sa impiyerno ang mayamang walang paki. Kaya naman magnilay na rin tayo. Sa mga lahat po ng mga parabula ni Hesus, isang karakter lamang ang kanyang binigyan ngalan—si Lazaro. Isang paalala na ang bawat taong nangangailangan, nagugutom, uhaw, mayroon silang pangalan, may puwang sila sa puso ng Diyos. Sana po sa paghahanda nating matanggap ang dakilang grasya hatid ng Muling pagkabuhay, dumamay tayo sa mga Lazaro sa ating buhay. Sabi nga ni Mother Teresa ng Calcutta: if you cannot feed hundred, then just feed one.

    - Cl. Vinz Aurellano, SSP | Society of St. Paul

    6 min
  • Mabuting Balita | Marso 16, 2022 - Miyerkules

    Mabuting Balita | Marso 16, 2022

    Miyerkules sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma


    EBANGHELYO: MATEO 20: 17-28

    Nang umakyat si Hesus sa Jerusalem, isinama niya ang Labindalawa. At habang nasa daan ay sinabi n’ya sa kanila, “Papunta na tayo sa Jerusalem. Doon ibibigay ang Anak ng Tao sa mga punong pari at mga guro ng Batas na maghahatol sa kanyang kamatayan. Kaya ibibigay nila s’ya sa mga pagano para pagtawanan, hagupitin at ipako sa krus; ngunit babangon s’ya sa ikatlong araw.” Lumapit noon kay Hesus ang ina nina Jaime at Juan, kasama ang dalawa niyang anak at lumuhod sa harap n’ya para makiusap. Tinanong s’ya ni Hesus, “Ano ang ibig mo?” “Narito ang dalawa kong anak, iutos mong maupo ang isa sa iyong kanan at ang isa naman sa iyong kaliwa sa iyong kaharian.” “Hindi n’yo alam ang inyong hinihingi, maiinom n’yo ba ang kalis na iinumin ko?” “Kaya namin.”  “Totoong iinom din kayo sa aking kalis ngunit wala sa akin ang pagpapaupo sa aking kanan o kaliwa para iyon sa mga hinirang ng Ama.” Nang marinig ito ng sampu, nagalit sila sa magkapatid. Kaya tinawag sila ni Hesus at sinabi, “Alam n’yo na sinusupil ng mga naghahari ang kanilang mga bansa at inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Hindi ganito sa inyo. Ang may gustong maging dakila, s’ya ang maging lingkod n’yo. Ang may gustong mauna sa inyo, s’ya ang maging alipin n’yo. Gayundin naman dumating ang Anak ng Tao hindi para paglingkuran kundi para maglingkod at ibigay ang kanyang buhay bilang pagtubos sa marami.”

    PAGNINILAY:

    Kapanalig, minsan pang ibinunyag ng Panginoon sa Kanyang mga alagad kung ano ang naghihintay sa kanila sa Jerusalem: ang Kanyang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay, para tubusin tayo sa kasalanan at walang hanggang kapahamakan. Sa kasamaang palad, hindi naunawaan ng mga alagad ang mga pananalita ni Jesus na hitik sa kahulugan. Abala sa paghahangad ng mataas na posisyon sina Jaime at Juan sa kahariang pulitikal na inaakala nilang itatatag ni Jesus. Nagalit naman ang iba sa kanila, malamang dahil sa inggit. Sa tagpong ito, inilarawan sa kanila ng Panginoon ang tunay na namumunong-lingkod o servant leader. Ang Anak ng Tao na naparito upang maglingkod hindi upang paglingkuran. Mga kapanalig, anumang tungkulin o paglilingkod ang ginagampanan natin sa ngayon, inaanyayahan tayo ng Panginoong tularan Siya sa pagiging servant leader. Isang pinunong hindi naghahari-harian at pinagsisilbihan, sa halip naglilingkod nang may pagmamahal at kababaang-loob at hindi naghihintay ng kapalit.

    - Cl. Vinz Aurellano, SSP | Society of St. Paul

    5 min
  • Mabuting Balita | Marso 15, 2022 - Martes

    Mabuting Balita | Marso 15, 2022

    Martes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma


    EBANGHELYO: MATEO 23:1-12

    Sinabi ni Hesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad: “Ang mga guro ng Batas at mga Pariseo ang umupo sa puwesto ni Moises. Pakinggan at gawin ang lahat nilang sinasabi subalit huwag silang pamarisan sapagkat nagsasalita sila pero hindi naman ginagawa. Naghahanda sila ng mabibigat na pasanin at ipinapatong sa mga balikat ng mga tao. Ngunit hindi nila ikinikilos ni isang daliri para galawin ang mga iyon. Pakitantao lamang ang lahat nilang ginagawa; dahil dito, malalapad na laso ng Kasulatan ang gusto nila para sa kanilang noo, at mahahabang palawait sa kanilang balabal. Gusto nilang mabigyan ng pangunahing lugar o upuan sa mga piging at sa sinagoga. Ikinatutuwa rin nilang mabati sa mga liwasan at matawag na guro ng mga tao. “Huwag kayong patawag na 'guro' sapagkat iisa lamang ang Guro ninyo at magkakapatid kayong lahat. Huwag din ninyong tawaging 'ama' ang sinuman sa mundo sapagkat iisa lamang ang inyong Ama, siya na nasa Langit. Huwag din kayong patawag na 'gabay' sapagkat iisa lamang ang inyong Patnubay, si Kristo. Maging alipin ninyo ang pinakadakila sa inyo. Sapagkat ibababa ang magpapakataas at itataas ang nagpapakababa.”

    PAGNINILAY:

    Mga kapanalig, dalawang mahahalagang aral ang nais ituro sa atin ng Panginoon ngayon. Una, magpakatotoo tayo at huwag pakitang-tao ang mga ginagawang kabutihan. Huwag nating tularan ang mga Guro ng Batas at Pariseo na puro pagtatanghal ang mga ginagawang kabutihan. Istilo nila ito para parangalan at papurihan. Kaya kung nagkakawang-gawa man tayo sa mga mahihirap, nagbibigay ng donasyon sa simbahan o sa mga Foundations na sumusulong ng kapakanan ng mga dukha – huwag na natin itong ipamalita para umani ng papuri. Kung artista ka, likas ang mag-effort para sumikat. Bahagi ito ng kanilang trabaho. Kung pulitiko ka, oo likas ang publicity para ipaalam sa nasasakupan niya mo na tumutupad ka sa pangakong maglingkod. Dahil isang bokasyon din ang pamumuno at paglilingkod sa bayan. Pero kung ang artista, tumatanggap ng papel na walang makukuhang aral, o ang pulitiko na nagmamapuri kahit labag sa Diyos at pakikipag-kapwa ang ginagawa, yan ang hindi magandang halimbawa. At tayo, na hindi naman mga artista at pulitiko, sikapin nating gumawa ng kabutihan hindi para umani ng papuri at suporta sa mga tao, kundi, para maparangalan ang Diyos sa pamamagitan natin. Ang Ikalawang aral na nais ituro sa atin ng Panginoon, magsilbing mabuting halimbawa lalo na sa mga taong ipinagkatiwala ng Diyos sa atin. Tayo ang unang dapat magsabuhay ng mga itinuturo natin sa iba. Ika nga ng kasabihan, “Practice what you preach” or “Walk your talk.” Hilingin natin sa Diyos ang biyayang makatugon sa hamong magpakatotoo at maging mabuting huwaran sa kapwa. - Cl. Vinz Aurellano, SSP | Society of St. Paul

    5 min
  • Mabuting Balita | Marso 14, 2022 – Lunes

    Mabuting Balita |Marso 14, 2022 – Lunes

    Lunes sa Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon


    EBANGHELYO: LUCAS 6: 36-38

    Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Maging maawain kayo gaya ng inyong Amang maawain. “Huwag kayong humatol, at hindi kayo hahatulan; huwag ninyong sumpain ang sinuman, at hindi kayo susumpain; magpatawad kayo, at kayo'y patatawarin. Magbigay kayo, at kayo'y bibigyan -isang saganang takal, siksik, liglig at umaapaw ang ibubuhos nila sa inyong kandungan. Sapagkat susukatin kayo sa sukatang ginagamit ninyo.”

    PAGNINILAY:

    Aminin na po natin, madali naman ang pumintas ng tao. Kung minsan pa nga, hindi lang para manira, kundi libangin lamang ang ating usapan. Sa ating Ebanghelyo, sinasabi sa atin na tumigil sa panghuhusga. “Stop judging and you will not be judged. Stop condemning and you will not be condemned. Tumigil ang kanyang panawagan, hindi umiwas. Bakit? Sapagkat kung paano tayo humusga sa ngayon, gayun din ang panghusga sa atin. Kung tayo’y nanghusga nang may galit at lupit, hindi natin alam baka galit at lupit din ang panghuhusga sa atin. Si Mother Teresa po ay minsang tinanong tungkol dito ani niya: Hindi ko alam kung ano nga ba ang eksaktong hitsura ng langit. Pero alam ko na kapag tayo’y mamamatay, huhusgahan tayo ng Diyos. Hindi niya siguro tayo tatanungin kung ilang mabubuting bagay ang ating nagawa. Ang tanong niya marahil ay, bukal ba sa puso, may pag-ibig ba ang ginawa mong Mabuti?

    Mga kapanalig, kumapit po tayo sa grasya ng Diyos upang mapalitan natin ang husga ng awa, yung pagreklamo natin ng pasasalamat, at yung takot natin ay mapalitan ng pagmamahal. Sapagkat kung kasalanan at lupit ang gagamitin ng Diyos na panghusga sa atin, sino ba ang makakatawid sa langit? Tularan nawa natin ang kanyang pagkamaawain, kahit mahirap, ating kayanin. Amen.

    - Cl. Vinz Aurellano, SSP | Society of St. Paul

    4 min
  • Mabuting Balita | Marso 13, 2022 - Linggo

    Mabuting Balita | Marso 13, 2022

    Ikalawang Linggo ng Kuwaresma (K)


    EBANGHELYO: LUCAS 9:28 36

    Isinama ni Hesus sina Juan, Pedro at Jaime, at umahon sa bundok para manalangin. At habang siya’y nanalangin, nag bago ang anyo ng kanyang mukha, at puting puting nag niningning ang kanyang damit. May dalawang lalaki ring nakikipag usap sa sina Moises at Elias. Nagpakita sila sa kaluwalhatian. At pinag uusapan nila ang pag lisan ni Hesus na malapit nang maganap sa Jerusalem. Antok na Antok naman si Pedro at ang kanyang mga kasama peru pagkagising nila, nakita nila ang kanyang kaluwalhatian at ang dalawang lalaking nakatayo kasama niya. Nang papalayo na yon kay Hesus. Sinabi ni Pedro sa kanya “Guro mabuti’t narito tayo gagawa kami ng tatlong kubol, isa sa iyo , isa kay Moises at isa kay Elias. Nagsasalita pa siya ng may ulap na limimlim sa kanila at natakot sila pag pasok nila sa ulap, at narinig mula sa ulap ang salitang ito.” Ito ang aking anak ang hInirang, pakinggan ninyo siya”. Pagkasalita ng tinig, nag iisang Nakita si Hesus. Nang mga araw na yon sinarili nila ito at walang sinabi kaninuman tungkol sa nakita nila.

    PAGNINILAY:

    Ito ang aking Anak, ang aking Hinirang. Siya ang inyong pakinggan. Ito ang tinig ng Diyos Ama. Inaanyayahan Niya si Pedro, si Juan at si Santiago. Pakinggan para saan? Pakinggan, para sa ano’ng dahilan? Sa paanyaya ng Diyos Ama, pinaaala-ala Niya sa atin ang ating ugnayan sa Kanya. Na tayo, itinuturing Niyang mga Anak. Bakit mga Anak? Sa Santatlong persona ng Diyos, Ang Ama, Anak at Banal na Espiritu, tinatawag tayo para pumasok sa Kanyang Pamilya. Ito ang Eternal Family of God. Kabilang sa walang hanggang pamilya ng Diyos. Sa simula pa lang, hindi nga ba nilikha tayo sa wangis at larawan ng Diyos? Nilikha Niya rin tayo para sa ugnayan, unang-una, ugnayan para sa Kanya. Ikalawa, dahil nga, nadungisan ang budhi natin ng pagkakasala ng una nating magulang. Si Hesus, sa pagdaloy ng Kanyang dugo sa daloy ng dugo natin, nilinis Niya tayo sa kasalanan. Mas dakila pa sa nagagawa ng dialysis. Ang naganap sa atin, hindi lang paglilinis kundi pagbabahagi ng Kanyang buhay. Naganap na ito at nasa sa ating mga choices ang pagsasabuhay. Kaya’t sa pakikinig natin ng tinig ng Diyos Anak, tulad ngayon, atas ng Diyos Ama na ipraktis natin. Oo, may panawagan na pumasok sa eternal family of God pero kung hindi naman tayo nag-eeffort, baka hindi tayo makakabilang.

    - Sr. Gemma Ria dela Cruz, FSP | Daughters of St. Paul

    5 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.