
Sign up to save your podcasts
Or


Word and Songs | POPE FRANCIS' LENTEN MESSAGE 2022 – A Call “Never to Grow Tired in Doing Good.”
with Sr. Lines Salazar, fsp
Pope Francis’ Lenten message 2022 recommended that our Lenten observance this year can be a time to put down the smartphone and encounter those in need face to face. He says, “Let us not grow tired of fighting against concupiscence, that weakness which induces to selfishness and all evil, and finds in the course of history a variety of ways to lure men and women into sin.” And “One of these is the addiction to the digital media, which impoverishes human relationships. Lent is a propitious time to resist these temptations and to cultivate instead a more integral form of human communication made up of ‘authentic encounters,’ face to face and in person.”
Mabuting Balita | Marso 4, 2022
Biyernes kasunod ng Miyerkules ng Abo
EBANGHELYO: MATEO 9: 14-15
Lumapit kay Hesus ang mga alagad ni Juan at nagtanong: “May araw ng ayuno kami at ang mga Pariseo, at wala bang pag-aayuno ang iyong mga alagad?” Sinagot sila ni Hesus: “Puwede bang magluksa ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo? Darating ang panahon na aagawin sa kanila ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno.”
PAGNINILAY:
Ang Tanong ng Pag-aayuno
Isang mahalagang disiplina ang sinasalamin ng pag-aayuno. Hindi lang ito isang palabras o papaimbabaw na kilos para makita ng iba na nagsasakripisyo ka. Para sa mga Hudyo, ang pag-aayuno ang panlabas na pagpapakita (external sign) ng panloob na hangarin (internal desire) at pagsisisi sa nagawang kasalanan para muling kalugdan ng Diyos. Layunin ng pag-aayuno ang pagkakaroon ng tapat na diwa, dalisay na puso at malinis na kalooban upang muling kasihan ng Diyos. Hindi isinasantabi ni Hesus ang halaga ng pag-aayuno, kundi itinutuwid niya ang layunin ng pag-aayuno. Hindi nito layunin na pahirapan lamang ang mga tao o ang maipakita sa kapwa tao na tapat sila sa pag-aayuno. Ano ang tunay na layunin ng pag-aayuno? Para makiisa sa pagpapakasakit na binata ni Hesus. Hangad natin na patawarin tayo sa pagkakamaling nagawa natin sa Kanya. Na muling kalugdan ng Diyos at muling pagpalain. Samakatwid, sinasabi ni Hesus sa mga tao, narito na ang Diyos! Kaisa na ng mga alagad, ano’t mag-aayuno pa? Pero, dagdag dito, sinabi rin ni Hesus na darating ang panahon na ang mga alagad mismo, mag-aayuno. May read between the lines ang binigkas ni Hesus. Nakikinita na Niyang darating ang panahon na malalayo Siya sa kanyang mga alagad. Magkakasala o magkakamali ang nakararami at hihingi sila ng tawad sa Diyos upang muli Siyang makiisa. Mga kapanalig, may mga panahon na kinakailangang ipaalala sa atin ang layunin ng ating mga ginagawa, lalo na sa ating buhay- pananampalataya. Hindi sapat na dahilan na ginagawa natin ang mga bagay-bagay sa ating buhay dahil sa nakikita o sinasabi ng ibang tao. Hindi tayo nabubuhay para sa sabi ng iba. Hindi. May mga panahon na ang pakiramdam natin napakalapit natin sa Diyos, di ba? May mga panahon din na lumalayo tayo sa Kanya. Pero siya pa rin ang unang sumusuyo. Ngayong Biyernes ng Kuwaresma, iwaglit muna natin ang mga bagay na kasiya-siya sa atin. Alalahanin natin na ang tuwirang layunin ng ating buhay ay ang palagiang pagbuo ng ating ugnayan sa Diyos. Diyos na nagmamahal at patuloy tayong pinapatawad.
- Cl. Buen Andrew Cruz, SSP | Society of St. Paul
Mabuting Balita | Marso 3, 2022
Huwebes kasunod ng Miyerkules ng Abo
EBANGHELYO: LUCAS 9: 22-25
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kailangang magtiis ng marami ang Anak ng Tao. Itatakwil nga siya ng mga Matatanda ng bayan, ng mga Punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papatayin siya at muling babangon sa ikatlong-araw. Kung may gustong sumunod sa akin, itakwil ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus araw-araw para sumunod sa akin. Sapagkat ang naghahangad na magligtas ng kanyang sarili ay mawawalan nito, at ang mawawalan nito alang-alang sa akin ay siyang makapagliligtas nito. Ano ang pakinabang ng tao tubuin man niya ang buong daigdig at mawawala naman o mapapahamak ang kanyang sarili?”
PAGNINILAY:
Talikdan ang sarili, pasanin ang iyong krus at sumunod sa akin. Ito ang pamantayan na ibinilin sa atin ng Panginoong Hesus kung nais nating maging kaniyang alagad. Radikal na pagbabago ang hinihiling nito sa bawat makakarinig lalo na para sa mga alagad. Sa unang pagdinig, maaaring sabihin na parang napakabigat at imposible ang mga pamantayang ito. Makakaya ba ng taong limutin ang kanyang sarili o magpasan ng mabibigat na krus araw – araw at sumunod sa mga yapak ng Panginoon? Paano mo ito magagawa? Ano ang magtutulak sa iyo para magawa ito? Sa nakalipas na libong taon, masasabi nating kayang gawin ito ng tao. Mismo, ang mga santo at mga martir ng ating pananampalataya ang nagbibigay halimbawa sa atin na posible ito. Nariyan din ang mga magulang na handang talikdan ang mga pansariling pangangailangan. Handang magsakripisyo sa loob ng mahabang panahon para sa mga anak at buong pamilya. Nariyan ang mga kaibigan at mga volunteers na nagtutulungan upang maitawid ang pangangailangan ng bawat isa sa gitna nitong pandemya. Nariyan ang mga tapat na mananampalatayang patuloy sa pananalangin at paggawa ng mabuti sa kapwa. Lahat ng ito kanilang napagtagumpayan dahil pag-ibig ang nagtulak sa kanila, dahil nakaugat ang lahat sa karanasan sa pag-ibig ng Diyos. Ito ang susi – ang pag-uunawa na mahal tayo ng Diyos at gagawin natin ang mga pamantayan ng Panginoon dahil mahal natin siya. Hindi imposibleng talikdan ang sarili at magsakripisyo para sa minamahal. Kung tunay nating mahal ang Diyos at nais nating sundan ang kanyang mga yapak, hinihiling Niya, una sa lahat ang ating ganap at buong pagmamahal. Tandaan, Radikal ang tawag ng pagsunod kay Hesus. Radikal na pagmamahal. Sa panahong ito ng kuwaresma, huwag matakot magmahal, talikdan ang sarili at magsakripisyo para sa minamahal. Ito ang daan tungo sa kabanalan.
- Cl. Buen Andrew Cruz, SSP | Society of St. Paul
Mabuting Balita | Marso 2, 2022
Miyerkules ng Abo
EBANGHELYO: MATEO 6: 1-6, 16-18
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Mag-ingat na hindi maging pakitantao lamang ang inyong mabubuting gawa. Kung ganito ang gagawin n’yo wala na kayong gantimpala sa inyong Amang nasa Langit. Kaya pag nagbibigay ka ng limos, huwag pahipan ang trumpeta sa unahan gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa sinagoga at sa mga daan; gusto nilang mapuri ng mga tao. Sinisiguro ko sa inyo na nagantimpalaan na sila ng husto. Kaya kung ikaw naman ang magbibigay ng limos, huwag ipaalam sa iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay; at mananatiling lihim ang iyong paglilimos at ang iyong Amang nakakakita sa mga lihim ang siyang gagantimpala sa iyo. Kung mananalangin kayo, huwag n'yong tularan ang mga mapagkunwari. Gustung-gusto nilang tumayo sa mga sinagoga o sa mga daan para manalangin nang nakikita ng marami. Sinisiguro ko sa inyo na nagantimpalaan na sila nang husto. At kung ikaw naman ang mananalangin, pumasok sa iyong silid, isara ang pinto at manalangin sa iyong Ama na kasama mo nang lihim; at ang iyong Ama na nakakakita sa ipinaglilihim ang gagantimpala sa iyo. Pag mag-aayuno kayo, huwag magpakita ng lungkot sa mukha gaya ng mga mapagkunwari. Nagpapakita sila ng lungkot sa mukha para makita ng tao na nag-aayuno sila. Talagang sinasabi ko sa inyo na nagantipalaan na sila nang husto. Kung ikaw naman ang mag-aayuno, maghilamos at ayusin ang sarili sapagkat hindi ka nag-aayuno na pakitantao lamang kundi para sa iyong Amang nakakakita sa lahat. At gagantimpalaan ka ng iyong Amang nakakakita sa lahat ng lihim.”
PAGNINILAY:
Kapanalig, paano ka magpahayag ng iyong pananampalataya? Tuwing darating ang panahon ng Kuwaresma, na sinisimulan natin sa araw na ito – Miyerkules ng Abo, ipinapaalala sa atin ang tawag para sa isang buhay na banal at kalugud-lugod sa Diyos. Inaanyayahan muli tayo na palalimin, payabungin at isagawa ang ating buhay pananampalataya. Muling ipinapa-alala ng panahong ito ng kuwaresma ang tatlong mahahalagang haligi ng buhay ng kabanalan: panalangin, pag-aayuno at mabubuting gawa. Madaling sabihin na may pananampalataya tayo. Oo, nagdadasal tayo. Sana, ipinagdarasal din natin ang isang tunay na pagbabago ng ating mga puso at sarili. Oo, nag-aayuno tayo at nagsasakripisyo. Sana, kasabay ng hindi natin paggawa ng mali ay ang paggawa naman ng mabuti na nakatutulong sa ating kapwa. Tandaan natin na magkakaugnay ang Pananalangin, Pag-aayuno at Mabubuting gawa. Sa ating pagsisikap isabuhay ang mga haliging ito, dapat laging mababakas ang tunay na Kabanalan na may matapat na diwa, dalisay na puso at mga kamay na pinagpapala ang kapwa. Mga kapanalig, ating alalahanin, bagamat nasa panahon pa tayo ng Pandemya, na lagi’t laging mayroong pagkakataon upang tumugon sa tawag ng kabanalan, at maipahayag - maisabuhay ang ating pananampalataya. Amen.
- Cl. Buen Andrew Cruz, SSP | Society of St. Paul
ST. CATHERINE LABOURE | PATRON SAINT OF THE ELDERLY, INFIRMED PEOPLE AND THE MIRACULOUS MEDAL
Feast Day: NOVEMBER 28
Are you devoted to the Miraculous Medal of the Blessed Virgin Mary? Our Saint today was associated with this devotion. Her name is familiar to many who wear the Miraculous Medal. Friends, we bring to you today a brief glance at the life of St. Catherine Laboure’. St. Catherine was born in Burgundy, France on May 2, 1806, the 9th of eleven children. She was called Zoe, but her baptismal name was Catherine. When she was nine years old, her mother died. Coming home from the funeral, she took a picture of the Virgin Mary, kissed it and said: “Now, you will be my Mother.”
As a girl, Catherine was quiet, practical and pious, devoted to the saints, to her Guardian Angel, and desired to become a nun. Catherine worked at the eatery of her brother which catered to the poor. She observed how the poor were suffering and her desire to be of service to them increased. She entered the Daughters of Charity of St. Vincent de Paul at Rue du Bac, Paris in 1830 and a year afterwards, she took her first vows. It is recorded that at about midnight of July 18, 1830, she heard someone call her name. Then she saw a beautiful child standing close by inviting her to come to the chapel because the Virgin Mary was waiting for her. She got up, put on her religious habit and went to the chapel. The door of the chapel opened by themselves and the chapel was filled with brightness. Catherine knelt and prayed. Then the child said : “Behold the Mother of God.” A beautiful lady appeared and seated herself near the altar. Filled with awe, Catherine ran and knelt at the feet of the Virgin Mary. Then the vision disappeared.
Some time later, at her next apparition to Catherine, the Virgin Mother was standing on a globe, with lights coming from her hands towards the globe. An oval frame formed around the Virgin and Catherine saw these words: “O Mary conceived without sin, pray for us who have recourse to thee.” The vision reversed and there was the letter “M” surmounted by a Cross and below were the heart of Jesus crowned with thorns and the heart of Mary pierced with a sword. Catherine heard a voice saying that a medal be made according to that model. This today, is the Miraculous Medal worn by many Catholics. Catherine told everything to her confessor, but it was only two years later, after observing that she was normal and not having illusions, that he told the Bishop about it. The Bishop approved the apparitions and the medal was created. Soon many people began wearing it. Mother Mary had promised that whosoever will wear that medal shall receive great graces.
Meanwhile, Catherine was assigned at the Hospice dEnghien, where she spent forty years of her life, caring for the infirm and elderly. That is why she is called the patroness of elderly and the infirm. She also worked at the hospice’s farm and poultry and did other humble works around.
On December 31, 1876, she died at the age of seventy. Catherine was beatified on May 25, 1933 and was canonized on July 27, 1947. Her incorrupt body now lies beneath the side altar of the chapel of Our Lady of the Miraculous Medal at Rue du Bac, Paris. Her feast day is November 28.
“St. Catherine, teach me how to love the Virgin Mary the way you loved her.”
ST. AMBROSE | PATRON SAINT OF MILAN
Feast Day: DECEMBER 7
Are you afraid of bees? Oh, they are not harmful! They give us honey and God uses them to show His predilection as in the life of our saint today – St. Ambrose, Bishop, Confessor and Doctor of the Church. It is recorded in the infancy of St. Ambrose, that one day his parents found a swarm of bees on his bed. When they flew away they left honey on his face. His parents considered it as a sign of his future life.
Ambrose was born in the year 340 in Gallica, Belgica, now, Trier, Germany to a noble Roman family. Soon after his birth, his father, who was a governor, died. His mother brought him and his siblings Satyrus and Marcellina to Rome where he grew up and studied. He took up rhetoric, literature and law. Following the footsteps of his father, he
In 372, he was made governor of Emilia and Liguria with its headquarter in Milan. In 374, the Arian Bishop, who usurped the Diocese of Milan, died. The followers of the Arian heresy, which was very strong that time, wanted another Arian Bishop, but the Catholics refused. In order to prevent a tumult, Ambrose, the governor, went to preside over the election. While Ambrose was speaking, the voice of a child was heard saying “Ambrose for Bishop.” The whole assembly took this as a sign, and since he was acceptable to the Arians, Ambrose was chosen by the assembly to be the next Bishop. Ambrose respectfully refused the choice for he was not ready for it. He was not even baptized. He escaped and hid himself in the house of a senator, but they soon found him. He was promptly baptized, received Confirmation, was ordained priest and consecrated Bishop on December 7, 374.
Not long after, the Arians, who believe that Jesus Christ is not co-eternal with the Father, became the bitter enemies of Ambrose. And as Bishop, he tried all he could to convert them, such that in 385, not one Arian remained in Milan. Ambrose preached, built churches, distributed his wealth to the poor, the orphans, the imprisoned and the unfortunate. He prayed, fasted made abstinences, and sacrifices. His priests followed his holy life. Many women entered religious life for he preached that virginity is superior to marriage, although marriage is holy. The entire city of Milan, nobles and poor, became closer to God and they admired and loved him. Yet, he encountered many oppositions. He persuaded Theodosius, emperor of the Eastern Roman Empire, to repent of his crime of killing 7,000 Thessalonians. About this time he met and converted Augustine, whom he baptized on Holy Saturday 387, and who later became the great St. Augustine of Hippo, another Doctor of the Church.Ambrose was a prolific writer and an eloquent preacher. His writings on the doctrine are often quoted as a proof of Christian teachings. His sermons are models for all preachers. He had musical compositions and to him we owe the practice of the alternate singing in church in two choirs. He died on April 4, 397 at the age of 57. St. Ambrose is one of the four early Doctors of the Roman Catholic Church. A Doctor is one who made significant contribution to the theology of the Church. Today, his body can be viewed in the church of St. Ambrogio in Milan.
Prayer: Dear God, through the prayers of St. Ambrose, strengthen our faith in the teachings of the Church, and enable us to fulfill our Christian obligations.
GOSPEL POWER l MARCH 1, 2022 - TUESDAY
8th Week in Ordinary Time
Gospel: Mk 10:28-31
28Peter began to say to Jesus, “Look, we have left everything and followed you.” 29Jesus said, “Truly I tell you, there is no one who has left house or brothers or sisters or mother or father or children or fields, for my sake and for the sake of the good news, 30who will not receive a hundredfold now in this age — houses, brothers and sisters, mothers and children, and fields, with persecutions — and in the age to come eternal life. 31But many who are first will be last, and the last will be first.”
Strangely, Mark includes persecution in the hundredfold blessing promised to Peter and those who give up everything to follow Jesus. That reference is omitted in Matthew’s and Luke’s version of the story. Why does Mark seem to suggest that persecution is also a blessing? Mark originally wrote his work for a persecuted community struggling to keep their faith alive in the face of violence and death. He wants his community to know that persecution identifies them in the closest possible way with the Messiah and conforms them to his destiny as the Suffering Servant, by whom God is saving the world. Their endurance of suffering and death is not without meaning and purpose, for through the experience, they become participants in the fulfillment of God’s redemptive will. Mark addresses the same message of hope to all generations of believers undergoing persecution for being faithful to Christ.
Lord Jesus, may we also view persecution through Mark’s faith-vision. Amen.
Mabuting Balita | Marso 1, 2022
Martes sa ika-8 na Linggo ng Taon
EBANGHELYO: MARCOS 10: 28-31
Nagsalita si Pedro at sinabi: “Iniwan namin ang lahat upang sumunod sa iyo.” Sinabi ni Hesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo: walang nag-iwan ng tahanan, mga kapatid, ina at ama at mga anak at mga bukid alang-alang sa akin at sa Ebanghelyo na walang gantimpala. Tatanggap nga siya ngayon ng makasandaang beses ng mga tahanan, mga kapatid, mga ina at mga anak at mga bukid sa gitna ng mga pag-uusig, at sa panahong darating nama'y makakamit n’ya ang buhay na walang hanggan. May mga una ngayon na mahuhuli at may mga huli naman na mauuna.”
PAGNINILAY:
PAGMAMAHAL ang susi sa anumang makahulugan na pagsasakripisyo! Pagmamahal hindi lamang sa ating pamilya, o sa mga taong malapit sa ating puso ang magandang pagninilayan natin ngayon. Ipina-alaala sa atin ng ating Mahal na Diyos ang kanyang dulot na kaligtasan. Patuloy nating nasasaksihan ang pagtutulungan, pagbibigayan o pagiging bukas-palad para sa ating mga kapatid na nangangailangan. Mapapatunayan natin ang lalim ng pagmamahal na ito kung hindi lang ito hanggang salita lang. Maraming relasyon ang nagsimula sa pagpapalitan ng I LOVE YOU pero ang nakalulungkot hindi naman handang magbigay ng sarili. Kung minsan madaling sabihin pero kay hirap nga namang patunayan. Gaano ka nga ba katotoo? Hanggang saan? Hanggang kailan? Sa pagmamahal, mas mahalaga handa natin itong patunayan, at alam natin kung ano ang kaya nating isakripisyo. Narinig natin sa Mabuting Balita ang pahayag ni Pedro, “Iniwan namin ang lahat para sumunod sa Iyo.” Teka, pagnilayan natin, di kaya marami ring pagkakataon na tulad tayo ni Pedro? May hinahanap ding kapalit sa ibinibigay. O agad-agad, gustong may nasisilip na bunga ang mga pinaghihirapan. Pero sa konteksto ng Diyos, tinuturuan Niya tayong magtiwala, manampalataya at umasang kailanman, hindi niya tayo pababayaan. Ipagkatiwala natin sa Kanya. Maniwala rin tayo na sa kabila ng ating paghihirap at pagpapakasakit, kung iaalay natin para sa mas ikadadakila ng Diyos—mas nagiging makabuluhan ang ating buhay. Kaya nga't kung sa tanong na hanggang saan, hanggang kailan tayo mamahalin ng Diyos? Sapat na ang tumitig tayong muli sa Krus. Ang Diyos na nakabayubay sa Krus ang nagsasabing, “Hanggang sa kamatayan, mahal kita.” Hanggang sa buhay na aking ipinangako, mahal pa rin kita. Mahalaga ring tanungin natin ang ating sarili. Hanggang saan? Hanggang kailan natin mamahalin ang Diyos? Handa rin ba tayong mag-alay ng ating sarili para sa Kanya? O di kaya, para sa ating Inang Bayan, ano ang puwede nating maiambag para maibsan ang paghihirap at pagdurusa ng mga kapatid natin sa ating lipunan. –Sr. Amelyne Paglinawan, FSP | Daughters of St. Paul
PANALANGIN:
Panginoon, patawarin Mo po ako sa maraming pagkakataon na hindi naging lubos ang pagsunod ko Sa’yo, sa mga panahong ayaw kong magbata ng hirap, umiiwas sa sakripisyo at dagdag responsibilidad, at sa mga pagkakataong nagreklamo ako sa gitna ng pagsubok. Dagdagan Mo po ang aking pananampalataya, nang matutunan kong pasanin ang aking krus at sumunod Sa’yo nang may walang hanggang pagmamahal. Amen.
From the publisher's feed