
Sign up to save your podcasts
Or


Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng pagmamahal na akala niya ay hahantong sa masayang pamilya. Sa loob ng dalawang taon, naniwala siyang mahal at tatanggapin siya ng lalaking minahal niya hanggang sa habang buntis siya, isang tawag ang nagbunyag ng katotohanan: may kinakasama at mga anak na pala ito. Sa kabila ng sakit at pagtataksil, dumating siya sa puntong pinag-isipan pa ring manatili dahil nalaman niyang hindi naman pala kasal ang lalaki pero kapalit noon ay ang tanong kung hanggang saan ba dapat ipaglaban ang pag-ibig kapag may nasasaktan nang iba. Ito ang secret file ni Honey.
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng labing-isang taon niyang pagsalo sa utang, responsibilidad, at paulit-ulit na pagkakamali ng kanyang asawa para lang mabuo ang kanilang pamilya. Habang siya ang walang tigil na nagtatrabaho at lumalaban para sa kanilang mga anak, nalaman niyang habang buntis siya sa kambal ay may iba na palang babae ang kanyang mister. At doon niya napagtanto na minsan, mas masakit kaysa kahirapan ang maramdamang ikaw na lang ang natitirang lumalaban sa relasyon. Ito ang secret file ni Christine.
Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng isang damdaming nagsimula sa simpleng pagkikita online at unti-unting naging mas malalim kaysa sa inaasahan niya. Sa bawat kwentuhan, kumustahan, at pagdamay sa mga pinagdadaanan ng babaeng minsan niyang minahal, unti-unti niyang nabuo ang pag-asang baka may lugar din siya sa puso nito. Pero, habang lumilipas ang panahon nagsimula siyasng magtanong na kung huli na ang lahat bago niya pa masabi ang mga salitang matagal na niyang kinikimkim? Ito ang secret file ni Chito.
Ibinahagi ng sender ang kwento kung paano naging bahagi ng araw-araw nilang buhay ang rider na si Kuya Sonny sa gitna ng kanilang maliit na negosyo noong panahon ng pandemya. Sa una, tila hindi magkasundo ang alaga nilang aspin na si Bantay at ang palaging naghahatid ng kanilang mga supply, pero sa pagdaan ng panahon, napalitan ng paghihintay at pagkasabik ang dating tahol at pag-iwas. Ngunit isang araw, bigla na lang nawala si Kuya Sonny sa nakasanayang pagdating niya. At nang malaman nila ang totoong dahilan, doon nila mas naunawaan na may mga ugnayang nabubuo sa simpleng kabutihan at may mga naghihintay na hindi marunong makalimot. Ito ang secret file ni Tonton.
Ibinahagi ng sender ang pinagdaanan niya sa isang relasyong unti-unting sumira sa tiwala niya at nag-iwan ng maraming sugat. Akala niya ay tapos na ang lahat nang piliin niyang lumayo, pero nang muling bumalik si Xian sa buhay niya, bumalik din ang mga damdaming pilit niyang tinatago.
Ibinahagi ng ang ating sender ang kwento ng kanyang simpleng buhay bilang tindera sa palengke na biglang nagkaroon ng kulay nang makilala ang isang mabait, magalang, at misteryosong lalaking madalas mamili sa kanilang pwesto. Mula sa simpleng banggaan at paghingi ng numero, nauwi ang kanilang pagkakaibigan sa madalas na pagkikita at unti-unting pagkahulog ng loob. Ngunit, sa isang gabing akala niya ay ordinaryong salu-salo lang matapos ang mahabang araw, may nangyari na hindi niya inaasahan isang katotohanang maaaring tuluyang magbago ng tingin niya sa lalaking pinili niyang pagkatiwalaan. Ito ang secret file ni Sylvia.
Ibinahagi ng sender ang lihim na pag-ibig nila ng isang lalaking pamilyado at mas matanda sa kanya. Matapos ang tatlong taong, pinili niyang tapusin ito at magsimulang muli. Sa bagong trabaho, nakilala niya ang isang bagong lalaking nagparamdam sa kanya ng pagmamahal na hindi kailangang itago. Akala niya, ito na ang bagong simula na matagal niyang hinihintay. Ngunit nang makilala niya ang pamilya nito, natuklasan niyang ang ama nito ay ang lalaking minsan niyang minahal. Ito ang secret file ni Hannah.
Ibinahagi ng sender ang tungkol sa kanyang Daddy, na minsang naging kakampi at sandalan niya noong bata pa siya. Ngunit habang lumalala ang dementia, dumating ang araw na hindi na siya nakilala ng sarili niyang ama. Sa gitna ng sakit at pamamaalam, natuklasan niya na kahit nakalimutan ng isip ang pangalan at mukha niya, nananatili pa rin sa puso ng kanyang Daddy ang pagmamahal sa kanya bilang anak. Ito ang secret file ni Patty.
Ibinahagi ng sender ang pagsisikap niyang makaahon sa hirap para mabigyan ng mas maayos na buhay ang pamilya niya. Nang dumating si Fatima sa buhay niya, akala niya ay natagpuan na niya ang taong makakasama sa pagbuo ng mga pangarap niya. Pero habang ibinibigay niya ang lahat para mapasaya ito, unti-unti niyang napansin ang mga bagay na nakakapangduda—pagmamahal nga ba ang meron sa kanila, o may kapalit ang lahat ng ibinibigay niya? Ito ang secret file ni Andoy.
Ibinahagi ng ating sender ang halos apat na taong relasyon nila ni Joy na nauwi sa engagement. Ngunit isang buwan bago ang kasal nila, may natuklasan siyang matagal na itinatagong lihim nito—isang katotohanang nagdulot sa kanya ng matinding pagdududa kung itutuloy pa ba niya ang pakikipag-isang dibdib o tuluyan na itong bibitawan. Ito ang secret file ni Niño.
From the publisher's feed
The program reflects various realities of the world that may create a sense of belonging, relatability, and controversies. Raqi’s Secret files was inspired by the trend “confession” pages on…

63 Listeners

155 Listeners

362 Listeners

27 Listeners

1 Listeners

1 Listeners

0 Listeners

807 Listeners

2 Listeners

13 Listeners

0 Listeners

11 Listeners

0 Listeners

0 Listeners