Raqi’s Secret Files

Raqi’s Secret Files

By Love Radio ManilaFictionDrama
Download on the App Store

Raqi’s Secret Files episodes

  • Naging kabit ako ng isang Pulis

    Ibinahagi ni ang kwento ng pagiging isang single mother na muling nasaktan matapos mabigo sa pag-ibig. Sa gitna ng kanyang mga pinagdadaanan, naging malapit siya sa isang pulis na may sariling pamilya hanggang sa nauwi ang kanilang pagkakaibigan sa isang bawal na relasyon. Akala niya ay matatapos na ang lahat nang piliin niyang lumayo, ngunit isang hindi inaasahang muling pagkikita ang nagbukas muli ng isang lihim na pilit na niyang tinatakasan. Ito ang secret file ni Em.

    29 min
  • Inaral ko ang pagkuha ng ebidensya para mahuli ko ang BF ko

    Ibinahagi ng ating sender ang kwento kung paano niya iniwan ang kanyang nobyo para sa isang dating kaklase na nangakong mamahalin at paninindigan siya. Sa kabila ng mga babala at mga babaeng lumalapit upang ilantad ang tunay na ugali ng lalaki, pinili niyang magtiwala. Ngunit nang magduda siyang may itinatago itong lihim, inaral niya kung paano mangalap ng ebidensya at doon nagsimulang mabunyag ang katotohanang hindi niya inaasahan.

    30 min
  • Ikaw pa rin ang pipiliin kahit tutol ang pamilya mo

    Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng kanyang pagmamahal sa girlfriend niya, isang gurong buong puso niyang minahal at pinangarap makasama habambuhay. Ngunit, matapos magbago ang pakikitungo ng pamilya nito at pilitin silang paghiwalayin, unti-unting nasubok ang kanilang relasyon. Sa gitna ng sakit at pagsubok, isang insidente sa kanyang trabaho bilang pulis ang tuluyang nagpabago sa takbo ng kanilang buhay. Ito ang secret file ni KG.

    19 min
  • Ngayon ko lang nalaman ang sikreto ng asawa ko

    Ibinahagi ng sender ang kwento ng kanyang tila perpektong pamilya at huwarang asawa na nakilala niya pa sa kanilang simbahan. Ngunit, matapos ang ilang buwan mula nang isilang ang kanilang panganay, unti-unting nagbago ang ikinikilos nito hanggang sa isang palihim na pag-check sa cellphone ang tuluyang nagbunyag sa isang napakasakit at nakakagulat na sikreto. Ito ang secret file ni Maricel.

    22 min
  • Isang buwan na lang, hindi mo pa nakita ang anak natin

    Ibinahagi ng sender kung paano muling nagkrus ang landas nila ng kanyang high school crush matapos siyang maging single mom. Sa kabila ng distansya at mahigpit na pagsasanay bilang sundalo ng lalaki, nanatiling matatag ang kanilang komunikasyon at unti-unting nabuo ang isang pag-iibigan na puno ng pangako at pag-asa. Ngunit habang lumalalim ang kanilang relasyon, may mga hamong darating na susubok kung sapat ba ang pagmamahal para talunin ang panahon at tadhana. Ito ang secret file ni Angi.

    35 min
  • Tinawagan ko ang Asawa ko at nakarinig ako ng ungol

    Ibinahagi ng sender ang kwento ng kanilang 15 taong pagsasama ng asawa na minsan niyang inakalang perpekto. Ngunit, isang gabing hindi sumasagot ang kanyang asawa sa tawag, may narinig siyang mga ungol at boses ng ibang babae sa kabilang linya. Doon nagsimulang mabunyag ang isang pagtataksil na sumubok sa kanyang pagmamahal, pagtitiwala, at kakayahang magpatawad. Ito ang secret file ni Naya.

    24 min
  • Iba ang naging parausan ng Boyfriend ko

    Ibinahagi ng sender ang kaniyang saloobin matapos matuklasan sa CCTV na ang kaniyang partner ay lihim na nanonood ng malalaswang video at doon nagpaparaos tuwing wala siya sa bahay. Dahil sa kaniyang pinagdaraanang menopause, labis siyang binabalot ng insecurity habang tinatanong ang sarili kung sapat pa ba siya sa paningin ng kaniyang pinakamamahal. Ito ang secret file ni Andrea.

    19 min
  • Hindi ko matanggap na ginawa niya akong kabit for 4 years

    Ibinahagi ng sender ang mabigat na pinagdaanan matapos ang relasyon kung saan ginawa siyang kabit for 4 years ng isang lalaking akala niya ay tapat. Unti-unting bumagsak ang mundo niya at hanggang ngayon, hindi niya tanggap ang masakit na katotohanan sa likod ng matagal nilang pagsasama. Ito ang secret file ni El.

    27 min
  • Sinira ni Team Leader ang pamilya ko

    Ibinahagi ng sender ang mabigat na pakiramdam ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na walang ibang hinangad kundi ang magsakripisyo at kumayod sa ibang bansa para sa kinabukasan ng kanyang pamilya. Ngunit, sa kabila ng distansya at pangungulila, ang tiwalang buong puso niyang ibinigay ay binaligtad ng pagtataksil ng sarili niyang partner kasama ang team leader nito. Sa likod ng kanyang pagiging matatag, may mga malalalim na sugat at trauma na pilit pa ring naghihilom hanggang ngayon. Ito ang secret file ni May.

    24 min

About Raqi’s Secret Files

From the publisher's feed

The program reflects various realities of the world that may create a sense of belonging, relatability, and controversies. Raqi’s Secret files was inspired by the trend “confession” pages on…

More shows like Raqi’s Secret Files

Barangay Love Stories by Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

Barangay Love Stories

63 Listeners

Trending Songs: Pop by Default (DEFAULT)

Trending Songs: Pop

155 Listeners

Growth Mindset Psychology: The Science of Self-Improvement by Sam Webster Harris | Growth Mindset Psychology

Growth Mindset Psychology: The Science of Self-Improvement

362 Listeners

HILAKBOT PINOY HORROR STORIES | The Podcast by RED and The Pod Network

HILAKBOT PINOY HORROR STORIES | The Podcast

27 Listeners

Dear MOR by MOR Entertainment

Dear MOR

1 Listeners

MORe Stories with Betina Briones by MOR Entertainment

MORe Stories with Betina Briones

1 Listeners

Kilabot - Pinoy Horror Stories by KUYA TOTOY and Serye FM

Kilabot - Pinoy Horror Stories

0 Listeners

olivia rodrigo unrealesed songs by cami

olivia rodrigo unrealesed songs

807 Listeners

Sitio Bangungot - Pinoy Horror Stories for Sleep Podcast by Kwentong Takipsilim

Sitio Bangungot - Pinoy Horror Stories for Sleep Podcast

2 Listeners

Kwentong Takipsilim Pinoy Tagalog Horror Stories Podcast by Kwentong Takipsilim

Kwentong Takipsilim Pinoy Tagalog Horror Stories Podcast

13 Listeners

DieEm Stories: TAGALOG HORROR STORIES by TAGM Marketing Solutions Inc.

DieEm Stories: TAGALOG HORROR STORIES

0 Listeners

Chicks 2 Go by Ashley Rivera and Hershey Neri

Chicks 2 Go

11 Listeners

Papa Dudut Stories by Papa Dudut | TAGM Marketing Solutions Inc.

Papa Dudut Stories

0 Listeners

Ka Istorya Horror by Jason Steele | Papa Dudut | TAGM Marketing Solutions Inc.

Ka Istorya Horror

0 Listeners