Filipino students have been actively pursuing their dreams of obtaining a world-class education in Australia. However, recent restrictions on work hours have created significant financial hardships for many Filipino international students, hampering their ability to support themselves while studying. - Humaharap sa hamon at pag-aalinlangan ang ilang Filipino international student matapos ang kamakailang pagbabalik ng paghihigpit sa oras ng trabaho, kung saan karamihan sa mga student visa holders ay hanggang 48 oras na lang ang maaring magtrabaho kada dalawang linggo. Ito ay kasabay rin ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing gastusin. Si Glerose Tadifa, na nag-iwan ng kanyang propesyon sa Pilipinas para sa Australia, ngayon ay nagdadalawang isip kung kakayanin pa ba niyang ipagpatuloy ang kanyang pinapangarap na buhay sa Australia.