Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

By Driven By The GospelReligion & SpiritualityChristianity
Download on the App Store

Solid Joys Devotionals (Tagalog) episodes

  • January 3 - Ang Pinakamaliit na Pananampalataya

    Ang Pinakamaliit na Pananampalataya

    Maliwanag kung gayon, na ang pasya ng Diyos ay nababatay sa kanyang habag, at hindi sa kagustuhan o pagsisikap ng tao. (Roma 9:16 MBBTAG)

    Sa simula pa lang ng taon, linawin natin na ang lahat ng matatanggap natin mula sa Diyos ngayong taon, bilang mga mananampalataya kay Hesus, ay awa. Anuman ang kasiyahan o sakit na darating sa atin ay pawang habag.

    Ito ang dahilan kung bakit pumarito si Kristo sa mundo: “at upang ang mga Hentil naman ay magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habag” (Roma 15:9). Tayo ay muling ipinanganak “sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo.” (1 Pedro 1:3). Araw-araw tayong nananalangin “upang makamtan natin ang habag at pagpapala na tutulong sa atin” (Hebreo 4:16); at ngayon ay  nananatili tayo “sa pag-ibig ng Diyos habang naghihintay [tayo] sa ating Panginoong Jesu-Cristo na magkakaloob sa [atin] ng buhay na walang hanggan” (Judas 1:21). Kung may Kristiyanong mapagkakatiwalaan, ito ay “dahil sa habag ng Diyos ay mapagkakatiwalaan” (1 Corinto 7:25).

    Sa Lucas 17:5–6, nakiusap ang mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan mo ang aming pananampalataya!” At sinabi ni Jesus, “Kung kayo ay may pananampalataya na kasingliit ng buto ng mustasa, masasabi ninyo sa punong ito, ‘Mag-ugat ka at matanim sa dagat,’ at ito'y tatalima sa inyo.” Sa madaling salita, ang isyu sa ating buhay at ministeryong Kristiyano ay hindi ang lakas o dami ng ating pananampalataya, dahil hindi ito ang nag-uugat ng mga puno. Ang Diyos ang gumagawa nito. Kaya naman, ang pinakamaliit na pananampalatayang tunay na nag-uugnay sa atin kay Kristo ay magdudulot ng sapat na kapangyarihan para sa lahat ng ating pangangailangan.

    Ngunit paano naman sa mga panahong matagumpay mong sinusunod ang Panginoon? Inaalis ka ba ng iyong pagsunod mula sa kategorya ng nanghihingi ng habag? Sinagot ito ni Hesus sa Lucas 17:7–10.

    “Kapag nanggaling ang inyong alipin sa pag-aararo o pagpapastol ng mga tupa sa bukid, inaanyayahan ba ninyo siya agad upang kumain? Hindi ba't ang sasabihin ninyo ay, ‘Ipaghanda mo ako ng hapunan, magbihis ka, at pagsilbihan mo ako habang ako'y kumakain. Pagkakain ko, saka ka kumain.’ Pinasasalamatan ba ng amo ang kanyang alipin dahil sinusunod siya nito? Ganoon din naman kayo; kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniuutos sa inyo, sabihin ninyo, ‘Kami'y mga aliping walang kabuluhan; tumutupad lamang kami sa aming tungkulin.’”

    Kaya nga, natutukoy ko, ang pinakamataas na pagsunod at ang pinakamaliit na pananampalataya ay nakakakuha ng parehong bagay mula sa Diyos: habag. Isang butil lang ng mustasa na pananampalataya ay nakakakuha ng habag ng Diyos para sa kapangyarihang mag-ugat ng mga puno. At ang walang kamaliang pagsunod ay nag-iiwan sa atin na lubos na umaasa sa habag.

    Ito ang punto: Anuman ang tiyempo o anyo ng habag ng Diyos, hindi natin kailanman mahihigitan ang pagiging mga benepisyaryo ng awa. Palagi tayong lubos na umaasa sa hindi tayo nararapat.

    Kaya't magpakumbaba tayo at magalak at “magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habag!”

    6 min
  • January 2, 2024 - Ano ang Ginawa ni Hesus para sa Kamatayan


    Enero 2

    Ano ang Ginawa ni Hesus para sa Kamatayan

    Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. Gayundin naman, si Kristo'y minsan lamang inihandog upang pawiin ang mga kasalanan ng mga tao. Siya'y muling darating, hindi upang muling ihandog dahil sa kasalanan, kundi upang iligtas ang mga naghihintay sa kanya. (Hebreo 9:27–28 MBBTAG)

    Ang kamatayan ni Hesus ay nagpapasan ng mga kasalanan. Ito ang mismong puso ng Kristiyanismo, ang puso ng ebanghelyo, at ang puso ng dakilang gawain ng Diyos sa pagtubos sa mundo. Nang mamatay si Kristo, pinasan Niya ang mga kasalanan. Kinuha Niya ang mga kasalanang hindi sa Kanya. Nagdusa Siya para sa mga kasalanang ginawa ng iba, upang makalaya sila mula sa kasalanan.

    Ito ang sagot sa pinakamalaking problema sa iyong buhay, kahit na hindi mo ito maramdaman bilang pangunahing problema. May sagot kung paano tayo makakasundo sa Diyos sa kabila ng pagiging makasalanan natin. Ang sagot ay ang kamatayan ni Kristo bilang handog "upang pasanin ang mga kasalanan ng marami." Inangat Niya ang ating mga kasalanan at dinala ang mga ito sa krus at doon namatay ng kamatayang nararapat nating danasin.

    Ngayon, ano ang ibig sabihin nito para sa aking kamatayan? "Itinalaga [ako] na mamatay minsan." Ibig sabihin, hindi na parusa ang aking kamatayan. Hindi na ito parusa para sa kasalanan.. Ang aking kasalanan ay inalis na. “Inaalis” ito sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo. Si Kristo ang tumanggap ng parusa.

    Bakit pa ako mamamatay kung ganun? Dahil nais ng Diyos na manatili ang kamatayan sa mundo sa ngayon, kahit sa Kanyang sariling mga anak, bilang patuloy na patotoo sa matinding kasuklaman ng kasalanan. Sa ating pagkamatay, ipinapakita pa rin natin ang panlabas na epekto ng kasalanan sa mundo.

    Ngunit ang kamatayan para sa mga anak ng Diyos ay hindi na galit ng Diyos laban sa kanila. Naging daan na natin ito sa kaligtasan at hindi sa pagkondena.

    4 min
  • November 9 - Pagkamangha sa Katapusan ng Kasaysayan

    Pagkamangha sa Katapusan ng Kasaysayan

    At kayong mga pinahihirapan ay [bibigyan ng Diyos] ng kapahingahang kasama namin, sa pagkapahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang kanyang mga makapangyarihang anghel, na nasa nagliliyab na apoy, na magbibigay ng parusa sa mga hindi kumikilala sa Diyos at sa mga hindi sumusunod sa ebanghelyo ng ating Panginoong Jesus. Ang mga ito’y tatanggap ng kaparusahang walang hanggang pagkapuksa at palalayasin sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kanyang kalakasan, kapag dumating siya sa araw na iyon upang luwalhatiin sa kanyang mga banal, at kamanghaan ng lahat ng mga sumasampalataya, sapagkat ang aming patotoo sa inyo ay pinaniwalaan.” (2 Tesalonica 1:7-10, ABTAG2001)

    Sa pagbabalik ni Jesus sa mundong ito, na ipinangako Niyang gagawin, ang mga di-naniwala sa ebanghelyo, sabi ni Pablo, ay “tatanggap ng kaparusahang walang hanggang pagkapuksa at palalayasin sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kanyang kalakasan.” Isa itong kakila-kilabot na tanawing dapat katakutan ng lahat ng mga di-mananampalatayang nakakarinig sa katotohanang ito.

    At naku, dapat itong magpatino sa ating mga mananampalataya at punuin tayo ng kaseryosohan tungkol sa ano’ng nakataya sa mundong ito. Oh, dapat itong magdulot ng pagbangon ng malasakit sa ating puso para sa mga taong di naniniwala, o di man lang nakakaalam, ng ebanghelyo.

    Ngunit upang magpatuloy tayo sa kabila ng lahat ng ating paghihirap, binibigyan tayo ni Pablo ng dalawang kamangha-manghang salita na nagbibigay-lakas ng loob at pag-asa. “At kayong mga pinahihirapan ay [bibigyan ng Diyos] ng kapahingahan.” Kung nakakaranas tayo ng matinding pagpapaigting ng paghihirap sa nalalapit na katapusan ng kasaysayan, ang salita ng Diyos ay nagsasabi: Kumapit nang mahigpit; paparating na ang ginhawa. Ang iyong mga paghihirap ay hindi mabibigyan ng huling salita. At pagsisisihan ng inyong mga tila makapangyarihang kalaban ang araw na pinakialaman nila ang pinili ng Panginoon.

    Ngunit pagkatapos ay narito ang pinakamagandang salitang nagbibigay ng lakas ng loob at pag-asa. Hindi lamang tayo makakakuha ng ginhawa kapag dumating ang Panginoon, makakamit natin ang pinakadakilang karanasan na siyang dahilan kung bakit tayo nilikha: Makikita natin ang Kanyang kaluwalhatian, at mamamangha tayo sa paraang maluluwalhati Siya sa atin, at makikita ito ng buong mundo. 

    Talata 10: “Dumating siya sa araw na iyon upang luwalhatiin sa kanyang mga banal, at kamanghaan ng lahat ng mga sumasampalataya.” Nilikha tayo upang mamangha. Wala at walang sinuman ang mas kamangha-mangha kaysa kay Jesu-Cristong ipinako sa krus, nabuhay na mag-uli, at nagbabalik bilang Hari ng kaluwalhatian. Makakamit Niya ang tadhana ng Kanyang kaluwalhatian, at makakamit natin ang tadhana ng ating kagalakan habang sinisimulan natin ang perpekto, walang-sala’t walang katapusang pagkamangha sa pinakadakilang dapat kamanghaan.

    Devotional excerpted from Desiring God, page 321

    This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/marveling-at-the-end-of-history

    Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

    John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

    5 min
  • November 2 - Kagalakan sa Kapighatian

    Kagalakan sa Kapighatian

    “Mapapalad kayo kapag kayo ay nilalait, inuusig, at pinagsasabihan ng sari-saring kasamaan na pawang kasinungalingan dahil sa akin. Magalak kayo at magsaya, sapagkat malaki ang gantimpala ninyo sa langit.” (Mateo 5:11-12, ABTAG 2001)

    Sinasabi ng Cristianong Hedonismo na may iba’t ibang paraan upang magalak sa kapighatian bilang isang Cristiano. Lahat ng ito ay dapat gawin bilang pagpapahayag ng buong sapat at buong kasiya-siyang biyaya ng Diyos.

    Isang paraan upang magalak sa kapighatian ay nagmumula sa pag-pokus ng ating isipan sa laki ng gantimpalang darating sa atin sa muling-pagkabuhay. Ang epekto ng ganitong uri ng pokus ay ito: Lumiliit ang ating kasalukuyang sakit kumpara sa paparating pa lamang: “Itinuturing ko na ang pagtitiis sa panahong kasalukuyan ay hindi karapat-dapat maihambing sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin” (Roma 8:18 cf. 2 Corinto 4:16–18). Habang tinitiis natin ang pagdurusa, nagagawa nating umibig dahil sa kagalakan natin sa ating matatanggap na gantimpala.

    “Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti, magpahiram kayo na hindi umaasa ng kapalit. Malaki ang magiging gantimpala ninyo” (Lucas 6:35). Maging mapagbigay sa mga mahihirap “at pagpapalain ka, sapagkat wala silang maigaganti sa iyo. Gagantihan ka sa muling pagkabuhay ng mga matuwid” (Lucas 14:14). Pinuputol ng tiwala sa ipinangakong gantimpalang ito ang lubid ng pagiging makamundo at pinapalaya tayo para sa halaga ng pag-ibig.

    Ang isa pang paraan upang magalak sa kapighatian ay nagmumula sa mga epekto ng pagdurusa sa ating katiyakan ng pag-asa. Ang kagalakan sa paghihirap ay nakaugat hindi lamang sa pag-asa ng muling pagkabuhay at gantimpala, kundi pati na rin sa paraan na ang mismong pagdurusa’y kumikilos upang palalimin ang pag-asang iyon.

    Halimbawa, sinabi ni Pablo, “Nagagalak rin tayo sa ating mga kapighatian sa pagkaalam na ang kapighatian ay nagbubunga ng pagtitiis, at ang pagtitiis ng pagpapatibay; at ang pagpapatibay ng pag-asa” (Mga Taga Roma 5:3–4).

    Sa madaling salita, ang kagalakan ni Pablo ay hindi lamang nakaugat sa kanyang malaking gantimpala, kundi sa epekto ng kapighatian na nagpapatatag sa pag-asa sa gantimpalang iyon. Ang paghihirap ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan ay nagdudulot ng pakiramdam na ang ating pananampalataya ay totoo at tunay, at pinapalakas nito ang ating pag-asa na matatamo nga natin si Cristo.

    Kaya mag-pokus man tayo sa kayaman ng gantimpala o sa pagpapadalisay na epekto ng kapighatian, ang layunin ng Diyos sa kagalakan natin sa pagdurusa ay magpapatuloy.

    Devotional excerpted from Desiring God, pages 283–284

    This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/rejoicing-in-pain

    Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

    John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

    5 min
  • October 26 - Ang Gamot Para sa Mga Misyonero

    Ang Gamit Para sa Mga Misyonero

    “Hindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos.” (Marcos  10:27 MBBTAG) 

    Ang makapangyarihang biyaya ng Diyos ang nagbibigay buhay sa mga Christian Hedonist. Kung saan ang mga mananampalataya ay pinakaninanais nila ay maranasan ang makapangyarihang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa kaniya at pagtulong sa iba. 

    Ang mga Christian Hedonist  ay gusto ang"hindi ito dahil sa sarili kong kakayahan kundi dahil sa kagandahang-loob ng Diyos na nasa akin." (1 Corinto 15:10). Sila ay naniniwalang ang bunga ng kanilang ginagawa ay  para sa kapurihan ng  Diyos. ( 1 Corinto 3:7, Roma 11:36). 

    Nagiging masaya lang sila  kapag  sinabi ng Diyos na "Sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin" (Juan 15:5). Sila ay tumatalon tulad ng isang tupa sa katotohanan na  ang Diyos ay kayang gawin ang lahat ng imposible.  Sinabi nila ito nang walang hinanakit," Kung sa aming sarili lamang ay wala kaming kakayahang gawin ito; subalit ang aming kakayahan ay kaloob ng Diyos." (2Corinto 3:5) 

    Noong sila ay umalis, wala nang makabibigay sa kanila ng tunay na kasiyahan kundi sabihin ito sa mga churches, "Wala akong pinapangahasang ipagmalaki kundi ang ginawa ni Cristo upang maakit ang mga Hentil na sumunod sa Diyos sa pamamagitan ng aking mga salita at gawa." (Roma 15:18) 

    "Hindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos.”-- itong salita ng Diyos ang tunay na nagbibigay pag-aasa at pagkukumbaba sa ating sarili.  Ito ang lunas sa mga taong nawawalan ng pag-asa at gamot sa pagmamayabang --ito  ang perpektong gamot sa ng isang Misyonero. 

    Devotional excerpted from Desiring God, pages 235–236

    This article was translated by Ma. Fatima G. Abello and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click: 

    https://www.desiringgod.org/articles/medicine-for-the-missionary

    Ma. Fatima G. Abello is a third year student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at Aklan State University. 

    She is an active school leader, writer, digital editor, and an academic achiever. Despite of her schedules, she delights in serving and knowing the Lord more. Being a member of Boracay Grace Baptist Church, she is part of their music team where she sings, plays instruments, as well as Teach children in Sunday schools.

    John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethelehem as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence. 

    4 min
  • October 19 - Ang Pinakadakilang Kaligayahan ng Pag-Ibig

    Ang Pinakadakilang Kaligayahan ng Pag-Ibig

    Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan. Sa halip, ito'y kanyang pinapakain at inaalagaan, tulad ng ginagawa ni Cristo sa iglesya.  Tayo nga'y mga bahagi ng kanyang katawan. (Efeso 5:29-30 MBBTAG)

    Huwag kaligtaan ang huling parilala : "tayo nga'y mga bahagi ng kanyang katawan." At huwag kalimutan ang sinabi ni Pablo naunang dalawang verse, na nagsasabi na ibinigay ni Cristo ang kaniyang sarili para sa atin "Sa halip, unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon." Sa magkaibang paraan, ginawa ni Pablo na malinaw na si Cristo ay naghangad ng kasiyahan sa pamamagitan ng paghahangad ng kaluwalhatian , kabutihan at kasiyahan ng kaniyang mga tao. 

    Ang pag-iisa ni Cristo sa kaniyang bride ay napakalapit ("magiging isa") na kung ano mang mabubuting  mangyayari sa kaniyang bride ay parang ginawa na rin ito para sa Kanya.. Ang nais bigyang kahulugan sa tekstong ito ay ang Panginoon ang gagawa upang pakainin, alagaan, gawing banal ang kaniyang bride dahil ito ang tunay na magbibigay sa kaniya ng kasiyahan. 

    Sa ibang depinasyon ito ay hindi pagmamahal. Ang pagmamahal ay hindi pumupukos sa sarili lamang-- lalong-lalo na kung ang mala-Cristong pagmamahal-- higit lalo pagmamahal na dulot ng Kalbaryo. Wala pa akong nakikitang ganitong pagmamahal na katulad ngmensahe sa kasulatan. 

    Ngunit ano ba ang ginawa ni Cristo para sa kaniyang bride na malinaw na ipinahayag sa tekstong ito: "Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya." (Efeso 5: 25). Bakit hindi hayaan natin ang verse na itona  kahulugan ng pag-ibig para sa atin,  sa halip na ang ating mga etika at polosopiya ang  magbibigay ng kahulugan dito? Ayon sa teksto, ang pag-ibig ay ang paghangad ng kaligayahan ni Cristo sa kaligayahan ng kabanalan ng kaniyang minamahal. 

    Hindi maaaring  ihiwalay ang sariling interes sa pag-ibig, dahil ang  sariling interes hindi tuladng isang pagiging sakim. Ang pagkamakasarili ay hindi iniisip ang ibang tao kundi ang sariling kaligayahan lang niya. 

    Subalit ang mala-Cristong pagmamahal ay ang pagbibigay kasiyahan sa iba. Kahit na siya ay  maghirap at  mamatay para sa kaniyang mga minamahal upang makamit ang kabanalan nila ay gagawin niya. 

    Ganito tayo kamahal ni Cristo, at nais niyang ganito rin natin mahalin ang isa't isa. 

    Devotional excerpted from Desiring God, pages 206–207

    This article was translated by Ma. Fatima G. Abello and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click: https://www.desiringgod.org/articles/loves-greatest-happiness

    Ma. Fatima G. Abello is a third year student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at Aklan State University. 

    She is an active school leader, writer, digital editor, and an academic achiever. Despite of her schedules, she delights in serving and knowing the Lord more. Being a member of Boracay Grace Baptist Church, she is part of their music team where she sings, plays instruments, as well as Teach children in Sunday schools.

    John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethelehem as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence. 

    4 min
  • October 12 - Mag-ingat sa Paglilikod sa Diyos

    Mag-ingat sa Paglilikod sa Diyos

    "Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at lahat ng naririto ay ang Panginoon ng langit at ng lupa, at hindi naninirahan sa mga templong ginawa ng tao.  Hindi rin siya nangangailangan ng anumang tulong o paglilingkod ng tao, sapagkat siya mismo ang nagbibigay ng buhay, hininga at lahat ng bagay sa sangkatauhan." (Mga Gawa 17:24-25) 

    Hindi natin niluluwalhati ang Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kailangan Niya, pero sa pananalangin ay Siya ang nagbibigay na kailangan natin at sa pagtitiwala sa Kanyang tugon, at namumuhay sa galak sa gayong pagaalaga, habang inilalaan natin ang ating buhay na mag pag-ibig para sa iba at sa pagtitiwala sa Kanyang tugon, at namumuhay sa galak sa gayong pagaalaga, habang inilalaan natin ang ating buhay na mag pag-ibig para sa iba.

    Nandito tayo sa puso ng magandang balita ng Christian Hedonism. Nais ng Diyos na tayo'y lumalapit sa kaniya kung tayo ay nangangailangan ng tulong upang maluwalhati Siya. "Kung kayo ay may bagabag, ako lagi ang tawagin;kayo'y aking ililigtas, ako'y inyong pupurihin.”(Awit 50:15). Ang kagulat-gulat na katotohanan ay kailangan nating maging maingat sa pag-iisip na kailangan tayo ng Diyos. Kailangan nating mag-ingat sa paglilikod sa Diyos,   at tayo ay maging maingat na hayaan Niya tayong pagsilbihan tayo, nang hindi natin nakawin ang kaluwalhatian na nararapat sa Kanya. 

    " Hindi rin siya nangangailangan ng anumang tulong o paglilingkod ng tao, sapagkat siya mismo ang nagbibigay ng buhay, hininga at lahat ng bagay sa sangkatauhan." (Mga gawa 17:25)

    Ito  katatawa sa pandinig. Halos lahat sa atin ay iniisip na ang paglilingkod sa Panginoon ay isang mabuting gawain. Pero hindi natin iniisip na ang paglilingkod sa kaniya ay nakaiinsulto sa kaniyang kakayahan. Ngunit ang pagbubulay sa tunay na kahulugan ng panalangin ay sinasabi ito ng payak. 

    Sa nobelang, Robinson Crusoe, ang paboritong mensahe ng bayani ay ang Awit 50:12-15 na nagbigay sa kaniya ng pag-asa noong siya ay na stranded sa isang isla. Sabi ng Diyos, "Kung ako ma'y nagugutom, hindi ko na sasabihin,yamang lahat sa daigdig na narito'y pawang akin. Ang karne ng mga toro, iyon ba'y aking pagkain? At ang inumin ko ba'y dugo ng mga kambing? Ang ihandog ninyo sa Diyos ay ang inyong pasalamat; ang pangakong handog ninyo ay tuparin ninyong lahat. Kung kayo ay may bagabag, ako lagi ang tawagin; kayo'y aking ililigtas,  ako'y inyong pupurihin."

    Ito ang kahulugan niyan; mayroon tayong ginagawa  na nakaiinsulto o minamaliit ang kaniyang kapangyarihan  bilang Diyos, na kailangan niya ang ating serbisyo. Oh gaano tayo dapat maingat na huwag nating binbinin ang dakilang biyaya ng Diyos ni Cristo. Sabi ni Hesus, "Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at upang mag-alay ng kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami.” (Marcos 10:45) Ang layunin niya ay maging isang tagapaglingkod at mapunta sa kaniya ang kapurihan bilang isang tagapagbigay ng ating mga kailangan. 

    Devotional excerpted from Desiring God, page 168

    This article was translated by Ma. Fatima G. Abello and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click: 

    https://www.desiringgod.org/articles/beware-of-serving-god

    Ma. Fatima G. Abello is a third year student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at Aklan State University. 

    She is an active school leader, writer, digital editor, and an academic achiever. Despite of her schedules, she delights in serving and knowing the Lord more. Being a member of Boracay Grace Baptist Church, she is part of their music team where she sings, plays instruments, as well as Teach children in Sunday schools.

    John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethelehem as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence. 

    6 min
  • October 5 - Ang Katarungan ay Makakamtan

    Ang Katarungan ay Makakamtan

    Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon."(Roma 12:19 MBBTAG) 

    Lahat tayo ay may nagawang mali maaaring hindi lang isang beses. Halos lahat din siguro sa atin ay nagawan ng kasalanan ng isang tao subalit kahit minsan ay hindi sila humingi ng kapatawaran o gagawing tama ang kanilang pagkamamali. 

    Isa sa mga nagiging hadlang para takasan at kalimutan ang sakit at kapaitan ay lubos mong pinanghahawakan-- makatuwirang pinaniniwalaan-- na ang katarungan  ay kailangang makamtan, na ang moral fabric ng mundon sansinukob  ay malulutas kung ang mga tao ay kinakalimutan lang ang mga masasamang ginawa nila at panlilinlang sa iba.

    Ito ay isa sa mga hadlang upang magpatawad at alisin ang galit sa iyong puso. Ito ay hindi lang iisa. Mayroon tayong kasalanang kailangang harapin.  Ngunit ito ang totoong kasalanan.

    Minsan iniisip nating kung pababayaan natin ito, ang katarungan ay hindi natin makakamtan. 

    Kaya tayo ay kumikimkim ng galit, at paulit-ulit ang sinasabi ng may hinanakit: Dapat hindi ito nangyari; Hindi ito kailangang mangyari; mali ito; maling-mali ito. Paano siya nagiging masaya kung ako ay nagdudurusa? Ito ay mali. Ito ay hindi katanggap-tanggap. Hindi natin ito malilimutan. At ang galit natin ang lalason sa lahat ng bagay. 

    Ang sabi sa Roma 12:19 na ang Diyos ang aalis ng lahat ng ating pinapasan. 

    "huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos." Ano nga ba ang ibig sabihin nito sa inyo?  

    Alisin mo ang dala-dala  mong galit, alisin mo ang mga bagay na magdudulot sa iyo ng sakit-- alisin mo, tanggalin mo-- ito ba ay nangangahulugang walang mali laban sa iyo, subalit mayroon. 

    Pero hindi ibig-sabihin na walang katarungan. Hindi ibig-sabihin na hindi ito maituwid.  Hindi ibig-sabihin na makatatakas sila sa mga ginawa nilang mali. Hindi ito matakasan. 

    Nais kong ipunto ay  kung tatanggalin mo na ang paghihinganti sa inyong mga puso, ang Diyos na ang bahala. 

    Hindi ito daan para maghiganti pero ito ang daan upang ibigay sa karapat-dapat na maghiganti.  "Ako ang gaganti", sabi ng Panginoon. Ipaubaya mo sa kaniya. Siya na ang bahala at ang katarungan ay makakamtan. 

    Ito ay isang maluwalhating  kaginhawaan. Hindi ko na kailangang dalhin ang lahat ng aking problema at pasakit. Ito ay tulad ng paghihingang maginhawa sa unang pagkatataon sa maraming dekadang lumipas. At sa wakas, malaya na ulit akong magmahal.

    Devotional excerpted from “Do Not Avenge Yourselves, But Give Place to Wrath”

    This article was translated by Ma. Fatima G. Abello and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click:

    https://www.desiringgod.org/articles/justice-will-be-done

    Ma. Fatima G. Abello is a third year student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at Aklan State University. 

    She is an active school leader, writer, digital editor, and an academic achiever. Despite of her schedules, she delights in serving and knowing the Lord more. Being a member of Boracay Grace Baptist Church, she is part of their music team where she sings, plays instruments, as well as Teach children in Sunday schools.

    John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethelehem as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence

    5 min
  • September 28 - Ang Ating Kabutihan ay Kanyang Kaluwalhatian

    Ang Ating Kabutihan ay Kanyang Kaluwalhatian

    Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala. (Mateo 6:6, MBBTAG)

    Isang karaniwang pagtutol sa Cristianong Hedonismo ay mas itinataas daw nito ang interes ng tao kaysa sa kaluwalhatian ng Diyos — mas itinataas nito ang kaligayahan ko kaysa sa karangalan ng Diyos. Ngunit mariin itong di ginagawa ng Cristianong Hedonismo.

    Siguradong tayong mga Cristianong Hedonista ay nagsisikap sundin ang ating mga interes at kaligayahan nang buong lakas. Iniindorso natin ang pagpapasya ng batang Jonathan Edwards: “Pagpapasya: Pagsikapang makamit para sa aking sarili ang pinakamaraming kaligayahan sa kabilang mundo na puwede kong makamit, nang buong kapangyarihan, lakas, sigla, at lupit, oo dahas, na kaya ko, o kayang gawin ng aking kalooban, sa anumang paraan na maaaring isipin.”

    Pero natutunan natin mula sa Biblia (at kay Edwards!) na ang interes ng Diyos ay palakihin ang Kanyang kaluwalhatian sa pamamagitan ng pagpapaapaw ng Kanyang habag sa atin — sa ating mga makasalanan, na lubhang nangangailangan sa Kanya.

    Samakatuwid, ang paghahangad ng ating interes at kaligayahan, kahit na ito’y kapalit ng ating buhay, ay hindi kailanman higit sa interes ng Diyos at kaligayahan ng Diyos at kaluwalhatian ng Diyos, ngunit palaging nasa Diyos. Isa sa pinakamahalagang katotohanan sa Biblia ay ito: Ang pinakadakilang interes ng Diyos ay luwalhatiin ang kayamanan ng Kanyang biyaya sa pamamagitan ng pagpapaligaya ng mga kasalanan sa Kanya — sa Kanya!

    Kapag nagpapakumbaba tayo na parang maliliit na bata at hindi nagmamayabang na kaya natin ang lahat, kundi masaya tayong tumatakbo sa kagalakan ng yakap ng ating Ama, nadadagdagan ang kaluwalhatian ng Kanyang biyaya at nasisiyahan ang pananabik ng ating kaluluwa. Ang ating interes at ang Kanyang kaluwalhatian ay nagiging isa.

    Nang ipangako ni Jesus sa Mateo 6:6, “Ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala,” ito ang gantimpalang nais Niyang hanapin natin. Hindi Niya tayo inaakit ng kagalakang di natin dapat taglayin! Ngunit ang gantimpalang ito — ang kagalakang ito — ay ang pag-apaw ng pagtalikod sa papuri sa tao, at pagpasok sa ating silid upang hanapin ang Diyos.

    Samakatuwid, ang mga Cristianong Hedonista’y hindi inuuna ang kanilang kaligayahan kaysa sa kaluwalhatian ng Diyos. Inilalagay nila ang kanilang kaligayahan sa Diyos mismo at natutuklasan ang maluwalhating katotohanan na ang Diyos ay lubos na naluluwalhati sa atin kapag tayo’y lubos na nasisiyahan sa Kanya.

    Devotional excerpted from Desiring God, pages 159–160

    This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/ammunition-against-anxiety

    Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

    John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.


    5 min
  • September 21 - Sandata Laban sa Pagkabalisa

    Sandata Laban sa Pagkabalisa

    Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay, sa pamamagitan ng panalangin at pagsamo na may pagpapasalamat ay ipaalam ninyo ang inyong mga kahilingan sa Diyos. (Filipos 4:6, ABTAG2001)

    ​​Isa sa mga bagay na pinagpapasalamat natin kapag ipinapaalam natin sa Diyos ang ating mga kahilingan ay ang Kanyang mga pangako. Ito ang mga bala ng kanyon na pumupuksa sa di-pananampalataya na nagbubunga ng pag-aalala. Kaya ganito ako makipaglaban. 

    Kapag nababalisa ako tungkol sa aking ministeryo, na tila wala itong silbi o laman, nilalabanan ko ang di-pananampalataya gamit ang pangako ng Isaiah 55:11. “Magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa bibig ko; hindi ito babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganapin ang ayon sa layunin ko, at magtatagumpay sa bagay na kung saan ay sinugo ko ito.”

    Kapag nababalisa ako tungkol sa pagiging mahina ko upang gawin ang aking gawain, nilalabanan ko ang di-pananampalataya gamit ang pangako ni Cristo, “Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo, sapagkat ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan” (2 Corinto 12:9).

    Kapag nababalisa ako tungkol sa mga desisyong kailangan kong gawin tungkol sa hinaharap, nilalabanan ko ang di-pananampalataya gamit ang pangakong, “Aking ipapaalam at ituturo sa iyo ang daan na dapat mong lakaran. Papayuhan kita na ang aking mga mata ay nakatitig sa iyo” (Awit 32:8).

    Kapag nababalisa akong harapin ang mga kalaban, nilalabanan ko ang di-pananampalataya gamit ang pangakong, “Kung ang Diyos ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?” (Roma 8:31).

    Kapag nababalisa ako tungkol sa kapakanan ng mga mahal ko sa buhay, nilalabanan ko ang di-pananampalataya gamit ang pangakong kung ako, na masama, ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa aking mga anak, “gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit ang magbigay ng mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya?” (Mateo 7:11).

    At sinisikap kong mapanatili ang aking espirituwal na balanse gamit ang paalala na lahat ng nag-iwan ng bahay, o mga kapatid na lalaki, o mga kapatid na babae, o ina, o ama, o mga anak, o mga bukid, dahil kay Cristo, ay “makakatanggap ng isandaang ulit, ngayon sa panahong ito, ng mga bahay, at mga kapatid na lalaki, mga kapatid na babae, mga ina at mga anak, at mga bukid, na may mga pag-uusig; at sa darating na panahon ay walang hanggang buhay” (Marcos 10:29–30).

    Kapag nababalisa ako sa pagkakasakit, nilalabanan ko ang di-pananampalataya gamit ang pangakong, “Marami ang kapighatian ng matuwid; ngunit inililigtas siya ng Panginoon sa lahat ng mga iyon” (Awit 34:19).

    At tinatanggap ko ang pangako nang may panginginig: “Ang kapighatian ay nagbubunga ng pagtitiis, at ang pagtitiis ng pagpapatibay; at ang pagpapatibay ng pag-asa. At hindi tayo binibigo ng pag-asa, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin” (Roma 5:3–5).

    Devotional excerpted from Future Grace, pages 60–61

    This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/ammunition-against-anxiety

    Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

    John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

    6 min

About Solid Joys Devotionals (Tagalog)

From the publisher's feed

Solid Joys is a daily devotional written and read by John Piper. DBTG (Driven By The Gospel) partners with Desiring God to translate these devotionals to Tagalog. These short and substantive readings…

More shows like Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Sitio Bangungot - Pinoy Horror Stories for Sleep Podcast by Kwentong Takipsilim

Sitio Bangungot - Pinoy Horror Stories for Sleep Podcast

2 Listeners