PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • A Thought A day | October 4, 2022

    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.

    5 min
  • October 11 - ST. EDITH STEIN l PATRON OF THE CATHOLIC CHURCH AND ONE OF SIX PATRON SAINTS OF EUROPE

    ST. EDITH STEIN l PATRON OF THE CATHOLIC CHURCH AND ONE OF SIX PATRON SAINTS OF EUROPE

    Feast Day: October 11



     To be a Jew is to belong to the Chosen People, to the race of Abraham and finally of Jesus Christ. But the Jews did not recognize Jesus and until now they are still waiting for the Messiah. Our saint for today is Edith Stein, now St. Teresa Benedicta of the Cross, a Jew who was converted to Catholicism, became a Carmelite and was martyred during the German persecution. Edith Stein was born in Breslau, Germany (now Wroclaw, Poland) on October 12, 1891. The youngest of eleven children, her mother loved her more than her siblings for she was born on the day the Jews were celebrating “Yom Kippur”, the Jewish Day of Atonement. When she was two years old, her father died and her mother took upon herself the family business and the duty of raising her children. Consequently she neglected the spiritual life of her children and Edith lost her faith in God. In 1911 she enrolled in a university to study German and history, but her real interest was philosophy. She transferred to another university and met philosopher Edmund Husserl, who initiated her knowledge about Christianity. She became Husserl’s teaching assistant and through tutorage received in 1917 her doctorate “summa cum laude. Later, he met Max Scheler, who instructed her about Catholicism. At the beginning of World War I she took up nursing and served in an Austrian field hospital. Meanwhile, her attraction to Catholicism became strong. She read the New Testament, the Spiritual Exercises of St. Ignatius of Loyola, St. Thomas Aquinas and Kierkegaard. When she read the life of St. Teresa of Avila she was finally convinced that Catholicism has the Truth. And she decided to follow her footsteps. Edith was baptized as a Catholic on January 1st, 1922. On the feast of the Purification, she was confirmed. After the ceremony, she went to her mother: “Mother, I am a Catholic.” They embraced and wept. Edith wanted immediately to enter Carmel, but her spiritual director told her to wait. She took a teaching job and translated the diaries of Cardinal Newman and St. Thomas Aquinas. In 1933 the persecution of the Jews began. Edith lost her teaching job. Her mother cried: “Why did you become acquainted with Christianity? I don’t say anything against him (Jesus Christ). He may have been a good man, but why did he make himself a God?” Edith’s mother remained in her Jewish faith until death. On October 14, 1933, Edith entered Carmel. The following year, she made her temporary vows. She made her perpetual vows on April 21, 1938. Meanwhile the Jewish persecution by the Germans increased. Synagogues were burned, properties were confiscated and people were arrested and killed. Edith’s superior wanted to send her to a far convent but Edith refused: “If I cannot share the lot of my brothers and sisters, my life in a certain sense is destroyed. Edith was arrested by the Gestapo, together with her blood sister Rosa who was working in the convent, on August 2, 1942. They were brought to a temporary camp, then on August 7 to Auschwitz. Two days later, they were killed in the gas chamber. After World War II, a gat clamor for her recognition as a martyr of the faith arose. Miracles also confirmed the people’s wish. In 1987, she was beatified by Pope John Paul II and proclaimed martyr and a saint on October 11, 1988.

    Can I stand for the truth in the face of conflict and oppressive treatment?

    6 min
  • MABUTING BALITA l OKTUBRE 3, 2022 – LUNES

    MABUTING BALITA l OKTUBRE 3, 2022 – LUNES

    Ika – 27 na LINGGO sa Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo: Lc 10:25-37

    May tumindig na isang guro nang Batas upang subukin si Hesus. “Guro, ano ang aking gagawin upang makamit ang buhay na walang hanggan?” “Ano ba ang nasusulat sa Batas, at paano mo ito naiitindihan?” “Mamahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso at nang buo mong kaluluwa at nang buo mong lakas at nang buo mong pag-iisip. At nasusulat din naman: Mamahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” “Tama ang sagot mo. Gawin mo ito at mabubuhay ka.” Ngunit gustong mangatwiran ng guro ng Batas kaya sinabi niya kay Hesus: “At sino naman ang aking kapwa?” Sinagot siya si Hesus: “May isang taong bumaba mula sa Jerusalem papunta sa Jerico at nahulog siya sa kamay ng mga tulisan. Hinubaran siya ng mga ito at binugbog at saka iniwang halos patay na. Nagkataon namang may isang paring pababa rin sa daang iyon. Pagkakita sa kanya, lumihis ito ng daan. Gayundin naman, may isang Levitang napadaan sa lugar na iyon; nang makita siya’y lumihis din ito ng daan. Ngunit may isang Samaritano namang naglalakbay na napadaan sa kinaroroonan niya; pagkakita nito sa kanya, naawa ito sa kanya. Kaya’t lumapit ito, binuhusan ng langis at alak ang kanyang mga sugat at binendahan. Isinakay nito ang tao sa kanyang sariling hayop at dinala sa isang bahay-panuluyan at inalagaan. Kinabukasan, dumukot ang Samaritano ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi: ‘Alagaan mo siya; sasagutin ko ang anumang karagdagang gastos pagbabalik ko.’” At sinabi ni Hesus: “Sa palagay mo sino sa tatlong ito ang naging kapwa sa taong nahulog sa kamay ng mga tulisan?” “Ang nagdalang-habag sa kanya.” Kaya sinabi ni Hesus sa kanya: “Humayo ka’t ganoon din ang gawin.”

    Pagninilay:

    Sa panahon ni Jesus, kilala ang daan mula sa Jerusalem papuntang Jericho na mapanganib at mahirap. Way of Blood nga ang tawag nila Kalsada ng Dugo. Dahil nga paboritong mambiktima doon ng mga nang-uumit. Dahas ang panlaban nila kapag hindi ka nagbigay ng gusto nila. Liblib ‘yon, napapaligiran ng mga tigang na burol, mainit, at “good luck” sa iyo kapag tumuloy ka kung nag-iisa ka. Fitted ang lugar na ito para gawing talinhaga ni Jesus Maestro. Radikal, sabi nga, dahil nakaugat sa tunay na kahulugan ng pagiging kapwa. Una, hindi kakilala ng Samaritano ang biktima bukod sa mahirap ding makilala dahil namamaga ang mukha at puno ng dugo ang katawan. Ikalawa, alam ng samaritano na hudyo ang nag-aagaw-buhay na tao dahil galing siya sa Jerusalem. Di ba ang mga Samaritano, hindi tanggap ng mga hudyo? Sabi nga sa Rabbinic literature, “He who eats the bread of the Samaritans is like to one that eats the flesh of swine.” Inihahalintulad na marumi ang samaritano, ganun din ang pagkain nila. Winalang bahala niya iyon. Ikatlo, nag-iisa rin siya, baka mamaya, siya naman ang susunod na mabiktima. Pero, hindi iyon ang inisip niya, Walang kaduda-duda na ang tanging motibasyon ng samaritano ay habag at awa sa biktima. Kaya agad-agad, hindi nag-second thought, lumapit siya, hinawakan, binigyan ng first aid na alak at langis, at dinala sa mas propesyunal na tagapagpagaling. Nagpromise din siyang babalık para magbayad kung may kulang pa sa ibinigay niya. Ganito ang pagiging kapwa. Una, kahit hindi mo kauri, hindi kadugo, lalapitan at tutulungan mo. Ikalawa, kahit may pag-aalitan na nagaganap sa inyong dalawa, gagawa ka ng paraan sa ikagaganda ng kalagayan niya. Ikatlo, willing kang lumabas sa comfort zone mo, at gawin mong makahulugan ang effort mo para sa nangangailangan. Ang pagiging kapwa pala, para itong isang lastiko. – Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp | Daughters of St. Paul

    8 min
  • MABUTING BALITA l OKTUBRE 2, 2022 – LINGGO

    MABUTING BALITA l OKTUBRE 2, 2022 – LINGGO

    Ika – 27 na LINGGO sa Karaniwang Panahon



    EEbanghelyo: Lucas 17:5-10

    Sinabi ng mga apostol sa Panginoon, “Dagdagan mo ang aming pananampalataya.” Sumagot ang Panginoon, “Kung may pananampalataya kayong sinlaki ng buto ng mustasa, masasabi ninyo sa punong mala-igos na ‘yan, ‘Mabunot ka at sa dagat ka matanim’, at susundin kayo nito.”  “Ipagpalagay nang may katulong na nag-aararo o nag-aalaga ng mga tupa ang isa sa inyo. Anong sasabihin niya rito pagbalik nito galing sa bukid? Sasabihin kaya niya: ‘Halika na’t dumulog sa hapag’? Sa halip ay sasabihin niya: ‘Ihanda mo ang aking pagkain; magbihis ka’t pagsilbihan mo ako habang kumakain ako’t umiinom, at saka ka na kumain at uminom.’ Dapat kaya kayong tumanaw ng utang-na-loob sa utusang iyon dahil ginawa nito ang iniutos? Gayundin naman sa inyo. Pagkagawa ninyo sa lahat ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo: ‘Mga karaniwang utusan kami; ginawa lang namin ang dapat naming gawin.’”

    Pagninilay:

    Sa Ebanghelyo, sinabi ng mga apostol sa Pangingoon, “Dagdagan po ninyo ang aming pananalig sa Diyos.” Regalo mula sa Diyos ang pananampalataya. Bilang isang regalo, kailangan nating itong paka-ingatan at payabungin sa pamamagitan ng pagsunod sa mga aral at turo sa atin ni Hesus. Ngunit may pagkakataong, susubukan ang katatagan ng ating pananampalataya. Magkagayon, tulad ng mga apostol, hingin sa Panginoon na dagdagan ang ating pananampalataya upang manatiling tapat sa Diyos. Datapwat, naniniwala si Hesus na naitanim na sa atin ang pananampalataya, subalit marami lang tayong “excuses”. Ika nga: Kapag ayaw, maraming dahilan. Kapag gusto, mamaring paraan. Kaya naman kung nais nating madagdagan at lumago ang ating pananampalataya, sinlaki man ito ng butil ng mustasa, dapat tayong kumilos, dapat nating gamitin ito, dapat tayong magtiwala sa Diyos. Ang kakayahan nating magtiwala ay lumalago kapag ginamit natin ito. Gayon din ang pananampalataya, lumalakas at lumalago kapag ito’y ginagamit sa tama at wasto, sa pagtugon sa aral ni Hesus, at sa pagtulong sa kapwa. – Fr. Brian Paul Tayag, SSP | Society of St. Paul sa kapwa.

    5 min
  • A Thought A day | October 2, 2022

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”

    6 min
  • A Thought A day | October 1, 2022

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”

    7 min
  • Pondering St. Therese of the Child Jesus Little Ways to Holiness

    Pondering St. Therese of the Child Jesus Little Ways to Holiness | Word and Songs

    Sr. Lines Salazar, fsp

    St. Therese, the Little Flower, was a French Carmelite nun in Lisieux who died of tuberculosis at the young age of 24.  She was born on January 2, 1873, died on September 30, 1897, and was proclaimed to be the 33rd doctor of the Catholic Church on October 19, 1997.    Her mother died when she was only 4 years old and She suffered mightily from intestinal problems, headaches, and an undiagnosed illness.  It wasn't until the Blessed Virgin Mary appeared to her while she was sick that she got completely well. When she was 15 and too young to enter the Carmelite Monastery, she pleaded her case before Pope Leo XII himself, who told her that if God willed it, she would indeed enter the monastery at such a young age. Thanks Heaven, God did will it.  Inside the Monastery, she wrote and directed plays, did menial household chores, as well as performed duties taking care of the sacristy. 

    St. Therese is known for her “Little Way", which is the way of those who are not rich and famous, and who want to serve God their loving Father through their littleness, simplicity and love.  In other words, St. Therese knew that she was not capable of great sacrifices, or of performing great and mighty works.  Rather, she chose to remain as a child in the eyes of God, performing all of her duties with love and obedience, no matter how small and insignificant they were.  Thus, she’s known for doing ordinary things with extraordinary love.  St. Therese is an epitome of what Matthew 18:3: said, "Truly, I say to you, unless you turn and become like children, you will never enter the kingdom of heaven.  Friends, in order to find meaning and joy in whatever task that we are doing on a daily basis, let’s imitate St. Therese disposition, to do simple things with extraordinary love.

    St. Therese said before she died at age 24 that she wanted to spend her time in heaven doing good on earth and that she would let a shower of roses fall from Heaven. Let us then ask for St. Therese of Lisieux's intercession to help us imitate her little ways of loving God and neighbour on a daily basis by performing our ordinary duties with extraordinary love. Let us learn from her simplicity, humility and total trust in the unconditional love of God. Join me now in our closing prayer:

    O Little Therese of the Child Jesus, please pick a rose for me from the heavenly gardens, and send it to me as a message of love. O little flower of Jesus, ask God today to grant the favors I now place with confidence In your hands...(mention intentions) St. Therese, help me to always believe, as you did, in God's great love for me, So that I might imitate your "Little Way" each day. Amen

    31 min
  • MABUTING BALITA l OKTUBRE 1, 2022 – SABADO

    Mabuting Balita | Oktubre 1, 2022 – Sabado

    Ika – 26 na Linggo sa Karaniwang Panahon | Kapistahan ni Santa Teresita ng Sanggol na si Jesus


    Ebanghelyo: Lucas 10:17-24

    Tuwang-tuwang nagbalik ang pitumpu’t dalawa at ang sabi: “Panginoon, mga demonyo ma’y sumuko sa amin dahil sa iyong pangalan.” “Nakita kong bumagsak na parang kidlat si Satanas mula sa Langit. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihang yumapak sa mga ahas at alakdan. Masusupil ninyo ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway, at walang anumang makapipinsala sa inyo. Subalit magalak kayo hindi dahil sa pagsuko sa inyo ng mga espiritu kundi sapagkat nasusulat sa Langit ang inyong mga pangalan.” Nang sandaling iyo’y nag-umapaw sa galak sa Espiritu Santo si Hesus at sinabi niya: “Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng Langit at lupa, dahil inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino, at ipinamulat mo naman sa maliliit. Oo, Ama naging nakalugud-lugod ito sa iyo. Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakikilala kung sino ang Anak kundi ang Ama, at kung sino ang Ama kundi ang Anak at ang sinuman gustuhing pagbunyagan ng Anak.” Pagkatapos ay bumaling si Hesus sa mga alagad at sinabi sa kanila ng sarilinan: “Mapalad ang matang nakakakita ng inyong nakikita. Sinasabi ko sa inyo na maraming propeta at hari ang nagnais makita ang inyong nakikita ngunit hindi nila nakita, at marinig ang inyong naririnig ngunit hindi nila narinig.”


    Pagninilay:

    Magalak at magpasalamat dahil pinagpala ka ni Lord! “Mapalad kayo, sapagkat nakita ninyo ang inyong nakikita ngayon...” “Hinangad din nilang mapakinggan ang inyong naririnig ngunit hindi nila napakinggan!” Mahalaga na makita natin sa araw araw ang kamay ng Panginoon na gumagabay sa atin. Nagpapalalim ng ating relasyon sa Diyos ang marinig mula sa ating puso ang kanyang pagpapatawad at malasakit sa atin. Magsaya at magpasalamat sa pagkakataong makapagnilay sa Salita ng Diyos. Ang ating pananabik na madama ang presensiya ng Diyos at lalong mapalapit sa Kaniya ay espesyal na biyaya sa araw na ito. Ayon kay Juliette Garesche, sa kanyang aklat na may pamagat: Scriptures Way to Live Each Day na: “Your first and most important choice is whether you will believe in God. God wants to be at the center of your life. If you love God, it follows that you will try to live a God-honoring life.”Totoo nga naman, ang una at mahalaga mong choice ay ang magtiwala sa Diyos at piliin siyang maging sentro ng iyong buhay. Dahil anumang kabutihang nagawa, nagbibigay ito ng kapurihan sa Diyos. Mga kapatid, sana, hindi lang basta makita natin ang mga blessings ni Lord. Kundi, maging blessing din tayo sa ating kapwa kahit sa simpleng paraan. Paalala sa atin sa kapistahan ni St. Therese of the Child Jesus ang paggawa ng mga simple o ordinaryong gawain nang may buong pagmamahal. Mga kapanalig, nagpapatuloy pa rin tayo sa ating paglalakbay bilang isang simbahan, bilang isang pamayanan patungo sa tunay na “synodality”. Makinig tayo sa paggabay ng Banal na Espiritu na Siyang tunay na nagdadalisay ng ating puso at nagtitipon sa atin bilang sambayanan. Tinatawag tayo sa buhay na may kagalakan kasama ang ating Diyos Ama. Manalangin tayo: Panginoon, salamat po sa Iyong pagtawag sa amin na maki-isa sa buhay Mong puno ng pagpapala. Basbasan mo po ang aming mabubuting hangarin. Kasama ang paggabay ng aming Mahal na Ina, Ang Birhen ng Santo Rosaryo. Amen.

    – Sr. Amelyne Paglinawan, fsp | Daughters of St. Paul

    7 min
  • MABUTING BALITA l SETYEMBRE 30, 2022 – BIYERNES

    MABUTING BALITA l SETYEMBRE 30, 2022 – BIYERNES

    Ika – 26 na LINGGO sa Karaniwang Panahon


    Ebanghelyo: Lucas 10:13-16

    Sinabi ni Hesus, “Sawimpalad ka Corazin! Sawimpalad ka Betsaida! kung sa Tiro at  Sidon nangyari ang mga himalang ginawa sa inyo, matagal na sana siyang nag damit sako at naupo sa abo at nakapagbalik loob. Kaya magaan pa ang sasapitin ng Tiro at Sidon kaysa inyo sa araw ng pag hatol. At ikaw naman Capernaum, dadakilain ka, kaya hanggang sa langit? Hindi ibubulid ka sa impyerno. Ako ang dinidinig ng nakikinig sa inyo; at ako ang di tinatanggap ng di tumatanggap sa inyo. At ang di tumatanggap sa akin ay di tumatanggap sa akin”.

    Pagninilay:

    “Makikinig Ako.” Ito ang sumikat na kutasyon ng arsobispo ng Maynila at katagang namayani sa ginagawang Synod on Synodality. Mahalaga ang pakikinig sa isang tao dahil sa pakikinig ay binibigyan natin ng importansya ang isang tao. Handa tayong ibigay ang ating oras dahil mayroong halaga ang kwento ng isang tao. Naaalala ko ang isang tao na tumawag sakin at nagkwento ng kanyang buhay. Umiiyak siya habang kinukwento ang hirap ng kanyang buhay. Ako naman habang nagsasalita sya ay sinasamahan sya at nag iisip na rin kung ano ang mga salitang makakapagpagaan ng nararamdaman nya, ngunit sinabi lang nya na “Hindi mo naman kailangan magsalita, okay na nakinig ka sa kwento ko.” Totoo nga siguro na hindi natin kailangan magsalita kahit sa dasal. Kapag nagdarasal kasi tayo akala natin kailangan ng napakaraming salita pero hindi. Hindi mo kailangan ng napakaraming salita habang nasa harap ng Panginoon. Sapat na ang luha at pagtingin mo sa Kanya. Oo, dasal din ang mga luhang lumalabas sa iyo.

    -Tom Banton – Seminarian, Diocese of Antipolo

    5 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.