Pinuntahan si Hesus ng kanyang ina at mga kapatid, peru hindi sila mangakalapit sa kaniya dahil sa dami ng tao. May nagsabi sa kanya, Nakatayo sa labas ang iyong ina at mga kapatid, at gusto kang makita ka. Sumagot siya at sinabi sa kanila. “Ang mga nakikinig sa mga salita ng Diyo’s at nag sasagawa nito. Sila ang aking ina at aking mga kapatid.”
Noong bago magpandemya, at kahit noong nagsisimula pa lang ako sa formation sa pagiging Daughters of St. Paul, mayroon kaming tinatawag na visiting Sunday. Araw ‘yon ng pagbisita sa amin ng aming pamilya. Buong araw yan, simula sa misa, tapos maagang tanghalian kahit ten o’clock pa lang. At walang katapusang kainan at kuwentuhan na umaabot hanggang two o’clock. Hindi lang sharing ng aming buong pamilya kundi ng pamilya ng aking mga batchmates. Parang family day, dahil nagkikita-kita kapag visiting Sunday. Hindi lang iyon, nagpapalitan pa ng mga dalang pack lunch at pinapaakyat pa ang ibang pagkain sa refectory para sa ibang mga Sisters na walang dalaw. Kaya kilala namin ang mga miyembro ng pamilya ng mga co-sisters namin. Bago, umuwi, kung may extra pang food, ibibigay pa sa aming Superior. Kahit na anong oras pwede kang kumuha ng pagkain. Lahat masaya, lahat busog. Kapag uwian na, maririnig mo ang lakas ng pamamaalam na: “Bye. Bye! See you next month.”Kaya kahit na kami-kami na lang ulit, sila pa rin ang laman ng aming usapan. Ang saya, di ba? Kahit hindi mo kadugo, pamilya na rin ang turing mo. Ang sarap gunitain ang ganitong family spirit. Ito ang isa sa mga handog ng ating Jesus Maestro kapag ibinukas mo ang iyong sarili sa Kanya. If we enter into a deep relationship with Him, lalaki ang horizon ng tunay na kahulugan ng pamilya. Lalo na kapag inextend pa natin ang family spirit sa ating “kapatid na hangin”. Napapanatili natin ang kanilang sigla at kalayaan, sa tulong ng pag-aalaga natin sa mga kapatid din nating mga puno at halaman. Sa mga butterfly gardens, naroon ang cycle of life. Mas maraming paruparo tayong maaalagaan, mas maraming mamumukadkad na bulaklak. Dadami rin ang matutuwa at matutulungang pang-kalusugan ng mga nakakakita ng flowers at butterflies. Ito ang ideal dahil tayong lahat magkakapatid. Iisa ang lumikha sa atin, an gating Diyos Ama. Siya ang pinagmulan nating lahat. Hindi nga ba’t naganap ang paglikha sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Salita? Mga kapanalig, kung ang Salita ng Diyos ang nagbibigkis sa atin, inaasahan din tayong maging tapat sa Kanyang Salita. Inaasahan tayong maging buhay na saksi ng Kanyang Salita.Dumadaloy ito mula sa kaluluwa ng ating pagkatao, sa ating pag-iisip, pandama, pagsasalita, at paggawa. Kaya’t sa pagiging buhay na Salita ng Diyos, pinapaging-ganap natin ang kahulugan ng tunay na pamilya na galing kay Father God.Kaya’t sa susunod na may makita tayong langgam sa loob ng bahay natin, huwag natin silang titirisin. Di ba mas mainam kung maglilinis tayo? Alisin ang kalat at punasan ang mga dingding at bintana. Malinis na ang iyong bahay, sa tamang lugar mo pa sila iginabay. Nagmalasakit ka na, naging saksi ka pa sa tunay na kahulugan ng pamilya. -SR. GEMMA DELA CRUZ, FSP