PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

PAULINES episodes

  • Communicating with God in Prayer | Word and Songs

     Communicating with God in Prayer | Word and Songs

    Writer: Sr. Divinia de Claro, FSP

    Truly, God is there, every time we communicate with Him, in prayer. The psalmist says: “Before the word is on my tongue, Lord, You know it all… (Psalm 139: 4). Yes. God knows before we can tell Him anything. But still, He wants us to communicate with Him. When you feel the burden of sin, ask forgiveness from God, through the sacrament of Penance. He is there to forgive you, in the person of the priest. He is just there when you want to talk to Him and tell Him, about anything and everything!  But when our request is delayed, we might sometimes say: “God is asleep.” Yes, sometimes, that’s what we feel when the grace we ask for, is not granted.  No, the truth is, that God does not sleep. If our request is not granted, God must be preparing a better gift for you! Once you start communicating with God, though you may not be aware of it… you are already praying. Yes, that’s prayer! In case you find it hard to start praying, ask God to teach you how to pray, in the Holy Spirit. May we always remember: “Prayer, is God’s initiative…” Jesus taught His disciples how to pray. He said: “This is how you are to pray ‘Our Father…’ (Mt. 10: 6-10ff.). Did you notice that Jesus addressed God as our Father? I suppose all of us know how to pray the “Our Father” … If we try to reflect on this prayer, in the process, we realize that we are communicating with God as our Father, the 1st Person of the Blessed Trinity. We ask Him that “His name be holy,” that “His kingdom may come,” and that “His will be done on this earth as it is in heaven.” But how can His name be holy? How can His kingdom come? How can His will be done in us? Worth reflecting on, isn’t it?

    The Father’s name will be holy if we praise Him in prayer. But we cannot praise Him if we have not recognized Him, as a Father Who guides us, protects us, who sustains us, gives us everything, and Who provides for us! We can only pray, “Father, holy be Your name”, every time we obey Him, every time we are open to doing His will, rather than ours. But most often, we find ourselves, doing our own will, isn’t it? Father, holy be Your name…” Truly, doing the will of the Father will glorify Him and it will lead us to His kingdom. Jesus, God the Son, did the Father’s will, faithfully. Jesus was sent by the Father, so that we may experience God’s great love for each one of us, and to let us concretely feel His loving presence, manifested in our daily life. He saves us from all dangers, He heals us in our ailments, He comes to our rescue when we are at a loss, when we are face to face with our weaknesses, with our trials and difficulties, when we find it hard to move on…He wants to reach out to us, in our heartaches, when we are confronted with our pains, loneliness, depression, and all kinds of suffering, physically, emotionally, spiritually… Let us continue to communicate/ and meet Jesus in prayer, especially when feel all alone with no one to turn to… Let us talk to Him, in all the events of our life. If we are open to God’s workings in our life, we will be filled with thanksgiving to Him for all wonders He has done and continues to show us, every day, every moment of our life. Friends, can you recall an experience of God’s goodness and love, in your life? Isn’t it that every time we remember it, we spontaneously say: “Thank you, Lord!”



    31 min
  • MABUTING BALITA l SETYEMBRE 16, 2022 – BIYERNES

    MABUTING BALITA l SETYEMBRE 16, 2022 – BIYERNES

    Ika – 24 na LINGGO sa Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo: Lc 8:1-3

    Naglibot si Hesus sa bawat lunsod at bayan na nangangaral at ibinabalita ang Kaharian ng Diyos. Kasama niya ang Labindalawa at ilang mga babae na pinagaling sa masasamang espiritu at mga karamdaman: si Maria na tinaguriang Magdalena, na nilisan ng pitong demonyo, si Juana na asawa ni Kusa na katiwala ni Herodes, at si Susana at iba pang naglilingkod sa kanila mula sa kanilang kaya.

    Pagninilay:

    Namimili ka ba ng mga tao sa paligid mo? Ikaw ba ay isang “choosy”? kung gayon para sa iyo ang mensahe ng pagkakapantay-pantay na ibinibahagi ni Hesus sa ebanghelyo ngayon. Madalas nating naririning sa ebanghelyo ang pangalan ng mga kalalakihan na tinawag at pinili ni Hesus, at bibihira ang pagbibigay diin sa mga pangalan ng mga kababaihan na naging mahalagang bahagi sa ministeryo ni Hesus. Ngayong araw inilalahad sa ebanghelyo na pantay-pantay ang lahat sa paningin ng Diyos, lahat ay may kakayahang mag-alay ng sarili at panahon sa pagpapalaganap ng balita ng kaligtasan. Lahat ay dapat kabahagi sa pagpapalaganap ng balita ng kaligtasan. Hindi mapali ang Diyos sa mga taong nasa paligid niya, ngunit pinili sila upang maging kabahagi at kasama- dahil lahat ay kabilang sa paghahari ng Diyos. Sa konteksto ng kasalukuyang panahon tayo ay hinahamon ng ebanghelyo na makibahagi sa pagpapalaganap ng Mabuting balita na walang pinipiling kasarian ang bawat isa ay may bahaging dapat gampanan sa loob ng Simbahan at sa pamayanan dahil walang isinasantabi ang paghahari ng Diyos. Sa sulat ni san Pablo sa mga taga Corinto, hinihikayat niya na maging mga buhay na saksi ng muling pagkabuhay ni Kristo ang mga ito, binibigyang diin ni San Pablo ang kahalagahan ng muling pagkabuhay ni Kristo –dahil ang pagkabuhay na Muli ni Hesus ay nangangahulugan ng katuparan ng pangako ng pagliligtas ni Hesus. Kung hindi tayo maniniwala Malaki ang mawawala sa buhay natin, ang atas ng pag-ibig ay dapat ibahagi sa iba- dapat ay kabahagi tayo sa kaligtasan ng lahat. Kagaya ni Hesus sa ating paglalakbay sa buhay may mga tao din tayong makakasama upang tumulong at maglaan ng yaman, talino at lakas para sa pagtupad natin ng ating misyon. Ang paglilingkod sa Diyos at kapwa ay bokasyon na bukas para sa lahat ng kasarian. Nawa’y maging tapat tayong mga tagapagbahagi ng mapagpanibagong pagmamahal ng Diyos at maging daluyan tayo ng kanyang mga biyaya.

    - NOV. MIKO DELA CRUZ, SSP

    6 min
  • A Thought A day | September 16, 2022

    We realize that Jesus was not discriminating in the choice of followers. He welcomed anyone who wanted to share in His mission of spreading the good news of salvation. If Jesus were here, He will certainly be more than happy to accept us all as His followers, regardless of our background or our past.

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”

    6 min
  • A Thought A day | September 15, 2022

    With all that she has gone through, Mary knows what suffering is. And so, this feast of our Lady of Sorrows is an invitation for us to entrust all our pains and sorrows to her. She is the source of our strength as she intercedes for us to her Son, Jesus.

    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”

    6 min
  • MABUTING BALITA l SETYEMBRE 15, 2022 – HUWEBES

    MABUTING BALITA l SETYEMBRE 15, 2022 – HUWEBES

    Ika – 24 na LINGGO sa Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo: Jn 19:25-27

    Nangakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae ng ina niya, si Mariang asawa ni Cleofas at si Maria Magdalena. Kaya pagkakita ni Hesus sa ina at sa kanyang mahal na alagad na nakatayo sa tabi, sinabi niya sa ina: “Babae, hayan ang anak mo!” Pagkatapos ay sinabi naman niya sa alagad: “Hayan ang iyong ina.” At mula sa oras na iyo’y tinanggap siya ng alagad sa kanila.

    Pagninilay

    Ipinagdiriwang natin ngayon ang Kapistahan ng Ina ng Hapis (Mater Dolorosa) o Our Lady of Sorrows. Pasalamatan natin ang Panginoon na sa kabila ng pagsubok at pighati na ating pinagdaanan, buhay pa rin tayo at nabubuhay sa pag-ibig ng Diyos. Remember that there is Joy in every sorrow. Bilang kasapi ng Marian Missionaries of the Holy Cross, HUGOT namin , "There is Joy in the Cross." May ligaya sa Krus! Naniniwala rin ako na sa bawat pagsubok, sumisibol ang bagong pag-asa. Nagkakaroon ng mas malalim na kahulugan ang hirap at sakit (sorrows/ hapis ) dahil kasama natin si Jesus at ang Mahal na Birheng Maria. Maging sa buhay ng Mahal na Ina, matatag siyang tumayo sa paanan ng Krus. Malaya niyang niyakap ang kanyang mga hapis. Nagkaroon siya ng malalim na pananampalataya dahil naniwala siya sa kalooban ng Diyos. Napakasakit para kay Maria na makita si Kristo na nakabayubay sa krus at namatay. Matinding sakit para sa kanya na masaksihan ang anak na naghihirap. Gayunpaman, bukas sa kanyang kalooban na tinanggap ang sakripisyong ito bilang pakikiisa para sa kaligtasan ng sanlibutan. Kaya maharap man tayo sa anumang hirap, magalak at magdiwang pa rin tayo. Sapagkat naging daan ito para ipakita ng Diyos ang kanyang pag-ibig—tapat ito at nanatili magpakailanman. Pag-ibig na hindi nagsasawa at walang pinipili. Tandaan natin sa kabila ng pagsubok, hapis at pighati sa buhay, mayroon pa ring pag-asa at ligaya. Winika ni Juan Pablo, Ikalawa: “Naging saksi si Maria nang pananampalatayang Sa paanan John Paul said," At the foot of the Cross, Mary shares through faith in the shocking mystery of this self-emptying." This is perhaps the deepest 'kenosis' of faith in human history. " (Redemptoris Mater 18). Ito rin ang gustong ipahiwatag ng ating ebanghelyo na si Maria naging pinakadakila at pinakatapat na tagasunod ni Kristo. Tularan natin si Maria na punong-puno ng pag-asa. Pag-asa na nagdulot sa kanya ng ligaya kahit sa gitna ng pagdadalamhati. Manatili tayo sa pag-ibig ng Diyos at maging saksi: May ligaya sa Krus, Ipadama ang pag-asa kasama ang Mahal na Birheng Maria!

    -FR. ALOYSUIS MARIA MORAGA, Marian Missionaries of the Holy Cross

    6 min
  • MABUTING BALITA l SETYEMBRE 14, 2022 – MIYERKULES

    MABUTING BALITA l SETYEMBRE 14, 2022 – MIYERKULES

    Ika –24 na LINGGO sa Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo: Jn 3:13-17

    Sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Walang umakyat sa Langit maliban sa bumaba mula sa Langit— ang Anak ng Tao. Kagaya ng pagtataas ni Moises sa ahas sa ilang, gayundin naman kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ang bawat naniniwala sa kanya. Ganito nga kamahal ng Diyos ang mundo! Kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak upang hindi na mawala ang naniwala sa kanya; magkaroon nga siya ng buhay na walang hanggan. Hindi nga sinugo ng Diyos sa mundo ang Anak upang hukuman ang mundo, kundi upang maligtas ang mundo sa pamamagitan niya.”

    Pagninilay:

    Ngayong araw po ay ipinagdirwang natin ang kapistahan ng pagtatanghal sa Banal na Krus: Feast of the Exaltation of the Holy Cross. Sabi nga po, The Cross is a paradox. Isang kabalintunaan. Para sa mga hindi nananalig kay Hesus, ito ay simbolo ng torture, kamatayan, at iskandalo. Para naman sa ating sumasampalataya, simbolo ito ng pag-ibig na siyang nagligtas sa sangnilikha. Kung tatanungin ang bawat katolikong Kristiyano, ano ang paborito mong bible verse? Nasa ebanghelyo po natin ang sagot ng nakararami: John 3:16. “For God so love the world that he gave his only begotten Son, so that whoever believes in him shall not perish but will have eternal life.” Pag-ibig ang nagudyok sa Ama upang ipadala ang kanyang Anak, at sa mismong pag-ibig din na ‘yon nagmula ang kaligtasan ng lahat. Kaya naman ang Krus ay hindi lamang basta-bastang simbolo ng pag-ibig—kundi pag-ibig na lubus-lubusang, sukdul-sukdulang inalay ni Hesus, na kahit kamatayan ay hahamakin, sa kabila ng kanyang kadakilaan, sa kabila ng siya’y anak ng Diyos. Kaya naman sa pagsunod at pagganap ni Hesus sa kalooban ng Ama minarapat niya tayong magkamit ng buhay na siya rin ang nagpangako—ang buhay na walang hanggan. Bida ho sa ating Ebanghelyo si Nicodemo. Siyang isang pariseo, ngunit tuwing gabi kung siya’y dumalaw kay Hesus. Sa pakikipag-usap kay Hesus namulat siya sa katotohanan. Siya’y naging santo ng ating Simbahan—patron ng mga “half-hearted person” o mga taong nahihirapan buksan ang puso sa katotohanan. Dumalangin tayo sa kanya, upang ang ating buhay ay maging saksi ng Krus ni HESUS—lubus-lubusan, sukdul-sukdulang pagbibigay ng sarili sa ngalan ng Pag-ibig. Amen. 

    -BRO. VINZ AURELLANO, SSP

    5 min
  • A Thought A Day | September 14, 2022

    Today we celebrate the Feast of the Exaltation of the Cross in union with the whole Church. This great feast is not to applaud or buck up suffering and the pain of the cross. Instead, it is to celebrate the immense love of Christ for each one of us.

    This podcast is brought to you by Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples through sounds and images, voices and music.

    Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”

    5 min
  • MABUTING BALITA l SETYEMBRE 13, 2022 – MARTES

    MABUTING BALITA l SETYEMBRE 13, 2022 – MARTES

    Ika – 24 na LINGGO sa Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo: Lk 7:11-17

    Pumunta si Hesus sa isang bayang tinatawag na Nain; at sinamahan siya ng kanyang mga alagad, kasama ang maraming tao. Habang papalapit siya sa pintuan ng bayan, tamang tama namang inilalabas ang isang patay, ang nag iisang anak na lalake ng kanyang ina. At ito’y isang byuda kaya sinamahan siya ng di kakaunting tao mula sa bayan.  Pagkakita sa kanya, nahabag sa kanya ang Panginoon at sinabi “Huwag kanang umiyak.”  Lumapit siya at hinipo ang kabaong: tumigil naman ang mga may dala. At sinabi niya, “Binata, iniuutos ko sayo bumangon ka”. Umupo nga ang patay, at nagpasimulang magsalita. At ibinigay siya ni Hesus sa kanyang ina. Nasindak ang lahat: at Nagpuri sa Diyos, at sinabi, Lumitaw sa natin ang isang dakilang propeta: at dinalaw ng Dios ang kanyang bayan. Kaya’t kumalat ang balitang ito tungkol sa kanya, sa buong lupain ng mga Judio, at sa lahat na karatig na lupain.

    Pagninilay:

    Nilingap ng Diyos ang kanyang bayan. Ayon kay Pope Francis, tatlong bagay ang ibig sabihin ng paglingap. Ito ang kalapit, habag, at pagpapanumbalik ng pag-asa. May tampok itong kahulugan. Ibig sabihin, God is present in a special way. Alam kong marami sa atin ang nakaka-relate sa Mabuting Balita sa atin ngayon. Ilan na ring mga ina ang tumatangis dahil namatay ang kanilang anak. Maaaring pisikal na mawalan ng buhay o ikalawa, ang nalulugmok sa masama na ibang-iba na sa dating masayahin at maliksi na kabataan. Ramdam ko ang sikip ng dibdib ng mga ina. Hindi po kayo nalalayo sa pagtangis ng ating Inang si Maria nang nasaksihan niya ang pagkamatay sa krus ng kanyang Anak. Tinatawag ko rin ang atensyon ng mga kabataaan, ATM, if you are carrying a heavy burden. Hashtag, kung nawawalan na kayo ng vitality, ng sigla; kung nahuhulog na ang inyong pangarap, kung tumitigil na ang inyong enthusiasm, ang inyong pagkamasigasig; kung lumulubog na ang inyong pag-asa, at tinatamad na kayong magbigay, nakatindig si Jesus Maestro sa inyong harapan gaya nang ginawa Niya sa batang lalaki na taga- Nain. Matibay ang tinig Niya na nagsasabing: “Young man, stand up.” Bumangon! Young lady, arise!” Huwag sayangin ang iyong pagiging kabataan. Iwagayway ang iyong pagiging ikaw. Madami kang gifts mula kay Lord. Remember, ayon kay Pope Francis, kayong kabataan ang “Ngayon ng ating Simbahan”?. Habang bumabangon, magfocus din tayo sa dahilan. Ano ba ang nangyari? Pwede mong i-private message sa amin. Ikwento mo. Sa palagay mo, ano ang cause ng iyong panghihina? Ano ang ginawa mo so far para ma-improve ang situasyon na kinakakaharap mo ngayon? Ano ang pangarap mo sa iyong sarili, sa iyong pamilya, sa ating Simbahan? Ano ang mga strengths at talents mo para makalakad ka habang bumabangon ka ngayon? I-share mo. Makikinig kami. Habang pinag-iisipan mo ito, huwag mong bibitiwan ang naririnig mong tinig ni Jesus:”  Bumangon ka!” Sa pagbigkas nito ni Jesus, nililingap ka Niya. Narito Siya, ispesyal ang pagdalaw Niya sa iyo. Kalapit mo Siya, dala ang habag, at inaangat ang iyong pag-asa. Inaabot Niya ang Kanyang puso hindi lang ang kamay. Binibigyan ka Niya ng panibagong buhay. Umasa ka. Sasamahan ka rin namin. Kami ang iyong mga kaakbay at kalakbay.

    -SR. GEMMA DELA CRUZ, FSP

    7 min
  • A Thought A Day | September 13, 2022

    My friends, you, and I probably struggle with loneliness at some point in our lives. It may be true when someone we love dies, or when we are going through some difficulty and feeling misunderstood by almost everyone who matters to us. We feel utterly alone, and nobody seems to be there for us. Today’s gospel episode is tremendously soothing and comforting, arousing the feeling that we are never alone in our sorrows. Jesus is always there for us. He can read our minds and knows too well what’s in our hearts. He is our brother, our friend, our comforter! All we need to do is to renew our faith in Jesus.

    This podcast is brought to you by Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples through sounds and images, voices and music.

    Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”

    5 min
  • MABUTING BALITA l SETYEMBRE 12, 2022 – LUNES

    MABUTING BALITA l SETYEMBRE 12, 2022 – LUNES

    Ika – 24 na LINGGO Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo: Lk 7: 1-10

    Matapos ang pagtuturo ni Hesus sa mga tao, pumasok s’ya sa Capernaum. May isang kapitan na may katulong na naghihingalo at pinahahalagahan n’ya ito. Pagkarinig n’ya tungkol kay Hesus, nagpapunta s’ya sa kanya ng mga matatanda ng mga Judio para pakiusapang pumunta at pagalingin ang kanyang katulong. Pagdating ng mga ito kay Hesus, taimtim nila s’yang pinakiusapan, “Marapat lamang na pagbigyan mo s’ya. Mahal nga n’ya ang ating bayan at s’ya ang nagpatayo ng aming sinagoga.” Kaya kasama nilang pumunta si Hesus. Nang hindi na s’ya kalayuan sa bahay, nagpapunta naman sa kanya ng mga kaibigan ang kapitan para sabihin, “Ginoo, huwag ka nang mag-abala pa, hindi nga siguro ako karapat-dapat para tumuloy ka sa aking bahay kaya hindi ko man lamang inakala na nararapat akong lumapit sa iyo. Mag-utos ka lang at gagaling na ang aking katulong. Mababa nga lang ang ranggo ko pero may mga sundalo sa ilalim ko, at kung iuutos ko sa isa, ‘umalis ka’, umaalis s’ya. At sa iba naman, ‘halika’, at pumaparito s’ya. At pag sinabi kong, ‘gawin mo ito’ sa aking katulong, ginawa nga n’ya ito.” Humanga si Hesus pagkarinig n’ya nito. Lumingon s’ya sa mga sumusunod sa kanya at sinabi: “Sinasabi ko sa inyo, sa Israel ma’y hindi ko natagpuan ang ganitong pananalig.” At nang magbalik sa bahay ang mga sinugo, natagpuan nilang magaling na ang katulong.

    Pagninilay:

    Iba rin! Malamang ito ang masasabi natin sa mga bagay na hindi natural o ‘di inaasahan nating makita. Kung ang ekpresyong ito ay naging uso na sa panahon ni Hesus, marahil ito ang kanyang paglalarawan sa kapitang Romano na lumapit sa kanya upang hilingin na gumaling ang kanyang alipin. Bakit nga ba masasabing “iba rin” ang naturang kapitang Romano? Unang-una, hindi lamang basta-basta taong ang kapitan; ang pagiging kapitang Romano niya ay nangangahulugang may taglay siyang kapangyarihan angat sa iba. Ngunit, nakakapagtataka kung bakit iba ang kanyang turing sa kanyang alipin. Hindi niya ito tinuturing na isang bagay lamang na pwede niyang itapon kapag wala na itong silbi sa kanya. Kanyang idinulog kay Kristo na gumaling ang kanyang alipin, imbis na pabayaan lamang mamatay. Dakila ang kababaang-loob at habag ng kapitang Romano. Hindi siya makasarili. Iba siya! Kaya tayo rin ay inaanyaahang maging “iba”, tulad ng kapitang Romano; na sa gitna ng mundong nagpapahalaga sa kapangyariha’t karangyaan ng sarili, mamuhay tayo sa kababaang-loob at pagmamahal sa kapwa.

    -Nov. Anjon Fredrick C. Mamunta ng Society of Saint Paul

    5 min

About PAULINES

From the publisher's feed

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.