
Sign up to save your podcasts
Or


GOSPEL POWER l MAY 22, 2022
6th Sunday of Easter
Gospel: Jn 14:23-29
23Jesus answered Judas [not the Iscariot], “Those who love me will keep my word, and my Father will love them, and we will come to them and make our home with them. 24Whoever does not love me does not keep my words; and the word that you hear is not mine, but is from the Father who sent me. 25I have said these things to you while I am still with you. 26But the Advocate, the Holy Spirit, whom the Father will send in my name, will teach you everything, and remind you of all that I have said to you. 27Peace I leave with you; my peace I give to you. I do not give to you as the world gives. Do not let your hearts be troubled, and do not let them be afraid. 28You heard me say to you, ‘I am going away, and I am coming to you.’ If you loved me, you would rejoice that I am going to the Father, because the Father is greater than I. 29And now I have told you this before it occurs, so that when it does occur, you may believe.”
Today’s Gospel puts us in touch with the various expressions Jesus uses to soften the blow that his impending arrest, trial, and execution will inflict on his disciples. He is about to face his end, yet his thoughts are not on himself, but on the circle of his friends. This scene, marked with so much tenderness, allows us to glimpse what God is truly like — pure love oriented toward the others! While Jesus speaks of going away, he also promises his and the Father’s indwelling with those who will keep his word. He consoles his disciples with the assurance that his absence will be filled up immediately by a new defender and companion. And to make sure that they will be able to bear the distress coming upon them, he gives them his own peace, the shalom that belongs to him as God’s Son. It is not only a sense of wellbeing that will shield them from the onslaught of conflict, but a deep connectedness with the One who directs everything with wisdom toward its intended purpose. Thus, the crisis of Calvary will not result in apostasy, but in faith.
Lord Jesus, as we hear your tender words in these troubled times, may they also console and strengthen us in our faith. Amen.
GOSPEL POWER l MAY 21, 2022 - SATURDAY of 5th Week of Easter
Saint Christopher Magallanes, priest and Companions, martyrs
Gospel: Jn 15:18-21
Jesus said to his disciples, 18“If the world hates you, be aware that it hated me before it hated you. 19If you belonged to the world, the world would love you as its own. Because you do not belong to the world, but I have chosen you out of the world — therefore the world hates you. 20Remember the word that I said to you, ‘Servants are not greater than their master.’ If they persecuted me, they will persecute you; if they kept my word, they will keep yours also. 21But they will do all these things to you on account of my name, because they do not know him who sent me.”
The life of the incarnate Son of God is the prototype — the “first pattern” — of the transformation that God brings about through the divine power that operates in weakness and vulnerability. Therefore, the persecution that Jesus talks about in today’s Gospel is not something that should surprise us, believers. It simply points to the pattern to which we are being conformed as part of our participation in God’s ongoing work of transforming the world. There is no glory without the cross, no resurrection that is not preceded by death. As Church we must discern how, amidst persecution, we ought to continue to be the embodiment (for we are the Body of Christ) of God’s saving love in a hostile world.
Lord Jesus, in times of persecution, help us to remember your exhortation to love our enemies and offer prayers for them. Amen. ma
GOSPEL POWER l MAY 20, 2022 - FRIDAY OF 5th Week of Easter
Saint Bernardine of Siena, priest
Gospel: Jn 15:12-17
Jesus said to his disciples, 12“This is my commandment, that you love one another as I have loved you. 13No one has greater love than this, to lay down one’s life for one’s friends. 14You are my friends if you do what I command you. 15I do not call you servants any longer, because the servant does not know what the master is doing; but I have called you friends, because I have made known to you everything that I have heard from my Father. 16You did not choose me but I chose you. And I appointed you to go and bear fruit, fruit that will last, so that the Father will give you whatever you ask him in my name. 17I am giving you these commands so that you may love one another.”
The notion of friendship that Jesus presents in today’s Gospel is not of a one-on-one intimate relationship with him, as we so often desire. Becoming a friend of Jesus rests on the fulfillment of his love-commandment. Instead of drawing us to an exclusive connection with him, Jesus opens us up to an inclusive network of relationships among reciprocally loving and self-sacrificing friends. The presence of this community-of-love gives a powerful witness to the world and ensures that the love of Jesus will remain in the world even when he returns to where he was before.
Lord Jesus, help us to fulfill your love-commandment and be counted among your friends who keep your self-sacrificing love alive in our world today. Amen.
GOSPEL POWER l MAY 19, 2022 - THURSDAY
5th Week of Easter
Gospel: Jn 15:9-11
Jesus said to his disciples, 9 “As the Father has loved me, so I have loved you; abide in my love. 10If you keep my commandments, you will abide in my love, just as I have kept my Father’s commandments and abide in his love. 11I have said these things to you so that my joy may be in you, and that your joy may be complete.”
In the eyes of the world, being willful and assertive and able to command others is a sign of strength, while submission and obedience is a sign of weakness. It is not so in the logic of God. St. Paul discovered that, in the weakness of surrender and submission to God’s disposition, the divine power reaches perfection (2 Cor 12:9). We find here the reason why being obedient brings joy. What greater joy can there be than experiencing the power of God attain its perfection in our lives, because we keep the commandments and thus abide in the love of Christ? He obeyed his Father perfectly so that the Father’s power was fully manifested in him and caused him to rejoice.
Lord Jesus, help us to discover the joy that flows from obeying your commandments. Amen.
Mabuting Balita | Mayo 23, 2022
Lunes sa Ika-anim na Linggo ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Juan 15: 26-16:4
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kapag dumating ang Tagapagtanggol na aking ipadadala sa inyo mula sa Ama, ang Espiritu ng katotohanan na nagmula sa Ama, iyon ang magpapatotoo tungkol sa akin. At magpapatotoo rin kayo sapagkat kasama ko kayo mula sa simula. Sinabi ko sa inyo ang mga ito upang huwag kayong matisod at mahulog. Palalayasin nila kayo sa kanilang komunidad, at parating na ang mga oras na waring nag-aalay ng handog sa Diyos ang sinumang papatay sa inyo. At gagawin nila ito dahil hindi nila nakikilala ang Ama ni ako. Kaya naman sinasabi ko sa inyo ang lahat ng ito upang pagdating ng oras ay matandaan ninyong sinabi ko ito sa inyo.”
Pagninilay:
Mga kapatid, angkop at napapanahon ang hamon sa atin ng Mabuting Balitang ating narinig. Lalo na sa kalagayan ng ating bansa sa ngayon na talamak pa rin ang pagpatay dahil sa malawakang giyera ng pamahalaan na sugpuin ang kalakalan ng droga. Maganda ang layunin! Pero mali, at labag sa kalooban ng Diyos ang pamamaraan. Malimit nating marinig ang mga katagang “the end does not justify the means. Maganda man ang hangarin na linisin ang ating bansa sa kalakaran ng droga, pero hindi lingid sa atin na marami pa ring pag-aabuso ang nagaganap sa paraan ng paglilinis. Pawang mahihirap lang ang napapatay. At patuloy pa rin sa operasyon ang mga sindikato at big time supplier’s ng droga. At ang nakakalungkot, hindi masugpo ang problema dahil sangkot dito ang ilang pinuno ng bayan, opisyal ng baranggay at kapulisan. Ang mga pulis na dati-rati, tagapagtanggol natin sa masasamang-loob, siya na ngayon ang kinatatakutan. Pero inaaliw tayo ng Ebanghelyo ngayon, na huwag tayong matakot magsalita laban sa umiiral na masasamang kalakaran sa ating lipunan. Huwag tayong matisod at mahulog, dahil ipapadala ng Diyos Ama ang tunay nating Tagapagtanggol, ang Espiritu ng Katotohanan, na magpapatotoo sa Panginoong Hesus na Siyang magdadala ng kapayapaan, kaayusan, at paghilom sa ating lipunan. Hindi sa madugong paraan, kundi sa paraan ng pagmamahal, pagpapatawad, at pagbibigay ng pagkakataong magbago sa mga taong nagkasala. Mga kapatid, suportahan natin ang sanlakbay na proyekto ng Simbahan at pamahalaan. Na nagbibigay ng pagkakataon sa mga taong minsang nalulong sa droga na magbago at mapanumbalik ang nawalang buhay. Sa tulong ng Panginoong Hesus na Muling Nabuhay, maging kasangkapan nawa tayo ng Panginoon sa pagbibigay buhay sa mga kapatid nating naligaw ng landas. – Sr. Gemmaria dela Cruz, fsp | Daughters of St. Paul
Mabuting Balita | Mayo 22, 2022
Ika-aanim na Linggo ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Juan 14: 23-29
Sumagot si Hesus at nagwika kay Judas hindi ang Iskariote: “Kung may nag mamahal sa akin isasakatuparan niya ang aking salita at mamahalin siya ng aking ama at pupuntahan namin siya at sa kanya naming gagawin ang isang panuluyan para sa aming sarili. Ang hindi naman nagmamahal sa akin ay hindi nagsasakatuparan sa mga salita ko. At ang salitang inyong narinig ay hindi sa akin kundi sa amang nagpadala sa akin. Sinabi ko sa inyo ang mga ito, habang kasama pa ninyo ako. Ituturo naman sa inyo ng tagapagtanggol ang lahat, siya ang Espiritu Santong ipadadala ng ama sa ngalan ko. At ituturo niya sa inyo ang lahat, at ipapaalala niya sa inyo ang lahat ng sinabi ko sa inyo. “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, ibinibigay ko sa inyo ang aking kapayapaan hindi tulad ng pagbibigay ng mundo ang pagbibigay ko nito sa inyo. Wag mabagabag ang inyong mga puso, wag kayong matakot narinig ninyong sinabi ko sa inyo paalis ako pero babalik ako sa inyo. Kung minamahal ninyo ako magagalak sana kayo sa pagpunta ko sa ama, sapagkat mas dakila sakin ang ama. Ngunit sinabi ko na ito ngayon sa inyo bago mangyari upang maniwala kayo kapag nangyari ito.
Pagninilay:
Peace, I leave with you, my peace I give you. Do not let your hearts be troubled or afraid. Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa iyo. Huwag hayaang mabagabag ang inyong mga puso. Takot, pangamba at walang kasiguruhang bukas ang iniisip ng mga alagad ni Hesus. Matapos na bigyan sila at bilinan ng kapayapaan sa huling hapunan, hayan naman at iiwan sila at haharapin ang kamatayan. Sino ang hindi dadapuan ng takot nito? Kung ito nga ang maririnig mo kay Hesus sa bisperas ng kamatayan, ikaw ay panghihintakutan. Pero sabi Niya ay huwag. Dahil sa Kaniyang pag alis ay may iiwan siya sa kanila na papawi ng kanilang takot at pangamba. Ang Espiritu Santo, ang siyang magpapanatiling buhay sa kanila ng mga tinuro ni Kristo. Ang pangako ng kapayapaan, kapayapaan mismo ni Kristo, na hindi kayang ibigay ng mundo. Ang Kaniya mismong sarili, ang Hesu-Kristo na nasa kanilang mga puso. Ang siyang magpapakilala sa kanila ng kapayapaan at magwawaksi ng kanilang takot. Peace, kapayapaan o sa salitang Hebreo ay shalom na mula mismo sa bibig ni Hesus nanggaling. Ito ang ninanais niya sa kaniyang mga alagad at maging sa atin. Ang mabuhay na mapayapa at sagana. Lahat ng mga ito ay maari lamang maganap kung tayo ay mapupuspos ng Espirito ni Hesu-Kristo.
- Rev. Edward Dantis, SSP | Society of St. Paul
Word and Songs | Celebrating the Gift of Family
with Sr. Lines Salazar, fsp
Mabuting Balita | Mayo 21, 2022
Sabado sa Ika-limang Linggo ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Juan 15: 18-21
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung napopoot sa inyo ang mundo, alamin ninyo na ako muna bago kayo ang kinapootan. Kung kayo’y mula sa mundo, inibig na sana ng mundo ang sariling kanya. Ngunit napopoot sa inyo ang mundo dahil hindi kayo mula sa mundo kundi ako ang humirang sa inyo mula sa mundo. Tandaan ninyo ang sinabi ko sa inyo: ‘Walang utusang mas dakila sa kanyang panginoon.’ Hindi ba’t inusig nila ako? Uusigin din kayo. Tinupad ba nila ang aking salita? Gayon din nila tutuparin ang sa inyo. Dahil sa ngalan ko nila gagawin ang mga ito laban sa inyo, sapagkat hindi nila nakikilala ang nagpadala sa akin.”
Pagninilay:
Isa sa mga nakakalungkot na realidad ng buhay ay kawalang paki-alam sa ingles po tinatawag nating Apathy. Nangyayari ito sa komunidad na siyang dahilan din ng pagkakanya-kanya. Ito lang ang kasundo ko, bahala na, ito lang ang aking pangangalagaan. Pag hindi kasundo, syempre kayo ay kaaway at marapat na kapootan. Sa Ebanghelyo po natin pinaalalahanan tayo ni Hesus sa ganitong realidad. Mapopoot ang mundo sa ating mga tagasunod niya lalo na’t kapag ipinahahayag natin ang ating pananampalataya. Kapag ipinahahayag natin ang katotohanan. Kapag ipinahahayag natin ang pagmamahal. Marami na pong naging biktima ng karahasan dahil sa ating tahasang pagpapahayag ng pananampalataya, katotohanan, pag-ibig at hustisya. Sa katunayan patuloy na napopoot ang mundo sa atin bilang mga kristiyanong naninindigan lalong lalo na sa dignidad ng buhay. Gayunpaman, patuloy nawa tayong tumugon sa bilin at panawagan ni Hesus. Siya na din ang nagsabi: “Makikilala kayo ng mundo bilang Kristiyano sa inyong pagmamahalan sa bawat isa.” Sana magawa nga natin itong tunay. Sana may paki-alam pa din tayo kapag inaabuso ang ating pananampalataya, at katotohanan. Dahil ang tunay ay may pananagutan tayo sa bawat isa, higit sa lahat sa Diyos. – Cl. Cesar Caalem, SSP | Society of St. Paul
Mabuting Balita | Mayo 20, 2022
Biyernes sa Ika-limang Linggo ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Juan 15: 12-17
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ito ang utos ko: Magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. Wala nang pagmamahal na hihigit pa kaysa sa pag-aalay ng sariling buhay alang-alang sa mga kaibigan niya. Mga kaibigan ko kayo kung ginagawa ninyo ang iniutos ko sa inyo. Hindi ko na kayo itinuturing na mga utusan sapagkat hindi alam ng utusan kung ano ang ginagawa ng kanyang panginoon. Itinuring ko naman kayong mga kaibigan sapagkat ipinaalam ko sa inyo ang lahat ng narinig ko mula sa aking Ama. Hindi kayo ang humirang sa akin kundi ako ang humirang sa inyo at itinalaga ko kayo para matagpuang namumunga, at manatili ang bunga ninyo. At ipagkakaloob sa inyo ng Ama anuman ang hilingin ninyo sa kanya sa Ngalan ko. Iniuutos ko nga sa inyo na magmahalan kayo.”
Pagninilay:
Mga kapatid, ano ba ang pag-ibig ng Diyos? Matinding magmahal ang Diyos. Hindi Siya sumusuko. Nagmamahal kahit na ano’ng pagkakasala ang nagagawa natin. Personal Siya kung magmahal. Sa pagpapakasakit Niya at pagkamatay sa krus, inialay Niya ito sa bawat isa sa atin at sinakop na Niya pati tayo sa Kanyang pagliligtas at sa mga susunod pang salinlahi. Makapangyarihan ang pagmamahal Niya. Dahil anumang iwas at pagkakaila natin sa Kanya, pilit natin Siyang mararamdaman. Tumatagos sa ating kalooban. Pang habambuhay ang pag-ibig ng Diyos. Hindi siya nagbabago. Kung ano ang pagmamahal na ipinakita Niya sa simula, gagawin Niya ito hanggang sa muli nating pagkabuhay. Labis-labis din kung magmahal ang Diyos. Pati buong buhay Niya inialay para lang sa atin. At ngayon, pinapa-alalahanan Niya tayong maging saksi ng Kanyang pagmamahal sa atin. Magmahal din tayo na hindi sumusuko, at marunong magpatawad. Mapagod man ang puso natin, ipagpatuloy natin ang nasimulan nating pang-unawa at muli tayong makipagkasundo. Maging personal at maging bukas tayo sa matalik na pakikipag-ugnayan na may pagtitiwala at pagtanggap sa iba. Ipadama natin na ispesyal sila sa atin. Ipadama natin sa kalooban ng ating kapwa ang kabutihan ng Diyos sa pamamagitan natin. Kalimutan natin ang pagkamakasarili at matuto tayong magparaya. Ito ang inaasahan sa atin ni Hesus, at dito kailangan ang matatag na pananampalataya natin sa Panginoon. Dahil hindi natin ito kaya kung wala Siya. Tandaan natin na Siya mismo ang humirang sa atin na maging saksi ng pagmamahal. Sino tayo para tumalikod sa Kanya at isawalang-bahala ang Kanyang paanyaya?
- Sr. Estela Angeles, fsp | Daughters of St. Paul
Mabuting Balita | Mayo 19, 2022
Huwebes sa Ika-limang Linggo ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Juan 15: 9-11
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Katulad ng pagmamahal sa akin ng Ama, gayundin naman ang pagmamahal ko sa inyo. Manatili kayo sa pagmamahal ko. Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa pagmamahal ko katulad ng pagtupad ko sa mga utos ng aking Ama at ng pananatili ko sa kanyang pagmamahal. Sinabi ko sa inyo ang mga ito upang mapasainyo ang kagalakan ko, at maging ganap ang galak ninyo.”
Pagninilay:
Sabi po ng mga dalubhasa bumaba na sa 8 seconds ang “attention span” ng mga millennials. Imagine, 8 seconds, siguro habang nanonood kayo ng episode na ito ng Bagong Umaga ay maya maya, iiscrooll up niyo na din. Ang catch word po sa ating ebanghelyo ngayong araw ay “manatili” o “to remain” Mahirap manatili sa kaibigang parang ipinagtatabuyan ka. Manatili sa isang prinsipyong dehado ka. Mahirap manatili sa mga bagay na alanganin. Pag nanatili ka sa panandaliang kasiyahan, pano naman ang panghabambuhay? Pag nanatili ka sa gustong ibigay na luho ng mundo pano naman ang langit? Kaya nga ito ang hamon ni Hesus sa atin ngayon-manatili kayo sa akin-sa aking pag-ibig, sa hatid kong katotohanan, sa handog kong kabutihan. Bakit natin pipiliing manatili sa mga bagay na ‘di sigurado, dehado, alanganin-kung sigurado tayo kay Hesus-ang hatid niyang liwanag, awa, at buhay na walang hanggan? Bat nating pipiliin manatili sa mga bagay na lumilipas, kayamanan, karangyaan, kung ang hatid sa atin ay kayabangan? Eh si Hesus na mismo ang nagtuturong PAG-IBIG ang pagkakakilanlan ng bawat taong sumasampalataya sa kanya. Huwag nawa tayo umastang parang nasa karera tayo ng buhay. Mas sikat, mas mayaman, mas talentado-abay mas magaling! Isa lamang po ang nais ng Diyos-habang tayo’y umiiral sa buhay huwag tayong mawala at mapariwara sa kanyang kanlungan. Lagi nating isipin na mahal tayong lubos ng Diyos at dahil doon kailangan natin manatili sa kanyang pagkandili upang tayo man ay huwag ding masupil ng mga bagay na makamundo at lumilipas. Amen. – Cl. Vinz Aurellano, SSP | Society of St. Paul
From the publisher's feed