PAULINES

PAULINES

By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai ProvinceReligion & SpiritualityReligion
Download on the App Store

All PAULINES episodes

  • MABUTING BALITA l HUNYO 5, 2022 - LINGGO

    Mabuting Balita | Hunyo 5, 2022

    Dakilang Kapistahan ng Linggo ng Pentecostes


    Ebanghelyo: Juan 20:19-23

    Agaw-dilim na noon sa unang araw na iyon ng sanlinggo at nakasara ang mga pinto sa kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot sa mga Judio, dumating si Jesus at pumagitna. At sinabi niya sa kanila: “Kapayapaan sa inyo!” Pagkasabi nito, ipinakita niya sa kanila ang mga kamay at ang tagiliran. Kaya nagalak ang mga alagad pagkakita nila sa Panginoon. At muli niyang sinabi sa kanila: “Kapayapaan sa inyo! Kung paanong isinugo ako ng Ama, ipinadadala ko rin kayo.” At pagkasabi nito, hiningahan niya sila at sinabi: “Tanggapin ang Espiritu Santo! Patatawarin ang mga kasalanan ninuman na inyong patawarin; at pananatiliin naman sa sinuman ang inyong panatiliin.”

    Pagninilay:

    Para sa mga Judio sa sinaunang panahon, nagtakda sila ng araw pasasalamat sa Diyos para sa masaganang ani mula sa bukid. Bumilang sila ng limampung araw mula Kapistahan ng Tinapay na Dapa hanggang umabot sa tinatawag nilang Feast of the Weeks, panahon ng pasasalamat kay Yawe para sa mga biyaya ng lupa. Nagtakda ang mga unang Kristiyano ng katulad na pagdiriwang. Limampung araw din ang binilang. Ngunit hindi mga gulay na inani a bukirin ang ipinagpapasalamat natin kundi ang mga kaloob ng Espiritu Santo: karunungan, pagkaunawa, kahatulan, lakas ng loob, kaalaman, kabanalan at takot sa Diyos. Sa Lumang Tipan, matatandaan natin na ibinigay ng Diyos ang kanyang hininga sa mga unang tao na nilalang niya – sina Adan at Eba. Nagpropesiya si Ezekiel kung paanong sa mga huling araw darating ang Diyos at ibibigay niya ang kanyang hininga sa mga kalansay, bibigyan sila ng laman, at makabangon at mabuhay muli. Si propeta Joel ang naglahad ng pagkilos ng Espiritu santo sa mga taong nabubuhay sa lupa: “Ito ang gagawin ko sa mga huling araw, sabi ng Diyos, pagkakalooban ko ng aking Espiritu ang lahat ng tao, at sa ngalan ko’y magpapahayag ang inyong mga anak. Ang inyong mga binata’y makakakita ng mga pangitain. At ang inyong matatandang lalaki’y magkakaroon ng mga panaginip.” Sa Bagong Tipan narinig natin ang Espiritu Santo na ipinangako kay Maria na siyang maglalalang ng isang sanggol sa kanyang sinapupunan. Sa ikatlong araw makalipas ang Muling Pagkabuhay, ibinigay ni Kristo sa mga apostol ang kanyang hininga. Ngunit naghintay sila sa ikalimampung araw bago nila tanggapin ang malakas na hagunot ng hangin at dapuan sila ng Espiritu Santo sa anyo ng mga dilang apoy. Nagsalita sila sa iba’t ibang wika ngunit umiral ang pagkakaunawaan. Binaligtad ng Pentekostes ang malagim na sinapit ng mga tao sa Tore ng Babel. Tinangka nilang higitan ang Diyos, nagtayo sila ng isang tore na sing tayog ng kanilang mga ambisyon ngunit nasadlak sila sa gulo at pagkahati-hati at pagkakanya-kanya. Kinikilala ang kapistahan ng pentekostes na birthday ng Simbahan. Nawa bumangon tayo mula sa kalansay ng nakaraan. Nawa makakita ng pangitain an gating mga kabataan at ang mga matatandang lalaki at babae ay huwag bumitiw sa kanilang mga panaginip. - Fr. Paul Marquez, SSP | Society of St. Paul

    6 min
  • MABUTING BALITA l HUNYO 4, 2022 - SABADO

    Mabuting Balita | Hunyo 4, 2022

    Sabado sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay


    Ebanghelyo:  Jn 21:20-25

    Paglingon ni Pedro, nakita n’ya na sumusunod ang alagad na mahal ni Hesus, ang humilig sa dibdib n’ya noong hapunan at nagtanong: “Panginoon, sino ba ang magkakanulo sa iyo?” Kaya pagkakita rito ni Pedro, sinabi n’ya kay Hesus: “Panginoon, ano naman ang mangyayari sa kanya?” Sinabi ni Hesus: “Kung loobin ko s’yang manatili hanggang ako’y pumarito, anong pakialam mo? Sumunod ka sa akin!” Dahil dito’y may lumaganap na paniwala sa mga kapatid na hindi mamamatay ang alagad na ito pero hindi naman sinabi ni Hesus: ‘Hindi mamamatay’ kundi ‘kung loobin ko s’yang manatili hanggang sa aking pagdating.’ Ito ang alagad na nagpapatunay tungkol sa mga bagay na ito at sumulat ng mga ito. Alam namin na totoo ang kanyang pagpapatunay. Marami pang ibang ginawa si Hesus, na kung masusulat ang mga iyon nang isa-isa, sa tantiya ko’y di magkakasya sa mundo ang mga isusulat na mga aklat.

    Pagninilay:   

    Panginoon, ano po naman ang mangyayari sa taong ito? Si Pedro masyadong curious sa mangyayari kay Juan. May pagka-Marites din ba siya? Mga kapanalig, hindi ba’t sa mararaming pagkakataon naging kagaya tayo ni Pedro, curios sa kung ano ang mangyayari sa iba. Na minsan nakakalimutan natin na ang bawat buhay natin ay nakaukit na sa palad ng Diyos. Alam na Niya na mapapabuti tayo kung isasabuhay natin ang kanyang mga salita at sumunod sa mga tagubilin Niya. Sabi nga ni Hesus: Ano sa iyo ang maging buhay niya, basta ikaw, sumunod ka sa akin. Kumalat pa ang balita na hindi mamatay agad si Juan. Alam natin na si Juan ay hindi namatay bilang martyr, siya ay namatay sa katandaan dahil yun ang tadhana na inilaan ng Diyos sa kanya. Samantala si Pedro at ibang apostol ay naging mga martir. Ang balita parang apoy na kumakalat agad, marami ang nasisira ang dangal dahil sa mga haka-haka at usyuso. Pag pinag-uusapan ang buhay ng ibang tao para itong musika sa ating mga tainga. Pero pagtayo ang napag-usapan para tayong apoy rin na handa kumalat ng lagim. Ito ang dapat nating bigyan ng pansin, ang kahalagahan ng respeto sa kapwa at pag-iwas sa pagkakalat ng hindi maganda tungkol sa iba. Makinig sa salita ng Panginoon na walang ibang hiling sa atin kundi ang maging tapat at may pagmamahal sa bawat isa. At pagyamanin ang mga biyayang itinalaga Niya sa atin.

    Panalangin:

    Panginoon, tulungan niyo po kaming maging mabuting mamamayan at ipalaganap lamang kung ano ang tama at nakakabuti sa lahat. Nawa’y maging halimbawa kami ng kadakilaan ng Iyong pagmamahal. Pahalagahan ang dignidad ng aming kapwa para sa kapayaan ng bawat isa. Amen.

    Sr. Kayla Ventura, FSP | Daughters of St. Paul

    5 min
  • MABUTING BALITA l HUNYO 3, 2022 - BIYERNES

    Mabuting Balita | Hunyo 3, 2022

    Biyernes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay


    Ebanghelyo: Jn 21:15-19

    Nagpahayag si Hesus sa kanyang mga alagad nang makapag-almusal sila, sinabi ni Hesus kay Simon Pedro: “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako nang higit pa sa mga ito?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” “Pakanin ang aking mga kordero.” “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” “Akayin mo ang aking mga tupa.” “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” “Iniibig mo ba ako?” “Panginoon, ikaw ang nakaaalam ng lahat; alam mong iniibig kita.” “Pakanin mo ang aking mga tupa. Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, nang bata-bata ka pa, nagbibigkis ka sa iyong sarili at palakad-lakad ka saan mo man loobin. Ngunit pagtanda mo’y ididipa mo naman ang mga kamay mo, at iba ang magbibigkis sa iyo at magdadala sa ayaw mo.” Tinukoy naman ito ni Hesus bilang pananda sa paraan ng kamatayang ipanluluwalhati ni Pedro sa Diyos. At pagkatapos nito ay sinabi niya: “Sumunod ka sa akin!”

    Pagninilay:

    Naranasan mo na bang mabigyan ng pagkakataong magmahal muli sa kabila ng iyong nakaraang pagkakamali? Bagong pagkakataon na magmahal ng tama at tapat dahil naranasan at natutunan mo ito sa taong lubos at dalisay ang pagmamahal sa iyo. Ito mismo ang naging karanasan ni Pedro, ang hinirang ni Hesus na maging punong pastol ng kanyang Simbahan. Si Pedro ay nangako na sumunod kay Hesus hanggang kamatayan. Ngunit siya ay natisod sa kanyang maling konsepto ng isang Mesiyas. Siya’y nadapa at di na panindigan ang klase ng pagmamahal na inakala niyang sapat na. Sa Mabuting Balita, narinig natin ang pagpapadalisay ni Hesus sa pagmamahal ni Pedro. Tatlong beses siyang tinanong ng Panginoon: “Iniibig mo ba ako?” Sa pambihirang tagpong ito ay nabigyan si Pedro ng pagkakataong ilatag ang katotohan ukol kanyang kakayahang magmahal. Sa kabila ng masigasig nyang pagsunod kay Hesus, kinailangan pa rin ni Pedro na matutunan ang uri ng pagmamahal ng Panginoon. Ito’y pagmamahal na ipinadama Niya nang Sya’y nagkatawang-tao at nanahan sa atin; nagsabuhay, nagturo at nagpahayag ng Kaharian ng Diyos; nagdusa, namatay at muling nabuhay. Mga kapanalig, si Hesus din ay kasama natin sa iba’t-ibang tagpo ng ating buhay. Sa mga tagpong ito, hayaan natin Siyang padalisayin din ang ating pagmamahal sa Diyos at sa ating kapwa. -Sr. Maria Janice Golez, PDDM | Disciples of the Divine Master

    6 min
  • GOSPEL POWER l JUNE 1, 2022 - WEDNESDAY

    GOSPEL POWER l JUNE 1, 2022 - WEDNESDAY  of  7th Week of Easter 

     Saint Justin, martyr 


    Gospel: Jn 17:11b-19  

    Looking up to heaven, Jesus prayed, 11…“Holy Father, protect them  in your name that you have given me, so that they may be one, as  we are one. 12While I was with them, I protected them in your name  that you have given me. I guarded them, and not one of them was  lost except the one destined to be lost, so that the scripture might be  fulfilled. 13But now I am coming to you, and I speak these things in  the world so that they may have my joy made complete in themselves.  14I have given them your word, and the world has hated them because  they do not belong to the world, just as I do not belong to the world.  15I am not asking you to take them out of the world, but I ask you to  protect them from the evil one. 16They do not belong to the world,  just as I do not belong to the world. 17Sanctify them in the truth; your  word is truth. 18As you have sent me into the world, so I have sent  them into the world. 19And for their sakes I sanctify myself, so that  they also may be sanctified in truth.” 

    Jesus utters this prayer in the hearing of his disciples, so  that they will feel how precious they are to him. This  reassurance is necessary in the context of his impending  departure. As the security they experience in his presence and  company is taken away from them, they can have the confidence of  being powerfully protected by Jesus’ appeal, which the Father can  never turn down nor ignore. They are covered by the protective  mantle of Jesus’ efficacious prayer. And not only they, but believers  everywhere and in every generation can rest in the confidence of  being encompassed in Jesus’ prayerful appeal to the Father. We will  be kept from the evil one and his malicious influence. And while we  remain in the world, it cannot make its claims on us, for we do not  belong to it. 

    Lord Jesus, increase our faith and help us to trust in your powerful  prayer, especially in moments when we are tempted to succumb to the  world’s lures. Amen. 

    4 min
  • MABUTING BALITA l HUNYO 2, 2022 - HUWEBES

    Mabuting Balita | Hunyo 2, 2022

    Huwebes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay


    EBANGHELYO: Juan 17:20-26

    Tumingala si Hesus sa Langit at nagsalita: “Hindi sila lamang ang aking ipinagdarasal kundi pati ang mga naniniwala sa akin sa pamamagitan ng salita nila. Maging iisa sana silang lahat kung paanong nasa akin ka, Ama, at nasa iyo ako. Mapasaatin din nawa sila upang maniwala ang mundo na ikaw nga ang nagsugo sa akin. Ipinagkaloob ko naman sa kanila ang luwalhating ipinagkaloob mo sa akin upang maging isa sila, gaya nang tayo ay iisa: ako sa kanila at ikaw sa akin. Kaya malulubos sila sa kaisahan, at kikilanlin ng mundo na ikaw ang nagsugo sa akin at nagmahal ako sa kanila gaya ng pagmamahal mo sa akin. Ama, sila ang ipinagkaloob mo sa akin kaya niloloob ko na kung nasaan ako’y makasama ko rin sila at makita nila ang kaluwalhatian kong kaloob mo sa akin sapagkat minahal mo ako bago pa man nagkaroon ng mundo. Makatarungang Ama, hindi kumilala sa iyo ang mundo; kumilala naman ako sa iyo at kinilala rin ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinahahayag ko sa kanila ang Pangalan mo at ihahayag pa upang mapasakanila ang pagmamahal mo sa akin at ako rin ay mapasakanila.”

    Pagninilay:

    Kakaiba po ang ating Ebanghelyo sa araw na ito. Hindi po natin nabasa na nangangaral, nagpagaling, may pinunintahan, o gumawa ng Milagro ang ating Panginoon-ngayong araw siya po ay nanalangin sa Ama para sa atin. Simple lang po ang panalangin ni Hesus- “Maging isa nawa silang lahat, Ama.” Pagkakaisa--Unity. Ang pagkakaisa po ay hindi nangangahulugang parehas ang bawat isa sa bawat aspeto ng galaw at pamumuhay. Ang tawag po doon sa ingles ay uniformity hindi Unity. Ang Pagkakaisa po ay sama-samang paggalaw, bamagamat maaaring nagkakaiba, ngunit iisa ang layunin at nais patunguhan, yan po ang unity. Kaya nga po sinsabi nga na UNITY THRIVES IN DIVERSITY. Sa ating pagkakakaiba-iba doon lumalago at nagpapatuloy ang ating pagkakaisa. Isipin niyo nalamang po lahat tayo’y magkakamukha, baka lugi kayo, o ako. Kung lahat po tayo ay pulis, lahat tayo’y madre o pari. Hindi din maganda-Uniformity. Si Hesus po nananalangin ng UNITY, pagkakaisa. Kaya nga’t ang panawagan sa atin ay malugod na tanggapin, iappreciate, magpasalamat sa kung ano mang talento, dunong, kakayahan, ang bawat isa na maiaambag niya tungo sa ating pagkakaisa. Maaaring magaling ka sa ariketektura, ngunit magaling ang isa sa medisina—edi yung doctor pag nagpagawa ng bahay sa Arkitekto lalapit at kapag ang arkitekto naman ang nagkasakit sa doctor lalapit.

    Hari nawa maging buhay na kasangkapan tayo ng Diyos upang mapangyari ang kanyang masidhi at taimtim na panalangin-ut unum sint-magkaisa nawa tayo para sa kaganapan ng paghahari ng Diyos. Amen. Bro. Vinz Aurellano, SSP


    6 min
  • MABUTING BALITA l HUNYO 1, 2022 – MIYERKULES

    MABUTING BALITA

    HUNYO 1, 2022 – MIYERKULES sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay


    Ebanghelyo: Jn 17:11b-19

    Tumingala si Hesus sa Langit at nag salita “Wala na ako sa mundo, ngunit nasa mundo pa sila. Habang papunta ako sayo. Amang Banal, ingatan mo sila sa ngalan mo, na ipinagkaloob mo sa akin upang maging isa sila gaya natin.  Nang kasama nila ako iningatan ko sila sa ngalan mo at pinangalagaan ko sila at wala sa kanilang napahamak, maliban sa nagpahamak sa kanyang sarili. Marapat ngang makaganap ang kasulatan. At ngayon bago ako pumunta sayo, sinasabi ko ito sa mundo upang malubos sa kanila ang aking galak. Ipinagkaloob ko sa kanila ang iyong salita: at mapoot sa kanila ang mundo, sapagka't hindi sila mula sa mundo, gaya ng hindi ako mula sa mundo.  Hindi ko hinihiling na alisin mo sila sa mundo, kundi pangalagaan mo sila sa masama.  Hindi sa mundo sila galing, gaya ng hindi ako sa mundo galing.  Pabanalin mo sila sa katotohanan: ang wika mo ay katotohanan. Kagaya ng ako’y sinugo mo sa mundo, gayon din naman sinugo ko sila sa mundo.  At alang alang sa kanila'y pinababanal ko ang aking sarili, upang pati sila’y pakabanalin sa katotohanan.”

    Pagninilay:

    Napakasarap sa pakiramdam ang priestly prayer ng Panginoong Jesus. Nagpapakita ng lubos na pagmamahal Niya sa Kanyang tagasunod. Hangad Niyang maging isa ang lahat, tulad ng pagiging isa Niya sa Ama. Hanggang ngayon, patuloy pa rin itong hangarin at dasal ni Jesus sa Ama– ang pagkakaisa ng lahat ng mga Kristiyanong mananampalataya. Nakalulungkot lang isipin ang pagkakawatak-watak ng maraming Kristiyano. Maraming nasirang relasyon dahil sa nagdaang eleksiyon—dating mga friends na-unfriend. Naka-ugat sa katotohanan ni Kristo ang tunay na relasyon. Handa itong maglingkod, magsakripisyo kahit maharap sa pagsubok hangad pa ring magpapatuloy sa pagbibigay. Humuhugot ito ng lakas sa tunay na pagmamalasakit at paninindigan. Kahit may hirap at pasakit lalo lamang itong natututong magmahal at magparaya dahil sa pagmamahal sa kapwa at sa bayan. Anuman ang ating hinaharap hindi tayo natitinag. Magsisilbing lakas at liwanag sa ating daan ang Salita ng Panginoon. Si Jesus ang Kristong muling nabuhay- ang ating lakas. Siyang naglingkod, nagpagaling, nagsakripisyo, at patuloy na nagbibigay ng sarili para magbigay ng buhay sa sinumang tagasunod Niya. Mga kapatid, maaaring kapopootan tayo ng mundo, Itatakwil pero magpakatatag at walang dapat ikatakot! Dahil patuloy tayong inaalagaan at pinalalakas ng Diyos. Siya ang ating lakas at sandigan! Mapaghandaan nawa natin ito sa pamamagitan ng araw-araw nating pagsabuhay sa Salita at Utos ng Diyos.

    - Sr. Amelyne Paglinawan, fsp | Daughters of St. Paul

    6 min
  • MABUTING BALITA l MAYO 31, 2022 - MARTES

    MABUTING BALITA

    MAYO 31, 2022 -  Martes sa Kapistahan ng Pagdalaw ng Birheng Maria


    Ebanghelyo: Lk 1: 39-56

    Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa mga kababaihan. Pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan! Sino nga ba naman ako’t naparito sa akin ang ina ng aking Panginoon? Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan! Pinagpapala ang naniniwalang magaganap ang mga sinasabi sa kanya ng Panginoon.” At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang balewalang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyang Pangalan. Patuloy ang kanyang awa sa mga sali’t-salinlahi para sa mga may pitagan sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, ipinagtabuyan ang mga taong may mapagmataas na balak. “Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at itinaboy namang walang-wala ang mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalala ang kanyang awa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailanman.” Mga tatlong buwang nanatili si Mariang kasama ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay.

    Pagninilay:

    Nagmamadali. Ganyan inilarawan ang pagpunta ni Maria sa bayan ng kanyang pinsan na si Isabel o Elisabet. Bakit naman siya magmamadali? Una, marahil kasi nagdadalang-tao si Elisabet isang di kapani-paniwalang kaganapan lalo na sa kanyang katandaan. Nais itong maunawaan ni Maria. Ikalawa, nag-iisa si Elisabet at hindi madali ito para sa isang nagdadalang-taong babae noong panahong iyon. Nais tumulong ni Maria. Ikatlo, nais ni Maria na maibahagi ang natatangi niyang karanasan at ang kwento ng sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Nais niyang maunawaan ito at umaasang matutulungan siyang unawain ito ni Elisabet. Hindi inaasahan ni Maria ang kakaibang pagbati ni Elisabet na nagsabing, “Sino ako para dalawin ng ina ng aking Panginoon?”  Sa pagmamadali ni Maria na nagnanais makasama at makausap si Elisabet upang ibahagi ang kanyang karanasan, makahulugan at angkop na angkop ang tanong na isinalubong ni Elisabet. Isang kasagutan ang tanong na ito sa isipan ni Maria. Isang pagpapatotoo na ang kanyang nararanasan at ang sanggol sa kanyang sinapupunan ay tunay ngang Anak ng Diyos. Sa labis na kagalakan ni Maria, namutawi sa kanyang mga labi ang mga katagang, Magnificat! Ang Puso ko’y Nagpupuri! Ano naman ang paanyaya nito sa atin ngayon? Mga kapatid, sa ating pagdalaw sa mga kaibigan, kakilala, kapamilya, ano ang balitang dala natin? Nagmamadali ba tayong ibahagi sa lahat ang Mabuting balita ng Panginoon?

    Mga kapatid, tularan natin si Maria, ating ina. Hindi siya nanatili sa takot at hindi lubos na pagkaunawa. Nagsumikap siyang unawain at aralin paano niya makikilala ang kanyang sarili. Sa kanyang paglalakbay, natagpuan niya ang katibayan ng kanyang hinahanap. Mula sa pagmamadali na makapiling ang isang mahal sa buhay, tungo sa pagkaunawa na ang nagaganap sa kanya ang magsisimula ng panibagong buhay para sa lahat – talagang mapasisigaw ka na lamang sa galak at pasasalamat sa Diyos.  Bro. Buen

    7 min
  • MAY 23 - ST. JULIA OF CARTHAGE l PATRON OF THE TORTURE VICTIMS, THE ILLNESSES OF HANDS AND FEET

    ST. JULIA OF CARTHAGE l PATRON OF THE TORTURE VICTIMS, THE ILLNESSES OF HANDS AND FEET

    Feast Day: MAY 23


    Julia was a Christian virgin born on July 25, of noble Christian parents in Carthage, at that time part of the Roman Empire.  The exact year of her birth is not recorded but she lived in the 5th century. In those times, there were many vandals around trying to outdo one another. When that city was taken by Gaeseric, she was sold as a slave to a pagan merchant named Eusebius. Being a slave, she was given the most mortifying work. But she took them cheerfully, offering all her pains to Jesus. Although, he was a pagan, Eusebius admired her for her virtues. When all her duties were done, she was given free time which she spent in reading good books or in prayer. She fasted and made other sacrifices and grew pale and despite the sometimes ill treatment from her master, her mind is focused on heaven as she fed daily on the words of God. One day her master brought her with him to Gaul but they passed a certain place where Eusebius decided to participate in the idolatrous observances of pagans. Not willing to join the pagan rituals, Julia remained in the ship. Felix Saxo, the governor of the place, upon knowing that there was a Christian who abhorred to take part in their revelry, was enraged and he asked Eusebius why he tolerated her to remain a Christian. Eusebius answered that he was not able to move the girl from her superstitions by his threats, but if not for her good service, he could have already tortured her.

    Felix then insisted: “ Either compel her to give offerings to our gods or give her to me in exchange of four of my handmaidens that may please you, or for the price that was set for her.” To which Eusebius replied” If you wanted to give me all your property it would not come to the value of her service.” Then Eusebius because of the wine fell asleep. Felix himself approached Julia and said: “Sacrifice to the gods, girl. I will give your master as much as he likes and free you from slavery. However, Julia replied: ‘My liberty is the service of Christ, whom I serve every day with a pure mind. As for that error of yours, I not only do not venerate it, but I detest it.” With such a strong rejection, Felix ordered that she be struck by blows on the face to destroy her beautiful countenance. To these blows, Julia said, “If Christ was struck for me, why should I not be struck for him?” The torturers pulled her hair and flogged her body very severely until she could no longer stand but she was still able to say that all such suffering which Christ endured, she also deserved and was willing to endure. Fearful that his cruelty may be a reason to accuse him, Felix hurried to let Julia be killed by ordering her to be placed on a cross. Weakened by the severe flogging she immediately died. That was the moment Eusebius was awakened and could not do anything any more to save his slave. Then monks from Gorgon took her body and buried it. A manuscript written by a contemporary Bishop of Africa states that when she expired, a dove was seen flying out of his mouth, a sign of God’s predilection over her. In 763, King Deodorius of Lombardy had her relics brought to Italy. Saint Julia was declared by the Church as patroness of Corsica, now belonging to France, on August 5, 1809. Her relics were brought to the former Church of Santa Giulia in Brescia, Lombardy, Italy. She is also venerated as the patroness of torture victims and the illnesses of hands and feet. St. Julia is called Julia of Carthage, her birth place, and Julia of Corsica, the place where she was martyred. “Dear St. Julia, please pray for humanity today as it journeys towards the eternal kingdom, but is unfortunately attacked by too much idolatry and love for the comforts and pleasures of this world. 

    6 min
  • MABUTING BALITA l MAYO 30, 2022 - LUNES

    MABUTING BALITA

    MAYO 30, 2022 - Lunes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay   

    Santa Juana ng Arco


    Ebanghelyo: Jn 16: 29-33

    Sinabi ng mga alagad kay Hesus: “Talaga, tahasan ka nang nangungusap ngayon, at hindi na sa paghahambing nagsasalita. Alam na namin ngayon na alam mo ang lahat at hindi mo kailangang may magtanong pa sa iyo. Dahil dito kaya kami naniniwala na sa Diyos ka galing.” Sumagot sa kanila si Hesus: “Naniniwala ba kayo ngayon? Narito’t parating ang oras at sumapit na upang mangalat kayo—ang bawat isa sa kanya-kanyang sarili-at ako naman ay iiwan n’yong nag-iisa. Ngunit hindi ako nag-iisa sapagkat kasama ko ang Ama. “Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang sa akin kayo magkaroon ng kapayapaan. Nagdadalamhati kayo sa mundo subalit lakasan n’yo ang loob, nagtagumpay ako sa mundo.”

    Pagninilay:

    Kay Jesus lang tayo makakatagpo ng tunay na kapayapaan. Kahapon sa pagdiriwang natin ng Pag-akyat sa Langit ng ating Panginoon, binendisyunan ni Jesus ang mga disipulo. Naging payapa ang kanilang damdamin dahil sa empowerment na tinanggap nila sa Kanya. Integrated ang celebration natin na ito ng Pag-akyat sa Langint ng ating Panginoong Jesus sa pagdiriwang ng World Communications Day. Sa message ni Pope Francis, na “Listening with the ear of the heart “sinabi niya na sa pakikinig, hindi lang nakikinig, kundi gamitin ang pandinig ng ating puso. Alam natin na ang puso ang sanktuwaryo ng ating katauhan, di ba? Naroon sa ating puso si Jesus na Muling Nabuhay at naluklok sa Langit na Kapayapaan.  Kung ganito ang saloobin natin sa pakikinig, ito ang magdadala sa atin sa tunay na kapayapaan. Hindi lang ang payapang nakakatulog sa gabi, o payapang nakikinig sa masayang alon ng dagat. Ito ang pangkasalukyang kapayapaan na may magandang ugnayan sa Diyos at malalim na pakikiisa sa Kanya. Ganundin ang ating sense of well-being na pinapahalagahan natin ang kapayapaan. Sinisikap nating unawain ang kakulangan natin at pinagpupunyagian na mapatawad din ang sarili matapos makatanggap ng grasya sa Sakramento ng Pakikipagkasundo. Ito rin ang pagpapahalaga natin sa pagpapatawad ng kapwa, laging umuunawa at nagbibigay sigla at pag-asa sa lahat. Hindi nga ba nang Muling Nabuhay si Jesus, Kapayapaan ang lagi Niyang pagbati? Assurance ito na huwag nang mangamba dahil napagtagumpayan na Niya ang kaguluhan, ang kadiliman, ang kamatayan.  Ang Kapayapaan na dulot ni Jesus ay ang restoration ng pagiging isa at maayos na pakikipag-ugnayan ng buong kalikasan at sangkatauhan. Ang tanong, kung bakit hanggang ngayon, hindi pa ganap ang kapayapaan, tulad sa pang-aabuso sa mga gubat, sa mga bundok, sa ating bansa, sa kapangyarihang gumawa ng mga kasangkapang pandigmaan. Dahil ang kapayapaan ay parehong handog at tungkulin. Nangangailangan ito partisipasyon ng ating kamay, isip, puso. Mga pilgrims tayo. Patuloy pa tayong naglalakbay patungo sa ganap na kapayapaan. Naglalakbay tayo na nakatanaw sa Kaharian ng ating Ama at masayang umaasam sa walang katapusan Niyang yakap na suot ang Kanyang balabal ng Banal na Kapayapaan. Sr. Gemmaria

    7 min