Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Maging maawain kayo gaya ng inyong Amang maawain. “Huwag kayong humatol, at hindi kayo hahatulan; huwag ninyong sumpain ang sinuman, at hindi kayo susumpain; magpatawad kayo, at kayo'y patatawarin. Magbigay kayo, at kayo'y bibigyan -isang saganang takal, siksik, liglig at umaapaw ang ibubuhos nila sa inyong kandungan. Sapagkat susukatin kayo sa sukatang ginagamit Ninyo.”
Kapanalig, alam kong lahat sa atin familiar sa keyboard ng cellphone. Araw-araw, ginagamit natin ito, di ba? Sa keyboard, may mga letters, may shift key, may spacebar, may return key, at may delete button. May kinalalaman pala ito sa ating choices sa buhay, at ang karanasan natin ng habag ng Diyos. “Sa paanong paraan, Sister?”, baka sakaling maitanong ninyo. Sa mga letter keys, ito ang mga decisions natin, na nabubuo mula sa mumunting choices nating ginawa. Kapag nabuo natin ang words mula sa mga letters, ito ang nagiging pangyayari sa ating buhay. Ang shift key, ito ang pag-adjust kung kailangan. Ang spacebar key, ito ang wider sa lahat ng keys, para maglagay ng space. Sa paggamit ng space, naglalagay tayo ng puwang, para maaliwalas sa oras ng pag-iisip kung ano ang tama, o mag-refrain muna sa dati nating ginagawa. Ang return key naman, dito nakapagdesisyun ka na. Ito yung punto na handa ka nang mag-move on. Tungkol sa choices. May mga pinipili tayong gawin na nauuwi sa ating sariling pagkalugmok, paghihirap, pagkabagabag, pagkamiserableng buhay. Gusto ba ng ating Diyos na mauwi tayo sa ganitong hapis? Hindi, di ba? Alam natin na maunawain Siya. Kaya, sa delete key na importanteng button para sa ating Panginoon, nakaantabay lang Siya. Hindi Niya agad-agad ito na i-ki-click hangga’t hindi tayo nagpapakumbaba, nagsusuri ng ating budhi, at humihingi ng tawad. At sa oras naman na nagsisisi tayo at nagsusumamo ng habag sa Kanya, buong pagmamahal Niyang ididelete sa Kanyang puso at memory, ang nagawa nating pagkakasala. Sa shift? Mahalagang role natin ito. Ito ang pag-eeffort natin na hindi na gagawin yung dating nagawa nating mali. Pagkakamali ito, na hindi lang iba ang ipinahamak natin, pati na rin ang ating sarili. Sa Shift, may we exert our will power para makagawa tayo sa ikabubuti ng iba. Sa space bar, gawin nating habit ang tumahimik, magnilay, at isiping mabuti ang magiging consequences bago tayo kumilos, bago tayo magsalita. Sa return key. Ito ang pag-move on. Ang paghakbang sa tamang daan. Ito ang pagbabagong buhay na sabik na sabik si Lord na gawin natin. Kaya’t sa next time na gagamit tayo ng ating cellphone, compose words and actions na may mabuting kahihinatnan, mag-shift, take a space, and return to the Lord. Hindi nawawala ang Delete. Si Lord, ang Bukal ng lahat ng awa. Siya na ang bahala dun.