
Sign up to save your podcasts
Or


Bakit Kasalanan sa Diyos ang Maniwala sa Gumagamit ng Okultismo at Dibinasyon? | Episode 18 - 40 Tanong at Sagot Tungkol sa Eksorsismo
Kasama si Fr. Joseph Mendoza, Chief Exorcist - Archdiocese of Lipa
Author: Iadya Mo Kami at Anak ng Pitong Sala (Paulines Publishing House) #PaulinesPH #KatekesisEksorsimo
AVAILABLE ONLINE:
📲IADYA MO KAMI: https://store.paulines.ph/product/iad...
📲ANAK NG PITONG SALA: https://store.paulines.ph/product/ana...
📲IADYA MO KAMI - Lazada: https://www.lazada.com.ph/products/ia...
📲ANAK NG PITONG SALA - Lazada: https://www.lazada.com.ph/products/an...
Mabuting Balita l Marso 10, 2023 – Biyernes
Ikalawang Linggo ng Kuwaresma
Ebanghelyo: Mt 21:33-43, 45-46
Sinabi ni Hesus sa mga Punong-pari at mga Matatanda ng mga Judio: “Makinig kayo sa isa pang halimbawa; May isang may-ari ng bahay na nagtanim ng ubasan, binakuran ang paligid nito, humukay para sa pisaan ng ubas, at nagtayo ng toreng bantayan. Pinaupahan niya ang ubasan sa mga magsasaka at naglakbay sa malayo. Nang malapit na ang panahon ng anihan, pinapunta ng may-ari ang kanyang mga katulong sa mga magsasaka para kubrahin ang kanyang bahagi sa ani. Ngunit sinunggaban ng mga magsasaka ang kanyang mga katulong, binugbog ang isa, pinatay ang iba at binato ang ilan. Nagpadala uli ang may-ari ng marami pang katulong subalit ganoon din ang ginawa ng mga magsasaka sa kanila. Sa bandang huli, ipinadala na rin niya ang kanyang anak sa pag-aakalang ‘Igagalang nila ang aking anak.’ Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang anak, inisip nilang ‘Ito ang tagapagmana. Patayin natin siya at mapapasaatin ang kanyang mana.’ Kaya sinunggaban nila siya, at inilabas sa ubasan at pinatay. Ngayon, pagdating ng may-ari ng ubasan, ano ang gagawin niya sa mga magsasaka?” ‘Hindi niya kaaawaan ang masasamang taong iyon. Pupuksain n’ya ang mga iyon at pauupahan ang ubasan sa ibang magsasakang magbibigay ng kanyang kaparte sa anihan.’” At sumagot si Hesus: “Hindi n’yo ba nabasa sa kasulatan? ‘Naging panulukang bato ang tinanggihan ng mga tagapagtayo. Gawa ito ng Panginoon; at kahanga-hanga ang ating nakita.’ Kaya sinasabi ko sa inyo: aagawin sa inyo ang Kaharian ng Diyos at ibibigay sa isang bayang makapagpapalago nito.” Nang marinig ng mga Punong-pari at mga Pariseo ang mga talinhagang ito, nauunawaan nila na sila ang pinatutungkulan ni Hesus. Huhulihin na sana nila s’ya, ngunit natakot sila sa mga tao na kumikilala sa kanya bilang Propeta.
Pagninilay:
Natatanto ba natin ang magagandang oportunidad na dumarating sa ating buhay? Malamang, kulang ang mga daliri sa ating mga kamay at paa, kung bibilangin natin ang mga ito. Pero higit pa sa pagbibilang, pagyamanin sana natin ang mga pagkakataong ito hindi lang para sa ating ikabubuti, kundi para sa ikabubuti din ng ating kapwa. Nang sa ganun, maging karapat-dapat tayo sa mga kaloob na pagpapala ng Diyos. Ang problema sa atin minsan, katulad tayo ng mga katiwala sa Mabuting Balita ngayon. Nagiging ganid ang ilan sa atin sa mga biyayang ipinagkatiwala lamang sa atin ng Diyos. Mga kapanalig, pinapaalalahanan tayo ng Mabuting Balita na wala tayong pag-aari sa buhay na ito na hindi nagmumula Diyos. Tayo’y pawang mga katiwala lamang nang lahat ng bagay na ipinagkaloob ng Diyos sa atin. Kaya marapat lamang na maging mabubuti tayong katiwala – mapagpakumbaba, matulungin at laging kinikilala ang Diyos bilang pinagmulan ng lahat ng tinatamasa natin ngayon. Nawa’y maging daluyan tayo ng pagpapala ng Diyos, lalo na sa mga kapatid nating nangangailangan. At laging mapagpasalamat sa Diyos sa lahat ng panahon at pagkakataon sa ating buhay.
Ms. Imelda Benitez - Dometita
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
Ano ang Okultismo at Dibinasyon at Bakit Hadlang ang mga Ito sa Buhay-Pananampalataya? | Episode 17 - 40 Tanong at Sagot Tungkol sa Eksorsismo
Kasama si Fr. Joseph Mendoza, Chief Exorcist - Archdiocese of Lipa
Author: Iadya Mo Kami at Anak ng Pitong Sala (Paulines Publishing House) #PaulinesPH #KatekesisEksorsimo
AVAILABLE ONLINE:
📲IADYA MO KAMI: https://store.paulines.ph/product/iad...
📲ANAK NG PITONG SALA: https://store.paulines.ph/product/ana...
📲IADYA MO KAMI - Lazada: https://www.lazada.com.ph/products/ia...
📲ANAK NG PITONG SALA - Lazada: https://www.lazada.com.ph/products/an...
Mabuting Balita l Marso 9, 2023
Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma
Ebanghelyo: Lucas 16:19-31
Sinabi ni Hesus sa mga Pariseo: “May isang mayaman na nakabihis ng magarang damit at pinong linen at parang piesta ang kanyang buhay araw-araw. Nakahandusay naman sa may pintuan n’ya ang isang dukhang nagngangalang Lazaro. Tadtad s’ya ng sugat at gusto sana n’yang kanin ang mumong nahuhulog sa hapag ng mayaman; sa halip ay mga aso ang lumalapit sa kanya at hinihimuran ang kanyang sugat. At namatay ang dukha at dinala s’ya ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay din ang mayaman at inilibing. Nang nasa impiyerno na s’ya tumingala s’ya sa kanyang pagdurusa at natanaw sa malayo si Abraham at si Lazaro sa piling nito. Kaya’t sumigaw siya: 'Amang Abraham, maawa ka sa akin at utusan mo naman si Lazaro na isawsaw n’ya sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at paginhawahin ang aking dila dahil lubha akong naghihirap sa lagablab na ito.' 'Anak, alalahanin mong tinanggap mo na sa buhay mo ang mabuti sa iyo at kay Lazaro naman ang masasama. Kaya s’ya ngayon ang nasa ginhawa at ikaw ang nagdurusa. At isa pa'y malawak na bangin ang hindi matatawid ang itinakda sa pagitan natin. Kaya hindi makatatawid ang mga may gustong pumunta riyan galing dito at hindi rin naman makatatawid ang mula riyan papunta rito.' 'Kaya ipinakikiusap ko sa iyo, Ama, na papuntahin mo si Lazaro sa bahay ng aking ama, kung saan naroon ang lima kong kapatid para babalaan sila upang di sila mapunta sa lugar na ito ng pagdurusa.' 'Nasa kanila si Moises at ang Mga Propeta, makinig sila sa mga ito.' 'Hindi gayon, Amang Abraham; kung isa sa mga patay ang pupunta sa kanila, magsisisi sila.' 'Kung hindi nila pakikinggan si Moises at ang Mga Propeta, hindi pa rin sila maniniwala bumangon man ang isa sa mga patay.'”
Pagninilay:
Tampok ang napakagandang parabola tungkol sa isang mayamang lalaki at kay Lazaro ang ating Mabuting Balita ngayong araw. Tinawag ng Diyos na “hangal” ang mayaman dahil sa isang iglap, hindi ari-arian ang kinuha ng Diyos, kundi oras at buhay niya dito sa mundo. Tinuturuan tayo ng Diyos na talaga namang isang kahangalan ang umasang nakabatay ang ating buhay, reputasyon, at pagkatao sa mga bagay na mayroon tayo. Mahirap maging hangal sa mga bagay na lumilipas, habang nagiging bulag din sa mga pangangailangan ng iba. Kaya nga’t pagdating sa kabilang buhay—nagkaalaman kung sino talaga ang lubhang mahirap—ang mayamang lalaki noong nabubuhay pa siya. Dahil, ang tunay na dukha o mahirap ay yaong mga taong may ninanais pero manananatiling kapos, dahil sa pagkaganid at kaylanma’y hindi mapupunan.
Manalangin tayo:
Panginoon imulat mo nawa kami sa pangangailangan ng aming kapwa upang maging handa kaming tumulong sa abot ng aming makakaya. Matanto nawa namin na ang tunay na kayamanan ay makikita’t malalasap lamang sa iyong kaharian. Hindi materyal na bagay, kundi lubos at ganap na kapayapaan at kagalakan. Amen.
Cl. Vinz Aurellano, SSP / Society of St. Paul
Walking with the Saints Podcast | Feast of St. Frances of Rome, Patron of the motorists and widows l March 9
Our saint for today is the patron of motorists and widows. She is known as St. Frances of Rome, born in the Eternal city in 1384 to a wealthy and aristocratic family. When she was eleven years old, she wanted to become a nun but her family objected. Instead, the following year, age twelve, she was given in marriage to a commander of the papal troops in Rome, who was coming from an extremely wealthy family. Her marriage was a happy one and lasted for forty years. Frances was a model wife. Her husband revered and adored her, her servants admired and obeyed her and her children loved her. She performed her role as wife and mother with great love and fidelity. Added to this, she was very generous and kind to the poor around her. Although she had many servants, she did not entrust to them the work for the poor. She herself made contacts with them, visiting their homes and bringing them what they needed.
After the death of Frances’ mother-in-law, she became the mistress of the household. Frances’ husband favored her charitable works and allowed her to walk the streets of Rome to meet the poor. But her father-in-law feared that there would not be enough provisions for the family since Frances was distributing them to the needy. So, one day he took the keys of the supply room from Frances, but soon he gave them back when he discovered that after the prayer of Frances, the supplies had been replenished. Under Frances’ care, the family was happy and peaceful. But after a few years a great plague swept across Italy. It struck Rome and its inhabitants, and the second son of Frances died. The suffering was so great. Many were hungry and sick. To alleviate the situation, Frances sold her possessions and gave whatever the sick might need. Frances’ sister-in-law shared her holy dispositions towards the poor so when all resources had been exhausted, the two of them went begging from door to door. A bit later, Frances opened a part of her house as a hospital. She also drove her wagon to gather woods for fire and herbs for medicine. Many sick died and unfortunately, Frances’ daughter also died.
It is recorded in the Catholic Encyclopedia that with the consent of her husband, the couple practiced continence in the later part of their life. She was admirably humble, obedient, patient and detached from the things of the world. Fortunately, Frances had more time for prayer and advanced contemplation. She had the gift of miracles and ecstasy, and a bodily vision of her guardian angel, had revelations concerning Purgatory and Hell and foretold the end of the Schism in Rome. She could read consciences and detect diabolical plots. In order to help those who could not follow the vowed life in community, but are eager to answer the needs of society, she founded the Olivetan Oblates of Mary, a confraternity of pious women, under the guidance of the Olivetan monks of the Abbey of Santa Maria Nova in Rome. In 1433, she established a monastery to allow common life for such members but it remained the only house of the Institute. It was approved as a religious congregation with private vows by Pope Eugen IV. It became known as the Oblates of St. Frances of Rome. Frances herself remained at home nursing her husband for the last seven years of his life from wounds he received in battle. After his death, Frances transferred into the monastery and became its superior. Frances died on March 9, 1440, was canonized in 1608 by Pope Paul V. In 1925, Pope Pius XI declared her patron saint of automobile drivers because of story that an angel used to light the road before her with a lantern whenever she travelled. Within the Benedictine Order, she is honored as patron saint of all oblates. She is also patron saint of all widows. Santa Maria Nova is now called the Church of St. France.
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
Maari Bang Makadalo sa Eksorsismo ang Sinumang Tao na Interesado? | Episode 16 - 40 Tanong at Sagot Tungkol sa Eksorsismo
Kasama si Fr. Joseph Mendoza, Chief Exorcist - Archdiocese of Lipa
Author: Iadya Mo Kami at Anak ng Pitong Sala (Paulines Publishing House)
#PaulinesPH #KatekesisEksorsimo
AVAILABLE ONLINE:
📲IADYA MO KAMI: https://store.paulines.ph/product/iad...
📲ANAK NG PITONG SALA: https://store.paulines.ph/product/ana...
📲IADYA MO KAMI - Lazada: https://www.lazada.com.ph/products/ia...
📲ANAK NG PITONG SALA - Lazada: https://www.lazada.com.ph/products/an...
Mabuting Balita l Marso 8, 2023
Miyerkules sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma
Ebanghelyo: Mateo 20:17-28
Nang umakyat si Hesus sa Jerusalem, isinama niya ang Labindalawa. At habang nasa daan ay sinabi n’ya sa kanila, “Papunta na tayo sa Jerusalem. Doon ibibigay ang Anak ng Tao sa mga punong pari at mga guro ng Batas na maghahatol sa kanyang kamatayan. Kaya ibibigay nila s’ya sa mga pagano para pagtawanan, hagupitin at ipako sa krus; ngunit babangon s’ya sa ikatlong araw.” Lumapit noon kay Hesus ang ina nina Jaime at Juan, kasama ang dalawa niyang anak at lumuhod sa harap n’ya para makiusap. Tinanong s’ya ni Hesus, “Ano ang ibig mo?” “Narito ang dalawa kong anak, iutos mong maupo ang isa sa iyong kanan at ang isa naman sa iyong kaliwa sa iyong kaharian.” “Hindi n’yo alam ang inyong hinihingi, maiinom n’yo ba ang kalis na iinumin ko?” “Kaya namin.” “Totoong iinom din kayo sa aking kalis ngunit wala sa akin ang pagpapaupo sa aking kanan o kaliwa para iyon sa mga hinirang ng Ama.” Nang marinig ito ng sampu, nagalit sila sa magkapatid. Kaya tinawag sila ni Hesus at sinabi, “Alam n’yo na sinusupil ng mga naghahari ang kanilang mga bansa at inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Hindi ganito sa inyo. Ang may gustong maging dakila, s’ya ang maging lingkod n’yo. Ang may gustong mauna sa inyo, s’ya ang maging alipin n’yo. Gayundin naman dumating ang Anak ng Tao hindi para paglingkuran kundi para maglingkod at ibigay ang kanyang buhay bilang pagtubos sa marami.”
Pagninilay:
Mga kapanalig, malaki ang kaibahan ng pangako at pagtupad sa salita. Mas malimit kasi napapako ang pangakong madali nating binibitawan. Kaya sa tanong ni Jesus kung kaya ng dalawang alagad na sumama sa Kanya hanggang sa paghihirap, agad-agad silang tumugon, na kaya nila. Pero nang dumating ang oras na tinutukoy ni Jesus, iniwan Siyang mag-isa ng Kanyang mga alagad. Maging si Pedro na nagsabing hinding-hindi niya iiwan si Jesus, mamatay man siya, puro salita lang pala at kulang sa gawa. Kaya mga kapanalig, huwag tayong panghinaan ng loob kung may mga pagkakataong hindi natin matupad ang ating mga ipinangako. Hindi tayo nag-iisa sa kahinaang ito, dahil kasama natin ang mga unang alagad ng Panginoon. Pero kahit naiintindihan tayo ni Jesus kung paminsan hindi tayo nakatutupad sa ating pangako, huwag naman sana tayong masanay at manatili sa ganitong kahinaan, dahil ang relasyon naman natin sa kapwa ang maapektuhan. Kung lagi tayong papalya sa pagtupad ng ating mga pangako, mawawalan tayo ng credibilidad at hindi na magiging kapani-paniwala ang ating sasabihin.
Sr. Lines Salazar, fsp / Daughters of St. Paul
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
From the publisher's feed