
Sign up to save your podcasts
Or


You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
Mabuting Balita l Disyembre 22, 2022 – Huwebes
Ika - 4 na Linggo ng Adbiyento
Ebanghelyo: Lucas 1:46-56
Sinabi ni Maria: dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang balewalang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Dakila nga ang ginawa sa akin ng May kapangyarihan, banal ang kanyang pangalan. Patuloy ang kanyang awa sa mga sali’t salinlahi. para sa mga may pitagan sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, Ipinagtabuyan ang mga taong may mapagmataas na balak. Pinatalsik niya sa luklukan ang mga may kapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom, at itinaboy namang walang-wala ang mga mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, Inaalala ang kanyang awa sa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, Kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailan man.” Mga tatlong buwan nanatili si Maria kasama ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay.
Pagninilay:
Bahagi ng Paskong Pilipino ang masasayang salu-salo o pagtitipon ng pamilya, ng magkakaibigan, at magkakasama sa trabaho, lalo’t higit nabawasan na ang Pandemic restrictions ngayon. At dahil hindi nakapagdiwang ng Pasko nang face-to-face sa mga nakaraang taon, babawi sa pagdiriwang dahil namiss ang isa't isa. Nandyan ang sunud-sunod na handaan, kabi-kabilaan na Christmas parties at kainan. Ang iba marahil ay busug na busog na; nagsasabi, suko na, o konti na lamang kakainin sa Noche Buena o Media Noche! Sa Magnificat, nagpupuri at nagpapasasalamat sa Diyos si Maria sa kamangha-manghang pagpapala at pagtupad ng Diyos sa kanyang pangako sa kanyang bayan. Alam ng Diyos kung ano ang higit na mabuti at nararapat sa kanyang mga minamahal na anak kaya naman sa halip na pagkain lamang ang ipambubusog ng Diyos, higit pa roon ang ibinibigay niya sa atin (cf. Lk 1:53). Tunay na hindi lamang tayo sa tinapay nabubuhay, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos (cf. Mt 4:4; Lc 4:4). Hindi lamang materyal na bagay tulad ng pagkain ang bumubusog sa tao o kaya pera o Christmas bonus, 13th/14th month pay ang nagpapasaya sa atin—nariyan ang pag-ibig, kagalakan, kapanatagan o kapayapaan ng kalooban, kapatawaran. Ngayong Pasko, nawa mabusog hindi lamang ang ating tiyan, kundi mabusog ang puso o kalooban sa tunay na diwa ng Pasko—ang presensya mismo ng Diyos, ang presensya natin sa bawat isa. – Fr. Angelo Paolo Asprer, SSP | Society of St. Paul
Mabuting Balita l Disyembre 21, 2022 – Miyerkules
Ika - 4 na Linggo ng Adbiyento
Ebanghelyo: Lucas 1:39-45
Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa mga kababaihan. Pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan! Sino nga ba naman ako't naparito sa akin ang ina ng aking Panginoon? Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan. Pinagpala ang naniniwalang magaganap ang mga sinabi sa kanya ng Panginoon.”
Pagninilay:
Ang pagninilay na ating mapapakinggan ngayon ay isinulat ni Dr. Edwin Aspra.
“Pinagpala ang tao na sa Diyos ay mayroong Pananampalataya.” Nakatuon ang pagninilay na ito sa dakilang ina ni SanJuan na si Santa Isabel, at tatlo ang punto na nais kong pagtuunan ng pansin. Una, ang kagalakan ni Santa Isabel sa pagbisita ni Maria sa kanya. Tanong ko sa aking sarili sa pagkikitang ito: 1. Bakit nabalot ng kagalakan si Isabel? 2. Bakit lumundag sa galak ang sanggol sa kanyang sinapupunan? 3. Bakit kaya nag-uumapaw sa pagpupuri niya si Maria? 4. Bakit siya napuno ng Espiritu Santo? “Ayon sa Ebanghelyo, Nang marinig ni Isabel ang pagbati ni Maria lumundag sa tuwa ang sanggol sa kanyang sinapupunan at siya ay napuno ng Espiritu Santo. At sa kanyang kagalakan kanyang pinuri si Maria. Inisip ko na ang nag-uumapaw na kagalakan ni Isabel sa pagbisita ni Maria ay dahil sa kanyang mapagkumbabang pagmamahal dito. Respeto na hindi hinihingi o inaasahan ng minamahal. Nasa pagkatao at wala sa uri ng tao naka-ugat ang elemento ng respeto, ang mapagkumbabang pagmamahal. Ikalawang punto, ang kababaang loob ni Isabel. Ang tanong ni Isabel, Sino ako para bisitahin ng Ina ng aking Panginoon? Sa tanong na ito nasasalamin ang kababaang loob ni Isabel. At para sa akin hindi kailangan ang sagot sa ganitong tanong sapagkat ang mismong sagot ay nakikita sa kahalagahan ng kababaan loob na napapaloob sa tanong at sa kadakilaan ng puso ni Maria na naramdaman ni Isabel. Ikatlong punto, ay ang konsepto ng pananampalataya ni Isabel. Dalawa ang elemento ang konsepto ng kanyang pananampalataya. Una ang pagtanggap, sumunod angkasunuran. Ito ang dahilan kung bakit niya sinabi kay Maria na pinagpala siya dahil tinanggap nya ang imbetasyon ng Panginoon at sumunod sa plano Nito. Para sa akin, faith in God without full acceptance of his words is empty and without complete obedience to God’s word is a blind obedience. Ang pananampalataya sa Diyos ay kelangang buong pag-aalay ng sarili at ang seryosong pagsunod at may malayang pagtugon. Ipinahayag ito ng ating Mahal na Ina Birheng Maria. Kaya naisakatuparan ang plano ng Diyos, ang Salita ay nagkatawang tao at nakipamuhay kasama natin. Amen.
- Dr. Edwin Aspra | Professor, St. Paul Seminary
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
Mabuting Balita l Disyembre 20, 2022 – Martes
Ika - 4 na Linggo ng Adbiyento
Ebanghelyo: Lucas 1:26-38
Sa ikaanim na buwan, isinugo ng Diyos ang Anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea na tinatawag na Nazaret. Sinugo ito sa isang birhen na ipinagkasundo na sa isang lalaking nagngangalang Jose mula sa sambahayan ni David; at Maria naman ang pangalan ng Birhen. Pumasok ang anghel at sinabi sa kanya: “Matuwa ka, O puspos ng grasya sumasaiyo ang Panginoon.” Nabagabag naman si Maria dahil sa pananalitang ito at pinagwari kung ano ang pagbating ito. At sinabi ng Anghel sa kanya: “Huwag kang matakot, Maria, dahil may magandang niloloob ang Diyos para sa iyo. At ngayo'y maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na pangangalanan mong Hesus. Magiging dakila siya at tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan, at ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang ninunong si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailaman; talaga ngang walang katapusan ang kanyang paghahari.” “Paanong mangyayari ito gayong hindi ako ginagalaw ng lalaki?” “Papanaog sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya magiging banal ang isisilang at tatawaging Anak ng Diyos. At nagdalantao naman ngayon ang pinsan mong si Elizabeth sa kabila ng kanyang katandaan, at nasa ikaanim na buwan na siyang itinuturing na baog. Wala ngang imposible sa Diyos.” “Narito ang utusan ng Panginoon, mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng Anghel
Pagninilay:
Tinatawag na Missa Aurea o Ginituang Misa ang ating pagdiriwang sa araw na ito. Dahil sa ipinapahayag ng ating Ebanghelyo ang pagtangap ni Maria sa ipinahayag sa kanya ni San Gabriel. Sa pagtugon ni Maria sa paanyaya ng Diyos na maging in ani Hesus naisakatuparan ang planong kaligtasan. Kaya itinuturing nating modelo si Maria ng pagtugon sa Diyos. Subalit ano ang ating maaring maging pagninilay sa misteryong ito ng pagbabalita ng Anghel ng Diyos kay Maria? Una, maaring dumating ang pagtawag o ang paanyaya ng Diyos sa gitna na pangakaraniwan. Marahil ay tila isang normal na araw lang ito kay Maria. Inaasahan niyang sumikat at lulubog ang araw tulad ng bawat lumilipas na araw ng ating buhay kasama ng kanyang pangkaraniwang plano. Subalit sa pagkakataon na yun, niloob ng Diyos na pumasok at maka-isa tayo sa kanyang pagkakatawang tao. Subalit kinakailangan ng Diyos ang ating pagtugon upang maganap ang lahat ng ito at maging kaisa sa kanyang plano. Pangalawa, magkaroon nawa tayo ng lakas ng loob upang tumugon sa paanyaya sa ating ng Diyos. Marahil ay hindi lubos na nauunawaan ni Maria ang ipinahayag ng Anghel. Subalit buong tapang at bukas loob niyang tinanggap ito. Nagtiwala ng lubusan si Maria sa Diyos. Kaya nga sinasabi natin na ang kalakasan ng loob ay nakikita hindi sa ating katatagan kundi sa pagtitwala sa Diyos. - Fr. Keiv Aires Dimatatac, SSP | Society of St. Paul
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
ST. PETER CANISIUS l PATRON OF THE CATHOLIC PRESS, GERMANY
Feast Day: December 21
The first words of the “Hail Mary” came from the greeting of the Archangel Gabriel to Mary at the Annunciation and the greeting of Elizabeth at Mary’s visit to her. Then the name Jesus was added to identify the “fruit of her womb.” Our saint for today, St. Peter Canisius, is credited with having added “Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners” in 1555, and the Church concluded it with “now and at the hour of our death.” What a great contribution did St. Peter Canisius give to our Marian prayer! How he loved to pray the Hail Mary! St. Peter was a renowned Jesuit Catholic priest. He was born in 1521 in Nijmegen, Netherlands. He studied at the University of Cologne, earning a master’s degree at the age of 19 in 1540. There, he met Fr. Peter Faber, one of the founders of the Society of Jesus, and through him Peter Canisius joined the Jesuits in 1543. He became a very influential preacher of his time, debated and taught in German-speaking Jesuit colleges. In 1562, he founded a college which became the University of Innsbruck. Because of his accomplishments and the many difficulties, he encountered in this mission, he became known as the ‘Second Apostle of Germany,” St. Boniface, being the First. During his time, Protestantism had progressed well in Germany since many intellectuals adopted it, thus Catholicism seemed to be the religion of the ignorant. Peter’s work was very tiresome and dangerous. He taught in the colleges, preached in the city and the neighboring towns and debated. By his debates, Peter showed that the Protestants were mistaken in their belief. Peter became known for his strong support of Catholicism in Germany, Austria, Bohemia, Moravia, Switzerland and the British Isles. The restoration of the Catholic faith in these countries is largely attributed to the Jesuits led by Peter. His lasting contribution were his three catechisms which he published in Latin and German which became very popular. They were translated into almost every language in Europe. Poland had also become largely Protestant. Thanks to Peter and the other Jesuits, it turned back to the Catholic Church and continues to sustain its faith until this modern era. Having a special devotion to the Virgin Mother of God, he explained that the Hail Mary is the basis of Catholic Marian piety. He wrote Marian books and promoted the sodalities of Our Lady and the Rosary associations. He defended Catholic Mariology and traced the historical document of Mary’s perpetual virginity. He explained the dogma of “Mother of God” and her freedom from sin. He justifies the devotion to Mary in the Catholic Church. When Peter left Germany, the Society of Jesus in the country had already become a large group and a powerful band to refute Protestantism. He spent the last twenty years of his life in Fribourg where he founded the Jesuit College Saint-Michel, a famous university for career education. When he was 70 years old, Peter suffered a stroke which left him partially paralyzed but he continued to preach and write with the aid of a secretary until his death on December 21, 1597 at Fribourg, Switzerland. He was initially buried at the Church of St. Nicholas. His remains were later transferred to the church of the Jesuit College, which he had founded. He was canonized by Pope Pius XI on May 21, 1925 and was proclaimed as a Doctor of the Church.
Mabuting Balita l Disyembre 19, 2022 - Lunes
Ika - 4 na Linggo ng Adbiyento
Ebanghelyo: Lucas 1:5-25
Sa kapanahunan ni Herodes na hari ng Judea, may isang paring nagngangalang Zacarias, mula sa pangkat ni Abias. Mula rin sa lahi ni Aaron ang kanyang asawa na Elizabeth ang pangalan. Kapuwa sila matuwid sa harap ng Diyos at namumuhay nang walang kapintasan ayon sa lahat ng Batas at Kautusan ng Panginoon. Ngunit wala silang anak dahil baog si Elizabeth at kapwa matanda na sila. Minsan, habang naglilingkod si Zacarias sa harap ng Diyos nang turno pa ng kanyang pangkat. Nagpalabunutan sila ayon sa kaugalian ng kaparian at s’ya ang napiling pumasok sa Santuwaryo ng Panginoon para magsunog ng insenso. Kaya sa oras ng pag-aalay ng insenso habang nanalangin ang buong bayan sa labas, napakita sa kanya ang Anghel ng Panginoon, nakatayo sa gawing kanan ng altar ng insenso. Naligalig si Zacarias at sinidlan ng takot pagkakita rito. Ngunit sinabi sa kanya ng Angel: “Huwag kang matakot, Zacarias; dininig na ang iyong panalangin. Ipanganganak sa iyo ng asawa mong si Elizabeth ang isang anak na lalaki, at pangangalanan mo siyang Juan. Magiging maligaya at tuwa mo s’ya. At marami rin ang magagalak dahil sa kanyang pagsilang. Magiging dakila nga s’ya sa harap ng Panginoon. Hindi s’ya iinom ng alak ng ubas o ng butil at mapupuspos s’ya ng Espiritu Santo mula sa sinapupunan ng kanyng ina. Panunumbalikin n’ya ang maraming anak ng Israel sa Panginoong kanilang Diyos. Mangunguna s’ya sa kanya taglay ang diwa at kapangyarihan ni Elias para papagkasunduin ang mga magulang at mga anak at ibalik ang mga masuwayin sa pag-unawang bagay sa makatarungan upang maihanda ang isang bayang angkop sa Panginoon.” Sinabi naman ni Zacarias sa Anghel: “Paano ko ito matitiyak? Matanda na nga ako at may katandaan na rin ang aking asawa.” “Ako si Gabriel na nasa harap ng Diyos. Ako ang sinugo sa ‘yo para kausapin ka at ihatid ang magandang balitang ito. Matutupad sa takdang panahon ang aking mga salita; ngunit ikaw na di naniniwala ay maging pipi at di makapagsasalita hanggang sa araw na mangyari ang mga ito.” Naghihintay naman kay Zacarias ang bayan at nagtataka sa pagtatagal n’ya sa loob ng Santuwaryo. Nang lumabas s’ya hindi na s’ya makapagsalita kaya nalaman nila nakakita s’ya ng isang pangitain sa loob ng Santuwaryo. Sumisenyas na lamang s’ya sa kanila at nanatiling pipi. Nang matapos na ang panahon ng kanyang paglilingkod, umuwi si Zacarias. At pagkaraan ng mga araw, nagdalantao ang asawa niyang si Elizabeth ngunit limang buwan itong hindi lumalabas ng bahay at sinabi: “Ganito ang ginawa ng Panginoon na nagpasiyang alisin ang kahihiyan ko sa paningin ng mga tao.”
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
Mabuting Balita l Disyembre 18, 2022 – Linggo
Ika - 4 na Linggo ng Adbiyento
Ebanghelyo: Mateo 1:18-24
Ito ang pangyayaring napapaloob sa kapanganakan ni Hesukristo, ipinagkasundo na kay Jose ang kanyang inang si Maria pero bago sila nagsama bilang mag-asawa, nagdadalantao na siya gawa ng Espiritu Santo. Kaya binalak ni Jose na hiwalayan nang lihim ang kanyang asawa. Matuwid nga siya at ayaw niya itong mapahiya. Habang iniisip-isip niya ito, nagpakita sa kanya sa panaginip ang Anghel ng Panginoon at sinabi: “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tanggapin si Maria bilang iyong asawa. Gawa ng Espiritu Santo kaya siya naglihi, at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki, na pangangalanganan mong Hesus sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang sambayanan mula sa kanilang mga kasalanan.” Nangyari ang lahat ng ito para matupad ang sinabi nga Panginoon sa pamamagitan ng propeta. “Maglilihi ang birhen at mag sisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin nila siyang Emmanuel na ibig sabihin nasa atin ang Diyos”. Kaya pagkagising ni Jose, ginawa niya ang sinabi ng Anghel ng Panginoon at tinanggap niya ang kanyang asawa.
Pagninilay:
Habang papalapit ang Pasko ng pagsilang ng sanggol na si Hesus, nagbabalik-tanaw tayo sa mga pangyayaring naganap bago siya iluwal ni Maria sa sabsaban ng Betlehem. Araw-araw humaharap sa atin ang iba’t ibang mga taong pinili ng Diyos at binigyan ng papel para ihanda ang pagdating ng Manunubos. Napakinggan natin ang tungkol sa mga ninuno ni Hesus at kung paanong bahagi silang lahat ng isang malaking pamilya ni Hesus. Maririnig din natin si Juan Bautista, ang Inang Maria at ang mag-asawang Zacarias at Elisabet. Sa Linggong ito, kasama natin si Jose na kasintahan ni Maria. Mula siya sa lipi ni Haring David at pagiging karpintero ang kanyang ikinabubuhay. Ayon sa ebanghelyo, isang “taong matuwid” si Jose. Naipagkasundo na sa kanya si Maria para maging kabiyak ng kanyang puso ngunit nagging malaking palaisipan para kay Jose kung bakit nagdadalang-tao si Maria gayong hindi pa naman sila nagsasama bilang ma-asawa. Ang pagiging “matuwid” ni Jose ay makikita sa kanyang tapat na pagsunod sa batas ng mga Judio. Maari niyang kondenahin si Maria ng pangangalunya. Kung magkagayon, papatawan si Maria ng pambabato hanggang magkalasog-lasog ito at mamatay. Ngunit isang taong nakikinig sa Diyos si Jose kaya’t hindi siya padalos-dalos sa pagdedesisyon. Ipinasya niyang tahimik na hiwalayan si Maria para hindi ito malagay sa kahihiyan. Ngunit sa panaginip kinausap si Jose ng anghel ng Diyos. Tiniyak sa kanyang ang sanggol ay mula sa Diyos, ang bata ay binigyan ng pangalang “Hesus” sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kasalanan. Kung tutularan natin si Jose na taimtim na naghanap sa kalooban ng Diyos, hahantong din tayo sa desisyon sa buhay na puno ng kapayapaan. Kung nalampasan man ni Jose ang mabigat na pagsubok na ito sa kanyang buhay, ito’y sapagkat palagi niyang sinunod, hindi ang sarili niyang kagustuhan, kundi ang kalooban ng Diyos.Pagsapit ng Pasko, habang pagmamasdan natin ang bagong silang na sanggol na dinadalaw ng mga anghel at mga pastol, habang nagniningning ang mga bituin sa kalawakan at masarap ang ating pakiramdam, maalala sana natin si Jose kasama ang ilang mga taong pinili ng Diyos na itaya ang sarili, pumasok sa masalimuot na mga pangyayari, habang patuloy na nagtiwala sa pag-iingat ng Diyos.
- Fr. Paul Marquez, SSP | Society of St. Paul
From the publisher's feed