
Sign up to save your podcasts
Or


You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
A Christmas Countdown | Word and Songs
with Sr. Amelyne Paglinawan, fsp
Christmas is a season where everyone says to be jolly yet always falls victim to follies. Celebrations, reunions, festivities, and love are among the themes that float around universally once the season comes around almost universally. However, for this particular episode, let’s delve in further with its significance, faith, and how they intertwine with our existence and perception of the world around us.
We live in a world that constantly pushes us to break our bones, especially in the country that we live in. Yearly, the holiday festivities are the only reprieve Filipinos get upon layers and layers of misery. Yet, still, here we are, choosing pain and suffering as passed on by the elders; romanticizing the blood, sweat, and tears we let out for a semblance of normalcy and achievement.
Once the body is battered, the mind shall be muddled, the heart numbed, and ignorance becomes a strength. Connection with the divine through our inner temples becomes sparse; the majority of us become nothing but impressionable minds that are waiting to be filled with the highly curated reality a few schemed it to be.
Christmas is a gentle reminder of the new covenant, the birth of Christ, and the compassionate world we are now entitled to live in, yet it was warped into something far from that. Just like all festivities – religious and otherwise, in the Filipino household, Christmas became an arena for greed, pride, and self-serving ideals. The noises of the industrialized metro drown out the yearnings of the genuine soul.
There is a tendency to cling onto the loudest of voices, the loudest of noises, that it is easy to get carried away when the enticement of evil appears, masking under the guise of sweet scriptures, it is easy to choose the ease it offers. When gullibility and pride combine, freedom becomes slavery. By then, freeing one’s self becomes tedious, too far-fetched, and downright exhausting. Still, we continue choosing it, for it is easy, loud, obvious, and familiar. Amidst a city of muck, murkier waters are the obvious and easiest choice. More often than not, we are offered an opportunity towards liberty, yet with the fog clouding our hearts, it is usually a chore finding that option.
Mabuting Balita l Disyembre 17, 2022 – Sabado
Ikatlong Linggo ng Adbiyento
Ebanghelyo: Mateo 1: 1-17
Ito ang libro ng pinagmulan ni Hesukristo, anak ni David at anak ni Abraham. Si Abraham ang anak ni Isaac, si Isaac ang ama ni Jacob, si Jacob ang ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid. " Si Juda na ama ni Fares at Zara. Si Tamar ang kanilang ina; Si Fares ang ama ni Esrom, at si Esrom ni Aram, si Aram naman ang Ama ni Aminadab, si Aminadab ni Naason, si Naason ni Salmon, si Salmon ang ama ni Boaz at si Rahab naman ang kanyang ina; si Boaz ang ama ni Obed. Si Ruth ang kanyang ina; si obed naman ang ama ni Jesse. Si Jesse ang ama ni Rehoboam na ama ni Abia, at sumunod naman ang mga haring sina Asa, Yosafat, Yoram, Ocias, Yoatan, Ahaz, Ezekias, Manases, Amon at Yosias. Si Yosias ang ama ni Yekonias at ng kanyang mga kapatid, sa panahon ng pagkatapon sa Babilonia. Pagkatapos naman ng pagkatapon sa Babilonia-si Yekonias ang ama ni Salatiel na ama ni Zorobabel. Si Zorobabel ang ama ni Abiud, si Abiud ni Eliakim, at si Eliakim ni Azor. Si Azor ang ama ni Sadok, si Sadok ni Akim, at si Akim ni Eliud. Si Eliud ang ama ni Eleazar, si Eleazar ni Matan at si Matan ni Jacob. Si Jacob naman ang ama ni Jose, ang asawa ni Maria na siyang pinagmulan ni Hesus na tinawag na Kristo. Kaya may labing-apat na salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David sa pagkatapon sa Babilonia at labing-apat din hanggang sa Kristo.
Pagninilay:
Kadalasan kung tinatanong ang mga kontestant sa palaro kung bakit nais manalo ang sagot ay para makatulong sa pamilya. Ang mga bata lalo na yong mga naghihirap matustusan ang pag-aaral kapag tinanong mo bakit sila nagsisikap na makatapos, ang sagot para po makatulong sa pamilya. Tunay na mahalaga sa atin ang pamilya. Sa pagbasa ngayon ipinakita ang mahabang listahan ng angkan na pinagmulan ni Hesus. Upang maging tao itinulot ng Diyos Ama na ang Kanyang bugtong na Anak ay isilang at makipamuhay mula sa isang pamilya. Sa pamilya, mahalaga ang papel ng isang Ina. Tulad sa pagbasang narinig natin ang pangalan ng mga babaeng kabilang sa angkan ni Hesus ay binaggit din. Sila man ay binigyang halaga, bahagi ng ating kaligtasan. Ikaw? May pagpapahalaga ba sa iyong pamilya?
Manalangin tayo:
Panginoon, salamat po sa pamilyang kaloob mo po sa akin. Salamat po sa lahat ng biyayang patuloy mo ibinibigay sa amin. Patuloy mo po kaming gabayan at pagpalain. Amen.
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
Mabuting Balita l Disyembre 16, 2022 – Biyernes
Ikatlong Linggo ng Adbiyento
Ebanghelyo: Juan 5: 33-36
“Nagsugo rin kayo kay Juan at binigyang-patotoo niya ang katotohanan. Ipinaaalala ko ito dahil sa inyo para maligtas kayo, ngunit hindi ko hangad ang patotoong mula sa tao. Isa nga s’yang ilaw na may sindi at nagningning, at ginusto ninyong magalak pansamantala sa kanyang liwanag. May patotoo naman ako na higit pa kaysa kay Juan – ang mga gawang ibinigay sa akin ng Ama upang tuparin ko ang mga iyon. Ang mga gawang ginagawa ko ay nagpapatotoo na sinugo ako ng Ama.”
Pagninilay:
Hindi ba nakakapagod ang pasko, siguro sigaw ng mga bata “Hindi”. Actually, hindi nga lang yon mga bata, pero lahat ng mga Pilipino ang hindi sasang-ayon sa sentimentong iyon, mga Pinoy pa ba? Wala na atang bansa na mas inlove sa kapaskuhan kaysa sa atin, pero marami man tayong dahilan para magalak, ma-excite at matakam sa kapaskuhan, kailangan din nating tumigil, manahimik at tanungin ang ating mga sarili. Para saan ba ang lahat ng ito? Mahirap kasi yong inulit- ulit natin ang pagdiriwang, todo bigay at effort-na-effort tayo sa mga pampaskong ganap, pero hindi malinaw kung ano ang patutunguhan o ano ang dapat maging dulot nito para sa atin. Ganitong-ganito siguro ang nararamdaman ni Hesus sa ating ebanghelyo ngayong araw. Kausap naman niya ang mga lider ng mga hudyo na tila ayaw maniwala sa kanya at sa Mabuting Balita. Tugon ni Hesus sa kanila: “Nariyan una ang testimonya ng mga propeta at isa sa kanila ay inyong nakilala at nadinig, si Juan Bautista.” Si Juan ay maituturing nating tunay na liwanag na gumagabay tungo sa katotohanan dahil siya ay naging tapat sa tawag at mensahe ng Diyos na ipinadaan para sa kanya. At ako si Hesus, ang pinagtutungkulan sa lahat ng mga propetang ito. Idagdag nyo riyan. Ikalawa ang testimonya ng aking mga gawa at milagro, sa puso at isip ay bukas, mapagkumbaba. Ang lahat ng ito ay malinaw na tanda at patotoo tungkol sa kung sino ako at sino ang nagsugo sa akin? Pero, mga kapatid alam naman natin ang ending ng kwentong ito, hindi ba? Ilang beses nagsalita, gumawa at nagpatotoo si Hesus pero iilan lang ang naging handa para maniwala at sundan siya. Mga kapatid, ngayon ang unang araw ng Simbang gabi, sana tayo ay makiing hindi lamagg sa mga caroling at mga Christmas wish kundi sa salita ng Diyos. Sana tayo ay matuwa at magdiwang hindi lang sa mga regalo at handaan, kundi dahil sa mga gawa at biyaya ng Diyos sa buhay natin, at sa buhay ng ating kapwa. Dahil sa pag inilay sa salita at gawa ng Diyos’lamang natin madarama ang tunay na diwa ng lahat ng ito. Ang regalo ay si Hesus, ang dala niya ay kaligtasan at kabuluhan sa ating buhay. Magsaya tayo, magkantahan, magka-inan at magdiwang, dahil kay Hesus at para kay Hesus.
– Fr. Albert Garong, SSP | Society of St. Paul
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
Mabuting Balita l Disyembre 15, 2022 – Huwebes
Ikatlong Linggo ng Adbiyento
Ebanghelyo: Lucas 7:24-30
Nang makaalis na ang mga sugo ni Juan, nagsimulang magsalita si Hesus sa mga tao tungkol kay Juan: “Ano ang pinuntahan ninyo sa disyerto para makita, isang kawayang hinahampas-hampas ng hangin? Ano ang pinuntahan ninyo? Isang lalaking magara ang bihis? Nasa mga palasyo nga ang mga taong magagara ang bihis at napakasarap ang pagkain. Ano nga ba ang pinuntahan ninyo? Isang propeta? Tama, At sinasabi ko sa inyo na higit pa siya sa isang propeta. Siya ang binabanggit sa kasulatan, pinauna ko sayo ang aking mensahero upang ihanda ang daan sa harap mo. Sinasabi ko sa inyo, walang sinuman sa mga kilalang tao ngayon ang mas dakila pa kay Juang taga pagbinyag.” Pero mas dakila sa kanya ang pinakamaliit sa kaharian ng langit. Tumanggap nga ng binyag ni Juan ang lahat taong nakaririnig kay Hesus, pati na ang mga publikano at kinikilala nila ang Diyos. Hinadlangan naman ng mga pariseo at mga guro ng batas ang kalooban ng Diyos sa di nila pag papabinyag kay Juan.
Pagninilay:
Ang naniniwala, tumatanggap at nagsasabuhay sa mga Salita ng Panginoong Jesus ay tumatanggap sa Kanya ng buong puso at tumatanggap din sa nagsugo sa Kanya, ang mapagmahal na Ama.Kapanalig, di ba mahilig tayong magsabing di tayo convinced hanggat di natin napupurbahan ang isang bagay, at maging sa isang tao. Pero paano kung maski na alam na nating tama at nakikita na ng ating dalawang mata, o maski naririnig na ng ating dalawang tenga, di pa rin natin pinaniniwalaan dahil mas nananaig na ang katigasan ng ating puso at kasaraduhan ng ating isip? Parang ganito ang
nangyari sa tagpo ng Poong Jesus at ng mga Pariseo at mga Escriba. Maski narining na nila ang pagparoon ni San Juan Bautista sa kanila upang ihanda sila sa napipintong pagdating ng tunay na Mesias, at upang pangunahan sila na makilala Sya sa takdang araw na pagdating sa kanilang lugar at panahon, nagmatigas pa rin sila kaya nasaraduhan ang kanilang puso at diwa. Kaya nang dumating nga si Jesus sa piling nila, talagang di nila matanggap ang Kanyang mga mabubuting gawa, lalo na ang
Kanyang mga Salitang nagmumula sa Ama at mga katuruang hatid Nya. Samantalang nakikita naman nilang si Jesus ay talaga namang, teaching by example at pagpapala ang tanging dala. Sa panahon natin ngayon, this sounds very familiar. Alam nating ginaguide tayo ng ating Inang Simbahan sa tamang landasin tungo sa makabuluhang lakbay-kristiyano, lalonglalo na sa panahon na tila lamang ang mga di maganda at fake news sa truthful at good news o sa pagkakanyakanya kesa sa
pagtutulungan. Pero parang nasasama na rin tayo sa mga nagbibingibingihan o pagbulagbulagan. Bukas, umpisa na ng Simbang gabi, sana matugunan na natin nang tama ang mga namali nating mga desisyon para hindi naman masayang ang buong pagmamahal na iniukol ng ating Poong Jesus sa bawat isa sa atin, para sa buhay na ganap. Amen!
Mabuting Balita l Disyembre 14, 2022 – Miyerkules
Ikatlong Linggo ng Adbiyento
Ebanghelyo: Lucas 7:19-23
Ibinalita ng mga alagad ni Juan ang lahat ng ito sa kanya kaya tinawag ni Juan ang dalawa sa kanyang mga alagad at sinugo sila sa Panginoon para sabihin sa kanya: “Ikaw na ba ang dumarating o maghihintay pa kami ng iba?” Pagdating ng mga taong iyon kay Hesus, sinabi nila: “Ipinasasabi sa iyo ni Juan Bautista: Ikaw na ba ang dumarating o maghihintay pa kami ng iba?” Nang mga sandali namang iyo’y marami siyang pinagaling sa mga sakit, mga karamdaman at masasamang espiritu, at binigyan niya ng paningin ang mga bulag. Kaya sumagot siya sa kanila: “Bumalik kayo at ibalita kay Juan ang inyong nakita at narinig: nakakikita ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, lumilinis ang mga ketongin at nakaririnig ang mga bingi, at nagigising ang mga patay, may mabuting balitang ipinahahayag sa mga dukha. At napakapalad niyang hindi natitisod dahil sa akin.”
Pagninilay:
“Mapapalad ang mga tao na hindi nag-aalinlangan sa akin!” Ang salita ng Diyos ang ating gabay para tuklasin ang mga kalooban ng Panginoon. Nitong nakaraang araw, ating ipinagdiwang ang kapistahan ng Our Lady of Guadalupe. Nagbibigay-lakas at isang inspirasyon para sa ating lahat ang mensahe ng ating Mahal na Birheng Maria, “Hindi ba’t ako’y naririto, ako na iyong ina? “. Kaya, sa gitna ng maraming hamon sa ating personal na buhay, sa ating pamilya at sa ating bansa, kumapit lang tayo sa Salita ng Diyos at sa tagubilin ng ating Mahal na Ina. Mabuting Balita ito sa ating mga pusong minsan ay nais nang sumuko. Sabi pa nga ni St John of the Cross, “The endurance of darkness is the prepartion of great light.” Nawa, sa ating panalangin ay bigyan natin ng quality time, ang pakikinig sa mensahe na nais ipahayag sa atin, ng Diyos. Hayaan natin siyang manahan sa ating puso, upang sa tulong ng Kanyang grasya, ay maibahagi natin ang liwanag sa aing mga kapatid na nag-aalinlangan at maraming pinagkakaabalahan sa buhay. Ang salita ng Diyos ay naghahatid ng tunay na kapayapaan, ng kagalingan at pagmamahal. Nawa, patuluyin natin si Jesus sa ating puso, iwasan natin ang pag-aalinlangan, dahil Siya, ang ating lakas. AMEN.
- Sr. Divina De Claro, Fsp l Daughters of St. Paul
You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp
This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.
From the publisher's feed