
Sign up to save your podcasts
Or


ST. GREGORY THE GREAT l PATRON OF THE MUSICIANS, STUDENTS AND TEACHERS.
FEAST DAY - SEPTEMBER 3
St. Gregory I was a pope in the 6thcentury and was surnamed The Great due to the many innovations he had done in the Church, some of which are still in practice today. To mention one, we have the Gregorian chant or monophonic plainchant, sang especially in monasteries and convents, which make the celebration more solemn. St. Gregory was born into a wealthy family about the year 540. His father served as a senator and Prefect of Rome and held also a distinguished position in the Church. Gregory was well educated in rhetoric, grammar, literature, sciences, history, dialectic, mathematics and music and imperial law and was known to have excelled in all these. He became a Prefect in Rome, like his father at thirty-three years old. On his father’s death, he converted the family villa into a monastery dedicated to St. Andrew the Apostle. It was rededicated to him after his death. Gregory had a great respect for monastic life and the three vows. His three paternal aunts were religious and his mother was herself saintly.
Pope Pelagius II ordained Gregory a deacon. From 579 to 586 Gregory was his representative to the imperial court of Constantinople and Gregory was part of the Roman delegation to ask for help to fight the Lombards, but they failed to employ their help. He returned to Rome and was elected by acclamation to succeed Pope Pelagius on 590, when the latter died of the plague in the city. Pope Gregory opposed the mistaken belief of Eutychius of Constantinople that the risen body of Jesus could no longer be touched. When, Tiberius II of Constantinople took over, he sided with Gregory. Before his death, Eutychius recanted his mistake. As Pope, Gregory longed for the silence and simplicity of monastic life, yet he was faithful to his duties amidst the upheavals and contradictions around him. Pope Gregory is credited with re-organizing the missions in other parts of Europe, particularly England, which afterwards evangelized Germany and the Netherlands. Giving alms to relieve the poor was also one of his administrative projects. The Church was receiving donations from the wealthy people, so he believed that he was the steward of the Church. He required churchmen and the Christians to give their help to the needy. They not only distributed money, but also food. Gregory also performed many other good and charitable deeds. All these won the hearts of the Romans and ignored the attractive poise of the rival Constantinople. From the time of Gregory the Great to the rise of the Italian nationalism, the papacy was the most influential presence in Italy. A certain deacon, wrote that this pope made a general revision of the liturgy of the “ “Tredentine Mass”, the Traditional Latin Mass, removing, changing and adding what were necessary. Pope Gregory also transferred the praying of the “Our Father” immediately after the Roman Canon and immediately before the Fraction of the consecrated Bread, which is still the practice till our present time. He also established the praying of the Kyries at the beginning of the Mass. He reduced the role of deacons in the Roman Liturgy, giving more precedence to the priests. He was the first to make extensive use of the term “Servant of the Servants of God,” as papal title. He wrote books, sermons and letters and commentaries on the Bible. It is impossible to write about all his works in our limited space. Pope Gregory died in Rome on March 12, 604 at the age of 60. He was declared a saint immediately after his death by popular acclamation. He is the patron of musicians, students and teachers. His feast day is September 3.
St. Gregory the Great, we pray for our Church leaders that they may imitate your life of holiness and dedicated service to the flock of Jesus Christ.”
MABUTING BALITA l SETYEMBRE 4, 2022 – LINGGO
Ika – 23 na LINGGO Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lc 14:25-33
Habang naglalakad ang napakaraming tao na kasama ni Hesus, humarap siya sa kanila at sinabi: “Kung may dumating sa akin na di nagtatakwil sa pag-ibig sa kanyang ama at ina, at asawa at mga anak, at mga kapatid na lalaki at babae, at maging sa kanyang sarili, hindi siya puwedeng maging alagad ko. At hindi puwedeng maging alagad ko ang di nagpapasan ng kanyang krus sa pagsunod sa akin. “At paano kung may magbalak magtayo ng silungan ng bantay sa bukid? Hindi ba’t uupo muna siya at tatantyahin ang gastos para malaman kung may sapat siya para maipatapos iyon? Sapagkat kung mailagay niya ang pundasyon at hindi naman niya iyon maipatapos, pagtatawanan lamang siya ng lahat: ‘Hayan ang nagsimulang magtayo at hindi na maipatapos.’ At paano kung may haring nakikipagharap sa ibang hari? Hindi ba’t uupo muna siya para mag-isip kung kaya niya at ng sampung libong kasama niya na harapin ang dumarating na may dalawampung libo? At kung hindi naman, malayo pa ang isa ay magpapadala na siya ng mga sugo para makipag-areglo. Gayon din sa inyo. Hindi puwedeng maging alagad ko ang di tumatalikod sa lahat sa kanya.”
Pagninilay:
Mukhang mahirap talagang maging alagad ni Hesus ano po. Ang sabi niya sa Ebanghelyo ayon kay San Lukas (14:25-33), kung nais sumunod sa kanya dapat daw kamuhian ang sariling ama at ina, asawa, mga kapatid at kahit na ang sarili. Sino nga ba ang magnanais gawin iyon? Tapos dugtong pa niya dapat daw pasanin ang sariling krus at kalimutan ang mga ari-arian. Sa pagsunod kay Hesus bakit nga ba may dapat kamuhian, pasanin at kalimutan? Ang pagsunod kay Hesus ay ngangailangan ng tunay na transpormasyon. Ang kamuhian ang pamilya ay hamon sa pagyakap ng tunay na pagmamahal para sa kanila, hindi iniisiip lamang ang sarili. Ang pasanin ang krus ay hamon sa pagtanggap ng payapa sa mga di inaasahang pangyayari. Ang kalimutan ang ari-arianay hamon sa pagkilala sa tunay na mahalaga sa buhay. Sa huli ang pagsunod kay Hesus ay ang tularan siya. Ibinigay ang sarili para sa Diyos Ama at sa mga taong minamahal niya. Fr. Norman
Word and Songs: Season of Creation – A Call to Become Responsible Stewards of our Common Home
We enter into the month of September celebrating the World Day of Prayer for the Care of Creation. The World Day of Prayer for the Care of Creation marks the beginning of the Season of Creation, which lasts until October 4th, the feast of St. Francis of Assisi. The theme for this year's Season of Creation is “Listen to the Voice of Creation.”
Have you ever climbed a mountain or watched the sun rise or set? Can you recall the breathtaking experience of seeing the beautiful scenery you wished you could stare at forever? Don’t we just get amazed at the beauty of breaking dawn or the color of the sunset? When we come face to face and perceive the immense beauty of God’s creation, we are captivated by the greatness and the goodness of this God of ours who provides us with a vast panorama of the most spectacular common home for all of us to enjoy! Not even the latest android phone with the best features and highest megapixels can give justice to the actual beauty that is before our eyes. Every representation or photo of creation and nature is but a poor replica of the true beauty that creation holds.
God is indeed the best landscape artist/ who designs our vast natural home and gives us the most beautiful design we can ever imagine in nature. He clothes His creation with the most striking colors, perfect hues, and the most harmonious combination of silence and natural sounds of birds chirping and other animal sounds. Anyone faced with the reality of Mother Earth's beauty will recognize its Maker's greatness and will naturally praise its Creator! This loving God of ours ensures that we wake up each day to a beautiful dawn and accompanies us throughout the day. That is why we naturally break into praise and song when we contemplate the mystifying heavenliness of God’s creation. Everything in the universe declares the glory of God, everything proclaims His handiwork.
Pondering the beauty of God’s creation, we are moved to thank Him for the earth, the universe, and the common home we share with all our brothers and sisters in Christ. It is wonderful to belong to this family of our Father God who has made for us the most amazing home, a foretaste of what is to come in life eternal. As St. Paul reminds us in his letter to the Corinthians (1 Cor. 2:9) “Eye has not seen, nor ear heard, neither have entered into the heart of man, the things which God has prepared for them that love him.” We glimpse the attractiveness of what is in store for us at the end of time from the charming beauty of nature and the creation around us. As He speaks His Word to us, God also calls us through His creation. Aside from His Providence, He has given us a responsibility to be stewards of all His works. Man, being the highest of His creatures, has been entrusted with the responsibility to care for creation, to preserve the goodness and the beauty of the world around us.
MABUTING BALITA l SETYEMBRE 3, 2022 – SABADO
Ika – 22 na LINGGO sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lc 6:1-5
Isang Araw ng Pahinga, naglalakad si Hesus sa bukirin ng trigo. Nangyari na hinimay ng kanyang mga alagad ang mga butil sa pagkiskis sa kanilang mga kamay, at kinain ang mga ito. Sinabi ng ilang Pariseo: “Bakit n’yo ginagawa ang ipinagbabawal sa Araw ng Pahinga?” Ngunit nagsalita si Hesus at sinabi niya sa kanila: “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at kanyang mga kasama? Pumasok siya sa Bahay ng Diyos, kinuha ang tinapay na inihain para sa Diyos, kinain ito at binigyan pa ang kanyang mga kasamahan, gayong bawal itong kainin ninuman liban sa mga pari.” At sinabi pa niya sa kanila: “Panginoon ng Araw ng Pahinga ang Anak ng Tao.”
Pagninilay:
Sagrado ang Araw ng Pahinga para sa mga Judio. Dahil ito ang araw na nagpahinga si Yahweh matapos likhain ang sanlibutan. Itinalaga ang araw na ito upang alalahanin, papurihan, at sambahin si Yahweh. Alam na alam ng mga Pariseo ang mga hindi dapat gawin sa Araw ng Pahinga. Pero alam din kaya nila kung ano naman ang talagang dapat gawin sa Araw ng Pahinga? Sa Mabuting Balitang narinig natin, pinuna ng mga Pariseo ang ginawa ng alagad ni Hesus sa Araw ng Pahinga. Bilang tugon, binanggit ni Hesus ang ginawa ni David at ng Kanyang mga kawal dahil sa gutom. Pumasok sila sa templo at kinain ang tinapay na para lamang sa mga saserdote. Naging isang “exception” sa batas ang kanilang ginawa. Mga kapanalig, ang Araw ng Pahinga ay itinakda para sa tao; at siyempre, higit sa lahat, para sa Diyos. Sa ating mga Katolikong Kristiyano, ang araw ng Linggo ang ating Araw ng Pahinga. Mahalagang araw ito, para makapag-recharge tayo, matapos ang anim na araw ng pagtatrabaho. Mahalagang araw din ito para makasama at makipag-bonding sa ating pamilya. At higit sa lahat, napakahalagang araw ito para sama-samang dumalo sa Banal na Misa ang buong mag-anak upang magpuri at magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang tinanggap natin sa buong linggo. Mahalaga rin na sa Araw ng Pamamahinga, makapaglaan din tayo nang panahon sa personal na pananalangin at pagsusuri ng ating budhi kung paano tayo namuhay sa buong linggo. Nang sa ganun, lumago tayo sa ating pananampalataya sa Panginoon. At maituwid din natin ang ating mga pagkakamali sa nag-daang mga araw. Mga kapanalig, huwag nating balewalain ang Araw ng Pamamahinga dahil mahalaga ito sa ating pisikal at espirituwal na paglago bilang Kristiyanong mananampalataya. Ganundin, isaisip at isapuso natin, na huwag maging makitid ang pag-obserba natin ng Araw ng Pahinga katulad ng mga Pariseo. Kundi dapat itong unawain at isabuhay sa diwa ng tunay na pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.
-SR. LINES SALAZAR, FSP
MABUTING BALITA l SETYEMBRE 2, 2022 – BIYERNES
Ika – 22 na LINGGO sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lc 5:33-39
Sinabi ng mga Pariseo at mga guro ng Batas kay Hesus: “Madalas mag-ayuno at may mga panalangin ang mga alagad ni Juan, at gayon din naman ang mga alagad ng mga Pariseo; kumakain naman at umiinom ang mga iyo.” Kaya sinabi ni Hesus sa kanila: “Hindi ninyo mapag-aayuno ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo, di ba? Ngunit darating ang panahon na aagawin sa kanila ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno.” Sinabi pa ni Hesus sa kanila ang isang talinhaga: “Walang pumuputol ng panagpi mula sa bagong damit at itinatagpi sa lumang damit. Kung hindi’y napupunit na ang bago at hindi pa magiging bagay sa lumang damit ang tagping mula sa bago. At wala ring naglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlan. Kung hindi’y sisirain ng bagong alak ang mga lumang sisidlan kaya matatapon ang alak at masisira pati mga sisidlan. Sa halip ay sa mga bagong sisidlan dapat ilagay ang bagong alak. Hindi naman humihingi ng bagong alak ang umiinom ng luma, sinasabi nga niya: ‘Ang luma ang siyang mabuti.’”
Pagninilay:
Kung titingnan natin sa ating buhay, madalas kung ano ang ating nakasanayan at kinalakihan yun ang ating sinusunod, dahil ito ay mas madali at ito ang mas alam natin. Hindi naman masama ang nakasanayan basta ang nakasanayan ay hindi masama. At hindi magiging masama ang pagsunod sa nakasanayan kung bukas tayo sa kaisipan na pwedeng baguhin kung ano ang nakasanayan. Sa ating ebanghelyo ngayon, ipinapakita kung paano ni Hesus binago ang nakasanayan. Nagulat at nagtanong ang mga Pariseo at mga iilan kung bakit hindi nag-aayuno ang mga taga-sunod ni Hesus samantalang sila at ang mga alagad ni Juan ay nag-aayuno. Mapapansin din natin na sa buhay ni Hesus, maraming mga pagkakataon na hindi sinunod ni Hesus na gawin ang mga bagay-bagay sa kanilang pamamaraan kundi ginawa ito ni Hesus sa kaniyang pamamaraan. Si Hesus bilang katuparan ng batas, ay nagpahayag sa makabagong pamamaraan ngunit hindi siya naiintindihan ng iba dahil nakatuon pa rin sila sa kung ano ang kanilang nakasanayan. Ngayon, tayo ay inaanyayahan na maging bukas sa pagbabago. Hindi porket yun na ang nakasanayanan ay hanggang doon na lamang. Maraming pagkakataon na mas nakakatulong ang makabagong pamamaraan kaysa sa dating nakasanayan.
Sem. Jiggy Joson, Mission Society of the Philippines
MABUTING BALITA l SETYEMBRE 1, 2022 – HUWEBES
Ika – 22 na LINGGO sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lc 5:1-11
Dinagsa si Hesus ng napakaraming taong nakikinig sa Salita ng Diyos at nakatayo naman siya sa baybayin ng Lawa ng Genesaret. Nakita niya noon ang dalawang bangka sa baybay. Kabababa pa lamang ng mga mangingisda mula sa mga ito para hugasan ang mga lambat. Kaya sumakay siya sa isa rito na pag-aari ni Simon at hiniling dito na lumayo ng kaunti mula sa dalampasigan. Umupo siya at mula sa bangka’y sinimulang turuan ang maraming tao. Matapos siyang magsalita, sinabi niya kay Simon: “Pumalaot ka at ihulog ninyo ang inyong mga lambat para humuli.” “Guro, buong magdamag kaming nagpagod at wala kaming nakuha pero dahil sinabi mo, ihuhulog ko ang mga lambat.” At nang gawin nila ito, nakahuli sila ng napakaraming isda kaya halos magkandasira ang kanilang mga lambat. Kaya kinawayan nila ang kanilang mga kasamahang nasa kabilang bangka para lumapit at tulungan sila. Dumating nga ang mga ito at pinuno nila ang dalawang bangka hanggang halos lumubog ang mga iyon. Nang makita ito ni si Simon Pedro, nagpatirapa siya sa harap ni Hesus at sinabi: “Lumayo ka sa akin, Panginoon, sapagkat taong makasalanan lamang ako.” Talaga ngang nasindak siya at ang lahat niyang kasama dahil sa huli ng mga isda na nakuha nila. Gayundin naman ang mga anak ni Zebedeo na sina Jaime at Juan na mga kasama ni Simon. Ngunit sinabi ni Hesus kay Simon: “Huwag kang matakot; mula ngayo’y mga tao ang huhulihin mo.” Kayat nang madala na nila ang mga bangka sa lupa, iniwan nila ang lahat at sumunod sa kanya.
Pagninilay:
Sumagot si Simon, Guro, magdamag po kaming nagpagod at wala kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat. Handang tumugon si Simon sa kaniyang narinig, sapagkat malakas ang kanyang kutob na may mas malaki pang magaganap. Nasaksihan na niya ang pangangaral, himala at pagpapagaling ni Hesus. Sa dami ng kanilang huling isda ng umagang iyon, ito’y isang kagilagilalas na karanasan para sa kanya. Ramdam na ramdam pa niya…iba talaga ang dating ni Hesus! Mga kapanalig, manatili tayo kay Hesus. Sa mga pagkakataong parang susuko na tayo dahil parang feeling natin hindi tayo naririnig. Magbuntong hininga, at buong pusong idulog kay Hesus ang mga bagay na nagpapabigat sa ating kaluoban. Anyayahan natin si Hesus na sumakay sa bangka ng ating buhay at sumabay sa ating mga gawain. Paanyaya ni Hesus, huwag kang matakot! Noong nakaraang linggo, pumunta ako sa palengke para ipaayos ang payong ko. Nakilala ko si Mang Julian ang mala Mac Gyver sa libertad. Marunong lang talaga siya mag-repair ng kung anu-ano. Kuwento niya, “Ngayong panahon ng pandemya, natuto ako sa maraming diskarte sa buhay. Pag merong nagpapa- repair sa akin, payong, bag, sapatos, minsan pati gamit sa kusina, ginagawan ko ng paraan sabay na rin nang dasal. Abay, ayos din naman! Nakita ko talaga ang kamay ng Diyos. Hindi naman po ako nazero, wala namang pagkakataon na nabalot ako! Araw-araw may sapat lang, at least nakakakain at healhy naman.” Mga kapatid, bakas sa kanyang mukha ang pananalig na kasama niya ang Diyos sa araw-araw niyang paghahanap –buhay. Simpleng tao…na may simpleng pananalig sa Salita ng Diyos na nagbibigay lakas at gabay sa kaniyang paghahanapbuhay.
Manalangin tayo: Panginoon, nawa’y ang Iyong Salita ang aking magiging gabay at lakas nang magampanan ko ang aking mga tungkulin sa aking pamilya at pamayanan. AMEN.
-SR. AMELYNE PAGLINAWAN, FSP
MABUTING BALITA
AGOSTO 31, 2022 – Miyerkules sa Ika – 22 na Linggo sa Karaniwang Panahon
San Ramon Nonato
Pag-alis ni Hesus sa sinagoga, nagpunta siya sa bahay ni Simon. Inaapoy ng lagnat ang biyenang babae ni Simon. Kayat pinakiusapan nila siya tungkol sa kanya. Pagkayuko ni Hesus sa kanya, inutusan niya ang lagnat at nilisan siya nito. Kaagad siyang tumindig para maglingkod sa kanila. Paglubog ng araw, dinala naman sa kanya ng lahat ng tao ang kasama nilang mga may sakit ng iba’t ibang karamdaman. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila. Lumabas ang mga demonyo mula sa maraming tao at pasigaw na sinabi ng mga ito: “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Ngunit pinatahimik niya sila at di pinahihintulutang magsalita dahil alam ng mga ito na siya ang Mesiyas. Nang mag-uumaga na, lumabas si Hesus at pumunta sa isang ilang na lugar. Ngunit pinaghahanap siya ng maraming tao, at nang matagpuan siya’y sinikap nilang hadlangan na makaalis pa siya sa kanila. Pero sinabi niya sa kanila: “Dapat ko ring ipahayag ang Mabuting Balita ng paghahari ng Diyos sa iba pang mga bayan; ito ang dahilan kung bakit ako isinugo.” At nagpatuloy siyang mangaral sa mga sinagoga ng Judea.
Pagninilay:
Isang mapagpalang araw mga kapanalig! Ating natunghayan sa ebanghelyo ngayon ang kapangyarihan ng pagpapagaling ni Jesus sa mga tao. Ang kanyang pagpapagaling ay hindi lamang ang pisikal na kaginhawaan kundi ang ating spiritwal na pangangailangan at ang serbisyo ng paglilingkod. Dinala ni Simon kay Jesus ang biyenan niyang may sakit at hiniling na ito ay mapagaling. Dito natin makikita ang dakilang pananampalataya nila Simon na ang kanyang biyenan ay gagaling sa kamay ng Panginoon. Siya ay walang pag-aalinlangan na mawawala ang kaniyang nararamdamang sakit. Ito nawa ang ating pananampalataya na maipakita natin sa ating panginoon. Tayo ay magtiwala na pagagalingin niya tayo sa ating mga karamdaman. Sinasabi din sa atin na ating alalahanin ang ating kapwa. Ipagdasal natin ang kanilang kaligtasan at kalusugan. Hinid lamang sarili natin ang isipin kundi ating mga pamilya, kaibigan, at lahat ng taong nakapaligid sa atin. Higit sa panahong ngayon na kung saan ay maraming tao ang nakakaranas ng karamdaman, takot at pangungulila at nangangailangan ng ating mga dasal. Matapos mapagaling ang kanyang biyenan ay agad naman syang nagsilbi sa Panginoon. Ito ay uri ng pasasalamat sa ginawang pagpapagaling ni Hesus. Katulad niya ay huwag nating makakalimutan na magpasalamat at ibalik ang nararapat sa Panginoon. Tayo ay magpasalamat sa lahat ng mga biyaya na ating natatanggap sa araw-araw. Cl.Niel Matunog, SSP
GOSPEL POWER l AUGUST 31, 2022 - WEDNESDAY
22nd Week in Ordinary Time
Gospel: Lk 4:38-44
38After leaving the synagogue Jesus entered Simon’s house. Now Simon’s mother-in-law was suffering from a high fever, and they asked him about her. 39Then he stood over her and rebuked the fever, and it left her. Immediately she got up and began to serve `them. 40As the sun was setting, all those who had any who were sick with various kinds of diseases brought them to him; and he laid his hands on each of them and cured them. 41Demons also came out of many, shouting, “You are the Son of God!” But he rebuked them and would not allow them to speak, because they knew that he was the Messiah. 42At daybreak he departed and went into a deserted place. And the crowds were looking for him; and when they reached him, they wanted to prevent him from leaving them. 43But he said to them, “I must proclaim the good news of the kingdom of God to the other cities also; for I was sent for this purpose.” 44So he continued proclaiming the message in the synagogues of Judea.
Being healed of a sickness is a gift. Like all of God’s gifts, it is given not only for the benefit of the sick person but for the good of the entire community to which the person belongs, since every individual represents a network of relationships. If one is restored to good health, the person ought to allow that grace to flow into the community by rendering it service according to one’s capacity. Simon’s mother-in-law shows a profound awareness of this communal responsibility that accompanies the gift of renewed health and vigor.
Lord Jesus, keep us always aware that receiving a grace is not only a privilege but a responsibility, for we are conveyors and channels of your grace to one another. Amen.
GOSPEL POWER l AUGUST 30, 2022 - TUESDAY
22nd Week in Ordinary Time
Gospel: Lk 4:31-37
31Jesus went down to Capernaum, a city in Galilee, and was teaching them on the sabbath. 32They were astounded at his teaching, because he spoke with authority. 33In the synagogue there was a man who had the spirit of an unclean demon, and he cried out with a loud voice, 34“Let us alone! What have you to do with us, Jesus of Nazareth? Have you come to destroy us? I know who you are, the Holy One of God.” 35But Jesus rebuked him, saying, “Be silent, and come out of him!” When the demon had thrown him down before them, he came out of him without having done him any harm. 36They were all amazed and kept saying to one another, “What kind of utterance is this? For with authority and power he commands the unclean spirits, and out they come!” 37And a report about him began to reach every place in the region.
Jesus, whom the unclean demon acknowledges as the Holy One of God, is the one endowed with full power and authority to reclaim for God those held captive by forces opposed to God’s rule in the world and to restore them to their dignity as the free children of God. Jesus comes, not as a destroyer, as the unclean demon feared, but as the Savior. He will save, not by exercising violence to overcome the enemy, but contrarily, by confronting violence with nonviolence and disempowering it through self-sacrificial love. For love is the only way to triumph over evil.
Lord Jesus, deliver us from all the forces that seek to confuse us, to divide our loyalty, and lead us astray. Amen.
MABUTING BALITA
AGOSTO 30, 2022 – Martes sa Ika – 22 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Santa Juana (Jeane) Jugan
Ebanghelyo: Lc 4:31-37
Bumaba si Hesus sa Capernaum na isang bayan ng Galilea, kung saan niya nakaugaliang magturo tuwing Araw ng Pahinga. At nagulat ang mga tao sa kanyang aral dahil nagtuturo siya nang may kapangyarihan. May isang tao sa sinagoga na inaalihan ng maruming demonyo, na sumigaw nang malakas. “Ah, ano ang pakialam mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Para ipahamak kami kaya ka dumating. Alam ko kung sino ka, ang Banal ng Diyos!” “Tumahimik ka at lumabas sa kanya!” Pagkatapos ibulagta ng demonyo ang tao sa gitna nila, lumabas ito mula sa kanya nang hindi sinasaktan. Pagtataka ang sumalahat at nag-usap-usap sila: “Ano ito? Nakapag-uutos siya sa maruruming espiritu nang may kapangyarihan at lakas, at lumalabas sila!” Kayat kumalat ang usap-usapan tungkol sa kanya sa lahat ng lugar sa kabayanan.
Pagninilay:
Marahil ang sinasabi sa ating ebanghelyo ngayon araw ay makinig tayo kay Hesus sa kanyang mga salita. Kung titignan natin si Hesus ay hindi lamang nagsalita at nagturo sa mga taong ito. Bagkus ipinamalas at ipinakita pa n’ya sa mga taong ito na kung sino talaga sya. Sa pagpapalayas n’ya sa isang taong sinaniban ng demonyo nagulat at namangha ang mga tao sapagkat ay hindi nila ito inaasahan. Marahil sa ating buhay may mga panahon na hindi tayo naniniwala o nakikinig kay Hesus sa pagkat nilamon na tayo ng sitwasyon o problema na meron tayo. Kung ating susuruin ng mabuti, sinasabi na sating ng ebanghelyo na makinig at maniwala tayo kay Hesus sa pagkat s’ya ang anak ng Diyos Ama na magliligtas sa atin sa anumang sitwasyon na meron tayo. Ngunit marami parin sa ating hindi naniniwala sapagkat mas naniniwala pa tayo sa ating kakayahan kay’sa sa kakayahan ng Diyos na kayang baguhin ang ating kapalaran. Ngayong araw mga kapatid inaanyayahan tayo na ating Panginoon na wag kakalimutan na ang plano ng Diyos sa ating buhay at mas higit pa na maganda at makakabuti kay’sa sa ating mga plano sa ating buhay. Kung tayo man ay nahihirapan o di kaya nagugulumihanan ay tayo’y lumapit kay Hesus. Ang hinihingi lamang sa atin ni Hesus ay makinig tayo sa kanya hindi sa kung sino sa ating paligid. Ngayon, anong mas susundin mo ang sarili mong kagustuhan o ang kagustuhan ng Panginoon sa iyo? Amen! CL. PETER GOLD DOMINGUEZ, SSP
From the publisher's feed