
Sign up to save your podcasts
Or


ST. JOHN FISHER l PATRONS OF STATESMEN AND POLITICIANS
FEAST DAY: JULY 6
Have you heard about the English Reformation, how England broke away from the authority of the Pope and the entire Catholic Church, to become the Anglican Church? It happened in the 16thcentury and that event produced saints whom we honor these days. Among them is St. John Fisher, Catholic cardinal, theologian, writer and today patron of statesmen and politicians. John Fisher was born in Beverley, Yorkshire, in 1469, the eldest among four sons of Robert Fisher, a modestly prosperous merchant and his devout wife. John’s father died when he was eight. His mother remarried and had five children by her second husband. John was always in harmony with his extended family throughout his life. His early education took place in the college attached to his church. Later, he took up higher studies at the University of Cambridge and earned a Bachelor of Arts degree in 1487 and in 1491 he received a Master of Arts degree. He entered the seminary and was ordained into the Catholic priesthood on December 17, 1491. On July 5, 1501, he obtained a doctorate in Sacred Theology and was elected Vice Chancellor of Cambridge University. Fr. John Fisher worked hard to attract leading scholars of Europe to Cambridge. He promoted the study of Classical Latin, Greek and Hebrew authors. He also placed great importance on pastoral commitment. He established several foundations, including one dedicated to the dead. As a scholar and a priest he was upright, humble, dedicated, mortified, austere and conscientious. He tried with all his energies and ability, despite some oppositions, to administer properly the running of the university. He conceived and finished long-term projects. He also fought against the influence of Lutheranism. In 1504 he became Bishop of Rochester, Kent. To remind him of the shortness of life, he was known to have placed a human skull on the altar during his Mass and on the table during meals. Bishop John Fisher was tasked to study the validity of King Henry VIII’s marriage to Catherine of Aragon, the widow of Henry’s brother. By defending its validity, Henry, was enraged at him since he wanted to divorce Catherine. He compelled another bishop to annul his marriage to Catherine and married Anne Boleyn on January 25, 1533. They were excommunicated and Henry broke away from the Catholic Church making himself head of the Church of England. Besides refusing the annulment of the king’s marriage to Catherine, Fisher also rejected Henry’s claim as the supreme head of the Anglican Church. Fisher, together with Thomas More, chancellor, lawyer, judge and social philosopher, who also opposed the claims of the king, were sent as prisoners in April 1534 to the Tower of London where they remained for months without trial. The two men were sentenced to life imprisonment and the confiscation of all their personal properties. They were only pardoned by paying a large sum of money. When John Fisher was created a cardinal by Pope Paul III, early in May 1535, Henry was further angered. Fisher was again summoned for another trial, this time on the charge of high treason. Fisher, however remained firm in his convictions and belief. He proclaimed before a large audience that he was ready to die on behalf of the indissolubility of marriage. He was condemned and executed on June 22, 1535. His body was left to lie all day on the scaffold and his head hung on London Bridge. Thomas More was executed two weeks later. John Fisher was beatified by Pope Leo XIII with Thomas More and 52 other English martyrs on December 29, 1886. St. John Fisher, please pray that husbands and wives may love each other faithfully and uphold \ Do I believe and respect the indissolubility of marriage?
Mabuting Balita | Hunyo 27, 2022
Lunes sa Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mt 8:18–22
Nang makita ni Hesus ang maraming taong nakapaligid sa kanya, iniutos niyang tumawid sa kabilang ibayo. May lumapit sa kanya na isang guro ng Batas na nagsabi: “Panginoon, susunod ako sa iyo saan ka man pumunta.” Sinabi ni Hesus sa kanya: “May lungga ang asong-gubat, may pugad ang mga ibon, ngunit wala man lang mahigan ng kanyang ulo ang Anak ng Tao.” Isa pa sa mga alagad ang nagsabi sa kanya: “Panginoon, pauwiin mo muna ako para mailibing ko ang aking ama.” Ngunit sinagot siya ni Hesus: “Sumunod ka sa akin, at bayaan mong ilibing ng patay ang kanilang patay.”
Pagninilay:
Mapagpalang araw kapanalig! Nung kapanahunan ni Jesus, ang mga alagad ang pumipili sa kanilang guro. Pero si Jesus ay may sariling patakaran: siya ang pumipili ng kanyang mga alagad ayon sa pinili na ng Diyos Ama. Ito ay binanggit niya sa Ebanghelyo ni Juan na walang makakalapit sa kanya kung hindi ito aakitin ng Ama na siyang nagsugo sa kanya. Kaya nga nung nilapitan siya ng isang eskriba – sila yung mga eksperto sa batas, matatalino at magagaling kaya’t may kakayahang magsulat ng ibat ibang klaseng dokumento… sa panahon natin ito yung mga gawain ng mga abogado. Kaya naman nung nagsabi ang eskriba kay Jesus na gusto niyang sumunod sa kanya --- hindi naman siya tinanggihan ni Jesus pero hindi rin siya sinabihang “sige tanggap ka na.” Ang sinagot ni Jesus ay paanyayang tingnang mabuti ang kalooban at tunay na layunin nito. Binibigyan niya ng pagkakataong makapag isip isip ang mga katulad ng mga Eskriba dahil walang maipapangakong seguridad sa buhay ang mga may nais sumunod sa kanya. Sa madaling salita posibleng mawala at ipaiwan sa kanya ang kung anong meron siya. Sa kabilang banda, sa mga alagad na ni Jesus, may paalala siya na ang mas mahalaga sa kanya ay ang pagiging tapat sa pangakong sumunod at ipatupad ang misyong ipinagkakatiwala sa kanila --- dahil ito ay pagtupad sa kalooban ng Diyos. Kaya’t kung may mga bagay, materyal man o relasyon na mas mahalaga at binabalik-balikan at tila hindi kayang maiwanan, maaring hindi ito ang buhay na para sa atin. Ang importante, mga kapanalig, na kapag tayo ay tinawag sa buhay na maglingkod ng lubos sa Diyos – nawa ay lubos din tayong magtiwala sa Kanya na hindi niya pababayaan lalo na ang mga taong mahalaga sa atin.
SR. REAJOY, FSP
Mabuting Balita | Hunyo 26, 2022
Linggo sa Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Lk 9: 51- 62
Nang papalapit na ang panahon ng pag-aakyat sa kanya, tahasang ipinasya ni Hesus na pumunta sa Jerusalem. Nagpadala s’ya ng mga sugo para mauna sa kanya at pumasok sila sa nayon ng mga Samaritano, para ihanda ang kanyang matutuluyan. Peru ayaw nila siyang tanggapin dahil papunta sila sa Jerusalem. Kaya sinabi sa kanya ng kanyang mga alagad na Jaime at Juan: “Panginoon, gusto mo bang tumawag kami ng apoy na babagsak mula sa Langit para puksain sila?” Lumingon si Hesus at pinagwikaan sila, at sa ibang bayan sila nagpunta. Habang naglalakad si Hesus at ang kanyang mga alagad, may nagsabi kay Hesus: “Susunod ako sayo saan ka man pumunta” at sinabi sa kanya ni Hesus “May lungga ang mga pusang-gubat at may mga pugad ang mga ibon. Ang anak ng tao’y nama’y wala man lang mahiligan ng kanyang ulo” at sinabi naman niya sa isa “Sumunod ka sa akin.” Sumagot naman ito “Pauwiin mo muna ako para mailibing ko ang aking ama” ngunit sinabi sa kanya ni Hesus. “Hayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang mga patay. Humayo ka naman at ipangaral ang kaharian ng Diyos.” Sinabi naman ng isa pa “Susunod ako sayo panginoon peru pauwiin mo muna ako para makapagpaalam sa aking mga kasambahay.” Sinabi sa kanya ni Hesus: “Hindi bagay sa kaharian ng Diyos ang humahawak ng araro at pagkatapos ay lumilingon sa likuran.
Pagninilay:
Papunta si Jesus sa Jerusalem at wala nang atrasan ang gagawin niyang pag-aalay ng sarili sa krus. Tutuntunin niya ang Kalbaryo kung saan kusang-loob niyang ibibigay ang sarili para sa kaligtasan ng sanlibutan. Sa paglalakbay ni Jesus, kasama niya ang kanyang mga alagad. Pinauna niya ang ilan sa kanila ngunit hindi tinanggap ang grupo sa isang nayon ng mga Samaritano. Nagpuyos sa galit sina Santiago at Juan. Gusto nilang turiuan ng leksyon ang mga Samaritano. Balak nilang pugnawin ang nayong iyon. Mahinahon ang nagging tugon ni jesus. Aniya, hindi espiritu ng kapahamakan ang kinakapitan ng kanyang mga alagad kundi espiritu ng pagliligtas. Tinawag niyang “mga anak ng kulog” sina Santiago at Juan dahil sa pagiging mainitin ng kanilang ulo. Para sa mga alagad niya, itinuturo ni Jesus na kailanma’y walang lugar ang poot o dahas laban sa mga taong hindi tumatanggap o kumakalaban sa Diyos. Kahit pinag-isipin si Jesus ng masama, at paratangan siya ng mga maling akusasyon, kailanma’y hindi sumabog sag alit si Jesus para ipagtanggol ang sarili niya sa mga maling akusasyon. Nanatili siyang mahinahon at ipinapakita sa kanyang mga alagad kung paano isabuhay ang dakilang utos ng pag-ibig. Masasaksihan ng mga alagad ang sukdulan ng pag-ibig ni jesus kapag nakapako na siya sa krus. Lahat na ginawa niya sa loob ng tatlong taon ay pawang kabutihan ngunit pinaratangan siya ng mali at ipinako na tulad ng isang criminal. Magkagayon man, pawang pag-ibig pa rin ang namutawi sa kanyang bibig. Walang poot, walang paghihimagsik, kundi pagpapatawad sa nagpako at nanghiya sa kanya. Totoong hindi madali ang pagsunod kay Jesus. Itinuro niya ang Espiritu ng pagpapatawad sa halip nag alit. Sa taong nagprisinta na mapabilang sa grupo ni JHEsus, nilinaw niya na hindi magiging madali ang lahat. Sa pangalawang taong tinawag naman mismo ni Jesus, sinabi niyang kailangang handa tayong bitiwan pati mga mahalagang tungkulin natin sa pamilya para sa Panginoon. At sa pangatlong taong nais maging alagad, sinabi ni Jesus na kailangang sumunod siya na buo ang loob at walang sasayanging panahon.
FR. PAUL MARQUEZ, SSP
Word and Songs | Paul and Protocols of Hope
Sr. Rose Agtarap, fsp
Today, we will dwell on some of Paul’s words and the protocols for hope. Yes, you heard me right. I said protocols. The most common meaning of protocol is “a system of rules that explain the correct conduct and procedures to be followed in formal situations.” In simple terms, guidelines. Just as there are Covid protocols, there are also protocols for hope. And who best can guide us, but St. Paul who himself experienced a lot of tribulations: lashings, beatings with rods, stoning, shipwrecks, hunger, thirst, persecutions, anxieties and other dangers. Did he ever get conflicted, fearful, unsure? You bet! I guess God had to remind him who he was and to whom he belonged many times over.
You are loved. You are strong and you belong to God who holds you in the palm of his hands. Thomas Merton writes: “If, instead of trusting in God, I trust only in my own intelligence, my own strength, and my own prudence, the means that God has given me to find my way to him will all fail me. Nothing created is of any ultimate use without hope. To place your trust in visible things is to live in despair.” This is because we don’t see things as they really are, unless we see them in the light of pure hope.
You know, we might make choices, hard decisions thinking that it is in the best interest of the people we love, only to end up hurting them or ruining their future. Even the best intentions do not guarantee the happiness or success one desires. So we hope they will understand. St. Paul tells the Colossians: “Put on a heart of compassion, kindness, humility, gentleness and patience.” Only God knows the complete picture and can be the sure ground for a real hope.
Hope is a certitude that God will always remain with us, no matter what the circumstances. But as GK Chesterton observed: “It is only when everything is hopeless that hope begins to be a strength at all.” Hopeful people do not pretend. They go about their business without fear, without too many expectations, without self-congratulation, and without self-pity. They do what they have to do, as a mother does. A mother does not make lists, does not pretend, does not count. She loves the baby, does what love tells her to do, and watches her baby and her hope grow. She is allowed to dream. Dreaming – hoping for something to happen – is magical. If you don’t know what you want, ask your dreams. A dream and hope fuel the energy for doing extraordinary things.
St. Paul was going from one place to another when he had a dream. A man from Macedonia was pleading with him: “Come over to Macedonia and help us.” He went and that changed the course of his missionary journey.
Hope can take you anywhere you want to go. High dreams and hope help us to heal our lives and to create our own masterpieces. But this should not be confused with unrealistic fantasy. High aims motivate us without denying reality. Mere fantasy, on the other hand, makes us fool ourselves into hoping to escape the dreary reality of life.
Here are the first two protocols for hope:
No. 1. Discover where your hope is. What gives you hope? Music? Relationships? Achieving goals? Prayer? Let it become part of your daily life. Try to reach your full potential. In times of setbacks and difficulties, do what you most like to do, what makes you happy.
No. 2. Set a goal. Write a mission statement with your goals. It could include exercising every day, writing a book, going back to school, starting a small business. Whatever it is, a goal directs your attention, focuses your intention and connects your activities with others. Working to achieve goals engages your talents, exercises your abilities, and builds hope in you, for you and for others.
Mabuting Balita | Hunyo 25, 2022
Sabado Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Puso ni Maria
Ebanghelyo: Lucas 2: 41-51
Pumupunta taun-taon sa Jerusalem ang mga magulang ni Hesus para sa Piyesta ng Paskuwa. Kayat nang maglabindalawang taon na siya, umahon sila tulad ng nakaugalian para sa pagdiriwang. Subalit nang umuwi na sila pagkatapos ng mga araw ng piyesta, naiwan sa Jerusalem ang batang si Hesus nang hindi namamalayan ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakalang kasama siya ng iba pang mga kasamahan, maghapon silang nakipaglakbay at noon nila hinanap ang bata sa mga kamag-anakan nila’t mga kakilala. Nang hindi nila siya matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem sa paghahanap sa kanya. At sa ikatlong araw, natagpuan nila siya sa Templo, nakaupong kasama ng mga guro at nakikinig at nagtatanong sa kanila. At namangha sa kanyang talino at mga sagot ang mga nakarinig sa kanya. Nagulat ang kanyang mga magulang pagkakita sa kanya, at sinabi sa kanya ng kanyang ina: “Anak, bakit mo naman ito ginawa sa amin? Nagdusa nga ang iyong ama at ako habang hinahanap ka namin.” Ngunit sinabi niya sa kanila: “At bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?” Pero hindi nila naintindihan ang sinabi niya sa kanila. Kaya bumaba siyang kasama nila pa-Nazaret, at patuloy siya sa pagiging masunurin sa kanila. Iningatan naman ng kanyang ina ang lahat ng ito sa kanyang puso.
Pagninilay:
Saan nga ba natin madalas makita ang Panginoon? Sa Simbahan lamang ba? Sa tahanan? Sa lugar kung saan tayo nagtatrabaho? Sa lansangan? Saan nga ba natin nakaka daupang palad ang Panginoon?
Naniniwala ako na ang isa sa pinaka paboritong tambayan ng Panginoon ay walang iba kundi sa ating mga Puso. Kamusta na ba ang ating mga puso? Malinis pa ba ang ating mga puso para sa ating Panginoon? O tambak na ba ng mga kalat na at dumi ito ng mga bagay na nakakasama sa ating Puso? Puro galit, pighati, hindi pagkakaunawaan, walang pagpapatawad, kasakiman. Puso na puro na lang ikukumpara ang sarili sa iba? Puso na may selos, puso na puro na lang reklamo?
Ngayong kapistahan ng kalinis-linisang puso ng mahal na ina nating si Maria. Tayo ay pinapaalalahanan na ating alagaan, linisan, ayusin, at baguhin ang ating mga puso para sa ating Panginoon katulad ng Puso ng ating mahal na ina na handang magmahal sa Panginoon.
- Rev. Fr. Januarius Ma. Paglinawan, MMHC | Marian Missionaries of the Holy Cross
PANALANGIN:
Panginoon, tulungan Ninyo po kaming magkaroon ng pusong tapat at nagmamahal. Ama, manahan ka nawa sa aming mga Puso upang aming manibago ito at maging pusong katuwang mo. Nawa’y matularan naming ang Puso ni Maria na simula’t sa huli ay walang sawang nagmamahal sa iyo. Amen.
Mabuting Balita | Hunyo 24, 2022
Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus
Ebanghelyo: Lk 15, 3-7
Sinabi ni Hesus sa mga Pariseo at mga guro ng batas, ang talinghagang ito sa kanila “Kung may isandaang tupa ang isa sa inyo at mawala ang isa sa mga ito? Hindi ba niya iiwan ang siyamnapu't siyam sa ilang para hanapin ang nawawala hanggang matagpuan niya ito? At pag natagpuang ito’y masaya niya itong pipasan sa balikat. At pagdating sa bahay ay tatawagin niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Matuwa kayong kasama ko sapagkat natagpuan ko na ang nawawala kong tupa!’ Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon din ng higit na kagalakan sa Langit para sa isang makasalanang nagsisisi, kaysa sa siyamnapu't siyam na matuwid na di nangangailangang pagsisi.”
Pagninilay:
Mapagpalang Kapistahan ng Kabanal Banalang Puso ni Hesus! Nawa’y patuloy na umaalab ng pagmamahal at pagkalinga ang ating mga puso tulad ng puso ni Hesus. Katiyakan, kapanatagan at radikal na pagmamahal ang hatid sa atin ng mga pagbasa sa araw na ito. Nakakataba sa puso na malaman mula sa Ebanghelyo kung gaano tayo kahalaga sa Diyos. Akalain nyo, handa nyang iwan ang syamnaput-syam alang alang sa isang nawawala, at sya’y nagdiwang hindi lamang mag-isa, kundi nangimbita pa ng ibang mag-sasaya dahil ito’y kanyang natagpuan. Marahil sa iba ay isa itong katangahan, o isang kabalintunaan ng buhay. Bakit ka nga ba naman susugal o iiwanan mo ang mas nakararami para sa isang nawawala o para sa isang pasaway? Mahirap unawain ngunit POSIBLE para sa isang tunay na Pastol. Ang isang tunay na Pastol ay di napapagod ang puso. Ito’y patuloy na nagmamahal, umaasa, naghihintay, nagpapaubaya. Sa kasalukuyang panahon, mayron pa bang tunay na mga Pastol? O baka masyado na tayong babad sa fake news sa social media kaya di na natin makita ang tunay na mukha ng isang mabuting Pastol! Di na natin alam paano magsiyasat ng tunay at huwad na Pastol. Para sa akin, ang mukha ng isang tunay na Pastol ay ating narinig sa mga pagbasa ngayong araw. Ito’y nararanasan ko sa mga taong nakakasalamuha ko araw-raw. Ito’y nakita ko sa isang Pastol ng ating bansa na naging liwanag sa gitna ng dilim dala ng pandemya, karukhaan at kawalan ng hustisya. Mas nakita ko ito sa kanyang mga salita, halimbawa at gawa. Lahat tayo ay mga Pastol saan man tayong estado ng ating buhay. Nawa’y patuloy tayong tumugon sa panawagan ni Hesus na maging radikal sa ngalan ng pagmamahal sa ating kapwa at bayan. Amen.
SR. CARMEL, FSP
Mabuting Balita | Hunyo 23, 2022
Dakilang kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista
Ebanghelyo: Lc 1:57–66, 80
Nang sumapit ang panganganak ni Elizabeth, isang anak na lalaki ang isinilang niya. Narinig ng kanyang mga kapitbahay at mga kamag-anakan, nagdalang-awa sa kanya ang Panginoon kayat nakigalak sila sa kanya. Nang ikawalong araw na, dumating sila para tuliin ang sanggol at pangangalanan sana nila itong Zacarias gaya ng kanyang ama. Sumagot naman ang kanyang ina: “Hindi, tatawagin siyang Juan.” Pero sinabi nila sa kanya: “Wala ka namang kamag-anak na may ganyang pangalan.” Kaya sumenyas sila sa ama ng sanggol kung ano ang gusto nitong itawag dito. Humingi siya ng masusulatan, at sa pagtataka ng lahat ay kanyang isinulat: “Juan ang pangalan niya.” Noon di’y nabuksan ang kanyang bibig at nakalag ang kanyang dila. Nakapagsalita siya at nagpuri sa Diyos. Kaya namayani ang banal na pagkatakot sa kanilang kapitbahay. At naging usap-usapan ang lahat ng pangyayaring ito sa buong mataas na lupain ng Juda. Nag-isip-isip ang mga nakarinig at nagtanungan: “Ano na kaya ang mangyayari sa sanggol na ito?” Dahil sumasakanya talaga ang kamay ng Panginoon. Habang lumalaki ang bata, pinatatag siya ng espiritu. Nanirahan siya sa disyerto hanggang sa araw ng kanyang pagkakahayag sa Israel.
Pagninilay:
Masaya tayo kapag nakakatanggap tayo ng regalo mula sa ating mga mahal sa buhay pero mas nagiging masaya at nasosorpresa tayo kung may mga taong hindi natin inaasahan na magbigay sa atin ng regalo o kaya pinapasalamatan nila tayo sapagkat tayo ang nakapagbigay ng inspirasyon sa kanilang buhay upang magsumikap at umunlad ang kanilang pamumuhay. Ito ang naging karanasan nila Elizabeth at Zechariah. Matagal na silang mag asawa at matagal na silang hindi nagkakaanak. Malamang, dumating din sila sa punto ng buhay nila na umaasa parin sila na magkaanak pero sa pagkakataong ito at tumanda na nga sila dumating narin sila sa punto na tanggap na nila ang kagustuhan ng Diyos para sa kanila na hindi na sila magkakaanak. Pero ang hindi nila alam doon pala sa punto ng buhay nila na hindi nila inaasahan doon pala gumalaw ang Diyos sa buhay nila sa pamamagitan na bigyan sila ng anak na papangalanan nilang Juan na ang ibig sabihin ay “Yahweh mapagmahal.” Mga kapatid, minsan dumarating tayo sa buhay natin na suko na tayo na lumapit sa Diyos kasi minsan naiisip natin tila bagang wala naman nangyayari at akala natin hindi naman pinakikinggan ng Diyos ang ating mga panalangin. Minsan tinitingnan natin ang gating mga rejections sa buhay bilang tanda na hindi tayo mahal ng Diyos. Mga Kapatid, ang buhay ni Juan Bautista ang patunay sa buhay nila Zechariah at Elizabeth na tunay nga ang Dios ay mapagmahal sa kabila ng pag iisip nila ng kawalan ng pag-asa. Kaya next time tingnan natin an gating mga rejection sa buhay bilang isang redirection sapagkat mas maganda ang plano ng Dios kaysa sa mga plano natin. Dapat lagi lang tayong bukas sa plano niya.
GOSPEL POWER l JUNE 22, 2022
Wednesday of Week in Ordinary Time
Saints John Fisher, bishop and Thomas More, martyrs, Saint Paulinus of Nola, bishop
Gospel: Mt 7:15-20
Jesus said, 15“Beware of false prophets, who come to you in sheep’s clothing but inwardly are ravenous wolves. 16You will know them by their fruits. Are grapes gathered from thorns, or figs from thistles? 17In the same way, every good tree bears good fruit, but the bad tree bears bad fruit. 18A good tree cannot bear bad fruit, nor can a bad tree bear good fruit. 19Every tree that does not bear good fruit is cut down and thrown into the fire. 20Thus you will know them by their fruits.”
Jesus evokes a most elementary and foolproof lesson from nature to teach us how to unmask evil that comes to us in the guise of good. Truth can never be suppressed and will always find a way to reveal itself. The true intentions of the heart are unmasked by the quality of a person’s deeds. Attempts to fake results and project a good appearance will, in the long run, backfire on the deceiver. Nature cannot but reflect the integrity of its Maker.
Lord Jesus, keep us attuned to your Holy Spirit, that we may become people of discernment. Amen.
Mabuting Balita | Hunyo 22, 2022
Miyerkules sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Mt 7:15-20
Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat sa mga bulaang propeta na lumalapit sa inyo na parang mga tupa pero mababagsik na mga lobo naman sa loob. Makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga. Makapipitas ba ng ubas sa tinikan o ng igos sa dawagan? Namumunga ng mabuti ang mabuting puno, at namumunga naman ng masama ang masamang puno. Hindi makapamumunga ng masama ang mabuting puno, at ang masamang puno naman ay hindi makapamumunga ng mabuti. Pinuputol ang anumang puno na hindi namumunga ng mabuting bunga at itinatapon sa apoy. Kaya makikilala ninyo sila sa kanilang bunga.”
Pagninilay:
Ang ebanghelyong narinig natin ngayon sinasabi sa atin ng ating Panginoon “na nagbubunga ng mabuti ang bawat mabuting punongkahoy subalit nagbubunga ng masama ang masamang punongkahoy.” Suriin natin ang ating mga sarili, ano ba ang binubunga o pinoproduce natin kabutihan ba o kasamaan? Makikita natin ito sa pamamagitan ng ating mga ugali at kung paano natin tratuhin ang ating kapwa. Tinutulungan ba natin silang palalimin and kanilang pananampalataya o di kaya tayo ang dahilan ng paglayo nila sa Panginoon? Tayo’y mga anak ng Diyos at mahal niya tayo at ninanais niya na magbunga tayo ng kabutihan. Inaanyayahan tayo ng Panginoon na maging instrumento ng habag at awa sa ating kapwa at sa ating mga sarili.Nawa’y ang salita ng Diyos ay maging gabay natin patungo sa pagbabago ng ating mga sarili at magbunga tayo ng pag-ibig sa ating kapwa at sa Panginoon ng sa ganon ay makamit natin ang buhay na walang hanggan. Amen.
SR. ANALYN, FSP
GOSPEL POWER l JUNE 21, 2022
Tuesday of 12th Week in Ordinary Time
Gospel: Mt 7:6, 12-14
Jesus said to his disciples, 6 “Do not give what is holy to dogs; and do not throw your pearls before swine, or they will trample them under foot and turn and maul you. …12“In everything do to others as you would have them do to you; for this is the law and the prophets. 13“Enter through the narrow gate; for the gate is wide and the road is easy that leads to destruction, and there are many who take it. 14For the gate is narrow and the road is hard that leads to life, and there are few who find it.” Being born into life, whether temporal or eternal entails a painful and difficult passage. Nature itself demonstrates that to be born into the physical world, an infant has to squeeze through the narrow maternal birth canal. Transition and transformation do not happen in an instant. There are no shortcuts that can effectively bring about these results. Only the way of Jesus, which is also nature’s way — self-sacrifice and long-suffering — can lead us there. Jesus’ call to enter through the narrow gate is an invitation to choose his path — his values, choices, and decisions. In other words, Jesus himself represents the narrow gate. The multitudes who enter through the wide gate are lured by illusory securities — wealth, pleasure, power, fame, with their empty promises of fullness of life. Jesus unmasks the illusion and opens the narrow path of truth and freedom. May we be numbered among the few who will dare to walk through it.
Lord Jesus, sharpen our sensitivity to your Holy Spirit, who is the compass that will surely direct us to you, who are the narrow gate that leads to life. Amen.
From the publisher's feed