
Sign up to save your podcasts
Or


GOSPEL POWER l MAY 7, 2022 - SATURDAY
3rd Week of Easter
Gospel: Jn 6:60-69
60When many of the disciples of Jesus heard it, they said, “This teaching is difficult; who can accept it?” 61But Jesus, being aware that his disciples were complaining about it, said to them, “Does this offend you? 62Then what if you were to see the Son of Man ascending to where he was before? 63It is the spirit that gives life; the flesh is useless. The words that I have spoken to you are spirit and life. 64But among you there are some who do not believe.” For Jesus knew from the first who were the ones that did not believe, and who was the one that would betray him. 65And he said, “For this reason I have told you that no one can come to me unless it is granted by the Father.” 66Because of this many of his disciples turned back and no longer went about with him. 67So Jesus asked the twelve, “Do you also wish to go away?” 68Simon Peter answered him, “Lord, to whom can we go? You have the words of eternal life. 69We have come to believe and know that you are the Holy One of God.
Jesus’ statement that immediately precedes the shocked reaction of his disciples is his claim in verse 58 to be the bread that came down from heaven. It implies that he is a divine being incarnated as man. This was already a stumbling block for the Jews, who asked incredulously, “Is this not Jesus, the son of Joseph… Then how can he say, ‘I have come down from heaven?’” (v. 42). Jesus’ reply to the shocked disciples is a promise of a greater shock. For his return to the glory of heaven will be accomplished through a scandalously violent and shameful death by crucifixion. Jesus himself admits that, without the aid of the Holy Spirit, this revelation is totally senseless to the human mind. Only those whom his Father chooses will be able to accept it without fully understanding it. At the end of Jesus’ speech about the bread of life, only the Twelve stayed. Lord Jesus, like Peter and the other apostles, we have no one in this world to turn to, except You, who are the sole fountain of life. Amen.
GOSPEL POWER l MAY 6, 2022 - FRIDAY
3rd Week of Easter
Gospel: Jn 6:52-59
52The Jews then disputed among themselves, saying, “How can this man give us his flesh to eat?” 53So Jesus said to them, “Very truly, I tell you, unless you eat the flesh of the Son of Man and drink his blood, you have no life in you. 54Those who eat my flesh and drink my blood have eternal life, and I will raise them up on the last day; 55for my flesh is true food and my blood is true drink. 56Those who eat my flesh and drink my blood abide in me, and I in them. 57Just as the living Father sent me, and I live because of the Father, so whoever eats me will live because of me. 58This is the bread that came down from heaven, not like that which your ancestors ate, and they died. But the one who eats this bread will live forever.” 59He said these things while he was teaching in the synagogue at Capernaum.
When the Son of God assumed our lowly nature, he also embraced the poverty of human language and subjected himself to its limitations. Thus, in this long speech about the “bread of life,” he labors to communicate the greatest gift that he comes, not only to reveal, but also to deliver to us — the life that he shares with his Father from all eternity. Speaking of a reality from above using words from below runs the risk of misunderstanding, but love dares to take that risk. No one is really capable of grasping what belongs to another dimension and is beyond sense-experience. What Jesus asks of us is to trust the revealer and the revelation, for only with faith will the language barrier be surmounted. His invitation to eat his flesh is actually a symbolic expression which means to put our faith in him. Lord Jesus, grant that our hearts may trust what our minds cannot grasp. Ignite our Faith! Amen.
GOSPEL POWER l MAY 5, 2022 - THURSDAY
3rd Week of Easter
Gospel: Jn 6:44-51
Jesus said to the crowd, 44“No one can come to me unless drawn by the Father who sent me; and I will raise that person up on the last day. 45It is written in the prophets, ‘And they shall all be taught by God.’ Everyone who has heard and learned from the Father comes to me. 46Not that anyone has seen the Father except the one who is from God; he has seen the Father. 47Very truly, I tell you, whoever believes has eternal life. 48I am the bread of life. 49Your ancestors ate the manna in the wilderness, and they died. 50This is the bread that comes down from heaven, so that one may eat of it and not die. 51I am the living bread that came down from heaven. Whoever eats of this bread will live forever; and the bread that I will give for the life of the world is my flesh.”
Is the Father’s act of drawing people selective? Does it exclude anyone? Other parts of John’s Gospel can enlighten us on this. In 3:16, Jesus declares that “God so loved the world that he gave his only Son, so that everyone who believes in him may not perish but may have eternal life.” Even if the world is portrayed in this Gospel as opposed to God, it remains to be the object of God’s all-encompassing love. No one is excluded. And in 12:32, Jesus says, “When I am lifted up from the earth, I will draw all people to myself.” Again, no one is excluded. It is the way we, human beings, respond to God’s loving initiative, the way we exercise our freedom, that will bring about either our inclusion or exclusion. God never stops drawing us to Jesus, but will we allow ourselves to be drawn? Lord Jesus, keep our freedom, our choices, and decisions always oriented toward you. Amen.
MABUTING BALITA
MAYO 10, 2022 - Martes sa Ika-apat na Linggo ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 10: 22-30
Piyesta ng pagtatalaga sa Jerusalem, at taglamig noon. Palakad-lakad si Hesus sa Templo sa patyo ni Solomon, at pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kanya: “Hanggang kailan mo ba kami ibibitin? Kung ikaw ang Kristo, sabihin mo sa amin nang tahasan.” Isinagot sa kanila ni Hesus: “Sinabi ko na inyo subalit ayaw ninyong maniwala. Nagpapatotoo sa akin ang mga gawang ginagawa ko sa ngalan ng aking Ama. Subalit hindi kayo naniniwala sapagkat hindi kayo kabilang sa aking mga tupa. Naririnig ng aking mga tupa ang aking tinig, at nakikilala ko naman sila, at susunod sila sa akin. Buhay na walang hanggan ang ibinibigay ko sa kanila at hinding-hindi sila mapapahamak ni walang aagaw sa kanila mula sa aking mga kamay. Mas dakila kaysa anuman ang ibinigay sa akin ng aking Ama, at walang makaaagaw mula sa kamay ng Ama. Iisa kami ng aking Ama.”
Pagninilay:
Minsan, habang naglalaro kaming magpipinsan, nakarinig kami ng isang malakas na sitsit: “Pssssst!” Biglang-bigla na tumayo ang aking pinsan at nagmamadaling umuwi sa kanilang bahay. Alam na niya na tinatawag siya. Alam niya na mula ang tunog na iyon sa kanyang ina. May iba’t ibang paraan ng pagtawag ang bawat pamilya. May roong sa pangalan, mayroong sa palakpak, may iba nga sitsit lang, alam na nilang sila ang tinatawag ng kanilang magulang o kapamilya. Natatangi din ang pagtawag na ito sa atin bilang mga Pilipino. Kung nais mo nga raw malaman sa ibang bansa kung may Pilipino doon sa isang lugar o pangkat ng mga tao, subukan mong sumitsit. Malamang ang lilingon ay makakikilala rin na Pilipino ka. Sa bawat pagtawag mahalagang maunawaan ang natatanging ugnayan na mayroon sa tumatawag at tinatawag, ugnayan na nakakikilala. Alam ng aking pinsan na siya ang tinatawag, kahit pa walang madidinig na pangalan dahil kilalalang kilala niya ang tinig ng kanyang ina. May katangian ang tunog na ito na kumakausap at kumakalabit sa kwerdas ng kanyang puso na tanging ang kanyang ina lamang ang makagagawa. Nauunawaan ng kanyang puso at isip na pinababalik siya at tinatawag pauwi ng kanyang ina. Marahil, ganito ang sinasabi ni Hesus sa ebanghelyo, na kilala at nakikinig at tumatalima ang mga tupa sa pagtawag ng Mabuting Pastol. Tumutugon ang puso sapagkat may malalim na ugnayan ang pastol sa mga tupa, gaya ng ugnayan ng ina at ng aking pinsan, gaya ng isang ama sa kanyang anak. Bukas ang kanilang puso at isipan, handang makinig at tumugon. Kung tinatawag tayo ng Mabuting Pastol, makikilala ba natin ang tinig niya? Nawa mapalalim pa natin ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos sa tulong ng ating pananalangin upang mas malinaw nating madinig ang tinig niya sa gitna ng maingay na paligid at dami ng mga gawain sa buhay.
MABUTING BALITA
MAYO 9, 2022 - Lunes sa Ika-apat na Linggo ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 10: 1-10
Sinabi ni Hesus “Talagang talagang sinasabi ko sa inyo. Ang hindi dumadaan sa pintuan sa pag pasok sa kulungan ng mga tupa kundi lumulukso sa ibang dako ay magnanakaw at magdarambong. Ang pastol ng mga tupa naman ay pumapasok sa pintuan. Binubuksan siya ng bantaypinto; at nakikinig ang mga tupa sa kaniyang tinig: at tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kanilang ngalan, at inilalabas niya sila. Kapag nailabas na niya ang tanang kanya, sa harap niya siyang naglalakad, at kanya sumusunod ang mga tupa: sapagka't kikilala nila ang tinig niya. Hinding hindi sila susunod sa dayuhan, kundi tatakasan nila siya: sapagka't hindi nila nakikilala ang tinig ng dayuhan”. Ito ang talinghagang sinabi ni Hesus. Ngunit hindi nila maintindihan kong ano ang gusto niyang sabihin sa kanila. Kaya sinabi ulit ni Hesus “Talagang talagang sinasabi ko sa inyo. Ako ang pintuan ng mga tupa. Magnanakaw lamang at mangdarambong ang lahat ng nauna sa akin, ngunit hindi sila pinakinggan ng mga tupa. Ako ang pintuan, kong may pumapasok sa pamamagitan ko, maliligtas siya at papasok, at lalabas, at makatatagpo ng pastulan. Ang magnanakaw ay hindi dumarating, kundi para lamang magnakaw, pumaslang at magpahamak. Dumating naman ako upang magkaroon sila ng buhay, at lubos na magkaroon nito”.
Pagninilay:
Mga kapanalig, napakaganda ng mensaheng inihahatid sa atin ng Mabuting Balita ngayong araw na ito. Si Hesus ang Mabuting Pastol. Siya ang pintuang dinaraanan ng mga tupa. At ang tinig lamang ni Hesus ang sinusunod ng mga ito. Ang mga tupa ang uri ng mga hayop na kailangang merong pastol na gagabay at mag-aalaga sa kanila. Kilala ng mga tupa ang tinig ng pastol. Naka imprint na sa kanilang pandinig ang boses ng kanilang shepherd, kaya kung may tumatawag sa kanila na iba ang boses hindi sila kikibo at kikilos, dedma, ika nga. Maiaangkop natin ito sa kasalukuyang sitwasyon ng ating buhay. Tanungin natin ang ating sarili. Katulad ba tayo ng mga tupa na ang tinig lamang ng Mabuting Pastol ang pinakikinggan? Hindi natin maikakaila na minsan ang atensyon natin ay napupunta sa mga bagay na wala namang kabuluhan. Para itong mga boses na hindi dapat pakinggan at pag-aksayahan ng panahon. Sa halip pakinggan natin ang boses na nagmumula sa ating pagmumuni-muni sa salita ng Diyos. Ito ang boses na gagabay sa atin upang gumawa ng mga makabuluhang bagay na makakabuti para sa ating sarili at kapwa. Mga kapanalig, sa araw na ito ng eleksiyon, pakinggan natin ang tinig ng Mabuting Pastol na nag-aanyaya sa atin na makilahok at ipakita ang pagmamalasakit sa ikauunlad ng bansa at ikabubuti ng ating kapwa sa pamamagitan ng paghalal ng karapat-dapat na lingkod-bayan.
ST. PASCHAL BAYLON l PATRON OF THE EUCHARISTIC CONGRESSES
Feast Day: May 17
Do you find it difficult to deny yourself and make some little sacrifices? All such self-denials if offered to God in reparation for our sins and the sins of the world are very pleasing to Him. Our saint today was someone who lived a mortified life, offering everything to God, which led him to a very holy life. Friends, please welcome St. Paschal (Pascual) Baylon. St. Paschal was born to a poor couple on May 16, 1540 in Torrehermosa, Spain. Being poor, he spent his childhood and adolescence as a shepherd and was not able to go to school. His parents, however, brought him up as a devout Catholic and he learned to appreciate prayer and the devotion to the Holy Eucharist. Though he had to be on the field tending the sheep early every morning, he was attentive to the sound of the church bell which rang at the Consecration during Holy Mass. Not knowing how to read, he carried a book with him into the fields, and asked whomever he met to teach him how to read, and in a short time, he was able to read. As a consequence of his great love for God, he was full of love for others especially the poor and the sick. Every day, he shared to some poor children the meager food that his family sent him into the fields. He was also a model of virtues, particularly honesty. Once, when his animals destroyed a few plants in someone’s farm, he accused himself to the owner and asked to pay for the little damage. But they were so good, not to accept his offer. The other shepherd boys laughed at his honesty, but he kept his calm. They were boys who were inclined to curse, quarrel and fight, but in his presence, they tried to control themselves. When he made known his desire to become a religious, several groups were suggested to him, but he chose the poorest. When he applied, he was at first denied because of his age and he went back to his pasturing the sheep. A little later, perceiving his holiness of life, he was admitted in 1564 as a religious brother. When asked why he still chose the Franciscans, he answered: “I was born poor and am resolved to die in poverty and in doing penance.” On February 2, 1565 he made his profession. His superiors urged him to become a priest, but he felt unworthy of the dignity of priesthood. As a religious, he increased his austere life. He often ate the leftover food in the kitchen. He wore a hairshirt with spikes and his habit were patched all over. He walked without sandals in the snows and in the rough roads. Yet, he was always happy, mild, friendly and respectful to all. He served in the community as cook, porter, gardener and the one who begged from door to door to ask for alms. He lived a life of contemplation even amidst his many work. He would spend the night praying before the Tabernacle. In 1576 his superior sent him to France to defend the Real Presence of Jesus against the Calvinists. He was violently opposed and broke his leg when a mob protesting against his preaching chased him, throwing stones and dirt at him. He returned to his convent and resumed his usual activities. Some years later he got ill and on May 17, 1592, he died. Many miracles were reported after his death. He was beatified on October 1618 and was canonized on October 16, 1690. Because of his devotion to the Eucharist, Pope Leo XIII proclaimed him as the “Seraph of the Eucharist” and patron of Eucharistic congresses. Art often depicts him with the Franciscan habit and carrying a monstrance.“St. Paschal Baylon, pray that people may believe in the Real Presence of Jesus in the Blessed Sacrament and desire to receive Him as food for eternal life. We also ask you to How often do I receive Jesus in Holy Communion? How do I behave when I am inside the church?
MABUTING BALITA
MAYO 8, 2022 - Ika-apat na Linggo ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 10: 27-30
Sinabi ni Hesus “Naririnig ng aking mga tupa ang aking tinig, at nakikilala ko naman sila, at susunod sila sa akin. Buhay na walang hanggan ang ibinibigay ko sa kanila at hinding-hindi sila mapapahamak ni walang aagaw sa kanila mula sa kamay ko. Mas dakila kaysa anuman ang ibinigay sa akin ng aking Ama, at walang makaaagaw mula sa kamay ng Ama. Iisa kami ng aking Ama.”
Pagninilay – Sr Gemma, FSP
Si Jesus ang ating Mabuting Pastol at ang ating Tagapagtanggol. Binubusog Niya tayo ng mga pagkaing makalangit sa bawat pakikinig natin sa Kanyang Banal na Salita at pagtanggap natin ng Eukaristiya. Pinoprotektahan tayo mula sa mga masasama at sa kaninumang maaring maglayo sa atin mula sa Kanya. Pinapaalalahanan tayo ngayon sa Ebanghelyo na mahalagang nakikinig tayo sa boses Niya. Nakikilala ba natin ang boses ni Jesus? Nakikilala at sinusunod ng Kanyang tupa ang boses nito. “The sheep that belongs to me listens to my voice...” Hindi madali ang makinig. Kailangang maglaan ng panahon – quality time. Kasi, maraming ingay ang ating naririnig ngayon. Nadidistract tayo sa maraming bagay sa ating paligid. Maaring masyado rin tayong tutok sa maari nating sabihin, kaya hindi madali ang pagbubukas ng sarili para makinig. Mga kapanalig, maraming ingay tayong naririnig sa ating panahon ngayon. Maraming boses ang maaaring kumuha ng ating atensyon. Sa Linggong ito ng Good Shepherd Sunday at World Day of Prayer for Vocations, hingin natin na matuto tayong makinig sa boses ni Jesus. Siya lamang ang makapaghahatid sa atin ng buhay dahil Siya mismo ay ang KATOTOHANAN.. Siya lamang ang makakahatid sa atin sa buhay na walang hanggan. Kailangang basahin o pakinggan natin ang Salita ng Diyos. Maglaan tayo ng sapat na panahon para pagnilayan ito. Paulit –ulit na basahin hanggang mababad tayo rito. Paraan ito para mahubog ang ating puso at isip sa Mabuting Pastol. Paka-isipin natin na nawawala ang kagandahan ng buhay., nararanasan natin ang pagkasira, at ang kawalan ng buhay kung hindi ang tamang boses ang ating sinusundan. Alam natin na hindi madali ang makinig dahil sa dami ng boses na gustong mapakinggan at paniwalaan. Ngunit, mahalagang maging mapanuri tayo. Ipagdasal natin ang paggabay ng Esiritong Banal na gagabay sa atin bilang mga anak ng Diyos. Nang sa gayon, magampanan natin ang ating misyon na iniatas sa atin ng Panginoon. Maging boses nawa tayo sa ating mga kapatid na naliligaw at nawawala. Mga kapanalig, election day na po bukas, magmalasakit tayo lalo na sa kapakanan ng kapwa at bayan. Manalangin tayo sa Diyos at magtulungan para sa isang mapagkakatiwalaan, mapayapa at tagumpay na halalan para sa ikabubuti nating lahat.
MABUTING BALITA
MAYO 7, 2022 - Sabado sa Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 6:60-69
Sinabi ng mga alagad ni Hesus: “Sino ang makakarinig sa kanya?” Alam naman ni Hesus sa loob niya na nagbubulung-bulungan tungkol dito ang kanyang mga alagad kaya’t sinabi niya sa kanila: “Nakakaiskandalo ba ito sa inyo? Ano kaya kung masaksihan ninyo ang Anak ng Taong umaakyat sa dati niyang kinaroroonan…? Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; walang bisa ang laman. Ang mga salitang binigkas ko ay Espiritu kaya buhay. Datapwat ilan sa inyo ang hindi naniniwala.” Sapagkat alam ni Hesus mula sa simula kung sino ang mga di maniniwala at kung sino ang magkakanulo sa kanya. At sinabi niya: “Dahil dito kaya ko sinabi sa inyo na walang puwedeng lumapit sa akin malibang ipagkaloob ito sa kanya ng Ama.” Kaya marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na nagpatuloy sa pagsama sa kanya. Sinabi naman ni Hesus sa Labindalawa: “Gusto rin ba ninyong umalis, Pedro?” “Panginoon, kanino kami pupunta? Mga salita ng buhay na walang hanggan ang iyong salita. Naniwala nga kami at nakilala namin na ikaw ang Banal ng Diyos.”
Pagninilay:
Ngayong araw, ating tinatapos ang Bread of Life discourse sa ebanghelyo ni San Juan. Dito’y isinalaysay ni Hesus kung paanong siya ang Tinapay ng Buhay. Hindi makapaniwala ang marami. Kaya naman maraming mga taga-sunod ang umalis, tinalikuran si Hesus, at bumalik sa kanilang dating pamumuhay. Tinanong ngayon ni Hesus ang kanyang close circle, ang Labindalawa, “What about you? Do you want to go away too?” “Kayo mga best friends? Tatalikuran niyo rin ba ko?” Dito’y walang anu-anong tumugon si Pedro, “Master, to whom shall we go? You have the words of eternal life. We have come to believe and are convinced that you are the Holy One of God.” “Eh saan naman kami pupunta, Lord? Naniniwala, nagtitiwala, at kumbinsido kami sa’yo at mananatili kami, no matter what.” Sa orihinal na Griyego, ang “believe” at “convinced/know” ay nasa perfect tense. Ibig sabihin, ang tugong ito ay hindi lamang panandalian kundi isang tuloy-tuloy na aksyon at kalagayan. Mga kapanalig, sana, maging tugon natin ang tugon ni Pedro. Kung pagninilayan pa natin nang mas malaliman, malalaman nating tama ang tugong ito. Patunay dito ang mga himala ng Diyos na naipangyari sa ngalan ni Hesus at sa pamamagitan ni Pedro sa Unang Pagbasa. Walang ibang daan kundi ang Daan ni Hesus. Ang Daan ni Hesus ay hindi lamang pagiging sunud-sunuran sa isang relihiyon. Ito’y pagkamulat na ang Daang nais niyang tahakin natin ay ang daan sa tunay na pagpapakatao. Hindi lamang pagiging mabuting Kristiyano ang pagsasaloob at pagsasabuhay sa katauhan ni Hesus. Ito’y pagiging tao ayon sa perpektong modelo ng pagpapakatao ni Hesus na siyang Diyos na nagkatawang tao. Ngayong araw, ating hilingin sa Diyos ang pagpapala upang tayo’y makapanatili sa buhay na alok ni Hesus sa atin. Makita nawa natin ang mundo sa mga mata ni Hesus, ang Tinapay ng Buhay.
MABUTING BALITA
MAYO 6, 2022 - Biyernes sa Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 6: 52- 59
Nagtalo-talo ang mga Judio at nagsalita: “Papaano tayo mabibigyan ng taong ito ng karne upang kainin?” Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, kung hindi ninyo kakainin ang laman ng Anak ng Tao at iinumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay sa inyong kalooban. May buhay na walang hanggan ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo at ibabangon ko siya sa huling araw. Sapagkat tunay na pagkain ang aking laman at tunay na inumin ang aking dugo. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin at ako naman sa kanya. Sinugo nga ako ng buhay na Ama, gayundin naman dahil sa akin mabubuhay ang kumakain sa akin. Ito ang tinapay na pumanaog mula sa Langit, hindi para kainin at mamatay tulad sa inyong mga ninuno. Mabubuhay naman magpakailanman ang kumakain ng tinapay na ito.” Sinabi ni Hesus ang mga bagay na ito sa sinagoga habang nangangaral siya sa Capernaum.
Pagninilay:
Mga kapatid, sa lahat nang nasusulat tungkol sa Eukaristiya, ang Ebanghelyong narinig natin ang malinaw na nagpapahayag na ang Eukaristiya ang mismong katawan at dugo ng Panginoong Jesukristo. Mariin Niyang sinabi ito at hindi Siya maaaring magkamali sa nais Niyang ipabatid na “May buhay na walang hanggan ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo at ibabangon ko siya sa huling araw. Sapagkat tunay na pagkain ang aking laman at tunay na inumin ang aking dugo.” Sa Banal na Eukaristiya, nakatagpo natin si Hesus na Muling Nabuhay, ang maluwalhating Hesus. Sa unang pagbasa ngayon, Kung paanong binago at ginamit ng Panginoong Hesus si San Pablo Apostol sa Kanyang misyon, sa kabila ng kanyang espiritwal na pagkabulag sa una, tayo din bilang mananampalataya, Kanya ring gagamitin para ipagpatuloy ang pagsaksi na tunay nga Siyang nabuhay. Mga kapatid, sa kabila ng ating mga kasalanan, pagkukulang at nakaraan-tayo ang simbahang itinatag ng Panginoon. Tayong mga nakikinabang sa Kanyang dugo at laman sa Banal na Eukaristiya, paano natin maipakikita sa ating buhay na tunay nga Siyang buhay, at kumikilos Siya sa mundo sa pamamagitan natin?
MABUTING BALITA
MAYO 5, 2022 - Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Jn 6:44-51
Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Walang puwedeng lumapit sa akin kung hindi siya ihahatid ng Amang nagsugo sa akin. At ako ang magbabangon sa kanya sa huling araw. Nasusulat sa mga Propeta, ‘Tuturuan nga silang lahat ng Diyos’, kaya ang bawat nakikinig sa Ama at natututo ay lumalapit sa akin. Wala ngang nakakita sa Ama liban sa kanya na galing sa Diyos, siya ang nakakita sa Diyos. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, may buhay na walang hanggan ang naniniwala sa akin. Ako ang tinapay ng buhay. Kumain nga ng mana sa ilang ang mga ninuno at nangamatay pa rin. Narito naman ang tinapay na pumapanaog mula sa Langit, upang huwag mamatay ang kumain nito. Ako ang tinapay na buhay, na pumanaog mula sa Langit. Kung may kakain ng tinapay na ito, mabubuhay siya magpakailanman. At ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, alang-alang sa ikabubuhay ng mundo.”
Pagninilay:
Sa huling hapunan, inialay ni Hesus ang kanyang sarili bilang tinapay at alak sa kanyang mga apostol. Ang tinapay at alak, sa tuwing gagawin natin ang pag-aalala sa kanya, ay nagiging tunay na katawan at dugo ni Hesus. Inihabilin niya ang gawaing ito upang sa tuwing inaalala natin siya sa paghahati-hati at pagbabahaginan ng tinapay at alak, naroroon at kasama natin siya! Sa tuwing kakain at iinom tayo ng katawan at dugo ni Kristo, ipinapahayag natin kung sino si Hesus (tgn.1 Cor 11:26). Ngunit bakit nga ba tinapay at alak? Hindi ba pwede ang cookies at coke? Biskwit at fruit juice? Bakit sa anyo ng pagsasalo-salo niya inihabilin ang kanyang sarili? Kung titingnan ang kultura ng mga Hudyo, pangkaraniwang pagkain at inumin ang tinapay at alak. Gayundin, para sa kanila, ang pagsasalu-salo ay tanda ng pagkakaisa at pagkakaibigan. Sa ganitong ideya ng pagkain, inumin, at pagsasalu-salo inaalala natin kung sino si Hesus. Si Hesus na karaniwan. Si Hesus na hindi nagpakilala bilang mayaman o makapangyarihan. Si Hesus na mukha ng mga aba at karaniwang tao-ang tinapay at alak na papawi ng ating uhaw at gutom sa maghapon. Si Hesus na kasalo sa hapag ng mga taong nawawalan ng direksyon sa buhay at mga makasalanan. Si Hesus na buhay, at patuloy nating kasalo at pagsasaluhan hanggang tayo’y makarating sa Ama.
From the publisher's feed