Historical Biographical narratives about Albert Einstein in Tagalog Language. This section is the second of three parts.
EXCERPT:
Noong taon – MIL OTSO SIENTOS NUBENTA’Y KUWATRO (1894), nagpunta ang mga magulang ni Albert sa Italia at doon sila nagtrabaho. Dahil nag-a-aral noon si Albert, nagpaiwan muna siya sa Munich upang taposin niya ang kanyang pag-a-aral. Sa mga tiyempong iyon, lalong sumidhi ang atensiyon ni Albert sa kanyang pag-aaral. Naging kakaiba ang kanyang kahusayan sa Matematika ng Calculus. Subalit, malimit siya noong hindi pumapasok sa iba niyang mga klase upang siya’y makapunta sa laboratoryo. At sa mga klase na hindi niya inintindi, nasabi ng mga propesor sa mga ito na wala siyang hahantungan sa buhay.
Noong nagka-edad siya ng LABIMPITO (17), humarap siya sa isang eksamen sa pagtugtog ng biyulin. Natanto ng magtuturo noon na nagbigay ng eksamen sa kanya na mayroon itong kakaibang pang-unawa sa musika.
Sa mga sumunod na dekada, naging mahusay na biyulinista si Albert Einstein. Subalit mas nananaig ang kanyang pagkainteres sa siyensa. Ayon sa kanya: “Nabuhay ako sa mga pangitain ko sa musika. Minamatyagan ko ang aking buhay sa alituntunin ng musika.”
Noong MIL OTSO SIYENTOS NUBENTA’Y SINGKO (1895), gusto niya noon ang mag-aral ng inhenierya at mag-pokus sa linya ng elektrisidad subalit noong siya’y kumuha ng eksamen para makapasok sa Eidgenossische Technishe Hoschule
o SWISS FEDERAL POLYTECHNIC INSTITUTE sa Switzerland (Suisa), hindi niya naipasa ito. Gayunpaman, siya’y napayagan na mangumpleto sa kanyang grado sa ARGOVANIAN CANTONAL SCHOOL sa Aarau (‘O-R A W’), Switzerland . Noong MIL OTSO SIYENTOS NUBENTA’Y SAIS (1896), nakapasok ito sa SWISS FEDERAL POLYTECHNIC INSTITUTE para mag-aral ng apat na taon sa Matematika at Pisika habang siya’y nagturo naman dito ng kursong pang-diploma.
Sa unibersidad, nag-iisa lamang noon ang babaing kaklase niya. Siya si MILEVA Maric. Isang mahusay na matematiko at pisiko na taga Serbia si Mileva. Itong unibersidad na pinapasukan nila, ang pangalawang unibersidad sa Yuropa na tumanggap ng babaing estudyante sa mga programa na kanilang itinuturo. Si MILEVA ay siyang panlimang babae pa lamang na nag-aral ng Matematika at Pisika sa unibersidad na ito sa mga panahong iyon. Naipanganak si Mileva sa isang pamilya na nasa Imperio ng Hungaria. May kakayahan ang kanyang kamag-anakan. Sa mga tiyempong iyon, hindi pa noon pinapayagan ang mga babae na makapagtapos at makatanggap ng edukasyon mula sa unibersidad sa Hungaria.
Kung kaya sinamahan siya ng kanyang ama na si MILOS “MARITCH” Maric, na pumunta sa Suisa (Switzerland) upang pumasok na mag-aral ng sekundaria sa eskuwelahan ng mga babae. Isang mataas na opisyal noon ng korte sa Zagreb, Croatia ang ama ni Mileva. Bagaman mayroong bahagyang kapansanan sa paglakad si Mileva, dahil sa pagkakapilipit (pagkakabalikuko) ng balakang nito noong siya’y bagong panganak, hindi ito naging balakid sa kanyang edukasyon dahil sa husay, talino at pananagumpay niya sa akademya.
Habang sila ay nagkaklase noon sa unibersidad, lagi-lagi noong nagsasama sina Albert at Mileva. Paminsan-minsan noon na hindi nag-a-atendar ng klase si Albert at sila’y nagtutulungang dalawa sa kanilang mga inaaral. Magaling sa pag-aayos ng sistema ng pananaliksik si Mileva. Tatlong taon itong nakakatanda kay Albert. Pareho silang masigasig sa kanilang pag-a-aral, pananaliksik at pagsusulat. At bagaman kadamihan sa kanilang isinusumiteng artikulo tungkol sa pinagsamahan nilang inaaral at sinasaliksik ay napapunta lahat sa pangalan ni Albert, marami mga nilalaman ng mga sulat nila sa isa’t-isa na dalawa ang nakakapag- patunay na sila’y nagkolaborasyon sa mga konsepto na kanilang pinag-aralan at sinaliksik...."
PLEASE LISTEN TO THE PODCAST FOR THE FULL AND COMPLETE EPISODE.