Historical narrative of Japan’s Sengoku Jidai period in Tagalog (Philippines) version. This is the first of 4 parts.
EXCERPT:
Ang podcast na ito ay tungkol sa bansang HAPON noong panahon na tinatawag na SENGOKU JIDAI. Marahil naririnig na ninyo ang salitang ito at gayundin ang mga pangalan ng mga tao sa kasaysayan na kaugnay ng mga laro sa kompyuter na may kinalaman sa mga Ninja, Samurai at iba pa. Ang mga pangalan na ito ay may pinagbatayan na mga totoong tao na nabuhay noong unang panahon sa bansang Hapon.
Ika-labing limang siglo noon sa lupang Hapon na tinatawag na Lupang Pagsisikatan ng Araw – ang mga tao ay nabuhay sa pamumuno ng emperor na si Emperor GO TSUCHIMIKADO. Siya noon ang ika-sandaan at tatlong (103) emperor ng imperyo ng Hapon. Naupo siya sa tronong tinawag na CHRYSANTHEMUM sa palasyo ng imperyo sa Kyoto mula MIL KUWATRO SIYENTOS APAT NA PU’T DALAWA (1442) hanggang MIL LIMANG DAAN o PANLABING LIMANG SIGLO (1500). Maibatay sa kronika ng Hapon na NIHON SHOKI at ang libro na KOJIKI tungkol sa kostumbre at tradisyon na Hapon, ang monarkiya na pamumuno ng nobilidad na linya ng angkan sa Hapon ay naitayo noong taon – ANIM NA RAAN AT ANIMNAPU (660) bago nabuhay si kristo. Ipinatayo ito ni Emperor JIMMU na galing sa angkan ng Diyosa ng Araw na si AMATERASU OMIKAMI.
Nasasabi noon na si EMPEROR JIMMU ay apo-sa-tuhod ni NINIGI-NO-MIKOTO, isang diyos na galing sa kalangitan. Dahil dito, sa paniniwalang SHINTO ng mga Hapon, nanggaling pa rin si EMPEROR JIMMU sa diyos ng bagyo na si KAMI (espiritu ng diyos) SUSANOO.
Sa kabila ng pagkakaroon ng emperor sa kahariang imperyo, na siyang pinamakataas na namumuno ng bansa, mayroon ding naipatayo na gobyerno-militar ang Hapon sa mga sumunod na siglo. Ito ang humawak ng totoong kapangyarihan at siya rin ang nagpapasya sa direksiyon ng pamamahala ng gobyerno sa bansa. Itong gobyernong militar ay tinatawag na BAKUFU at pinamumunoan ito ng SHOGUN.
Ang pinaka-unang BAKUFU ay itinayo ni MINAMOTO YORIMOTO noong ika DALAWAMPU’T ISA ng AGOSTO, MIL SIYENTO, SIYAM NA PU’T DALAWA (1192) sa KAMAKURA. Ang Kamakura noon ang siyang pangunahing siyudad sa Hapon mula MIL SIYENTO WALUMPO’T LIMA (1105) hanggang MIL TRES SIYENTOS TATLUMPO’T TATLO (1333). Ang lokasyon nito ay sa PREPEKTURA ng KANAGAWA sa bandang timog ng siyudad ng TOKYO. Napangalanan noon itong gobyerno-militar na ito ng BAKUFU KAMAKURA.
Noong itinayo ni Yorimoto ang bakufu sa panahong iyon, ginawa niya iyon na ipinanghamon sa kapangyarihan ng emperor. Sinabotahe niya ang kapangyarihan ng korte ng emperor bilang sentro ng gobyerno.
Galing si Yorimoto sa pamilyang nobilidad. Siya ay apo ng angkan na pinanggalingan ni Emperor Seiwa na siyang naghari sa Hapon noong taong WALONG DAAN LIMAMPU’T WALO (858) hanggang WALONG DAAN PITUMPO’T ANIM (876).
Agresibo at walang pasensiya si YORIMOTO sa mga kaugalian at kostumbre na ini-a-angkop sa korteng imperyal.
Ipinagwawalang-bahala niya ang mga seremonyas ng monarkiya at nobilidad kahit pa na ang kanyang linyang pinaggalingan ay nobilidad. Subalit ninais niyang magkaroon ng sarili niyang kapangyarihan. Mainggitin, mahilig magsuspetsa at malupit ang kanyang pag-u-ugali. Kahit pa sa loob ng kanyang sirkolo sa sosyedad, wala siyang pag-iintindi. Noong ipinatayo niya ang BAKUFU, marami siyang pinapatay na mga tao. Pinag-u-usig niya ang lahat at wala siyang pinatawad, kasama pati mga kamag-anakan niya.
PLEASE LISTEN TO PODCAST FOR THE FULL EPISODE.